Check-up Time: 8:33pm
Kahit kailan talaga hindi kumpleto ang buhay ng isang tao kung wala silang kontra bida.
Yung para bang hindi mabubuhay si Mara kung wala si Clara. Hindi magiging bida si He-man kung wala si Skeletor. Walang Carebear kung walang No Heart. Hindi mago-outshine si Sarah kung wala si Lavina.
Bukod sa sirain ang araw natin at gawing miserable ang bawat oras na nakikita at nakakasama natin ang mga gantong klase ng tao naisip ba natin kung ano ang mga positibong naidudulot nila sa atin?
1) Tinuturuan nila tayong lumaban. Yung magpipikit ka sa harap nila at sisigaw ka ng "Katarungan kay Ka-Dencio..." Charot lang. Dahil dito ay natututo kang na lumaban sa bagay na pinaniniwalaan mo na tama ka kaya naman hindi ka madaling sumuko sa mga ginagawa nila sayo kahit pa nga minsan eh gusto mo na mag-give up.
2) Madali mong maunawaan ang nararamdaman ng isang tao na pareho ang pinadadaanan mo dahil pareho kayo ng pinaghuhugutan at pinanggagalingan.
3) Mas nananatili kang positibo. Kahit na nga binabalasubas nila ang pagkatao mo eh naniniwala ka pa rin na darating ang panahon at malalampasan mo ang mga bagay na ginagawa nila sayo ng may dignidad at may matamis na ngiti sa labi.
4) Nagiging malapit ka din sa Lumikha. Aminin nyo kapag panahon na down kayo eh nasasabi nyo na lang bigla "Lord, ikaw na po ang bahala sa kanila..." tapos sunod noon "di worth it na mabahidan ng dumi ang kamay ko sa mga taong tulad nila... " Lolz, may masamang balak? Pero totoo naman na ipinapanalangin natin na si Lord na ang bahala sya sa kanila dahil naniniwala tayo na darating ang panahon na marerelialize nila kung gaano ka nasty ang ginagawa nila.
5) Bawat success na nagawa mo ay additional ganda/pogi credits sa ganda/pogi lang card natin... Natin talaga? lolz. Hindi ba kapag nakita nila na naging successful ka sa ginawa mo at pinupuri ng lahat ang nagawa mong maganda pagnapatingin ka sa kanila makikita mo na lang na parang nakakain sila ng buto ng kalamansi sa sobrang asim at kahit hindi sila nagsasalita mababasa mo sa isip nila na "Hindi pwede ito... Humanda ka sa akin" ganyan! Pero ikaw naman taas noo ka habang hawak mo ang 5 kilong pride at 5 kilong flawless na victory dahil nga llamado ka.
6) Mas natututo kang maghanap ng positive vibes para lang hindi ka mahawaan ng negative mantra ng mga taong mas mataas pa ang negative charge sa negative pole ng mga magnet.
O sya naisip ko lang naman ang mga bagay na ito dahil na obserbahan ko ang isang grupo ng mga tao hihihi.
Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!
Pagod na kong maging bida, try ko kaya maging kontrabida naman? hahahaha
ReplyDeletehmmm on a serious note, gusto ko itong mga punto por punto mo dito, lakas maka good vibes!!!
Hala! gusto maging bully?
DeleteMay kinalaman ba ito doon sa........ *evil grin*
ReplyDeleteAnyways, hindi exciting ang buhay kung wala ang mga epal na kontrabida XD
Dapat sa kanila, tinatangay ng mga bagyo!
hala wala akong alam dyan ahahaha.
DeleteBad ka pero..... fair enough lolz (mas bad pala ahaha)
Magandang gawan ng kuwento ito, itanong mo si Fiel, lol! Eenie, meenie, mini, mo, tell me the kontrabida of them all.
ReplyDeletenyahaha im sure may nakwento si Fiel lolz
DeleteMahirap talagang magkaroon ng mga kontrabida sa buhay...
ReplyDeleteAt tama ka, si God na ang bahala sa kanila :)
Idagdag pa natin si Karma hehe.
hahaha hindi ko na sama na sa mga bad people close si Karmi Martin lolz
Deletelaging magkarugtong 'yan , kapag may bida siguradong may kontrabida he h e : )
ReplyDeletetrue ahahaha
DeleteMay puti, may itim rin. Siguro yang mga kontrabida na iyan ay pambalanse sa buhay para hindi boring. Sila ang nagbibigay ng kasiyahan, lol. Mabuti at ito'y iyong sinipat sa isang positibong anggulo. Bigyan ng jacket at 5 thousand!
ReplyDeletenyahaha...
Deletepasok mariposa!
pangarap kong maging kontrabida.
ReplyDeleteyun lang. bwahaha
nyahaha go.. Maleficent! lolz
DeleteBet na bet ko lahat to, relate ako e aylabet!
ReplyDeletenyahaha tenchu!
DeleteHindi ka pala pwedeng maging bida sa isang telenobela, kasi marunong ka lumaban sa kontrabida. *hehe* Di gaya ng bida na nagpapaapi kahit wala nang sense.
ReplyDelete