Monday, December 17, 2018

at last nag-update din

Check-up Time: 8am

My Gerd!

Ito na nga, almost 2 month na akong walang ganap bakit nga ba?

Well dahil nga natanggap ko ang super mega post na level up I'm soooooo very busy dahil sa pag-a-aral ko ng mga paikot ikot ng mga gagawin ko. Sa totoo lang ako'y hilong hilong hilong hilo..... Charot!

Dito ko naranasan na maging sing tigas ng bato ang likod ko dahil sa muscle spasm. Like so construction worker level ang trabaho. Dahil dito mas lalo ko na appreciate ang mga bigay ng Ama sa akin na blessing. Kaya alam mo na ang gagawin mo beshiewaps be thankful.




Dahil sa stress nag-walk out ako sa Manila last month just for a while para naman magbakasyon. Ewan ko ba sobrang iba ang comfort na binibigay ng Baguio sa akin na para bang every time na pupunta ako dun pagbalik ko eh may baon na akong energy. Siguro dahil sa ito na lang ang lugar na nakita ko na sobrang mapuno at medyo may close to nature eme.







Sa ngayon super naghahabol ako ng mga deadline para lang matapos ang mga year end report ko para naman chill lang ang sa mga susunod na araw. Super excited din ako dahil ito ang unang Christmas na makakasama namin ang pamangkin ko kaya naman super hands on din ako sa mga preparation.

Next week na ang Christmas. Ready na ba kayo? Ang family nyo? Eh ang bulsa mo? Yung akin, my God! Butas na butas na sya hahaha.

Hope na maging meaningful ang Christmas nyo at sana maging stress free bilang this is the season where we can enjoy it with our love ones.

I really hope na I can update my page more often and makita ko din ang mga dating mga blogger na nag-uupdate din ng mga page nila.


Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

Saturday, October 6, 2018

Series of unfortunate event

Check-up Time: 9:15 am

Parang TV series lang ang title ng post no?

Kasi naman this past few weeks eh panay ang dagok, batok, sampal, suntok, tadyak at kung ano anong pananakit sa akin ng life.

Hay, hindi ko na mabilang kung ilang gabi ng nakikita ko ang sarili ko na wala sa sarili habang nakatingin sa labas ng shuttle namin at hindi ko maintindihan kung ano ang nagaganap. Bakit? Eh kasi wala nga ako sa sarili ko di ba sinabi ko na? Ikaw talaga.

Ilang beses na din akong nagkakamali mali sa ginagawa ko sa trabaho at inuulit ito dahil pinagsasabay ko pagmuni munihan ang nagaganap sa buhay ko habang ginagawa ang trabaho ko. Alam mo ba kung ano ang epekto ng pagsabayin mo ang pag-i-isip ng dalawang bagay? Eh di nagkakamali mali ka, Sinabi ko na yun di ba? Ikaw talaga.

Ilang araw na din ba akong di makatulog ng maayos dahil sa kakaisip ng mga bagay kung bakit ba nangyayari sa akin ito. Oo nag o-overthink ako dahil parang hindi ko maubos maisip kung bakit ako lang ang sumasalo ng mga unfortunate events na ito. At alam nyo ba kung ano ang epekto ng kaka-overthink ko? Syempre di ako makatulog ng maayos. Nasabi ko kaya sya kanina di ba? Ikaw talaga.

Ilang araw ko na din iniisip na may matinding dahilan kung bakit sunod sunod ang mga hindi magandang event sa buhay ko. Iniisp ko na may magandang darating. Pero lumipas ang mga araw pero parang dadagdagan lang sila. Iba ito. Ang tindi. Walang pahinga. Sa tingin nyo ba may magandang mangyayari talaga sa akin dahil sa mga sunod sunod na di magandang event? O wala na akong sinabi... Kayo nga ang tinatanong ko. Charot!

Well muka naman talagang tama ako sa iniisip ko. Kahit nga sabihin ko na di ko na kailangan ng sex life dahil life is fucking me everyday eh may maganda naman nadulot ito. Hoy! Hindi yung sex life. Yun unfortunate events ng buhay ko. Ikaw talaga.

