Sunday, July 27, 2014

Izlah

Check-up Time: 4:38pm

Wala na yata akong ginawa ngayong hapon kundi ang i-edit ang pic namin sa Magalawa ganun din ay ang gumawa ng seryosong entry para sa isang page ko lolz.



Sa totoo lang medyo nalungkot ako nung papunta kami ng mga kasama ko sa Zambales para sa Magalawa adventure namin dahil nga sa byahe pa lang namin eh umuulan. Yung tipong ma-a-achieve mo yung pagkanta mo ng "I can make it through the rain" hahawak ka sa salamin ng bus tapos ifo-focus sa camera yung mga patak ng ulan sa salamin habang nakalapat ang palad mo dun... Ganyang peg.


Pero very positive ang mga kasama ko, ayaw patinag. Wait lang daw hindi magiging failure ang lakad namin. Matagal na kaming textmate ni kuya Mulo, sya ang contact namin sa Ruiz Resort kung saan naming maghasik ng lagim sa Magalawa. Pagtapos mag-walk out ni bagyong Glenda sa Pinas eh nagtext na ako sa kanya na susugod kami doon at maghanda na sya. Kaso sabi hesitant si kuya. Hindi pa daw nakakamove on ang island sa event ni Glenda kaya naman baka mag-walk out din daw kami pag nakita namin sa island pero since mahilig ng kami sa adventure eh PUSH PA RIN!! ang sagot ng mga kasama ko. Sabi ni kuya hindi na daw nya i-o-offer ang 1.5K all in package ng resort so kami na daw bahala sa food namin.

Keri lang naman. Nung nag compute ako at nag estimate ng magagastos namin eh medyo napamura pa kami ng malutong. Chars lang!!! Ang ibig ko sabihin eh medyo lumiit pa ang gastos namin. Instead na 2.5K per head eh naging 1.9K pa sya so hindi na masama.

Nagtext ako kay kuya Mulo kung saan ang pinakamalapit na palengke kung saan kami makakabili ng mga kailangan namin pati na din ang food na ipapaluto sa kanila. Sabi ni ate Bing na sumagot ng text ko, sa Iba market daw kami bumaba tapos sumakay na lang daw kami ng bus o jeep na papuntang Palauig at magpahatid sa malapit sa kalye papuntang Radyo Veritas.

Na-amaze ako sa sobrang mura ng mga lamang tao. Charot lang! lamang dagat doon. Mas mura sya ng doble sa presyo dito sa Manila. Na-achieve namin ang isang kilo ng pusit na 120 pesos lang ang kilo at malalaki ang bawat portion nya, Isang kilo ng Maya maya ng 150 pesos lang compare sa manila na na maharlikang angkan ang presyo.

Nagaabang na kami ng masasakyan papuntang Palauig ng biglang umeksena ang very harsh ang mga tricycle driver at nag offer na ihahatid kami sa Luan port sa halagang 450 pesos. Hindi na masama ang deal so sabi ko sa mga kasama ko "Sakay na" <insert ate Shawie here> ganyan! Wala ng patumpik-tumpik at sumakay na rin sila. Lakas survivor ng tricycle trip namin papuntang Luan port dahil from smooth to rough to a very rough road ang dinaanan namin... Ito nga oh, haggard ang mukha ko lolz.


Naghihintay na ang mga tauhan ni kuya Mulo sa amin sa port nung nakarating na kami... Hmmmm panget ng pagkakasabi ko lakas maka goons ahahaha. Basta yun na kasi yun eh. Nung komportable na kami sa inuupuan namin eh sabay sabay na kami sumigaw ng "SUGOD!!!" papuntang isla ng Magalawa.




Well, tunay nga na invaded ang lugar na ito ng seaweeds pero wait but wait! deadma sa mga kasama ko ito, dahil ang inaaliwan nila ay ang makitang malinaw ang ilamin ng dagat at makita ang mga seaweeds. Wierd ba namin? Well, at least I belong lolz.


So ito na nga, pagdating namin ng isla hinatid lang namin yung mga pinamili namin kay ate Bing at sinabi kung ano ang mga iluluto nila sa buong pag-stay namin sa isla after nun rush na agad kami sa kubo namin at nagpalit ng damit tapos dive na agad sa tubig hihihi.

