Tuesday, December 9, 2014

Iloilo Mini Food Crawl

Check-up Time: 10:44 am

So ito na nga, may time na para mag update ng blog dahil sa wala naman pasok dahil sa bidang kontrabidang bagyo lolz.

Dapat ay kahapon ako mag u-update nito dahil wala din ako pasok sa opisina (bago na ang sched ko sa work Tuesday to Saturday na gustong gusto talaga nila na bigyan ako ng weekend shift) kaso lang aminin nyo walang ibang masarap gawin kahapon kundi ang mag pagulong gulong sa kama. Kung may arina nga lang ang higaan ko pwede na ako i-deep fry sa mainit na mantika at may ulam na kami hihihi.

Anyway, go na, continue na sa kwento ko sa Guimaras-Iloilo saga namin hehehe ito na ang last part.

After namin enjoyin ng huling mga oras namin sa Reyman resort eh nag pack up na din kami dahil hihintayin na kami ng sundo namin in just a few. Bago kami tuluyan dumating ng pantalan ng Jordan, Guimaras ay nag punta pa kami sa Smallest Plaza na kasama sa Guinness World Records.



After ng picturan ay dumerecho na kami ng Port at bumili ng ticket. Ang agenda namin ngayon araw na ito ay food trip sa Iloilo city.


Pagdating namin ng Iloilo port agad kami nag punta sa Roberto's para bumili ng biggest siopao sa Iloilo, ang Queen size Siopao. Kaso lang ubos na ang unang batch ng siopao nila at hinahanda pa lang ang 2nd batch kaya naman kailangan namin bumalik ng 1pm. Dahil hindi kami nag-agahan niyaya ko na lang sila sa isa sa mga sikat na batchoyan sa Iloilo ang Deco's. At dahil sa marami ang kakainan namin ay puro small portion lamang ang inorder nila na bachoy. Ang budget sa Deco's is less than 200 pesos Busog ka na if you just want to try the bachoy.


Bago mag-ala una ng hapon, sinabihan ko na ang mga kasama ko na ako na lang ang babalik ng Roberto's para bumili ng siopao nila habang sila naman ay maghihintay Coffee Break. Naabutan ko pa sila na nagsisimula palang na tikman ang Caramel macchiato, Mocha Frap, at cappucino, Banana Muffin at Choco Mouse nung dumating ako.

Para sa akin light ang timpla ng mga kape nila dito kumpara sa ibang mga coffee shop na available sa manila. Kung nasa Iloilo ka at gusto mo ng medyo light na timpla ng kape pwede nyo itry dito. Hindi ko masyado gusto ang banana muffin nila medyo parang commecialize ang lasa nya kaya compare sa 2 best seller nila mag gusto ko ang Choco Mouse nila. Budget sa Coffee break ay less than 300 pesos for a coffee and muffin or cake.



After namin magkape ay tumakbo na kami sa Jaro area para naman kumain sa isang American set-up na resto ang Perri Todd's. Sila pa lang ang nag-o-offer ng biggest burger sa probinsya ng Iloilo. Ang inorder namin ay isang order ng Premium burger with cheesy mushroom dressing (good for 4), Mojos, Meatballs pasta at iced tea tower. 165 pesos per head for a group of 4.

Feeling namin ang bread na gamit nila ay sila mismo ang nag bake kasi fresh ang bread. Hindi mahilig sa burger si Erin at si Basha pero nagustohan nila ang burger ng Perri Todd's Masarap din daw ang mojo's sabi nila hindi kasi greasy at yung meatballs naman ay tama lang sa panlasa nila hindi over power ang mga flavor na gamit sa pagluluto.

Kahit na busog na sila, its time for them to taste  Roberto's siopao. Ang laman ng queen siopao ay bacon, chinese sausage, chicken, pork adobo at itlog. Sobrang gusto nila ang lasa ng siopao na ito kasi ibang iba sa flavor ng mga siopao na binebenta sa merkado. Slightly nagsisisi sila dahil isang lang ang binili nilang siopao lalo pa nung nalaman nila na 80 pesos lang ang isang siopao lolz.


Sa totoo lang after ng buong kainan namin hindi mo na sila makausap ng maayos dahil sa sobrang kabusugan nila. Nagpahinga lang kami at ang papababa ng kinain tapos ay tumulak na sila ng Iloilo International Airport para bumalik na Manila habang ako ay nagstay pa sa mga relatives ko sa Iloilo at umuwi na din day after ng food trip na ito.




Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

12 comments:

  1. nice ... for sure masarap yang Ilo Ilo La Paz Batchoy na yan at ang siopao ... sarrrapppp ... natatakam tuloy me : )

    ReplyDelete
  2. Super kainan talaga. Tataba ako dyan:)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Momm Joy hindi yan. kaya mo pa rin mag swimsuit promise

      Delete

  3. Yes food trip na naman, nakakabusog! Yummy! Nakakadighay.

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha. Try mo din. masarap magfood trip sa Iloilo lolz

      Delete
  4. Replies
    1. ahahaha punta ka na doon. sama mo na yan sa lakad mo

      Delete
  5. hay nakuh ito na naman ang iloilo na yan kahit san ako magpunta nagpaparemind ang iloilo talaga isusumpa kita sa post mo na ito hahahaha hindi ako lalo matahimik sa nakita kong pagkain anak ng sharks! hahahaha il refer myself to this post of yours para sa iloilo trip ko. ampp!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. eh pumunta ka na kasi wag na ma-arts :p

      Delete
    2. ala pa pera kulang pa katawan ko ayaw pa mabenta! hahahahaha haymisyou rixy boy!! hahaha

      Delete

hansaveh mo?