Tuesday, November 12, 2019

Bakit?

Check-up Time:  1:40am

Minsan dumarating talaga ang pagkakataon na nauubos ang pagiging makatao mo dahil sa sinasagad mismo ng mga tao ang katiting at kakarampot na pagkatao mo.

Minsan kahit na gusto mo intindihin ang tao sila mismo ang gumagawa ang dahilan para di mo sila intindihin at pabayaan na lang.

Minsan kahit na sabihin ng damdamin mo na kaya mo pa silang tiisin, pero idinidikta na ng utak mo na pagod na pagod ka na at di mo na kaya.

Minsan mahirap at masakit isipin na ginagawa mo ang lahat para maging masaya ang tao sa paligid mo pero ano nga ba ang napala mo? May nag-appreciate ba sa ginawa mo? Ibinigay mo na ang mga kamay mo pero pati mga paa mo ay gusto nila kunin... Nagbigay ka na pero hindi pa sapat... Hanggang saan ang kaya mo ibigay? Ano pa ang kaya mo ibigay?

Minsan iniisip mo na baka kapag may pinasaya kang tao baka ikaw din pasayahin nila pero hindi ganun ang tao, hindi ganun ang mundo. Oo, katapatan mo maging masaya pero paano? Kanino? Sino? Saan?

Bakit nga ba natatakot tayong makasakit ng iba kahit alam natin na tayo talaga ang nasasaktan, at ikaw ang biktima. Dahil ba sa moralidad? Pero bakit hindi patas ang moralidad sa atin? Bakit tayo sinasaktan ng moralidad? Sadya bang wala na talagang moralidad ang tao? Bakit sila walang moralidad? Ano ang dahilan?

Minsan parang gusto mo maging masamang tao kahit na alam mong hindi ito tama. Pero ano nga ba ang tama? Ang hayaan mo na saktan ka ng ibang tao o ang hayaan mo na saktan mo ang sarili mo?
May mali ba sayo? Ano ba ang mali sa ginawa mo? Ano ba ang mali sa iniisip mo? Mali nga ba talaga lahat o ang presensya mo sa mundo talaga ang pinaka malaking pagkakamali?

Bakit kailangan mo mahirapan? Bakit kailangan mo masaktan? Bakit kailangan mo makaranas ng kalungkotan? Bakit kailangang di maging patas ang mundo sayo? Bakit kailangan kang gamitin ng tao? Bakit nga ba? Bakit?

P.S. Very late na ang post na ito. Dapat sana at sa buwan ng mental health ko ipopost ito. Subalit dahil sa nagging busy ako ay sobrang late na nito

Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

Tuesday, September 3, 2019

bakit nga ba ako hiatus?

Check-up Time: 8:45

It's been a while crocodile since last na entry ko sa asylum hohoho

Hindi naman sa tinatamad o walang mapigang creative juices para may maipost pero lately kasi ay nailaan ko ang very very much ng time ko sa fitness eme ☺

If nadaanan nyo naman ang entry ko tungkol sa pag-update ko ng policy ko sa current na insurance ko ay malamang sa alamang ay alam nyo na na medyo concern ako sa health ko nowadays.

Na a-Freddie Aguilar ako dahil sa totoo lang simula pa 1st quarter ng 2018 ay ang normal na blood pressure ko ay 140/100-ish or 135/90-ish kapag di pa ako stress.

Oh di ba? Baka mahiya ang mga mas obese pa sa akin dahil sa taas ng BP ko. Ewan ko kung bakit . Marahil eh nakuha ko ito sa genes ng father side ko. Ang ikinabahala ko ay sinabihan na ako ng doctor sa clinic ng office namin December last year na kapag hindi naging normal ang BP ko ay imomonitor na nila ako.

Shoes ko! Hindi ko bet ang habang naglalakad ka sa kalye eh may nakakabit na pang monitor ng BP sayo. Ang lakas maka pasyente sa hospital. So mega tanong ako sa doctor kung ano ang mga pwede ko gawin para bumaba ng hard core ang bwisit kong BP. Akala ko nga ang isasagot nya sa akin eh prayers lang, balak ko na mag-bisita iglesia kahit wala pa mang semana santa. Chareng!

So ang recomendeyshen ng doctor, diet will do pero kung bababa ang timbang ko ng more na more eh malaki ang chance na bumaba din ang bwisit kong BP. So after ng heart to heart, cheek to cheek, bone to bone, neck to neck na usapan, eh nag-isip na ako kung paano bababa ang timbang ko.

