Wala na yata akong ginawa ngayong hapon kundi ang i-edit ang pic namin sa Magalawa ganun din ay ang gumawa ng seryosong entry para sa isang page ko lolz.
Sa totoo lang medyo nalungkot ako nung papunta kami ng mga kasama ko sa Zambales para sa Magalawa adventure namin dahil nga sa byahe pa lang namin eh umuulan. Yung tipong ma-a-achieve mo yung pagkanta mo ng "I can make it through the rain" hahawak ka sa salamin ng bus tapos ifo-focus sa camera yung mga patak ng ulan sa salamin habang nakalapat ang palad mo dun... Ganyang peg.
Pero very positive ang mga kasama ko, ayaw patinag. Wait lang daw hindi magiging failure ang lakad namin. Matagal na kaming textmate ni kuya Mulo, sya ang contact namin sa Ruiz Resort kung saan naming maghasik ng lagim sa Magalawa. Pagtapos mag-walk out ni bagyong Glenda sa Pinas eh nagtext na ako sa kanya na susugod kami doon at maghanda na sya. Kaso sabi hesitant si kuya. Hindi pa daw nakakamove on ang island sa event ni Glenda kaya naman baka mag-walk out din daw kami pag nakita namin sa island pero since mahilig ng kami sa adventure eh PUSH PA RIN!! ang sagot ng mga kasama ko. Sabi ni kuya hindi na daw nya i-o-offer ang 1.5K all in package ng resort so kami na daw bahala sa food namin.
Keri lang naman. Nung nag compute ako at nag estimate ng magagastos namin eh medyo napamura pa kami ng malutong. Chars lang!!! Ang ibig ko sabihin eh medyo lumiit pa ang gastos namin. Instead na 2.5K per head eh naging 1.9K pa sya so hindi na masama.
Nagtext ako kay kuya Mulo kung saan ang pinakamalapit na palengke kung saan kami makakabili ng mga kailangan namin pati na din ang food na ipapaluto sa kanila. Sabi ni ate Bing na sumagot ng text ko, sa Iba market daw kami bumaba tapos sumakay na lang daw kami ng bus o jeep na papuntang Palauig at magpahatid sa malapit sa kalye papuntang Radyo Veritas.
Na-amaze ako sa sobrang mura ng mga lamang tao. Charot lang! lamang dagat doon. Mas mura sya ng doble sa presyo dito sa Manila. Na-achieve namin ang isang kilo ng pusit na 120 pesos lang ang kilo at malalaki ang bawat portion nya, Isang kilo ng Maya maya ng 150 pesos lang compare sa manila na na maharlikang angkan ang presyo.
Nagaabang na kami ng masasakyan papuntang Palauig ng biglang umeksena ang very harsh ang mga tricycle driver at nag offer na ihahatid kami sa Luan port sa halagang 450 pesos. Hindi na masama ang deal so sabi ko sa mga kasama ko "Sakay na" <insert ate Shawie here> ganyan! Wala ng patumpik-tumpik at sumakay na rin sila. Lakas survivor ng tricycle trip namin papuntang Luan port dahil from smooth to rough to a very rough road ang dinaanan namin... Ito nga oh, haggard ang mukha ko lolz.
Naghihintay na ang mga tauhan ni kuya Mulo sa amin sa port nung nakarating na kami... Hmmmm panget ng pagkakasabi ko lakas maka goons ahahaha. Basta yun na kasi yun eh. Nung komportable na kami sa inuupuan namin eh sabay sabay na kami sumigaw ng "SUGOD!!!" papuntang isla ng Magalawa.
Well, tunay nga na invaded ang lugar na ito ng seaweeds pero wait but wait! deadma sa mga kasama ko ito, dahil ang inaaliwan nila ay ang makitang malinaw ang ilamin ng dagat at makita ang mga seaweeds. Wierd ba namin? Well, at least I belong lolz.
So ito na nga, pagdating namin ng isla hinatid lang namin yung mga pinamili namin kay ate Bing at sinabi kung ano ang mga iluluto nila sa buong pag-stay namin sa isla after nun rush na agad kami sa kubo namin at nagpalit ng damit tapos dive na agad sa tubig hihihi.
So walang katapusang picturan nanaman ito habang nag-e-enjoy sa paliligo. Love it!
