Haluuuu...
I ken si yur haluuuu, haluuuuuuuhuhuhu...
I ken si yur haluuuuuuu hu huuuuuuuu...
kanta kanta minsan... halu yan ni Beyonsi... u nose her? Charlie Sheen lungs!
Nabagabag ba kayo sa last post ko? Im sure hindi... Ang bet nyo chismis... Charice pempengco lungs! Well hindi tungkol dyan ang ichechever ko sa inyo nyahahaha.. Ito ay kwento ng 3 kolokoy hihihi...
Abril ng taon ito ng sobrang mabored ako sa asylum na ito gusto ko ng something new... something different... Something exciting ganyan...
Dahil sa napansin ko na 2 sa mga blogger na naging kaibigan ko ay pareho ng past time ko. Nasabi ko kay Fiel ng Fiel-kun's Thoughts at Anthony ng (dating) Free to Play ang balak ko. excited ang lahat subalit, ngunit, datapwat mukang hindi pa napapanahon ang balak namin at na postpone ito....
Napostpone man ang balak namin eh hindi natapos doon ang madalas na kulitan namin sa sarili naming chatroom sa FB. Kadalasan dito kami nakakakuha ng mga update sa kapwa namin bloggers, nakakakuha ng balita sa lipunan, nakikibalita sa mga activities ng mga buhay buhay namin at walang katapusang palitan ng point of view sa bawat bagay na mapagusapan namin may social relevance man o wala. Sa totoo lang bilib ako sa dalawang iyan dahil hindi rin nauubusan ng mga insights sa buhay.
Dito ko nasabi na ang buhay talaga ng tao ay mag continuous learning. Hindi sapat ang mga bagay na alam mo na at mga bagay nanatututunan mo sa paaralan dahil sa interaction sa ibang tao na ma-opinion din eh matututo ka... So ano ang pinaglalaban ko dito? Wala! Mahanash lang ako... Charlie and the chocolate factory lungs!
Pero seryoso kung ang mga bagay man na pinaguusapan namin ay seryoso eh wag kang pakakasiguro dahil sa gitna ng usapan nyo ay mag biglang aatakeng kalokohan nyahaha. Well we are used to it na kaya naman alert ako lagi sa chatroom namin nyahaha.
Rants? nyahaha hindi yan ang masyadong pinaguukulan namin ng pansin ang pinaguukulan namin ng pansin is ang observation namin sa mundong ginagawalan namin...
Hay ang haba ng intro ko.... Napagod na ba kayo kakabasa?
Well lets jump to the main topic nyahahaha.
2 weeks in the making ang planong meet up namin nila Tonio at Fiel. Araw araw siguro wala kaming ginawa kundi i-remind sa isa't isa sa gm man namin o sa FB chat ang araw ng meet-up kaya naman kahit na may Company Christmas party ako eh hindi ako sumama dahil once in a new moon lang ang ganitong pag kakataon.... once in a new moon? lolz.
Nagkita kami ni Tonio sa Mcdo, Masinag sa L.A. (Lower Antipolo) ng bandang alas-nuwebe ng umaga nagkwentuhan muna kami ng very very very very light lang after an hour ay kinita namin si Fiel sa Pure na Pure na establishment, PureGold San Mateo!!!!
Pag kakita namin eh wala kaming inaksayang panahon... chika dito, chika doon... kwento dito, kwento doon... hanash dito, hanash doon... chever dito, chever doon... hanggang sa napansin ni Tonio na parang nag lalaro kami ng hunger games dahil patatagan kami ng gutom.. So ano pa nga ba ang gagawin namin sumugod kami sa Jolibee..
Habang kumakain ay wala pa rin humpay ang kwentuhan namin pero this time tungkol sa mga kurso, pinag-aaralan, buhay estudyante naman ang topic namin hanggang sa napansin namin na wala pa kaming picture taker... para may remember, so tawag kami kay kuya crew at nagrequest ng isang photoshoot kembot... Charles Darwin lung! Simple picture lang para naman may remember kami sa amin meet up... remember? lolz again...
Kinaaliw naming tatlo ang mga comment ng mga tao sa FB nung ipost ko ng pic na iyon sa FB, dahil nga sa lumantad na si Fiel sa madla nyahaha.
Ito ang naturang litrato nyahaha. |
Inabot kami ng 4 na oras sa Jolibee.... Take note lunch yun ha. Muntik pa kami mag snack doon. Sabi ko pa naman sa kanila isang linngo bago ang meet up namin na gusto ko mag palipad ng guryon sa bukid kaya nag tanong ako kung may mga bukid sa San Mateo... Yep, tama ka po sa nabasa gusto ko mag palipad ng guryon... Wag nyo na basagin ang trip ko please lolz. Pero makulimlim kaya failed ang plano namin na mag-guryon ang ending balik kami ng pure na pure na establishment, PureGold San Mateo (lolz) at this time ang topic naman namin mga Anime na interested kami at pinapanood namin...
