Sunday, December 28, 2014

Kalma

Check-up Time: 12:50

Maulan ng hapon na iyon, wala si Bunso at Paping dahil nasa mga pinsan ko at umatend sa birthday ng pamangkin ko. Dahil ako lang mag-isa sa bahay ay nagpasya ako na manood na lang ng palabas sa cable para mapatay ang pagkabagot.

Nacurious ako sa isang palabas na tagalog kaya naman hindi ko na nilipat sa ibang programa at nanatili sa palabas na iyon. Ilang minuto ang nagtagal ay natalima ko na ang pinanonood ko ay nakakapanindig balahibo. Ang tugtog na ginagamit sa bawat eksena ay waring nakakapagpatindig ng maliliit na buhok sa likod ng aking malambot na batok at nakakapagpalukso ng puso ko isabay mo pa ang eksena na nasasaksihan ko.

Hindi ako nagkamali. Ilang eksena ang bigla akong nagulat na may kasamang pagsigaw, kinilabutan ng husto at napabalikwas sa gulat at takot.

Oras ang lumipas at nagawa kong tapusin ang palabas na pinapanood ko. Tumayo ako at nagtungo sa kusina para uminom ng tubig ng namalayan ko na madilim na pala ang paligid. Sinipat ko ang oras sa aking relo. Halos ika-pito na ng gabi pero pakiwari ko ay ika-siyam na dahil sa sobrang dilim sa labas gawa ng ulan.

Nakakailang hakbang pa lang ako palayo sa lababo kung saan ko nilagay ang basong ginamit ko matapos uminom ng mapansin ko na parang magkakaroon ng problema sa linya ng kuryente. Ilang beses nag-flicker ng liwanag galing sa ilaw na nagbibigay ng liwanag sa buong kusina.




Namutla ako sa gulat at takot ng mula sa likod ko ay nakarinig ako ng malakas na kalabog. Agad ko nilingon ang pinanggalingan ng tunog at natuklasan na galing iyon sa pinto ng banyo. Naiwan pala itong bukas kaya naman humampas ng malakas pasara nang itulak ng hangin. Bahagya akong nakahinga ng maluwag. Bahagya dahil ilang sandali pa ay tuluyan ng nawala at binalot ng kadiliman ang kapaligiran. Tuluyan nang nawala ang kuryente.

Nangangapa akong pinuntahan ang aparador kung saan nakalagay ang kandila. Binabalot ako ng kilabot at takot dahil nasa isipan ko pa rin ang palabas na kanina lang ay nagbigay ng sobrang takot sa akin. Sinindihan ko ang kandila gamit ang posporo pero sa tuwing lalapit na ang apoy sa mitsa ng kandila ay sa hindi ko malamang dahilan ay namamatay ang ilaw galing sa apoy ng posporo. Pakiwari ko ay may umiihip sa posporo bago ito makarating sa pisi ng kandila. Ilan pang posporo ang sinindihan ko at nagtagumpay din ako pero pansamantala lang pala ito ng biglang naglaho ang ilaw ng kandila dahil sa pagihip ng hangin.

Tahimik ang buong paligid. Napako ako sa kinatatayuan ko. Nagmistula akong estatwa. Hindi ko maikilos ang katawan ko. Ultimo labi ko ay hindi gumagalaw. Nagsimula ng gumapang ang kilabot sa buo kong katawan. Isa isa ng nagtatayuan ng maliliit na buhok ko sa batok at nakakaramdam na ako ng kaba. Ang pumasok lang sa isip ko ay ano mang sandali ay mas may nakakahilakbot pang magaganap.

Hindi nga ako nagkamali may kung anong biglang pumatong sa brasong gamit ko sa paghawak ng kandila. Nabitawan ko ang kandilang hawak ko at agad na napatakbo papuntang hagdan. Inisip ko na umakyat ng bahay. Sa pagmamadali ko ay nadulas ako sa hagdan. Hindi ko ininda sakit na naramdaman ko agad ako bumangon at i-ika-ika akong umakyat sa ikalawang palapag ng bahay at nagtungo sa silid ng kapatid ko. Ipininid ko ang pinto.

