Check-up Time: 5:57pm
Like OMG!!! As in I'm so tagal mag-update ng kwento da buh? Nyhahahaha. Pasensya naman sunod sunod kasi ang mga commitments na napangakuan... "Commitments?" Artista? hahahaha Charos lang naman po haha.
O sya ito na nga ang sunod na part ng Guimaras Rampage namin hehehe...
Nagpahinga na kami ng maaga after namin i-spot ni Erin ang beach dahil sa sinabi namin ng tutulong magikot sa amin sa buong Guimaras na si Kuya Gerald ay alas-nueve kami sunduin.
5:30 ng umaga (bisperas ng birthday ko) naalimpungatan ako ng malaman ko na nagliligo na ang mga kasama ko at nagpe-prepare na para mag agahan. So bangon na din ang baliw para mag-prepare. Bukod sa mga silog ulit na available sa resort resto doon na semi naging favorite nila eh, umorder sila ng manggo biscocho na ipinartner namin sa kape. In fairness naman sa mga kasama ko adventurous talaga sa food kaya naman sarap kasama kasi kain lang kami ng kain. (lumobo nanaman tuloy ako).
Nagpahinga lang kami ng kaunti after kumain at naghanda na sa isang araw na paglilibot sa mga atraksyon sa isla.
Una kaming rumampa sa Guisi Light House. Ito ang pinakaluma ng light house sa isla. Sa totoo lang ang mga hagdan nito at nakakapit na lang sa pinakapundasyon ng tore, sa tuktok naman nito ay hindi ka na pwedeng tumuntong sa dulong part ng flatform otherwise sa bangin ka dadamputin pero hindi hadlang ito para umakyat kami at tignan ang nasa taas ng light house. Sobrang ganda ng tanawin ito yung tipo ng lugar na if gusto mo magemote eh perfect na perfect dahil sa pwede nitong mapakalma ang damdamain mo habang tinatanaw mo ang napakalinaw na tubig ng dagat na maaaninag mo ang coral reef sa bangin. Sobrang sarap sa pakiramdam, pansamantala nakalimutan ko ang stress na dulot ang city life.
Kapag nasa itaas ng ng tore yun nasa upper right na picture ang makikita mo
makikita mo ang coral reef sa ilalim ng malinaw na tubig
Sunod namin ginawa ay bumaba kami sa Guisi Beach at tunay na tunay nga na kung gaano kalinaw ang tubig sa taas ng watch tower eh ganun talaga sya kalinaw ng malapitan.
Sunod namin na pinuntahan Trappist Monastery. Take time na para magpasalamat dahil ilang oras na lang noon eh madadagdagan nanaman ang isang taon ang edad ko. After namin magdasal Basheng eh nagtirik kami ng kandila at pumunta sa isang monk, Sinabi namain na pareho kaming magse-celebrate ng birthday namin. Ipinagdasal kami ng monk na ito ☺. After nito run kami ng Trappist Pasalubong chever at bumili ng kaunting bagay bagay.
Sunod namin na pinuntahan ay ang Mango Plantation. Dinala kami ni kuya Gerald sa mga puno ng mangga na magse-celebrate na ng kanilang ika-isang sentenaryo lolz. Kung gabi ka na pupunta ka dun, scary ang lugar no kidding. Yung mga palabas na gubat ang setting sa mga haloween special ay susko medyo ganun ang setting doon ahaha pero semi lang nemen.
Bago kami mag desisyon na kumain eh dinala muna kami ni Kuya Gerald sa Guimaras Museum at magikot ikot para naman madiscover more ang Guimaras.
After ng pag-discover ng Guimaras eh nagtungo muna kami sa Pasalubong Center na kaunting padyak lang sa lugar para tignan at bumili ng ibang mga products ng Guimaras...