Inabot na kami ng alas sais y medya ng gabi sa kwentuhan, madilim na din sa San Mateo kaya nagpasya na kami na mag run-away bride na papunta sa kanya kanya namin tahanan.
Sa totoo lang nag enjoy ako sa walang kamatayan namin kwentuhan... Iba talaga kapag kausap mo ng personal ang tao... More kwento, more fun.
Ang tanong ko ngayon....
Ilang pangalan ang ginamit ko pamalit sa salitang charot? lolz.
Tandaan, sa panahon ng kalungkutan: Pa-check up ka sa adik para lumabas ang saltik
God Bless!
nakakamatay na ang tampo ko rix!! hahahaha charotss!!! ano nga ba ang guryon please lang ayokong igoogle gusto ko galing sau hahaha (demanding) wala namiss kita eh kaya wag kang umangal. saka twice kong binasa tong post mo dahil naaliw ako sa kanta ng blog mo hahaha anyways, im happy really that the three of u nagkita kita ren, i can attest ur friendship at closeness sa mundo ng blogging so now para sa lahat ndi kathang isip si feyel hahaha
ReplyDeletebasta sa susunod rix kakantahan mo kami na mala martin nievera mo pleassee hahahaha i miss you poging rix!!!
at wala pa akong nakitang post si tonyo? hehehe
Naaayyy si Lala! ahahaha :D
Deleteoo nah, di nako kathang isip lng hmph!
guryon is a big version ng saranggola XD
Nasagot na po ni Fiel...
DeleteAno ba? matagal ng nakakandado ang blog ni Tonio...
at wala po si Rix tumatae po.... Balik na lang po kayo pag nandito na sya.
ahaha akala ko kathang pusa ka charot!
Delete@rix - wahahaha :D
Deletenaku, I'm sure kung kasama natin si Lala sa eb, riot talaga ahahaha! nga-nga tayo. kase siya ang siguradong bangka sa usapan at kadaldalan lol
ok pass na lang ako lolz
Deletegoogling guryon. :))
ReplyDeleteano ang natuklasan mo? lolz
DeleteTawang-tawa ako sa "pure na pure establishment PureGold" ahahaha :D
ReplyDeletePero seriously, I really appreciated your time and effort at kayo pa ni Tonyo ang talagang dumayo dito sa lugar namin. Maraming salamat at sa uulitin!
Hindi ko nabilang kung ilan ung charot ahahaha!
Ipaghanda mo na kami ng pinaka magandang guryon sa aming pagbabalik ng mapalipad namin ito ng matayog sa bukirin ha... choz!
Deletengeek! akala ko ba ikaw ang gagawa ng guryon? ahaha :D
Deletekaya kong gumawa ng boka-boka *evila grin*
meron na namang gawa na bibilhin na lang para di na eefort..
DeleteAng cute nyong tatlo. *hihihi* Jolly Spaghetti ba yung kinakain nyo? Bakit dun sa basket nakalagay? :P
ReplyDeleteahahaha, di yata uso ang plastic plate dito lolx :D saka para madali na rin daw ligpitin ang kalat XD
Deleteyep jolly spag nga po sya lolz. Minsan kita tayo sep tapos kain tayo ng street foods sa UP lolz.
Deleteenviron mentalist ang province @Fiel
DeleteIkaw lang naman ang busy, Daddy Rix. *hehe*
Deletenyahaha sabi ko nga kay KC meet up tayo kasama sila FSOQ at si Simon lolz.
DeleteSinong KC? Personal name ba yan ng isang blogger? :P
DeleteMalayo yung dalawang yan. Si FSOQ, taga-Laguna, si Simon nasa Cebu. *hahaha*
si KC - kalansay collector lolz.
Deleteok lang malapit lang naman ang laguna eh.... yun lang simon pala ang layo lolz...
*hahaha* Sabagay, I think it's about time. :)
DeleteI told you...
DeleteIsa itong patunay at matibay na ebidensya na ang bawat teorya ay mabibigyan din ng sagot. Na ang hindi natin maintidihan sa mundo ay makikitaan natin ng paliwanag. Gaya na lamang sa tanong na "Mayroon bang Fiel-kun?" Heto na ang sagot, siya na yan!
ReplyDeletePure na pure na Puregold na nilalamig na si Fiel sa haba ng kwento natin. Hihi.
Magbibigay ako ng mga impression.
Kay Fiel, siguro dahil medyo masama ang kanyang pakiramdam kaya hindi ganung kabibo ng araw na iyon. Kasi inaasahan ko na totoy bibo ang batang ito, pero malat aty may sipon. Magkaganun man, magaang kausap si Fiel, maniwala kayo. Sana sa mga susunod ay paunlakan mo uli kami.