Humanap ako ng lugar kung saan ako makakapagtago at nanatili. Halos sampong minuto na ako sa lugar na kinukublihan ko ng marinig ko ang kaloskos sa labas ng silid ng kapatid ko. Muli akong nilukuban ng kilabot at takot. Nagdasal na ako. Sinabi ko na lang sa sarili ko na nakakalungkot ang dahilan ng pagpanaw ko kung sakali man, ito ay dahil sa takot. Ang nasabi ko na lang na sana ay maging maayos ang kalagayan ng mga maiiwan ko.

Maya maya pa ay mas lalo kumabog ang dibdib ko. May tumutulak sa pinto ng silid. Pinipilit itong bukas. Sobra ang pag-pwersa sa pag bukas ng pinto hanggang sa....


"BLAG!"





Bumukas ang pinto.


Nakagat ko ang labi nanginginig ako sa takot. Hindi ko inaasahan ang sumunod na nagyari. Naglakad ang nilalang na iyong sa buong silid na tila may hinahanap. Ako kaya yun? Mas lalo lumakas ang kabog ng dibdib ko. Biglang na lang may kumalabog sa dingding at may nahulog mula sa ibabaw ng pinagtataguan ko. Dahil dito ay napasigaw ako. Alam ko sa sarili ko na makukuha ko ang atensyon ng nilalang na yun kaya naman hinanda ko na ang sarili ko.

Ito na yun, hindi ko pa man nagagawa ang iba sa mga pangarap ko pero mukang hanggang dito na lang ako. Hindi ko man lang ulit naranasan ang umibig ulit. Hindi ko man lang napuntahan ang mga lugar na gusto ko pang puntahan. Hindi ko na ulit mauupdate ang pahina na ito dahil alam ko na ito na ito.

Naramdaman ko na biglang may humawak sa akin. Malamig ang kamay nya lalo tuloy ako nangilabot. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Sumigaw ako at nagmakaawa habang umiiyak sa takot.

Sobra ang pagmamakaawa ako. Para akong isang asong pilit na inilalabas sa kulungan pero ayaw lumabas.

Naramdaman ko na may humampas sa batok ko. Malakas ang hampas na iyon. Masakit. Natauhan ako sa sumunod na nangyari. Naaninag ko ang nasa harapan ko. Kilala ko ito pero anong ginagawa nito dito.

Bunso ikaw yan? Pinilit nya magsalita pero hirap na hirap sya magsalita. Paos ang damuho kong kapatid kaya hindi sya makasigaw o makapagtanong kung nasaan ako. Nilalamig sya dahil sa masama ang pakiramdam nya kaya umuwi na sila ni Paping.

Doon ako nakahingan ng maayos. narealize ko na lang bigla na dapat hindi agad nag-iisip ng kung ano ano... dapat ay....





































Ang hindi ko lang matanggap eh hindi ako nakabawi sa sapok na ginawa ni bunso dahil sa masama pakiramdamn nya... Ang sakit nun.



Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

10 comments:

  1. Buset!
    Akala ko naman Halloween special this Holiday season ahaha!
    Kainis!
    Tama na kase ang kape, para di ka atakihin ng nerbyos lol

    ReplyDelete
  2. *Ahaha* Praning ka na Teh Rix. Di ba Rixophrenic ang tawag diyan?

    ReplyDelete
  3. Ha ha a very funny horror story he he ..kalma nga lang kasi eh ...

    ReplyDelete
  4. Ano to, balik Oktubre? Puwede naman kasing mangyari ito. Nung nasa gitna na ako ng pagbabasa, naisip ko ang mama mo. Baka may gusto siyang sabihin sa iyo. Sa mga panaginip ko kasi, ang mga kamag anakan kong yumao na eh may mga ibinibilin. Magigising na lang ako at mag iiyak. Pero sabi mo nga kalma lang.

    ReplyDelete
  5. Wag ka na kasing manood ng nakakatakot na film:)

    ReplyDelete

hansaveh mo?