Sunday, July 6, 2014

relax muna, busy next week eh

Check-up Time: 10:00am

Magandang Sunday morning mga ka-berks!

Medyo sabog pa ako ngayon at siguro sa mga susunod na araw at buwan eh mas lalo akong magiging malala. First week pa lang namin sa school pero parang isang sem na lolz. Alam ko OA pero medyo nakakapanginig ng laman ang schedule namin.

Sa tingin ko may error on the side of registrar kaya naman riot na ang sched namin sa school. Whole day ako ng Tuesday, Thursday at Friday habang sa Saturday naman ay half day. Kamusta naman kaya ako nito sa work ko pag-gabi?

Nagkakabiruan na lang kaming magkakapatid dahil sa pare-pareho na naman kaming tapos ng pag-aaral pero, subalit, ngunit, datapwat nag-aaral ulit kami. Hindi ko alam kung ano ang gusto namin patunayan nyahaha.

Okay too much of the schedule rants, ako naman ang may gusto na mag-aral ulit kaya hindi ko pwede isisi kahit kanino ang kagustuhan ko na makapag-aral muli. Marami ang gusto mag-aral pero hindi nabibigyan ng previlage na makapag-aral. Sa ngayon ang ultimate goal ko na lang sa pag-aaral ko ay maka-graduate. Sabi ko may time line ang pag-ra-rant ko kaya naman timer stops in 3...2...1 *ting ning ning ning ning*

Bago ang pasukan ay sinulit ko na ang bakasyon ko. Bumalik ako sa paglalaro ng Ragnarok at gumawa ng full support na Priest. Matagal na kasi kaming nag kakayayaan nila Fiel-kun ng Fiel-kun's Thoughts at ni Anthony dating author ng blog na Free to Play na mag hunt ng mga undeads lolz.



Sa ngayon ay nakagawa na rin ako ng Whitesmith at plano ko ng gumawa ng Warlock. Napaka-old school lang ng MMORPG na gusto namin laruin lolz. Sa ngayon mas gusto ko muna mag relax dahil alam ko na magiging busy ako simula bukas. 

Wait lang, kayo ba nakapag-recharge na para sa magiging busy na linggo? Kung hindi pa magandang pumunta muna sa church para mahingi ng guidance. Tapos uwi ng bahay. Tapos meditate. Tapos labas nyo na yung katol. Tapos sindihan nyo. Tapos singhutin nyo at hintayin na maging sabog kayo. CHAROT LANG!!! 

Nasa inyong deskarte kung paano ka mag-re-relax as long as alam mo na makakaganda ito ng vibes mo. Tandaan, positive vibes can give positive output.

Oo nga pala, nagmumulti tasking ako kanina. Habang gumagawa ako ng assignment ko ay nag-ba-browse ako sa FB ng bigla kong makita ang isang video about moving on.... Medyo nakakatuwa sya kaya naman nai-share ko sa isa kong blog nasa baba yung link ☺


Move on


O sya dyan muna kayo papa-level up lang ako habang sinasabayan si Matt Nathanson sa kanta nya na some kindda nakakakilig at nakaka-in love lolz.



Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

20 comments:

  1. Ikaw na busy! :) Good luck sa iyong schedule, mukha namang kayang-kaya mo yan dahil full of energy ka as a person (hinuha ko lang hehe). Tama ka, di lahat ay nabibigyan ng pagkakataon na makapag-aral, kaya biniyayaan ang may pagkakataon para dito kahit pa nagtatrabaho na :)

    Nakaka-excite tuloy mag-aral ulit. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nyahaha salamat sa tiwala.

      Magmamaster ka na ba Sir?

      Delete
  2. Feeling ko kahit busy ka eh happy ka pa rin.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nyahaha paano mo naman nasabi yun Anon Beki?

      Delete
    2. nyahaha sana nga masustain ang happiness na ito lolz

      Delete
  3. Busy ba ikamo ? sino ba ang hindi he he he ... lahat tayo busy sa maraming bagay kaya minsan hindi na nabibigyang pansin ang mga smallest details in life , hayzzzz , makabuntong hininga lang , wagassss he he he smile pa rin kahit busy : )

    ReplyDelete
  4. Salamat sa araw-araw na dosage ng kabaliwan at katinuan. Ako ay isang masugid na taga-hanga ng iyong mga nilalathalang sentimyento. Katol pa, Adeng!

    ReplyDelete
  5. You play RO din pala :) Madami na pala tayo pero I hate the new 3rd job classes though for me it ruined the game

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yep I play a lot of MMORPG at video games. Dun na ata lumabo ang mata ko lolz.

      Delete

  6. berks? di ba dati siyang palabas sa isang kilalang telebisyon network?

    Sabi nga nila edukasyon ang susi para sa isang tagumpay pero syempre di lamang yun dun natatapos dapat meron ka ding tiwala, tyaga at sipag upang marating mo ang pangarap mo hindi ba? Lalo na ngaun sa panahon na ito ang dami mong kalaban.

    Wala ata akong hiling sa laro na yan minsan ko na nasubukan pero olats parang mas gusto lamang laruan ang battlefield na laro nakalimutan ko yung pamagat ng laro na yun basta para siyang Dota hahhaha.

    oh sya hanggang dito na lamang ang aking komento!

    Salamat pala sa pagdalaw sa aking lungga!

    Hanggang sa muli!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tama po ehehehe

      Salamat din po sa muling pagbisita ☺

      Delete
  7. Hooooyyyy Rix!!!! XD

    Kamsuta naman ang pagha-hunt ng mga undeadz? Nakarami na ba kayo ni Tonyo? hihihi

    ReplyDelete
  8. don't forget to take your vitamins! mukhang siksik liglig ang sched mo e! hehe

    ReplyDelete
  9. Mailap ang pagkakataong makahuli ng bangkay, pero hindi tumitigil ang mga karakter na uhaw sa pagtugis ng may sala. Mauubos din, gamit ang kakayahang taglay, tiyak magtatagumpay. Lol.

    Kaya mo yang Chem at Phy!

    ReplyDelete
    Replies
    1. nyahaha sana nga kayanin ng 1gb kong utak yan

      Delete

hansaveh mo?