Kay Rix, naka eye-to-eye ko na rin ang taong ito. Sorry kung napaghintay kita sa meeting place ng ilang minuto, nagtanim pa ako sa bukid ng palay. Marami akong natutuhan kay Rix sa mga bagay-bagay. Totoo, pwedeng kausap ng seryosohan 'to! Pag na heart broken uli ako, tatawagan kita para sa advice. Wag mko sisingilin ng advice fee.
Salamat.
Aww touch naman ako ahahaha :D
DeletePasaway na sipon kase toh. Di ba may part dun sa paguusap natin na halos sobrang malat nako sa kakatawa at minsan nga parang tumitinis na diko maintindihan ung boses ko wahahaha. Pero all in all talaga, I really had a good time sa ating first meet up. Next time ulit, pag di kayo busy ni Rix :))
My impression kay Tonyo is ganun din. Magaan kausap at may sense. Lalo na pagdating sa mga games at animes!
Kay Rix naman, ahahaha ang daming baong istorya! magaan kausap, may sense lalo na pag seryosohan na :)
Cheers!
Tonio ano ito testi? lolz lakas maka friendster nyahaha.
DeleteFiel salamat sa testi lolz...
Deletewahahaha! friendster lng talaga ang peg? XD
Deleteakala ko kasi friendster ito lolz...
Deletewehhh alam ko iyang McDo sa Masinag huh , malapit kami diyan : )
ReplyDeleteYep yung malapit sa 711 po hihihi
Deletenakakatuwa na nakakatampo ang meet up na ito... nakakatuwa kasi nagpakita na ang pusa hahaha... nabulabog ang FB at blogosphere... nagbunyi ang lahat pati ang kalangitan hahaha... nakakatampo kasi dapat kasama ako dyan... daya! Pagbalik ko wala kayo pasalubong! joke! hahaha
ReplyDeletenaku itong ay sobrang tagal na pagkukumbinsi at paghahanda. hinintay namin na lumapit ang pusa sa patibong kaya nung may pagkakataon eh sinungaban na namin.
Delete@Kuya Mar, ahahaha :D grabe nga reaksyon ng mga tao sa FB at blogosphere lol basta ung kape ko from SB ha, pag-uwi mo hihihi :))
Delete@Rix, ahahaha! di na nakawala ang pusa nungg hinagis mo ung Master Ball :D
chrew pikachu!
Deletesure!!!! Kape kape tayo mga 8 hours dapat para breaking the record hahaha!
Deletewow butasan ng sikmura? lolz
Delete@Kuya Mar, yey!!! 8 hrs? naku, dapat marami kang baong kwento nyan ahahaha :D
Delete@Rix, napaisip din ako. 8 hrs, puro kape lng iinumin namin? jusko, palpitation aabutin ko nyan ahahaha!
ok lang yan at least alam mo na tumitibok ang heart mo...
Delete43.78 ang bilang ng ginamit mong pamalit sa charot.
ReplyDeletechos. haha
ang soyo soyo nomon! parang bongga ang magka-blogger eb! hehe
nyahahaha... mahusay sa pagbibilang... hmmm meet up? sama natin si FSOQ, Simon at si Geosep lolz.
DeleteAng saya, nagkita kita na rin kayong tatlo finally! glad active pa din si tonio kahit wala na blog nya. pero namangha ako kay fiel, at last nagpakita na ang pusa. ampoge at amputi puti hehe, sarap pisilin ang pisngi mo dong! :)
ReplyDeletesi Fiel po ba? yun din ang pansin namin ni Tonio sa kanya.
Delete@Ate Gracie, ahahaha :D at talagang ung kaputian ko ang napansin XD tuwang tuwa silang makita ang pusa :)) *hugs*
Delete@Rix, anung napansin nyo? *evil grin*
tanong mo sa pagong @fiel lolz
Deleteoo itatanong ko talaga kay Blastoise para ma Water Cannon ka nyahaha *evil grin*
DeleteTseh! lolz.
DeleteIsama yang sina Fiel at Anthony sa PBO party! :) Ang saya naman nag kita kits na kayo! :)
ReplyDeleteay yan ang isang bagay na hindi ko masasagot.... Yep yep at last.
Deletehaha natawa ako yun sa hunger games... hahaha pambihira...
ReplyDeletegrabe ang tagal ng stay ninyo ha, sabagay di naman mapapansin ang oras pag masaya ang mga kasama mo.
chrew pikachu!!!
Delete7hours na kwentuhan. Sobrang saya naman nun. Astig!! Kayo na talagang tatlo. Sobrang nakakatuwa. Hehehe
ReplyDeleteUu sabi nga ni Tonio sana daw sasama ka eh kaso may event ka...
DeleteNakakatuwa naman! :D Gusto ko din makameet ng blogger friends!
ReplyDeleteehehe sama na sa susunod na meet up :D
DeleteHindi na ako maka-comment dahil sa nag comment na ako sa FB. Saya noh? ako naman next time, ha,ha,ha.
ReplyDeletenyahaha sure sure :D
Delete