Sa true lang, may isang araw na nasayang ang bayad ng kumpanya sa akin. Bakit? Hindi kasi ako ng work dahil isang buong shift ako nag reseach lang kung paano papayat hohoho.

So ito na nga, dahil December, I can't afford to miss all the masasarap na luto at handa sa noche buena, Ganun na din ang kaliwa't kanang potluck dahil sa reunion gawa ng holiday na wala naman talaga ako inambag pero nakikain ako at most especially ang mga Chistmas party na hindi ko pinalampas, Idagdag mo pa ang celebration ng New Year.

So ito na! 2 days after ng New Year, buo na ang loob ko. This is it! Ang moment na pinakahihintay ko. Simula na ng aking fitness goal para sa ikabababa ng blood presure ko. Nagsimula ako ng 75 kilos and after 2 months 65.5 kilos na lang ako hahaha.




Sa ngayon ay mine-maintain ko na lang sya. 3 to 4 times a week ako kung umattend sa mga dance classes. If di naman ako nakaka-attend eh sinusukuan na yata ako ng thread mill sa 30 to 45 minutes na naglalakad ako sa ibabaw nya. Dito muling nabuhay ang matagal ng natutulog kong pesheyn sa pagsayaw sayaw. Hindi ko naman akalain na kahit paano eh keri ko pa din naman pala mag-iindak indak ganyan.

Habang nagsasalitype ako ay nagpapahinga lang din ako ng very mild dahil maya maya lang mag-aayos na ako ng mga gamit ko na dadahil sa dance class mamaya.

Kaya dyan muna kayo mga girls, boy, vuklah, shomboy (ayan kinulpleto ko na ah, para may equality, baka magalit si Gretchen Diez, Chareng!)

Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

Saturday, May 18, 2019

Adulting

Check-up Time: 10:46pm

Couple of years ago eh nawala na sa sistema ko ang labas at social eme ng Sabeerday. Hindi ko sya hinahanap hanap pero I must admit na paminsan minsan ay namimiss ko naman sya.

Sabi ko sa self ko lagpas na ako sa stage na magimik kahit na 27 years old pa lang ako nun at I think na nag-matured ako. Pero feeling ko lang naman yun.

Hindi pa pala dun natatapos ang mga hanash para masabi mo na nagiging matured ka na sa decision mo or sa mga plan mo. Hindi lang plan for yourself kundi sa family mo and I'm not just talking about short term hanash na plan but a long term plan.

So ganito kasi yun, hindi ko alam kung bakit ang lakas ng magnet ng dugo namin sa cancer. After kunin ng cancer ang mother ko, Last year my tita naman na sisteraka ni paping ng kinuha ng cancer. Ang nakakabaliw dun eh ang ate ko naman ay nadiagnose naman ng stage 1 cancer nung December last year.

Buti na lang bago pa maganap ang mga iyon ay pinag-i-isipan ko na na maging secured. January last year ng gumetching akiz ng Insurance Policy both life and medical eme. This January nag-isang taon na ang contestability period ko. So isang taon na lang at mamamaximize ko na ang mga benefits na pwede ko makeme sa kanila. Nasabi ko sa sarili ko na tama din pala ang desisyon ko na kumuha na ng insurance habang maaga pa ng sa ganun ano man ang mangyari sa akin eh hindi na ako mag-wo-worry achachuchu sa family ko kasi alam ko na everything will be okay.

So fast forward, Last Sabeerday naman I made an amendment sa policy ko at nagdagdag ako ng ICU na ride-on dahil sa nung ni-refresh ko ang knowledge ko sa policy na meron ako eh nalaman ko na bonga pala ang may ICU na ride-on kasi incase na ma-ICU ako bukod sa possible na macover ng insurance ko, again baka possible lang na macover at mareimburse ang ICU na charges eh pwede pa ako makakuha ng possible na sana eh salary per day kung nasa work ako. Ganda ng hanash devine? Pero hindi ko pa masyado na pagaaralan ang hanash na ito dahil hinihintay ko pa din ang copy ng amendment ng policy ko.

