I can say that this year was a blast for me as I was blessed with friends, opportunity to travel, to level up from work and so on kahit na hindi ako lucky sa pag-ibig at nagtatanong ako nung last Sunday pa if:
Nagsimula ang taon ko sa pagkakawang gawa sa pamamagitan ng pakikiisa sa layuinin na magbigay kasayahan sa mga Lola ng Kanlungan ni Maria sa Antipolo kung saan ko na meet for the first time sila Edgar Portalan ng Edgar Portalan's Daily B.I.T.E.S., Virkky Mums ng Ricochets and Clichés, Melanie ng Todo sa Bongga sila lang ang nagpakilala at nakilala ko pasensya naman sa ibang nandun.
Since pumasok ang buwan ng January ay na-bless ako with these people dahil sila ang nashe-share-an ko ng mga sentiments ko dahil sa halos pare-pareho lang kami.
Ang mga kasama ko sa gimik, walang katapusan na eat out na sanhi ng pag-lobo ko at nakasama na din sa valentines date.
Nasubukan manood ng play sa CCP Complex. Maganda ang play na Wicked promise..
Itong taon ko lang din na subukan magpakulay ng buhok. Never ko talaga tintry na magkulay ng buhok simula pa noon pero nakumbinsi nila ako lolz.
Nadiskubre namin ni Erin ang very healthy na bakeshop kung saan kami nakakain ng vegie cakes last March.
The circle of friends grew dahil kasama na namin si Basha sa mga kulitan... Sabi nga namin the more the many-er the more laughter when we went to Baguio last May kung saan nakapag-ikot ako ng Baguio ng nakasando lang habang umuulan...
May pinagdadaanan lang... |
Sinubukan ang Harry Potter inspired na restaurant, Ang Mystic Brew.
At dumayo sa Magalawa Island sa Zambales para mabuhay sa isang Isla at maramdaman na mag-ala survivor Zambales keme... At sa di inaasahang pagkakataon ay nadagdagan ulit ang grupo ng mga makati ang paa.
Muling bumalik sa The Baker's Table kasama ng mga bagong tropa
Naunawaan ang asignaturang Physics at Chemistry ng more lolz
Matapos ay nagpunta ng Guimaras para doon i-celebrate ang Birthday ko. Akala ko gala alone ito yun pala may kasama pa ako at pareho kami ni Basha na nagcelebrate ng Birthday sa Guimaras.
Na may sequel pa pagdating namin ng Manila lolz
Sa tulong ng mga kaibigan ay nagawa ako ng paraan para mag-organize kami ng isang outreach sa mga lola ng Hospicio de San Jose na limang taon ko ng pinupuntahan. Doon ay nakilala nila ang mga lola dito at nagkaroon ng mga bonding moments. Isang maagang Chirstmas party para sa mga lola.
Nagawang makipag-meet sa 2 sa pinakaclose na blogger bago matapos ang taon
At patuloy na nagdadasal na sa susunod na taon ay mas marami pang blessing ang ibigay at maging blessing din sa iba...
Happy New Year sa inyo mga kaibigan, kapuso, katoto, kapuso, kapamilya, kachokaran, kachikahan, katoque, kautotang dila at kung ano ano pang "ka" meron.
Sa 59 (kasama itong post na ito) na mga post na nailathala sa pahinang ito ngayong taon, salamat sa pagtangkilik at sa pananatili sa pagbabasa (pati na ang mga silent reader) ng walang kabuhabuhay, walang kalatoy-latoy, walang kasusta-sustansyang page ko. Nawa ay pagpalain kayo ni Lord.
Magingat sa paputok, mahirap magbilang ng blessing kapag wala ka ng daliri hihihi.
Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!