Monday, December 29, 2014

Paalam na

Check-up Time: 6:07pm

I can say that this year was a blast for me as I was blessed with friends, opportunity to travel, to level up from work and so on kahit na hindi ako lucky sa pag-ibig at nagtatanong ako nung last Sunday pa if:



Nagsimula ang taon ko sa pagkakawang gawa sa pamamagitan ng pakikiisa sa layuinin na magbigay kasayahan sa mga Lola ng Kanlungan ni Maria sa Antipolo kung saan ko na meet for the first time sila Edgar Portalan ng Edgar Portalan's Daily B.I.T.E.S., Virkky Mums ng Ricochets and Clichés, Melanie ng Todo sa Bongga sila lang ang nagpakilala at nakilala ko pasensya naman sa ibang nandun.


Since pumasok ang buwan ng January ay na-bless ako with these people dahil sila ang nashe-share-an ko ng mga sentiments ko dahil sa halos pare-pareho lang kami.


Ang mga kasama ko sa gimik, walang katapusan na eat out na sanhi ng pag-lobo ko at nakasama na din sa valentines date.

Nasubukan manood ng play sa CCP Complex. Maganda ang play na Wicked promise..


Itong taon ko lang din na subukan magpakulay ng buhok. Never ko talaga tintry na magkulay ng buhok simula pa noon pero nakumbinsi nila ako lolz.


Nadiskubre namin ni Erin ang very healthy na bakeshop kung saan kami nakakain ng vegie cakes last March.



The circle of friends grew dahil kasama na namin si Basha sa mga kulitan... Sabi nga namin the more the many-er the more laughter when we went to Baguio last May kung saan nakapag-ikot ako ng Baguio ng nakasando lang habang umuulan...


May pinagdadaanan lang...
After ng Baguio ay hindi na naawat ang makakati naming mga talampakan at nagtungo naman sa Baler, Aurora at nasubukan at nagtagumpay na matuto mag-surf.





Sinubukan ang Harry Potter inspired na restaurant, Ang Mystic Brew.


At dumayo sa Magalawa Island sa Zambales para mabuhay sa isang Isla at maramdaman na mag-ala survivor Zambales keme... At sa di inaasahang pagkakataon ay nadagdagan ulit ang grupo ng mga makati ang paa.



Muling bumalik sa The Baker's Table kasama ng mga bagong tropa



Naunawaan ang asignaturang Physics at Chemistry ng more lolz

Matapos ay nagpunta ng Guimaras para doon i-celebrate ang Birthday ko. Akala ko gala alone ito yun pala may kasama pa ako at pareho kami ni Basha na nagcelebrate ng Birthday sa Guimaras.




Na may sequel pa pagdating namin ng Manila lolz


Sa tulong ng mga kaibigan ay nagawa ako ng paraan para mag-organize kami ng isang outreach sa mga lola ng Hospicio de San Jose na limang taon ko ng pinupuntahan. Doon ay nakilala nila ang mga lola dito at nagkaroon ng mga bonding moments. Isang maagang Chirstmas party para sa mga lola.


Nagawang makipag-meet sa 2 sa pinakaclose na blogger bago matapos ang taon



At patuloy na nagdadasal na sa susunod na taon ay mas marami pang blessing ang ibigay at maging blessing din sa iba...



Happy New Year sa inyo mga kaibigan, kapuso, katoto, kapuso, kapamilya, kachokaran, kachikahan, katoque, kautotang dila at kung ano ano pang "ka" meron.

new-year-wallpapers

Sa 59 (kasama itong post na ito) na mga post na nailathala sa pahinang ito ngayong taon, salamat sa pagtangkilik at sa pananatili sa pagbabasa (pati na ang mga silent reader) ng walang kabuhabuhay, walang kalatoy-latoy, walang kasusta-sustansyang page ko. Nawa ay pagpalain kayo ni Lord.

Magingat sa paputok, mahirap magbilang ng blessing kapag wala ka ng daliri hihihi.

Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

18 comments:

  1. Napagod ako..... Ang daming nagawa at tama yan, more pa, more! Happy New Year and all the best!

    ReplyDelete
  2. Happy New Year! Cheers to more adventures and more sharing! :)

    ReplyDelete
  3. Wow ang daming ganaps ng 2014 .... looking forward in 2015 at sama sama pa rin sa pag blogging walang titigil he he he ... goodluck and Happy New Year to you Rix ... and salamat sa pag extra ng site ko dito sa blog mo he he ... smile : ) God bless us all

    ReplyDelete
    Replies
    1. Crosslegs, I mean cross fingers pala lolz. Happy New Year Ed

      Delete
  4. Happy New Year din sayo Rix!!!
    I'm glad and blessed to have your friendship :-)
    Sana makapag blog na rin ako marami-rami sa 2015.
    Cheers!!!

    ReplyDelete
  5. Wow ! So much fun and adventure! Good luck next year!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat Mommy Joy! And Happy New Year din sa iyo and sa family mo ☺

      Delete
  6. Busy-ng busy this year huh. Nawa’y mas madami pang blessing ang ibigay sa’yo ni Lord sa susunod na taon. Deserve mo naman yun dahil sa pagiging positive mo at pagbibigay saya sa aming lahat. God Bless you more! Happy New Year!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat at naaliw ka ng very very hard sa mga kalokohan ko Anon Beks. Happy New Year sa yo!

      Delete
  7. Ang bongga ng 2014 mo Rix! :)
    More power sa iyo sa 2015!
    Parang hindi mo na kailangan pang sabihan ng 'more power' kasi punong-puno ka ng energy :) dami mong na-accomplish this year :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Maraming salamat sayo Sir Jep.
      Hindi naman kahit katawang kalabaw ako napapagod din naman ahaha.
      Sana nga maacomplish ko ang iba pa sa mga plan ko.
      Happy New Year sayo Sir Jep ☺

      Delete
  8. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  9. Happy New Year! More adventures this 2015...:)

    ReplyDelete
  10. haaaapppppy new year! bongga ang auld lang syne sa player. hehe
    winnnnerrr ang surfing sa baler di baaa? hehe intesne buwis buhay levels.

    cheers for more adventures this year! :)

    ReplyDelete
  11. hala.. ahppy new year din pala... hehehe... sana more post to come.. hehehhe

    ReplyDelete

hansaveh mo?