Kahit hesitant ako na mag-apply ng promotion dahil sa hindi pa ako qualify dahil wala pa akong isang taon. Eh tintry ko pa din dahil sa I have a great knowledge sa post na inaapplyan ko. Alam mo ba kung anong post yun? Nakatayo lang. Chos!

So ayun na ang naganap. After mag-fill up ng application at mag submit ng required docs eh nag-strike a pose talaga ako para sa post na yun. After series of interviews, selections and all those stuff eh nag-shine ako at ako na napili para kumatawan sa Pilipinas sa gaganapin na..... Wait mali pala yung nakwento ko. Chereng! What I mean is ako ang napili ng operation to fill the post na vacant.

Effective October 25th eh mag-sisimula na akong harapin ang bago kong trabaho at bago kong boss. Challenging pero ganun siguro talaga. Kaya mabigat ang mga unfortunate event sa akin dahil mabigat din ang timbang ko. Charot ulit.



Kaya naging parang tv Series yung title ng entry ko kasalanan ni Kalansay Collector ito na TV series ang drama sa buhay ahaha.

Iyan na siguro ang season ender ng unfortunate events ko, Baka iba na ang maging flow ng series ng life ko after ng 25th ng buwan na ito. Sana ay maging exciting nga ito bilang early birthday gift na sa akin ang promotion ko.



Wala na ako pasakalye para tapusin ang post na ito. Di ba sinabi ko na na tapos na ang series. Ikaw talaga. Chos!


Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

Saturday, September 22, 2018

feymus

Check-up Time: 1:16pm

Naramdaman mo na ba ang feeling na famous ka kahit isang beses lang sa buhay mo?

Naranasan ko sya recently lang. It's a great feeling kaso lang disaster din. Bakit? Ganito kasi yun.....


Medyo upset ako sa buong week na puro misfortune like my gosh! Nawalan ng pera, na ngarag sa trabaho, my mga sabit sa bahay, public issues and all that. Kaya naman nung pauwi na ako ng araw na iyon eh I'm so tuliro.

Akala ko naman ay hindi pa ako papalarin na makasakay ng maaga ng jeep dahil sooooo dami commuters waiting sa next jeep so expected ko na na haggardan festival ito. However, I'm oh so wrong, charot! Sa harap ko mismo nag-stop yung jeep kaya naman ang dami kong na-elbow na mga commuters kaya naman nakaupo ako.

We are making baybay the road going to FTI sa Taguig at titig lang ako sa kawalan like I'm so wala sa sarili like that. As in wala ako sa sarili ko. Muntik pa ako lumagpas sa bababaan ko kasi nga I'm so sad and depress.

Good thing naka sakay din ako ng jeep agad agad going to Bicutan but this time para naman medyo nasa senses ko ako nag browse ako ng kaunti ng phone. Kaso puro about politics dahil nauumay na ako sa balitang politics I turn my mobile data off na lang. Sakto naman na medyo malapit na ako sa DOST kaya naman kebs lang.

Medyo malayo pa kami sa babaan slightly I heard people like shouting but di ko sya masyado inintindi kasi napansin ko na medyo nag-slow down si kuya driver hanggang sa mismong spot kung saan ako bababa.

I started to move na para makababa when I stepped my left foot sa sampahan ng jeep at nailabas ang almost half ng katawan ko. I was shock. I was talaga, swear! Kasi nakita ko na nag-u-unahan at nag-a-away ang mga tao papunta sa direction ko. Like ano ba guys! Ako lang to! No need to panic! ganyan. Ang sarap sa feeling pala na pagkaguluhan ka ng mga tao. Yung dinudumong feeling. Ganyang level.

Nakababa na ako ng jeep I had a big smile para salubungin ang mga tao. Susko sino ba naman ako para mag mataas sa mga taong ito di ba? Kaso napalitan yun ng gulat. Like I was shock ulit. I was, swear!

Siniko ako ng isa, tapos may tumulak sa akin, hanggang sa di lang isa, dalawa, tatlo, padami na ng padami. Nawindang na ako. I was, swear!

Kaya pala sila nagkakaganun kasi..........












































Nag-a-gawan sila kung sino ang papalit sa upuan na iniwan ko sa jeep. Hay susme! Akala ko naman I'm so feymus na at pinagkakaguluhan na ng sambayan. Ka-ashar!







Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

Monday, September 17, 2018

mas random sa dati

Check-up Time: 9:00am

Buti na lang at di ako natuloy sa Baguio nung weekend, kung nagkataon eh inanod na din ako ng rumaragasang tubig pababa ng bundok. Iscarry underwood ang nangyari sa kanila kaya pinagdadasal ko ang isa sa mga lugar na taon taon ko ng pinupuntahan.

Hindi na yata ako papayat dahil sa puro eat-all-you-can ang trip ko ng weekend, sana naman may mag-offer ng diet all you can.

Binabraso ako na mag apply for promotion para lang saluhin ko ang tambak na trabaho ng mas malusog kong katrabaho na nagresign. Hindi yung parang si Riddick. Yung kamuka ni Maui sa Moana.

Parang gusto ko mag pa-facial with diamond peel mga 2 days 1 night para lang pag labas ko kasing puti na ako ni Kris Aquino o kaya yung masisilaw yung mga taong makakasalubong ko  ganyan. Charot!

Dalawang linggo ng mabagal ang innernet sa bahay, kaimBernadette Sembrano di ako makapagdownload ng nyorn. Charot! Movies yun. Yun talaga ang dinadownload ko.Kalurx Puro interactive voice response eh wala naman masyado interaction sa kanila.

Hay numinipis na ang buhok ko sa stress sana tulad ng pagnipis ng wallet ko dahil sa mga gastusin sa bahay. Buti pa ang gastos tumataas ang sahod hindi. sooooo Saklap!

Sana naman may maganap na maganda this week para makapagbago naman ng tinatamad kong mood. May magkakapera nga pala ako this week sige keri na yun. lolz

Gusto ko magtavel ulit kaso lang tamad talaga ako mag research at gumawa ng itinerary kaya naman siguro bukas alis ako ng Manila to go else where.. Ano daw?

Hay sinasapin nanaman ako ni Valak ngayon parang gusto ko na magpunta sa kama dahil valak ko ng matulog ulit dahil may shift pa ako mamaya.

O dyan muna kayo ang keep blog hoping. Mabuhay sana muli ang mga dugo ng dating bloggers hahaha

Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

Friday, September 7, 2018

Kung dati

Check-up Time: 9:00pm

Ibang level na din pala ang pakiramdam kapag adulting na noh? Like hindi na simple ang problema mo unlike noong musmos ka pa lang na ang problema mo eh kung ano ang lalaruin mo, anong cartoons ang panonoorin mo, o ano ang candy na bibilhin mo sa tindihan. Parang ang haba haba ng araw mo na wala kang pakialam sa oras. Ngayon ikaw ang laging nakikipag habulan sa oras. Nakikipag habulan sa deadline, nakikipaghabulan sa appointment, nakikipag habulan sa due date at nakikipag habulan sa cut-off.

Kung noon na tahimik ka at pinag-i-isipan mo ang strategy nagagamitin mo para makalusot ka sa patotot sa patentero ngayon iniisip mo kung ano ang gagawin mong work plan para makahabol ka sa deadline dahil kung hindi masasabon ka ng boss mo.

Kung noon ang iniisip mo lang eh paano mo mabubudget ang allowance mo para makabili ka ng laruan na gusto mo ngayon eh ang iniisip mo na eh kung paano mo mabubudget ang sahod mo sa mga bills  na kailangan mo bayaran.

Kung dati sa simpleng paluwagan ka lang sumasali para mapalago ang pera mo, ngayon eh masusi mo ng pingaaaralan kung saan mo i-e-invest ang pera mo para sa future mo kung may future ka nga! Charot.

Kung dati wala kang kapaki-pakialam sa hubog ng katawan mo dahil naniniwala ka sa mga sinasabi ng mga nakakatanda sa iyo na kailangan mo kumain para maging malakas ka ngayon eh puro diet naman at gym at pag try ng kung ano anong pampapayat, pampaputi, pampakinis ng balat ang ginagawa at ginagamit mo dahil gusto mo na maging appealing at halos sambahin ng mga tao ang katawan mo kapag nag-post ka ng topless o naka sexy outfit na damit sa FB.