So ito na nga, Monday habang kausap ko ng kaibigan ko bigla syang naging seryoso and make hanash na pray for her partner kasi nasa ICU daw dahil nagkaroon ng complication ang diabetes nya at na-heart attack. Like shit! Mas ahead pa ako sa partner nya ng 4 year at na experience na nya ma-heart attack... Knock on wood! Wit ko bet na maexperience din ito. Pero bigla na lang naisip ko na buti na lang nung weekend bago nya sabihin sa akin yun eh nagpa-amend na ako ng policy ko para lagyan ng ICU ride-on dahil I was so shookt nung malaman ko kung magkano ang binabayaran nila everyday sa ICU.

Bukod sa continuous na pagrereview ng policy ko di na din ako masyado gumagastos now. Nalimitahan ko ang mga gala ko dahil aside sa policy ko eh nag-iipon na din ako ng pera para sa kinuha ko na bahay at lupa somewhere in Caviteee Ziteeee! Kaya naman ngayon ang dalas dalas ko tumungin ng mga design at interior ng mga bahay para magkaroon ako ng idea kung paano ang gagawin ko sa kukunin kung bahay. BTW commercial space ang nakuha kong unit. So if ever man na magbago ako ng desisyon pwede ko naman i-convert ang plan ko para gawin syang store of shop.

Nag-iba ang mga priorities ko sa buhay nung nagkaroon ako ng ganitong hanash akala ko noon kapag di ka na magimik na tao at nasimula kang magseryoso ng kaunti sa buhay mo adulting na. Yun pala mas mararamdaman mo yun kapag may mga investment ka ng kailangan mong alagaan at harapin.

Ikaw bukod sa mga taba, eye bags, stress na pinaghirapan mong maachive, ano pa ang investment mo?

Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

Monday, May 6, 2019

Bat ka lumalayo?

Check-up Time: 10am


Naramdaman mo na ba ang feeling na PINAGTABUYAN?

Kung kasing tibay ng vibranium at adamantium yung mukha mo malamang deadma sa earth ka lang pero kung kasing lambot ng marshmallow mong beki friend ang mukha mo malamang laslas feels ka na...


Wag ka mag-alala kung ganun man ang ginawa sayo, laban lang! Hindi ikaw ang nawalan kundi sila. Dahil higit kanino man ikaw ang nakakaalam ng totoong value mo. Kaya chin up lang sabay kalmadong sabihin ang.....

NEXT!


Hindi totoo yung sinasabi nila na you are not good enough for them... kasi ang totoo nun eh THEY ARE NOT GOOD ENOUGH FOR YOU.


CHAROT!


Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

Saturday, March 16, 2019

Condolence Heart

Check-up Time: 4:30pm

Sadyang ganito na yata ang lahat
Ang pagtingin mo sa lahat ng meron tayo ay maalat.
Wala na ang tamis na tulad ng dati
Matamlay at hindi na totoo ang iyong mga ngiti.

Nawawala ang malulusog na damuhan sa lambak.
Ang lupa ay tuyo na at bitak-bitak.
Ang dating kay lusog na mga halaman ngayon ay nangamamatay na.
Parang ang damdamin mo sa akin na malapit ko ng ipagluksa.

Dati ay kaligayahan mo ang sa twina tayong magkasama
Ngayon ay mas gusto mo na limitado ang ating pagkikita
Ang dating saya sa iyong labi na puno ng ligalig
Naglaho sa isang iglap at ngayon ay parang nyebe na kay lamig.

Parang ilang libong kilometro ang iyong distansya
Kahit na sa totoo lang ang layo mo sa akin ay iilang pulgada
Nakikita mo lang ang ngiti sa akin labi
Pero ang kalooban ko ay nawawasak na ng unti unti.

Marahil ay kasalanan ko ang lahat ng ito
Pero di pa ba sapat ang lakas at enerhiya na ginugol ko para bumawi sayo?
Sadyang ganun nga siguro ang kasabihan nila
Umaangat ang maliit na mantsa sa puting tela.

P.S. Iba talaga ang nagagawa ng sariling emosyon at karanasan. Minsan nakakagawa ka ng Obra. CHAROT!

Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

Monday, February 4, 2019

Blogsary nya!

Check-up Time: 8:23am


Wow! Like wow!

Sines ba namech ang magaakala na nandito pa din ako after 7 years?

Yes! 7 years na din akong nagpapasaway sa blogspero kahit na wala naman kakwenta kwenta ang sinasabi ko. Ang saya siguro ng hater ko sa pag-amin ko na wala naman kwenta ang entry ko. Pero kebs lang kasi ako patuloy pa din habang sya, mukang pareho na ang feeling nya sa love life nya at sa blog nya.... Nanlamig na CHAROT!.

