Dear Santa Claus,
Hindi ko alam kung talagang totoo ka, dahil noong bata pa ako ay nahuli ko ang tatay ko na sya ang naglalagay ng regalo sa medyas na sinabit ko. Ang sabi nya ay busy ka daw at marami ka pang ihahatid na regalo kaya pinakiusapan mo ang tatay ko na sya na lang ang maglagay ng regalo mo sa aming magkapatid sa kanya kanya naming medyas.
Mahaba haba ang wish ko sayo ngayong Pasko sana naman kahit paano i-consider mo naman sya.
1) Tantanan ako ng mga naiingit sa akin dahil masaya ako, ang family ko at ang mga kaibigan ko.
2) Ang makatanggap ng katarungan ang mga taong naghahanap ng katarungan para sa kanila at sa mahal nila sa buhay.
3) Malusog na pangangatawan. Nawa'y mahakanap na ng lunas sa mga sakit na ngayon ay walang pang gamot.
4) Makaranas ng kaginhawaan ang mga hikahos at hirap sa buhay.
5) Makahanap ng kasiyahan sa gitna ng matinding lungkot at pighati.
6) Kalinawan ng isip sa mga taong nalilito o naliligaw ng landas.
7) kapanatagan ng kalooban para sa mga taong may bumabagabag sa kanilang kalooban.
8) Maayos na pamumuno para sa lahat ng lider di lamang sa simpleng grupo ganun na din sa bansa.
9) Matapos ko ng maluwalhati ang kurso na tinatapos ko.
10) At ang maipagdiwang ng lahat ng taong kilala ko hindi lamang ng personal ganun na din sa pandaigdigang sapot ang Pasko at Bagong taon na maayos at matiwasay.
Hindi ako masyado demanding Santa, pero sana tuparin mo lahat ng yan.
Salamat po.
Your naughty and crazy wisher,
Psychorix | Rixophrenic
PS. Dalawang codename na po ang nilagay ko dyan. Baka kasi malito ka. Iisang tao lang po yan. Salamat.
PS ulit. Kung bibigyan mo ako ng smart tv yung 42 inches na Sony Bravia, sino ba naman ako para tumangi... Tao lang po ako. kaya GO lang wag ka na po mahiya.
(credits to the owner of the picture) |
Note: nakakadurog ng puso ang background music sa page na ko. Sa totoo lang parang binlender ang puso ko nung mapanood ko at mapakinggan maigi ang kanta. para mapanood nyo ito ang link:
https://www.youtube.com/watch?v=MpkI7GW2V34
Ngayon pa lang, binabati ko na kayo ng Merry Christmas. Tumatanggap na po ako ng regalo...
Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!
hahah maisasabit ba ni santa lahat ng wish mo? hehehe
ReplyDeleteI have faith in Santa, he can do it po lolz.
DeleteHindi ko alam sa sarili ko pero nung bata pa ako eh alam ko ng ka-echosan lang yan si Santa Claus. 5 years old ata ako nun, may natanggap akong regalo mula kay Santa Claus (daw sabi ni mama) na nakapwesto sa ilalim ng aming Xmas Tree. Binuksan ko iyon, damit ang laman. Natuwa naman ako, pero mejo na-weirduhan ng slight. Ang box kasing ginamit ay yung box ng Nido. hahah. Iyon kasi ang iniinom ko. O davah, marunong mag-recycle si Santa este si Mama.
ReplyDeletePaniwalang-paniwala dati ang mga kapatid ko na totoo si Santa. Wala silang natatanggap na regalo pag Pasko kung minsan, ang dahilan ni mudang ay:
“Mahirap ngayon si Santa, anak. Mahirap kitain ang pera .Ang dami niya kayang nireregaluhan at ang mahal pa ng mga bilihin.” lolz
Huli na nagdadahilan pa, pero Its the thought the counts daw
DeleteWell, i know that Santa was a good man that lived long ago. ..but he is now dead...and he is not God at all? How can he fulfill your wishes?
ReplyDeleteSorry to dissapoint you:) peace? I believe if Santa is in heaven, he will say to you to pray to God instead, His creator:)
Merry Christmas!
Tenchu Mommy Joy
DeleteBigyan mo na lang ng gift yung mga taong naiinggit sa'yo :)
ReplyDeleteMalay mo... mas lalo pa silang mainggit sa kabutihan mo hehehe.
Awts kulang na sa budget hahaha
DeleteHmmm :) Santa knows who is naughty or nice :)
ReplyDeleteApir!
DeleteMerry Christmas sayo! I wish that Santa will grant all of your wishes this Christmas. Lalo na yung Sony Bravia. Natawa ako dun. hehehehe
ReplyDeleteNyahaha salamat J.A. hope your wishes this Christmas will be granted as well.
DeleteYou better be nice para pagbigyan ni Santa ang mga wishes mo : )
ReplyDeleteI'm always nice....***crickets sound**
Delete- walang naniwala lolz
Grabe yang "The Christmas Shoes" T_T
ReplyDeleteSobrang nakakaantig /sniff
At nakagawa ka na ng movie review about The Christmas Shoes. good job!
Delete