Kung dati makapag lagay ka lang ng pulbo at cologne eh ayos na pero ngayon mas gusto mo na na magpahid ng mga linament, lagis at ointment sa mga kasukasuan mo para mawala ang pamamanhid at mananakit ng mga joints mo.

Kung dati puro kalokohan lang at kwentong barbero ang pinaguusapan nyo ng mga tropa mo kapag nag kita kita kayo sa inuman. Pero ngayon eh nagpapayabangan na kayo ng mga achivements nyo.

Kung dati kontento ka na sa pansit canton na instant for meryenda pero ngayon na can afford ka go na sa iced blended na coffee with matching slice na cake with dozen of pics and choose the super bongang picture to post in FB with a caption of "enjoying my daily dose of caffeine" ganyan.

Kung dati puro advice ka lang ng mga technique kung paano mo matatalo ang kalaban mo sa nilalaro mong video games, ngayon nagbibigay ka na ng advice sa mga kaedad mo ng tungkol sa buhay mo lalo na sa walang kamatayang issue tungkol sa pagibig na akala mo naman eh napaka dalubhasa mo sa larangang yan wag mo na ako charotin! umamin ka na.

Kung dati ang problema mo lang sa mga subjects mo eh ang math at kung paano mo maso-solve ang mga nyemas na mga problems. Ngayon personal problems at struggles na ang binibigyan mo ng solusyon.

Kapag naiisip ko kung gaano kamumplekado ang adulting mas gusto ko na lang bumalik sa pagkamusmos. Pero ano nga ba ang magagawa ko eh nandito na ako. Ikaw may Adulting issue ka din ba? Kung meron man sarilinin mo na lang. Nabasa mo naman na madami na ako issue eh di ba? Charot lang ahahaha

Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

Monday, August 27, 2018

Handa ka na ba?

Check-up Time: 9:05am

Hola!

Kamusta na mga tropa na baliw? Cheret!

So kabilis ng panahon like crazy.. Like you can't imagine dabah? Sa Sabado eh September na. Naloka ka ba? Wag ka mag alala hindi ka nag-i-isa ☺.


Ano kaya ang mga ganap this year Christmas season? Ano ang mga dapat abangan? Ano ang mga pakulo? Ano ang mga panlaban na station ID chareng!? Ano nanamang chriskringle na drama sa office nyo? Sino kaya ang naka bunot sayo? Ano kayang ireregalo mo sa minito/monita, yung pinaka mura Chars! Ano ang ibibigay mo sa mga inaanak mo? Ano ang ibibigay mo sa family mo? May matatanggap ka bang regalo? At ang ultimate question is.... Magkaka-love life na ba ang mga single this time? Cheres!



Kung ano man ang mga ganap this season eh isa lang ang alam ko... Bukod na nakapag-update na ako ng Christmas playlist ko eh hindi mawawala ang mga ito....




























































Ready na ba kayo sa amin? Maririnig nyo na kami sa Sabado!
Yes! You're completely right! ido-dominate nanaman nila lahat ng mga radio station at mga radio sa malls. Kaya, handa na ba ang mga tenga nyo? Lolz


ctto of the pics


Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

Monday, August 20, 2018

Nagbabalik

Check-up Time: 9:07am

Oh my gersh! Its nice to be beks lol

Soooo mga  months na din pala ang pananahimik ko hahaha.  Grabe its so tagal. Ang dami ng ganap na hindi ko na ikwento dahil sa kulang ang oras ko araw araw. Kung hindi ko pa mamadaliin ang ginawa last night na errands like I can't update this page na. lol  Ang arte

Sobrang dami ko ng panis na kwento na hindi ko na mai-post dito pero hay naku ganun talaga. Mukang tama ang sinasabi nila kapag (tumatanda ka) nag-ma-mature ka eh kumukonte ang time mo ganern!

Hayzt! I'm going to update this page very very very sooon ☺

Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

Monday, March 26, 2018

Baliw Saga: Episode 8 - kitchen adventure

Check-up Time: 9:00am

Haru! Kamusta na kayo????

Ako, more chubbier than evah! 



I don't have the opportunity na mag-wonder sa kitchen for a long time.... Bakit? Hello busy kaya? Charot!

