Monday, December 2, 2013

ako at si bunso

Check-up Time: 10:00pm


Haluuuuuuuuuu! kamusta na kayo? kung ako ang tatanungin nyo, heto tuyabi pa rin hihihi. Naipost ko na dati ang makulit at magulong usapan namin ni bunso kapag may mga sapi kami before (sa mga hindi naabutan ito po ang link pagibig at katarungan enjoy hihihi). Last week ay foundation day sa school kaya naman halos isang linggo din kami na walang ginawa kundi mag gantihan sa mga kabaliwan namin hahaha..

Kung paano narito po lolz:




Bunso: Kuya paano ba gamitin ito? (bagong stereo ni Paping)
Ako: Ano ba yan, ikaw na lang ang hindi pa nakakaalam gumamit nyan?
Bunso: eh paano nga kasi...
Ako: saka ako... ikaw at ako ang hindi nakakaalam gumamit nyan.
Bunso: *dinagukan ako*


*******


Ako: *pupungas pungas pa dahil kagigising lang*
Bunso: good morning, gusto mo ng kape?
Ako: uu gusto..
Bunso: eh di magtimpla ka na may mainit pang tubig dyan..
Ako: Litsi ka..


*******


*nagring ang phone*
Ako: Hello
Kabilang line: Pwede po ka (Bunso)?
Ako: *tinatamad bumaba*... Ay tumatae sya tawag ka mamaya konti
Kabilang line *natawa* ok po

maya maya *binatukan ni bunso*

Bunso: Ano sinabi mo sa ka-klase ko na tumatae ako..
Ako: *Tawa ng tawa*


*******


*nagring ang phone*
Bunso: Hello!
Kabilang line: Pwede kay Rix?
Bunso: *gumanti* Ay nasa CR, tumatae.. tawag ka po uli maya maya.
Kabilang line: ah sige ti-text ko na lang.
Bunso: ok

*beep beep* (sound effect ng message sa CP)

check ako ng phone..


Bestfriend: Nasaan ka na? tumawag ako sabi ng kapatid mo tumatae ka daw...

Ako: Bunso.... motherfather you! ano sinabi mo dito walang hiya ka......


*******


Di ba ganti ganti lang kami walang nanalo walang natalo ahaha. Minsan ayaw ko na pangunahan ng kalokohan ang kapatid ko kasi mapaghiganti lolz. Anyway kahit naman ganyan kami eh naaliw naman kami sa mga saltik namin pero walang nagpapakabog nyahaha.


Kahapon ay sinapian din ako ng kakaibang saltik at nag update ako ng music room ko. Walang kaabog-abog na nilagay ko ang nirecord ko 7 months ago na kanta ni Adele nyahaha sumakit tuloy ang tenga ng mga nakarinig (I'm sure) lolz.


O sya baka sapian ako ng iba pang saltik at kung ano pa ang maikwento ko sa inyo kaya babalik muna ako sa trabaho at baka makita ako ng manager ng acount namin na mainit ang dugo sa akin hihihi....


See you latur aligatur!


Tandaan, sa panahon ng kalungkutan: Pa-check up ka sa adik para lumabas ang saltik
God Bless!

11 comments:

  1. Hindi puwede sa amin yan, suntukan ang labas niyan. Sobrang high blooders pa naman ang aking pamilya. Linya din namin yang telephone lines ninyo, the old days.

    ReplyDelete
    Replies
    1. di ba nga sweet revenge ahahaha. sa amin ok lang nasanay na ang mga tao sa bahay nyahaha.

      Delete
  2. Replies
    1. wala oa si diko dyan kami pa lang ni bunso yan nyahaha

      Delete
  3. speaking of mapaghinganti, hindi ko magawa sa shameless kong ate ang ganito dahil buntal at sapak lang ang inaabot ko. Tomboy ate ko kaya taragis lang, i don't dare. haha

    ReplyDelete
    Replies
    1. ay sayang minsan ito ang exciting sa magkakapatid ang gantihan sa kalokohan.

      Delete
  4. hong kulet, natawa ako sa tumatae lolz

    ReplyDelete
    Replies
    1. nyahaha medyo mabaho di ba? lolz

      Delete
  5. baho ng kulitan hahaha, sarap ng may kafatidddd! na bunso, kaso wala ako!!!

    ReplyDelete

hansaveh mo?