So walang katapusang picturan nanaman ito habang nag-e-enjoy sa paliligo. Love it!








Walang kuryente sa isla pero may generator na gumagana, yun nga lang gabi lang sya binubuksan. Pero in Fairview, Quezon City kahit mag a-alas-siete na ng gabi sa lugar eh ang liwanag pa rin ng isla... Ganito kaliwanag


7:30 na ng gabi ng inihain sa amin ng adobong pusit na pinaluto namin. Medyo nabitin ang tropa dahil sa ulam. Dahil nga fresh namin nabili ang pusit kaya naman malinamnam sya sabi nila sana ginawa na lang namin 2 kilo ang pusit. Habang kumakain sabi ng naghatid ng pagkain sa amin kung gusto namin hintayin namin ang mga mangingisda na mag ahon ng nahuli nila kasi pwede namin bilhin. Dahil dyan aabangan daw namin sila. Shemay parang kami naman ang goons ngayon lolz.

Pagtapos namin shumat ng kaunti ay nagsiborlogs na kami dahil aabangan pa namin ang pagputok ng araw at ang mga mangingisda. Wierd ng wording ko ahaha.

So ito na Magandang Umaga Magalawa!!!


Lakas maka-series ng mga peg namin sa picture lolz.

After dalhin ang ilan pang kilo ng pusit kay ate Bing para ipaluto sa lunch namin eh naghanda na kami para mag bamboo rafting at magsnorkel. Snorkel? nakakariwasang pampalipas oras chars!

Nakakatuwa panoorin ang mga corals at mga isda na lumalangoy sa ilalim ng raft namin. Nakakarelax sya tignan. Si Jeph ang unang lumusong sa amin nag-eenjoy na sya sa tubig kaya naman sumunod na din ako.



Nakakatuwa pagmasdan ang mga corals, isda at ibang kulay na mga starfish na makikita mo sa ilalim ng tubig. Nakakadismaya lang wala kaming underwater camera para may remember kami sa lugar... Remember? loz!

After namin mag enjoy sa kalalangoy eh nagpahinga kami ng ilang sandali may ilang oras pa din kami sa isla at ang naging project ko pang-patay ng oras ay... Gumawa ng loom bands lolz. Well napapanahon pa rin ang style na natutunan ko. Fishtail at inverted fishtail... Laman dagat pa din lolz.


Buti na lang tapos ko na gawin ang mga loombands ko ng yayain na kami bumalik sa Luan port



Sa totoo lang ang lakas maka-survivor Philippines ng isla. Kung mabibigyan ang ng pagkakataon babalik ako dito tapos libre pa, why not! Choosy pa ba? Lolz ☺

Salamat kila Kamae, Jeph, Erin, Moe at Ynoh sa mga pics hindi na ako masyado kumuha ng pics eh. Nagiinarte ang phone ko lolz.



Hindi ko na binago ang water mark ng mga pics. kung gusto nyo malaman ang medyo seryosong kwento punta na lang po kayo sa seryosong travel blog ko lolz, click nyo na lang ang pic sa baba:

 The Rixcovery



Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

Friday, July 25, 2014

kmsta?

Check-up Time: 4:00pm

Hey Hey Hey!!!

Musta na mga friends? Namiss nyo ba ako?

Kung ako tatanungin nyo, sobra ko ng namiss mag blog. AS IN! (ayan all caps para intense).

Hindi pa ako nakakagawa ng draft ng trip ko sa Magalawa Island, sa Zambales last weekend. Kasi naman uber busy ang katawang chuby ko.

Alam mo yung naglalakad ka sa kalye na parang lumulutang ang diwa mo dahil gusto pa ng utak mo matulog pero hindi pwede kasi kailangan mo na kaladkarin ang sarili mo kung hindi sa school ay sa work? Ganun ang sapi ko ngayon lolz.

Buti na lang kahit ganun eh natutuwa ako sa mga circle of people na kasama ko ngayon dahil kahit ganyan ang daily routine ko eh nagiging light naman ang lahat.

