Wednesday, December 25, 2013

Year ender chever

Check-up Time: 11:05pm

Hi...............................

way run, into the midnight sun..... kemeh lang po! Ito po ang aking year ender post, ang last entry ko sa taong 2013. Napakadami ko pa po sanang gusto i-post kaso sa totoo lang ginagawa ko din po na busy ang sarili ko kaya hindi ko na rin po na post ang mga gusto ko sanang sabihin sa pahina ko....

Masasabi ko na isang busy na taon ito sa pahina ko. 90 na entry ang nalathala ng mga kalokohan, seryoso, ma-emo at kung ano ano pang mga kakemehan ang nasaksihan at nabasa nyo sa maliit na pahinang ito sa taon na ito...

Sa totoo nga ay sabaw ang mga post ko dahil sa kadalasn ay hindi enough ang creative juice ko para masustain ang ine-expect ko sa page na ito.... Perfectionist ko lang... well sya namang dapat dahil sa para sa akin ay ang pahina na rin na ito ang naglalarawan sa akin bilang si Rix.

Sa 77 na sumubaybay sa pahinang ito ay tagos sa puso, atay, balunbalunan, esophagus, pancreas, apendix at iba pang internal organs ang pasasalamat ko sa inyo nakikisali pa ang dendrites at axon ko.

Opo, bilang sa daliri ang mga pumapatol sa post ko, ang iba ay silent reader, at ang iba ay paminsan minsang nagpaparamdan at may ilan din na man na tuluyan ng inanfollow ang pahinang ito. Kahit na ganito ang takbo ng pahinang ito ay lubos akong nagpapasalamat dahil sa ginawa ninyong masaya at kapanapanabik ang buhay ko bilang isang manunulat sa blogspero. Totoo na nakaramdan ako ng roller coaster of emotions, naks inartehan ko talaga ang pagi-english lolz.


Ang post na ito ay pagbabalik tanaw sa ilan sa mga entry ko sa blog na ito na aking naibigan. Ito po ang year ender post ng asylum ng isang Rixophrenic:


Paggawa ng makabuluhan:













Mga como-commercial at endorsement na post:






Ma-emotion na post:






Mga kalokohan kong post:
















Mga travel at food trip:













Dahil na rin sa hilig sa musika ay isinilang din sa taong ito ang isa pang blog ko, ang music room ni Maestro Sinto-Sintonado...

Sa mga kaibigan ko na sumubaybay sa music room ko nagpapasalamat po ako, hindi nyo lang alam kung gaano nyo ginawang mas lalong chubby ang heart ko....

Sa mga nameet ko na bloggers lalo na sa mga naging super close ko online at offline, ikinalulugod ko na makilala kayo... Sa mga hindi ko pa nakikilala, I'm looking forward, sideward at upward to meet you!!!


Hanggang sa susunod na taon mga pasyente ng asylum hehehe.





Tandaan, sa panahon ng kalungkutan: Pa-check up ka sa adik para lumabas ang saltik
God Bless!

34 comments:

  1. It's been a good year for the Rixophrenic. *hehe* Sana sa 2014 din. :)

    ReplyDelete
  2. Merry Christmas. Great year ender. Must unsee the picture of that semi-naked guy. :)

    ReplyDelete
  3. Part of my 2013 was visiting your Baguio entry and became hooked. Wishing you all the best and great friendships! Continue blogging and I do appreciate much your visits as well.

    ReplyDelete
    Replies
    1. no problem Jonathan... At na enjoy ko ng sobra ang trip na yan kaya babalik ulit ako ng there ehehe.

      Delete
    2. Uunahan na kita dahil ako ay pupunta this January.

      Delete
  4. Salamat rin at nakilala kita! Cheers to longer years of Friendship and sharing :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Chreers! palabas nga po ng sparkling wine dyan po... lolz..

      Delete
  5. Awwwww..... at isa pang.... awwwww.... :D

    I am also thankful na nakilala ko ang tulad mo sa mundo ng blogosperyo Rix :))

    Cheers for the friendship!

    -----
    akala ko may pasabog kang keme dito ahahaha :D

    -----
    nose bleed ako sa dendrites at axon LMAO!


    HAPPY CHRISTMAS!!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Overwhelming ang pasasalamat mo, Ang karangalan din ay sa akin.

      Hoy wala na muna akong pasabog, baka bibig ko na ang pasabugin kung magdadaldal pa ako lolz.

      Hindi ko rin alam yan nakita ko lang yan na parts ng katawan lolz.

      Merry xmas din pusa..

      Delete
  6. MErry Christmas.. talaganag siningit mo pa ung mga nag unfollow sau. hahahah

    ReplyDelete
    Replies
    1. Same to you po...

      yep alam mo naman sa page na ito everything is documented....

      Delete
    2. S-O-C-O

      dahil hindi nagsisinungaling ang ebidensya...

      *evil grin*

      Delete
  7. Replies
    1. salamat Olivr..

      Merry Christmas sayo at kay Sir OP pasabi po sa kanya. Nasa tacloban pa ata sya ngayon.

      Delete
  8. At least napapangiti mo ko lagi tuwing bisita ko dito:)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat sa isang taon pagsubaybay sa kalokoha ko mommy Joy

      Delete
  9. Daming ganap! More ganap to come on 2014 :)

    Merry Christmas Rix :)

    ReplyDelete
  10. bongggggaaa! hehe

    maligayang pasko at manigong bagong taon ka-adik na rix! hehe
    :p

    ReplyDelete
  11. Merry Christmas.... happy naman ako na naging part ako ng blog mo... at nasuybaybayan ko ang iyong paglalakbay....

    buti ka pa may year end chever hehehe

    Enjoy enjoy lang... at sana sa year 2014 marami ka pang maibahagi sa amin....

    ReplyDelete
    Replies
    1. ehehe ako din... sana yung blog mo eh maging ok na din...

      Delete
  12. Nagbablog k nmn sa office hahaha! Way to go rix!

    ReplyDelete
    Replies
    1. alam mop yan... powerful ang station ko lolz...

      Delete
  13. More blogging years to come and Happy holidays po!=D

    ReplyDelete
  14. Nakakatuwa talagang magbalik tanaw sa taon! Hehe! :D
    Happy holidaaaaaaaaaays! :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat po Jhanz. Tama lalo na kung nakita mo ang masasayang parte ng taon...

      Delete
  15. More pa!

    More of Rixophrenic!

    More Blessings!

    More years to come!

    Happy New Year Rix!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat Kuya Mar...

      Baka next year ay hindi na Rixophrenic eh ahahaha...

      Delete

hansaveh mo?