Monday, August 4, 2014

Cold treatment

Check-up Time: 4:14pm

Ang obvious ko daw magbigay ng cold treatment sa tao, yan ang sabi sa akin ng mga kakilala ko. Ewan ko lang, siguro dahil ayaw ko maging fake sa nararamdaman ko lalo na sa tao na in a way ay inisip ko na kaibigan. Ayaw ko maging plastic sa kanila dahil alam ko naman ang talagang nararamdaman ko sa kanila.

Ang hindi ko maintindihan eh kung bakit pati ang mga tao sa cyberworld eh alam kung nagbibigay din ako ng cold treatment sa kanila... Does it mean I really can't fake my feelings? Arte ko lang! ☺

Pero ewan ko, dahil ba sa kapag nakakausap nila ako nasanay sila na madaldal, ubod ng loko loko, garapal sa pagkabaliw ako kaya naman kapag hindi na ako ganun nakipag usap eh alam na nila na there is something wrong? hmmmmmm possible!

Hayzt! Bakit ba kasi hindi ko kayang maging contributor ng baha sa Maynila at kailangan ko pa tuloy magmukang may dual personality kapag may binigyan ako ng cold treatment...

Hmmm dahil dyan parang gusto ko magpa-hair treatment... Charot lang! maipilit ko lang ahaha.

Hay naku mag-ingat po kayo, maulan ngayon dahil may bagyo ata. Wag kalimutan magdala ng payong..


Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

10 comments:

  1. cold treatment ba ikamo ... baka akala nila ay may sipon ka kaya hindi ka namamansin he he he : )

    ReplyDelete
  2. ok na din yun kaysa nga naman maging peke ka sa kanila :)
    pero ang pinto ay laging bukas... pakisara na lng (hahaha waley)...

    ako nga eh, ok lng na di ko ka-close ang iba, wag lang kami maging magka-away :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nyahaha. Last mo na yan Sir Jep ☺

      Hindi naman sa away ang naganap. It so happen lang namay mga pangyayari na para sa akin ay hindi sya masyadong katanggap-tangap.

      Delete
  3. Bigyan ng Freezer yan! *evil grin*

    I'm sure ramdam na NILA yan!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Uy, sino ang mga yan? *haha* Kelangan ba yung walk-in freezer dahil madami?

      Delete
    2. Hahaha loko ka Fiel!

      siguro nga naman well I don't know lang kung din hihihi ☺

      Delete
  4. Cold treatment + Lamig ng panahon = Torture :P

    ReplyDelete
  5. maginaw ba pag binigyan ka ng cold treatment?

    #waley

    ReplyDelete

hansaveh mo?