Nandyan na yung sabihin ng ibang tao kung gaano kalalim hindi lamang ng pagkatao mo kundi ng pagkakakilala nila sayo sa ibang tao at marinig mo mismo ito ng harapan. Alam mo yung feeling na kulang na lang eh ang set-up ng paligid eh nasa acting workshop ka at kailangan mo ng mga materials para maiyak ka? Ganun ang pakiramdam ko dahil sa kahit alam ko na ganito akong tao ay hindi ko gusto na ipakilala ang sarili k. Mas gusto ko na kilala ako ng tao bilang makulit at masayahing tao. Pero ganun talaga siguro kapag ang tao ay kinilala kang maigi kahit na nag-e-establish ka ng persona mo eh nakikilala pa rin nila ang tunay mong pagkatao.

Nandyan na din ang halos may makipag-away para sayo dahil alam nila kung ano ang bagay na ginagawa mo pero iba ang sinasabi ng ibang tao sayo. Yung tipong bakit mo sinisiraan ang taong ito eh hindi mo naman sya kilala. Ganyang peg? Taray noh? Ang sarap sa pakiramdam.

Nandyan na yung sila na nag-o-offer na sila na magpprint ng assignment mo pumasok ka lang ng maaga sa work para makasabay ka nila sa meryenda. Nakaka-overwhelm yung pakiramdam ng self-belongingness. kulang nalang magka-alta presyon ang heart ko sa pananaba nya.

Nandyan na yung sila na ata ang maghanap ng tao na magiging partner ko para naman pati ang puso at lovelife mo ay maging colorful din dahil sinasabi nila na "you deserve to have a person that you can call yours na". May ganun? Buti pa sila naisip nila yun for me nyahahaha.

Sa ngayon I really enjoy the people I'm with. Napakabait ni Lord sa akin dahil sa hindi nya ako pinababayaan. Kahit na may kulang pinupunan nya ito ng mga bagay na sadya namang higit pa sa kulang na hinahanap ko...

Nga po pala, pasensya na at may CAPTCHA na ang comment box ko... Tinatadtad na ako ng mga anonymous comments na puro advert ng iba't ibang imported na tao na kinaiiritahan ni Mr. Tripster. Kapag nag-mellow na ito tatanggalin ko din ng yung code, as of the moment po bare with me ☺

Yung Magalawa trip ko paki-abangan po ehehe. Salamat po sa inyo.


Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

Wednesday, July 16, 2014

kontrabida

Check-up Time: 8:33pm

Kahit kailan talaga hindi kumpleto ang buhay ng isang tao kung wala silang kontra bida.

Yung para bang hindi mabubuhay si Mara kung wala si Clara. Hindi magiging bida si He-man kung wala si Skeletor. Walang Carebear kung walang No Heart. Hindi mago-outshine si Sarah kung wala si Lavina.

Bukod sa sirain ang araw natin at gawing miserable ang bawat oras na nakikita at nakakasama natin ang mga gantong klase ng tao naisip ba natin kung ano ang mga positibong naidudulot nila sa atin?

1) Tinuturuan nila tayong lumaban. Yung magpipikit ka sa harap nila at sisigaw ka ng "Katarungan kay Ka-Dencio..." Charot lang. Dahil dito ay natututo kang na lumaban sa bagay na pinaniniwalaan mo na tama ka kaya naman hindi ka madaling sumuko sa mga ginagawa nila sayo kahit pa nga minsan eh gusto mo na mag-give up.

2) Madali mong maunawaan ang nararamdaman ng isang tao na pareho ang pinadadaanan mo dahil pareho kayo ng pinaghuhugutan at pinanggagalingan.

3) Mas nananatili kang positibo. Kahit na nga binabalasubas nila ang pagkatao mo eh naniniwala ka pa rin na darating ang panahon at malalampasan mo ang mga bagay na ginagawa nila sayo ng may dignidad at may matamis na ngiti sa labi.

4) Nagiging malapit ka din sa Lumikha. Aminin nyo kapag panahon na down kayo eh nasasabi nyo na lang bigla "Lord, ikaw na po ang bahala sa kanila..." tapos sunod noon "di worth it na mabahidan ng dumi ang kamay ko sa mga taong tulad nila... " Lolz, may masamang balak? Pero totoo naman na ipinapanalangin natin na si Lord na ang bahala sya sa kanila dahil naniniwala tayo na darating ang panahon na marerelialize nila kung gaano ka nasty ang ginagawa nila.