Walang kuryente sa isla pero may generator na gumagana, yun nga lang gabi lang sya binubuksan. Pero in Fairview, Quezon City kahit mag a-alas-siete na ng gabi sa lugar eh ang liwanag pa rin ng isla... Ganito kaliwanag
7:30 na ng gabi ng inihain sa amin ng adobong pusit na pinaluto namin. Medyo nabitin ang tropa dahil sa ulam. Dahil nga fresh namin nabili ang pusit kaya naman malinamnam sya sabi nila sana ginawa na lang namin 2 kilo ang pusit. Habang kumakain sabi ng naghatid ng pagkain sa amin kung gusto namin hintayin namin ang mga mangingisda na mag ahon ng nahuli nila kasi pwede namin bilhin. Dahil dyan aabangan daw namin sila. Shemay parang kami naman ang goons ngayon lolz.
Pagtapos namin shumat ng kaunti ay nagsiborlogs na kami dahil aabangan pa namin ang pagputok ng araw at ang mga mangingisda. Wierd ng wording ko ahaha.
So ito na Magandang Umaga Magalawa!!!
Lakas maka-series ng mga peg namin sa picture lolz.
After dalhin ang ilan pang kilo ng pusit kay ate Bing para ipaluto sa lunch namin eh naghanda na kami para mag bamboo rafting at magsnorkel. Snorkel? nakakariwasang pampalipas oras chars!
Nakakatuwa panoorin ang mga corals at mga isda na lumalangoy sa ilalim ng raft namin. Nakakarelax sya tignan. Si Jeph ang unang lumusong sa amin nag-eenjoy na sya sa tubig kaya naman sumunod na din ako.
Nakakatuwa pagmasdan ang mga corals, isda at ibang kulay na mga starfish na makikita mo sa ilalim ng tubig. Nakakadismaya lang wala kaming underwater camera para may remember kami sa lugar... Remember? loz!
After namin mag enjoy sa kalalangoy eh nagpahinga kami ng ilang sandali may ilang oras pa din kami sa isla at ang naging project ko pang-patay ng oras ay... Gumawa ng loom bands lolz. Well napapanahon pa rin ang style na natutunan ko. Fishtail at inverted fishtail... Laman dagat pa din lolz.
Buti na lang tapos ko na gawin ang mga loombands ko ng yayain na kami bumalik sa Luan port
Sa totoo lang ang lakas maka-survivor Philippines ng isla. Kung mabibigyan ang ng pagkakataon babalik ako dito tapos libre pa, why not! Choosy pa ba? Lolz ☺
Salamat kila Kamae, Jeph, Erin, Moe at Ynoh sa mga pics hindi na ako masyado kumuha ng pics eh. Nagiinarte ang phone ko lolz.
Hindi ko na binago ang water mark ng mga pics. kung gusto nyo malaman ang medyo seryosong kwento punta na lang po kayo sa seryosong travel blog ko lolz, click nyo na lang ang pic sa baba:
Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!
ay parang cutie si jeph. hihi
ReplyDeletehellow jeph. hihihi
anyway taray ng pagpush niyo sa kabila ng pagsalanta ni glenda! hehe deserve niyo ang masarap na adobong pusit!
Nyahaha malalakas ang loob at very positive ayan ibinigay ang gusto namin!
Deleteano ito? lol
Deletebuti tagalog ang nababasa ko dito.
ReplyDeletenag-nose bleed ako dun sa Rixcovery nyahahaha :D
hong saya saya ng adventure nyo sa Magalawa Islands.
sa mga pictures pa lang, kitang kita na nag-enjoy much kayong lahat!
Nyahaha garabe ito oh lolz
DeleteUu sobra wala pa yung mga self emote pics namin dyan ahaha.
grabe ka talaga mag-travel ... ikaw nah poh ... wagas ang loom bands ... gawa mo ako he he he
ReplyDelete: )
Nyhahaha wala ako set ng loom bands eh. balak ko pa lang bumili lolz
DeleteIkaw na si Superman and where do you get all your powers? Good to see your ever happy persona through photographs.
ReplyDeleteahaha salamat Jonathan.
DeleteMana lang sayo kapag nagtravel dapat masaya lolz
Seems like you had so much fun :) I miss reading your blog haha
ReplyDeleteHi Simon! yep we had so much fun...
Deleteyou can back read naman ehehe
bakasyon ulit! kakainggit naman...may talent sa paggawa ng rubber accessories...loom bands hehehe
ReplyDeleteNyahaha naka sched na po kasi yun hindi sya pwede icancel ☺
Deleteisama na to sa listahan ng mga dapat kung puntahan pag-uwi ko... sama ka? haha
ReplyDeletelibre mo? lolz
Deletehindi ako busy, aayusin ko sched ko ahahaha
Pwede na siguro ang 3k na budget dito, enjoy na. Perfect sa trip ng barkada. Gusto ko rin mapuntahan to someday. :)
ReplyDeletethe trip is less than 2K
Delete