Gusto ko sana bumili ng mango ketchup at sauce kaso
lang baka mabasag ko ang bote sayang
Eh oras na ng kainan so run na kami ng The Grillers na tabi ng Pitstop. Sabi ni kuya Gerald isa yun sa dinadayo ng mga turista doon para tikman ang Mango Bulalo at Mango Pizza. Yung pizza talaga ang hinahabol ko dito pero kahit medyo parang di ko ma-imagine ang lasa ng mango bulalo eh go with the flow na lang ako. Ang mango bulalo ay good for four, nakakatawa ang lasa nya kasi yung bulalo eh may after taste ng manga at manamis namis ang sabaw nya. Kung gusto mo na ibang twist sa lasa ng bulalo you must try this. Ngayon ko pa lang nalasahan ang mango pizza, And yes its pizza pero alam mo yung mas masarap pa sya sa mango pie at nagbigay ng kakaibang twist ang lasa ng nuts na nasa ibabaw nya. Sabi ni Basheng may natikman na syang mago pizza kaso mango strips lang daw unlike sa sini-serve dito na hindi tinipid ang mango meat.
Nasabi ni Basheng na salubungin ko daw ang birthday ko kahit na uminom kami ng mini-mining alak so nung nakakita kami ng pamilihang bayan (ang mga market sa Guimaras ang nakakawindang kailangan mo pang bumyahe ng 15 minutes bago ka makakita ang pamilihang bayan na semi one stop shop) bumaba kami para bumili ng kauniting drinks at sila naman eh hindi alam na may kakaibang balak pala ahaha.
After namin magpunta ng market run na kami sa Camp Alfredo, akala namin ay magagawa namin na mag obstacle course sa camp kaso naabutan kami ng harsh na ulan, unfortunately, ayaw nila na payagan kami mag-obstacle course for safety reason so di na namin sya pinilit baka nga naman mapahamak kami. Syempre nagiingat nga lang naman sila so ang ending nag sight seeing lang kami sa Camp Alfredo.
After ng Camp alfredo eh nadaanan namin ang top view ng malawak na manggahan ng Guimaras at bilang hindi ata uso ang sasakyan doon napag trippan namin mag pakuha ng jumpshot sa lugar, para challenging jumpshot ito ng nakahiga. Charoz lang!!! ito po ang shot na yun.
After nito ay balik kami ng resort para naman makapaligo na kami sa beach. Ilang minuto pa at naratin na namin ang tinutuluyan namin. Nagpalit na kami ng mga panligo namin at before we know it nakaloblob na agad kami sa tubig... Seryoso agad agad yun. Chars lang ehehehe. Nag picture picture muna kami tapos naligo na.
Sinubukan ko magpakuha ng shoot na parang lumilipad ako medyo ok lang naman ang picture nya ehehe
Sa lahat ng picture ko, yung picture ko lang sa baba na sinusubukan kong lumipad ang nagustuhan ko ☺
Sorry sa facial expression nyhahaha
Sa susunod alam ko na ang gagawin ko at sana ma-perfect ko na ang flying shoot na yan hahaha.
Halos magaalas siete na kami natapos. After namin magbanlaw ay nagpasya na kami kumain at magpahinga. Humiram ako ng pitsel na may yelo kasi nga nagsabi sila na mag-celebrate daw kami kahit na pucho pucho lang na celebration so nagtimpla ako ng inumin pero kami lang ni Erin ang nag inuman dahil nakatulog na si Baseng at si Jen. Maaga pa kami natapos after namin iligpit ang kalat namin ay natulog na ako.
Kinaumagahan araw ng kaarawan ko kapraning ako sa supresa nila ahahaha. Hindi muna nila ako binigyan ng pagkakataon magsuklay at magtanggal ng muta.
Nakakatuwa lang ang effort nila dahil sa totoo lang hindi ka makakabili ang ready made na cake sa Guimaras ang ura-urada di tulad sa Manila. Dapat mag-order ka 2 days bago ang okasyon para magkaroon ka ng cake pero nagawan nila ito ng paraan at sobrang na touch ako. Tumambok lalo ang chuby kong heart ehehehe
Last day na namin sa Guimaras. Ang plano namin ay bumalik na ng Iloilo at magfoodtrip doon...
May karugtong pa... ehehehehe ☺
Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!