5) Bawat success na nagawa mo ay additional ganda/pogi credits sa ganda/pogi lang card natin... Natin talaga? lolz. Hindi ba kapag nakita nila na naging successful ka sa ginawa mo at pinupuri ng lahat ang nagawa mong maganda pagnapatingin ka sa kanila makikita mo na lang na parang nakakain sila ng buto ng kalamansi sa sobrang asim at kahit hindi sila nagsasalita mababasa mo sa isip nila na "Hindi pwede ito... Humanda ka sa akin" ganyan! Pero ikaw naman taas noo ka habang hawak mo ang 5 kilong pride at 5 kilong flawless na victory dahil nga llamado ka.

6) Mas natututo kang maghanap ng positive vibes para lang hindi ka mahawaan ng negative mantra ng mga taong mas mataas pa ang negative charge sa negative pole ng mga magnet.

O sya naisip ko lang naman ang mga bagay na ito dahil na obserbahan ko ang isang grupo ng mga tao hihihi.


Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

Sunday, July 6, 2014

relax muna, busy next week eh

Check-up Time: 10:00am

Magandang Sunday morning mga ka-berks!

Medyo sabog pa ako ngayon at siguro sa mga susunod na araw at buwan eh mas lalo akong magiging malala. First week pa lang namin sa school pero parang isang sem na lolz. Alam ko OA pero medyo nakakapanginig ng laman ang schedule namin.

Sa tingin ko may error on the side of registrar kaya naman riot na ang sched namin sa school. Whole day ako ng Tuesday, Thursday at Friday habang sa Saturday naman ay half day. Kamusta naman kaya ako nito sa work ko pag-gabi?

Nagkakabiruan na lang kaming magkakapatid dahil sa pare-pareho na naman kaming tapos ng pag-aaral pero, subalit, ngunit, datapwat nag-aaral ulit kami. Hindi ko alam kung ano ang gusto namin patunayan nyahaha.

Okay too much of the schedule rants, ako naman ang may gusto na mag-aral ulit kaya hindi ko pwede isisi kahit kanino ang kagustuhan ko na makapag-aral muli. Marami ang gusto mag-aral pero hindi nabibigyan ng previlage na makapag-aral. Sa ngayon ang ultimate goal ko na lang sa pag-aaral ko ay maka-graduate. Sabi ko may time line ang pag-ra-rant ko kaya naman timer stops in 3...2...1 *ting ning ning ning ning*

Bago ang pasukan ay sinulit ko na ang bakasyon ko. Bumalik ako sa paglalaro ng Ragnarok at gumawa ng full support na Priest. Matagal na kasi kaming nag kakayayaan nila Fiel-kun ng Fiel-kun's Thoughts at ni Anthony dating author ng blog na Free to Play na mag hunt ng mga undeads lolz.



Sa ngayon ay nakagawa na rin ako ng Whitesmith at plano ko ng gumawa ng Warlock. Napaka-old school lang ng MMORPG na gusto namin laruin lolz. Sa ngayon mas gusto ko muna mag relax dahil alam ko na magiging busy ako simula bukas. 

Wait lang, kayo ba nakapag-recharge na para sa magiging busy na linggo? Kung hindi pa magandang pumunta muna sa church para mahingi ng guidance. Tapos uwi ng bahay. Tapos meditate. Tapos labas nyo na yung katol. Tapos sindihan nyo. Tapos singhutin nyo at hintayin na maging sabog kayo. CHAROT LANG!!! 

Nasa inyong deskarte kung paano ka mag-re-relax as long as alam mo na makakaganda ito ng vibes mo. Tandaan, positive vibes can give positive output.

Oo nga pala, nagmumulti tasking ako kanina. Habang gumagawa ako ng assignment ko ay nag-ba-browse ako sa FB ng bigla kong makita ang isang video about moving on.... Medyo nakakatuwa sya kaya naman nai-share ko sa isa kong blog nasa baba yung link ☺


Move on


O sya dyan muna kayo papa-level up lang ako habang sinasabayan si Matt Nathanson sa kanta nya na some kindda nakakakilig at nakaka-in love lolz.



Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!