Ang dami kong nakilala sa mundo ng pagsa-salitype yung tipong all walks of life. Pero dahil nga moderno na ang panahon mukang mas uso na ang vlog. Gayun pa mench eh mas gusto ko pa rin na sinusulat ang gusto ko sabihin dahil mas magandang namnamin ang lahat ang binibigkas kapag binabasa ganern ang hanash.

Marami na din ang nawala sa mundong ito. Wit ko lang alam kung kinuha na ba talaga sila ng lumikha, wala ng maisip sabihin, iniwan na ang masalimuot na alaala ng pagsasalitype o talagang nawalan na sila ng feelings sa blog. Chars!

Hindi ko naman sila masisisi dahil iba't iba nga naman ang priorities natin sa buhay. Gayun pa man malaki ang bilib ko at respeto sa mga bloggers na paulit ulit na bumabalik at di nagsasawa na ibahagi ang lahat ng nasa isip nila sa pamamagitan ng pagsasalitype.

Tulad ko na paulit ulit ding bumabalik. Mabuhay tayo.

Belated happy 7th Blogsary sa blog na ito at pipilitin ko na maging mas madami pa ang ibabahagi ko sa taon na ito.

 Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

Monday, January 21, 2019

Daig ng tamad ang masipag

Check-up Time: 9:00am

Daig ng tamad ang masipag! Naniniwala ka ba beshie?

Kung naniniwala ka dito itaas kanang paa kumanta ng bahay kubo sa saliw ng leron leron sinta. Charot!Ang ibig ko sabihin kung naniniwala ka dito ay malamang sa alamang eh isa ka sa mga tao na nagagawa ng maayos at very efficient ang trabaho mo pero nadadagdagan at laging pinatutulong sa mga kasama mo sa work na tamad at hindi seryoso sa trabaho.

Naiisip mo ba ang reason mo kung bakit ka nag ra-rant? Naiisip mo ba kung bakit ka nanggagalaiti sa galit? Naiisip mo ba kung bakit ganun na lang ang inis mo? Malamang hindi pa kasing linaw ng sabaw ng buko ang lahat dahil dama mo pa ang galit mo habang pinagmumuni munihan mo ito.

Galit na galit ako nung nasa sitwasyon na ito pero  bigla akong napatigil at napatulala... Dumaan kasi si crush. Charot!

Seryoso na kasi eh... So ayun na nga. tumahimik ako at pinagmuni munihan kung bakit ba ako na gagalit. Nagagalit ba ako kasi instead na petiks na ako eh may gagawin pa akong hindi na sana sakop ng trabaho ko? Nope kasi additional learning sa akin ito. Magiging advantage ko pa sya kaso lang wala naman dagdag na sahod. Chareng! Mas mainam na lang ata na umalis na sila sa trabaho nila dahil liabilities lang sila ng kumpanya. Isang malaking sakit ng ulo.

Well siguro malaking part na yan ng kinagagalit ko kasi alam ko naman na mahusay ko na nagagawa ang trabaho ko at naging responsable ako sa mga dapat gawin kahit na sinasabayan ko ng panonood ng ilang episode ng mga series sa netflix at paglalaro ng 2 magkaibang online games. Natatapos ko ang mga kailangan kong gawin sa isang araw pero may mga nakakaimberna talagang mga katrabaho ka na 2 oras kung mag yosi kada break at 2 oras din kung matulog ng lunch break tapos mag rereklamo na tambak ng trabaho.


Kayo alam nyo kaya kung bakit?


P.S. For the record ang number ng ticket na tinatrabaho ko as of today ay 6 na lang samantalang ang katrabaho ko ay isa 386 tickets at ang isa naman at 367 tickets.

Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

Wednesday, January 2, 2019

Happy New Year!

Check-up Time: 10:00 am



Kukulayan mo na ba ang New Year resolution mo na taon taon mo na lang dino-drawing? Baka its time na



                          Image may contain: Rix Padin, smiling, indoor


Or better yet, wag ka na gumawa ng New Years resolution mo kung alam mo naman na malaki ang chance na di mo mapapanindigan. Mas mainam ng gawa ka na lang ng gawa ng mga bagay na gusto mo makamit this 2019 para naman hindi ka nagkakaroon ng frustration at the end of the year na di mo na panindigan ang resolution mo.

Happy New Year sa lahat galing ang baliw ninyong lingkod!



Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!