But totoo naman yun, even sa pahinang ito nga eh bihira ko sya mabisita kahit nga ang anibersaryo ng blog na ito wit ko na nakeme. Pero ayos lang naman yun.

So tama na ang mahabang hanash balik na sa kwento..

One morning, bet ko kumain ng kakaibang breakfast yung parang simple lang naman ang main na sangkap nya pero fabulous ang eksena. Yung madaming pasabong. Master chef lang ang leveling. Ganurn! 

Ang balak kong gawin is to make a simple scrambled egg into a fabulous breakfast. Soooooooo ready ka na ba? Timer starts now!

Run-a-way bride ako sa kitchen, at dumerecho sa fridge, getsung ng getsung ng mga sangkap na gagamitin ko. Rosemary, cumin powder, kumuha din ako ng kaunting cinnamon powder, pepper, salt, ilang piraso ng star anise, butter, garlic at ang pangunahing sangkap.... Ang itlog syempre.

Kinuha ko ang isang non-stick na pan at hinanda para sa pagluluto. Habang iniinit ang kawali ay dinurog ko na ang garlic tulad ng pagdurog ko sa mga kaaway ko. Chars lang! Mabait ako hahaha. 

So ito na nga. Nilagyan ko ng butter ang pan kahit na non-stick sya dahil magdadagdag sya ng lasa sa fried egg na iluluto ko. Nang uminit na ang pan ay nilagay ko ang bawang at hinintay na maluto ito. Sunod kong nilagay ang 6 na pirasong scrambled eggs matapos makita na medyo may nabuo ng part ng egg ay isa isa ko ng nilagay ang mga spices na magdadagdag ng lasa at aroma sa egg na ginagawa ko. Cumin powder, cinnamon powder at salt and pepper to taste. Habang hinihintay ko syang maluto, ay inilagay ko ng may kaunting distansya ang star anise sa itlog at tinakpan ito para makadagdag sa amoy nya. Nang matapos na syang maluto ay nilagyan ko sya ng rosemary for garnishing. Bongga!

At ayun na nga ang naganap.... Naluto na sya! Ang finish product?
























































































































Dahil bukod sa hindi kaaya aya ang itsura nya eh napakasama pa ng lasa ng ginawa ko, nagdesisyon na lang ako na di sya kainin at mag-stick sa original na scrambled egg tulad ng nasa pinost ko. Sinamahan ko na lang ng ubod na init na pandesal at mainit na black coffee. 

Hay! Minsan na lang nga ako magpanggap na mag-magaling sa kusina di pa nakisama.... Oh! hinintay nyo rin kung ano ang kinalabasan no? At siguradong na-disappoint din kayo hahaha


Well bueno, ang moral lesson nito ay: Wag ipilit ang bagay na hindi pwede... Ikaw lang din ang masasakatan kapag hindi nag work out ang lahat.... Parang love life mo. CHAROT!


Oh sya! Kain tayo...




Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

Wednesday, February 7, 2018

Feb-ibig

Check-up Time: 6:59am

Hello February!

Ito nanaman ang February eh, susko makakaramdam nanaman tayo ng mga pagyanig sa mga madadaanan nating mga inn, motel at appartel at may mga lalabas sa mga establishment na yun ng pagod. Alam nyo na siguro ang naganap. May nag-gym sa loob. Charot lang!

Bakit ba kapag ganitong buwan ang daming bitter? Hindi ba tayo pwedeng maging masaya sa mga taong extended ang new year? Chareng! O sumama na kayo sa ampalaya festival kung ka-career-in nyo maging bitter.

Mageemote naman ang iba na Self Awareness Day. Sige na nga aware ka na sa sarili mo... Aware ka ng single ka at walang mababago dun. Kung di ka kikilos at gagawa ng paraan mananatili kang single kaya naman landi landi din o para paraan din kapag may pagkakataon dabar?

Hindi ka gustohin kaya ka walang partner? Naku ha kung maganda/gawapo ka at yan ang linyahan mo pwede ba? Don't me! In denial ka pang choosy ka lang kaya wala ka pang partner. 

