Friday, July 25, 2014

kmsta?

Check-up Time: 4:00pm

Hey Hey Hey!!!

Musta na mga friends? Namiss nyo ba ako?

Kung ako tatanungin nyo, sobra ko ng namiss mag blog. AS IN! (ayan all caps para intense).

Hindi pa ako nakakagawa ng draft ng trip ko sa Magalawa Island, sa Zambales last weekend. Kasi naman uber busy ang katawang chuby ko.

Alam mo yung naglalakad ka sa kalye na parang lumulutang ang diwa mo dahil gusto pa ng utak mo matulog pero hindi pwede kasi kailangan mo na kaladkarin ang sarili mo kung hindi sa school ay sa work? Ganun ang sapi ko ngayon lolz.

Buti na lang kahit ganun eh natutuwa ako sa mga circle of people na kasama ko ngayon dahil kahit ganyan ang daily routine ko eh nagiging light naman ang lahat.

Nandyan na yung sabihin ng ibang tao kung gaano kalalim hindi lamang ng pagkatao mo kundi ng pagkakakilala nila sayo sa ibang tao at marinig mo mismo ito ng harapan. Alam mo yung feeling na kulang na lang eh ang set-up ng paligid eh nasa acting workshop ka at kailangan mo ng mga materials para maiyak ka? Ganun ang pakiramdam ko dahil sa kahit alam ko na ganito akong tao ay hindi ko gusto na ipakilala ang sarili k. Mas gusto ko na kilala ako ng tao bilang makulit at masayahing tao. Pero ganun talaga siguro kapag ang tao ay kinilala kang maigi kahit na nag-e-establish ka ng persona mo eh nakikilala pa rin nila ang tunay mong pagkatao.

Nandyan na din ang halos may makipag-away para sayo dahil alam nila kung ano ang bagay na ginagawa mo pero iba ang sinasabi ng ibang tao sayo. Yung tipong bakit mo sinisiraan ang taong ito eh hindi mo naman sya kilala. Ganyang peg? Taray noh? Ang sarap sa pakiramdam.

Nandyan na yung sila na nag-o-offer na sila na magpprint ng assignment mo pumasok ka lang ng maaga sa work para makasabay ka nila sa meryenda. Nakaka-overwhelm yung pakiramdam ng self-belongingness. kulang nalang magka-alta presyon ang heart ko sa pananaba nya.

Nandyan na yung sila na ata ang maghanap ng tao na magiging partner ko para naman pati ang puso at lovelife mo ay maging colorful din dahil sinasabi nila na "you deserve to have a person that you can call yours na". May ganun? Buti pa sila naisip nila yun for me nyahahaha.

Sa ngayon I really enjoy the people I'm with. Napakabait ni Lord sa akin dahil sa hindi nya ako pinababayaan. Kahit na may kulang pinupunan nya ito ng mga bagay na sadya namang higit pa sa kulang na hinahanap ko...

Nga po pala, pasensya na at may CAPTCHA na ang comment box ko... Tinatadtad na ako ng mga anonymous comments na puro advert ng iba't ibang imported na tao na kinaiiritahan ni Mr. Tripster. Kapag nag-mellow na ito tatanggalin ko din ng yung code, as of the moment po bare with me ☺

Yung Magalawa trip ko paki-abangan po ehehe. Salamat po sa inyo.


Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

18 comments:

  1. Ahihi.. Wag ka mag alala, darating din si lovelife mo ;) and its good to appreciate the people we are with always. It also feels good kasi when we start appreciating, thats the time we realized we are so blessed :)

    ReplyDelete
  2. Good company makes us happy and the ultimate goal of being in this world is to be happy. Masuwerte ka sa mga kaibigan at masuwerte sila kasi chubby ang personality mo.

    ReplyDelete
  3. Kaabang abang ang Magalawa Trip na yan... i post na agad hahaha #demanding

    ReplyDelete
  4. It's good to have people like that around you. Sana may ganyan rin ako. :)

    ReplyDelete
  5. Ambait mo sigurong kaibigan tsaka fun to be with kaya sinusuklian ka nila ng kindness. Btw ano kinalaman ni mr trips sa mga anon? Hehe sorry diko nagets.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nyahaha yan ang hindi ko alam Day. Basta alam ko gusto ko ang funny personality para everything is light.

      Delete
  6. awww nice. siguro nga mabait kang tao kasi ganyan sinasabi ng iba sa'yo e.

    unless gawa gawa mo lang yan.
    -- pak. sabi ko sa'yo e pangarap kong maging kontrabida e.

    charot. haha ang lakas lang maka-baliw nitong comment ko. lol

    ReplyDelete
  7. of course kapag magiliw at masayahin ang isang tao ay maraming tao ang maaattract sa kaniya for sure.
    Ako nga ay na-magnet mo rin dahil nuong first time tayo magkita sa PBO event sa Antipolo ay you were the one who first smile and greeted me on that day ha ha ha .... oha lakas sumipsip he he he ... just keep up the good work and maintain that positive and happy attitude ... o ayan ha kahit may Captcha na comment pa rin : )

    ReplyDelete
    Replies
    1. nyahaha naku hindi ko na nga naalala yun lolz.

      Tenchu ☺

      Delete
  8. Ikaw ay isang DAKILAng kaibigan Rix. That's why biniyayaan ka ng mga tunay at mapagkakatiwalaang friends!

    ReplyDelete
  9. Nakakatuwa naman ang mga pipol sa iyong life ngayon :) Blessing talaga! :)

    ReplyDelete

hansaveh mo?