Ganyan din ba ang linyahan ng mga tulog nung nagsabog ng kagwapohan/kagandahan si Lord sa lupa? Pwes don't me din! Madami na ako kakilala na masakit na nga sila sa mata tignan pero sila pa may gana mag loko at di lang 2 minsan higit pa dun. O dinaig ang gwapo/maganda? Eh di kayo na ang takot maubusan at gutom sa pagmamahal. Galit na galit? hahaha


Sobrang depress na ba mamshie at papshie dahil wala kapang partner since birth? Susko makaramdam ka! Ibig sabihin lang nito ipinanganak kang independent (pero kawawa ka talaga, belat! Charot lang hahaha) Wag kang umarte na end of the world na dahil wala ka pang partner. Nabuhay na nga since birth na wala kang partner eh, ngayon ka pa mag-gi-give up? Laban lang mamshie at papshie.


Imbes na hanap ka ng hanap ng signs kung sino magiging partner mo, bat di sya ang hanapin mo at di yung kung ano anong signs. Wag mo masyado pahirapan ang sarili mo mamshie/papshie sabi nga ni Zenaida Seva may sarili tayong free will gamitin natin ito. Elaborate ko pa ba?

O dahil Valentines nanaman nag-babalik ang mga ginalingan video clips ng Jolibee ng tungkol sa pagibig. In fairness may kurot naman talaga sya sa puso at makakaramdam ka ng kilig. Mga manhid lang talaga ang hindi makakarelate dito. Kurutin kaya sila sa fes ng nailcutter ng makaramdam din sila. Chos! hinihintay ko na lang mabuhay sa hukay ang mga video kinembot ng Mcdo.

At dahil puro pagkain ang huli kong nabanggit, nakakaramdam ako ng very very light na gutom. So alam nyo na. Ngayon Valentines day ikakain ko na lang ito. Tulad ng laging linyahan ni Mr. Tripster na tambak ang labada nya hahaha. Wala an akong paki sa mga bilbil ko.

Muli kong paalala, hindi lang sa dapat sa araw ng mga puso ipinararamdam ang pagmamahal sa inyong mga parter. Dahil kung mahal mo sila dapat ipinararamdam yan whole year round. Okay? Alright? Okay alright?

O sya dyan na kayo, mag bebenta pa ako ng ballon sa labas ng mga motel at inn para dagdag kita. CHARENG!


(ctto of the comic)

Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

Thursday, January 25, 2018

Soup

Check-up Time: 2:30pm

Apat na oras lang ang tulog ko, kahit na sabihin kong sanay ako sa kaunting tulog ay hindi ko alam kung anong meron sa araw na iyon at para akong lumulutang sa ere.

Image result for sleep head guy

Pinipilit kong ikondisyon ang sarili ko, hindi man napipikit ang mata ko senyales na ako ay inaantok eh alam kong sinasabaw ako.

Mahigit tatlopung minuto na lang eh mag-sisimula na ako sa mga gagawin ko sa opisina ng makatanggap ako ng text sa katrabaho ko...

Katrabaho: Asan ka?
Ako: Pantry
Katrabaho: Inaantok pa ako hahaha
Ako: Ako din
Katrabaho: Kape?
Ako: G lang
Katrabaho: Sige login muna tayo tapos punta tayo ng convenient store.
Ako: Push

Matapos namin mag login ay bumaba kami ng gusali para magpunta sa pinakamalapit na tindahan para bumili ng kape.


Tinungo ko agad ang lugar kung saan ako kukuha ng kape. Naglagay ng baso sa makina at namili kung anong klaseng kape ang pipiliin ko at kung gaano kadami.

Ganun din ang ginawa katrabaho ko. Nangmatapos na kami at nagtungo na kami sa kahera para bayaran ang kinuha namin. Pro-active si ateng kahera. Malayo pa lang ako ay nagtanong na sya nga mga kailangan ko.

Ateng kahera: Ilang cream at sugar sir?
Ako: 3 cream at 4 na asukal
Ateng kahera: kumuha sa lalagyan at nilagay sa paper bag
Ako: salamat ate (sabay abot ng bayad)


Nang makarating na ako sa station ko ay inilabas ko ang mga bigay ni ate para ilagay sa kape ko. Laking gulat ko ng biglang




































Yung totoo? Ano ang gagawin ko sa asin?


So sino ang mas sabaw sa amin ni ate? lolz



P.S. hindi ito ang unang beses na maranasan namin ng katrabaho ko ang ganitong kaganapan. Bumili sya ng hotdog sandwich. Dahil sa gutom na gutom na sya ay di na namin tiningnan ang label ng condiment na binigay sa amin. Laking gulat nya dahil hindi ketchup ang nailagay nga sa hotdog na binili nya.


































Ano kaya ang lasa ng hotdog sandwich na may siopao sauce? nyahahahahah

(credit to the owner of the first pic)


Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

Thursday, January 18, 2018

Bago?

Check-up Time: 8:29am

Bagong taon pero ano nga ba ang nag bago sa akin? Sayo? Sa kanila?


Nakakapraning na makita na sobrang nipis na ng buhok ko. Not to mention (shemay! English) ang sing taas na ng pangarap mo na hairline ko. Kaloka di ba?

Image result for baldness

Now ko rin lang nakikita na may wrinkles na ako. Oh mey gerd! As in? Dis kenat be! Ang arte ko lang pero chaps talaga syang tignan. Dahil nyan magbababad ako sa retinol para wala ng part ng balat ko ang kulubot. Cheret!

Bagong work so bagong mga muka sa trabaho. Pero ang di nababago eh ang mga feeling na minsan mo pa lang nakita ang isang tao eh mainit na ang dugo mo... Bakit nga kaya ganun? May scientific explanation sya. I-research mo. now na!

Dahil new work syempre new environment. At ang pinaka-bet ko dito kahit haggad na haggard ako eh kering keri ilabas ang telepono mo at kalikutin hanggang ikaw ang magsawa. Kaya nag rereklamo na ang network provider ko na i-renew ko na ang plan ko dahil sulit na sulit ang unlidata ko. Well neknek nila hindi ako mag-re-renew. Charlot!

Tumaba nanaman ako dahil sa nagdaang Holiday. Well what's new? Taon taon ko ng pinagdadaanan yan nasanay na ako na ako ay isang bil-bilionaire. Hinahayaan ko na lang na ganyan malay mo bilbil na ang magsawa sa akin.

Image result for human ham

New tax scheme. Hmmm dito akiz super interesado. Malalaman natin kung talagang magiging happy ako o tuluyan ko ng isusumpa ang gobyerno. Charlot ulit!


Image result for train tax

Bakit nga ba lahat ng mga pagbabago maraming cons at pros? Di ba pwedeng puro pro na lang? Bat ba ang unfair ng life? Ang unfair ng mundo? Ang unfair mo? Chareng lang!

Bakit nga ba kapag may pagbago mas madami pa ang may violent na reaction kesa sa matuwa? Hindi ba pwedeng deadma-tology na lang?

Ano sa tingin mo? Tama ba ako? Wag mo sarilinin ang sagot mo! Share mo naman sa amin... Sige na mag comment ka na. Ayan o, dun sa baba. Dun sa may box tapos click mo yung submit, ganyan! G na! As in now na! Lolz

Susko! Sino pa ba ang mag-aakala na magkakaroon pa ako ng blogneversarry hahaha. Yeast! Meron pang ganyan ganyan. Tandang tanda ko pa nung maliit pa ako... Kahit maliit pa din naman ako sa height ko nyahaha. 6 years na nga ata ang nakalipas at nag-sasalitype pa din ako.

Yung ibang mga kasabay ko at nauna sa akin kinuha na nga ata ng lumikha. Charot! Nakikita ko pa naman sila sa nyesbuk na alive and very busy sa kani-kanilang endeavor sa buhay.... Taray ko sa endeavor hahaha. Pero seryoso, nakakamiss ang panahon na blog ang sikat at di ang kung ano anong social mediang hanash na very hesitant ka ng maniwala kung totoo nga ba ang nakikita at nababasa mo kaya naman ang karamihan ay nilamon na ng social media.

Ganun talaga sabi nga nila kailangan umusad ang buhay at sumunod sa takbo ng panahon. At dahil dyan tatakbo na din ako sa kama ko dahil bo-borlog wonderuchi na ako.

See you when I see you... Ay parang wala naman see dito unless mag live ako sa nyesbuk at mag watch kayis di ba? lolz


( credits to the owner of the pics other than mine)




Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!