Saturday, December 15, 2012

Ang Planner

5:34pm (sok)




Oo nga, maaring late na ang entry na ito sa December kreyz na planner ng kung ano anong coffee shop. Karamihan nga ng kakilala ko ay na redeem na nila sa suking tindahan ang kanikanilang mga planner... Ang tanong, malalaspag ba yan dahil sa gagamitin nila ng buong taon next year kahit wala ka naman talagang plano or kakainin sya ng mga alikabok sa shelf dahil yung fribes lang ang gagamitin mo? hihihi.







Ilang kape nga ba ang dapat mong ikunsumo sa bawat tindahan ng kape para makuha ang pinakakaasam asam mong planner? Kung makape kang tao eh deadma lang sayo ito dahil kahit di mo intensyen na buohin ang mga istikers ay mabubuo mo ito. Ngunit, subalit, datapwat kung iaavail mo lang ito para lang sa luho or para masabing you're "in" eh kaya kaya ba ng level ng powers mo?

Tapos ito na nga, nakakatuwa ang ibang kabataan na ipapangutang ang pangkape nila maavail lang ang istiker at planner na inaasam asam nila. Kaya kapag may ganyang eksema kaming nakikita ng mga katrabaho ko at tinanong nila ako kung gusto ko din ng planner ay sinasabi ko na lang na "di ko pa masyadong kailangan ng planner, wala naman akong plano sa buhay" syempre echoz lang yun dami kaya ng flans ko pero di ako aabot sa level na ipapangutang ko ang pangkape ako... Desperado sa planner? ahahaha.

Ano pa man ang dahilan ng tao sa pag-avail nila ng planner na yan eh wala na tayong paki, sabi nga ng mga briton, "its horses for courses." o naintindihan mo ba? Cheret!

Kung yan naman talaga ang bet na bet, nila eh walang basagan ng trip. Kanya kanyang sapak lungs. Ganyang level.

Last Saturday ay tumambling ako ng SM Megamall para bilhin ang number 1 wish ko this year, si "Thin". Nagiisip ako ng pasalubong kay Paping at Bunso nung pauwi na ako kaya naisip kong mag-gangnam sa pinakamalapit na pasalubong ng bayan para mangharbat ng doughnut (pero dahil maraming crew, nagbayad na lang ako, Ching lungs!)..



(yep ito po si Thin ang bh505 na wish kong makuha this Xmas, yebah!)


I saw a planner... ay mali... I see a planner.. hmmmm mali pa rin... I see saw a planner (yan bahala na kayo kung ano ang tama, Cherut!) na beri beri cute at colorful. Tinanung ko si Amaledikru na beri alayb, aweyk and entusiyastik.. "Miss, layk haw cen i abeyl da kyut and keyndi colereds flaner ober ders?" sabi ni Amaledikru "pwede nyo po sya ma-avail if you purchase 9 pcs or a dozen of classic donuts and add 100 pesos. Nagdrop jaw ang bibig ko hanggang floor (syempre eksadj lang yun hihihi). Inavail ko ang perks nila na iyon at yun na nga nagkaroon ako ng planner kahit wala naman akong plano ehehehe.




Ang planner ng pasalubong ng bayan ay may mga coupons din na pwedeng gamitin for certain period of time. Available ito sa lahat ng Dunkin Donut outlets nila at ito ay may apat na kulay, red, yellow, brown at pink.


(ito ang inabeyl ko hihihi)

Gagawin kong gift ang planner na nabili ko kay Bunso ng magkaroon naman sya ng plano next year, tyarots!

Dahil mura naman ang planner na ito eh I'm sure keri nyo ring syang i-achive..

Kagaya ng nakagawian ko kapag may bagong pasyente ako (di na tambay? hihihi) nais kong magpasalamat kay Zaizai at kay Anthony sa pagtambay sa asylum ng baliw na si Rix.

Gusto ko ring magpasalamat kay Archie ng château de Archieviner sa pagtulong sa akin na baguhin ang peg ang asylum ko hihihi..

Simula na ng simbang gabi ngayon, nangungulit na si Paping dahil baka wala na daw kaming upuan sa simbahan kaya, iwan ko muna kayo at ako ay maggagayak pa...

God Bless po sa lahat at magandang gabi.


- It's my opinion... so? -

Thursday, December 13, 2012

SMP Blog Award!

1:25pm (sok)

Super Mr. Popular (SMP) Blog Award
 


Maraming Salamats kay Pao kun ng " To infinity and beyond! Pangkalawakan! " sa pag tag sa akin sa hawerds na ito.

Una sa lahat (tears tears effect keme lungs), eh di ko po alam kung popular din po ang blog ko. Ang sa akin lang eh gusto ko ang magshare ng experinces ko at isa ito sa mga bagay na nakakapag bigay sa akin ng pakirmadam na naeenjoy ko ang bagay na di ko naman talaga madals gawin, ang magsulat.

Sharing of crazy, serious and funny ideas, experiences, wow moments and thoughts with other bloggers in the sphere is one thing that I look forward each day.


Henny waste, lets move on to the very challenging and intelectual questions ng award na ito ehehehe. here it goes....

1. Your life is going to become a script for a movie. Whose local/foreign celebrity would you want to play you?
- John Lloyd Cruz yung medyo bansot na version (kung lang naman ahaha) versatile kasi para pwede sa drama at pwede sa comedy. Wala kong maisip na poringer na pwede gumanap eh hihihi.

2. You get to become a villain for a day from a Disney movie. Which villain are you?
- Sid Phillips ng Toy Story. Medyo kripi lang ng tao na ito at beri walang hart sa mga toys hrrrrrrrrrrrrrr!  :)

3. Aside from family, what's your greatest accomplishment in life?
- Ang matapos ko ang pagaaral ko ng di naaalis sa financial aid program ng university namin at magbayad lang ng 21 pesos para sa tuition fee hangang makagraduate ako.

4. In your own views, what's the spirit of Christmas?
- Ang pasko ay isang paalaala na dapat maging handa ang bawat isa sa pagdating ng sanggol na anak ng tagapaglikha. Ang paglilinis ang ating puso dahil doon ay mananahan ang sanggol na ipinadala ng Ama  upang gabayan tayo patungo sa Kanya (hung lalim, salamat sa ate ko na madre... kems lungs).

Akalain nyo bang may rules ang award na ito... At ito ay ang mga sumusunod:

RULES
-Answer the same questions I answered above/below.
-Choose your Super MR. Popular and Super MISS Popular who you want to give this award. (Maximum of 15 people)
-Copy the questions above below or you may create a new question you want to ask them.
-Don't forget to send me the link of your post so I can see it, too.

At ang award na ito ay ishe-share ko kila...



JonDmur ng jondmur
Archieviner ng Château de Archieviner
eArL ng DaDdy CoOL

at kay


Pink Line ng the Pink Line

Yung ibang hindi ko na ni-tag e nakita ko na sa iba na nakatag kayo. You can tag yourself, after all  you are all deserving to have this award! :)


P.S. (I love you mahal kita.... ching!)

" Di mo dapat isipin an malamig ang pasko mo dahil wala kang kapartner. Wala ka mang lovelife nandyan naman ang love mo since birth mo... ang family mo. Ang love mo kasama kapag masaya ka o malungkot.... ang friends mo. Ang love mo dahil kahit anong gawin mo eh sinusuportahan ka nya basta alam nya na sa ikabubuti mo ito... ang bestfriend mo. kaya walang rason para maging malamig ang Pasko mo. ang SMP ay "Samahan ng Mainit ang Pasko" sa piling ng mga mahal mo..." ---> Rix :)

God Bless po sa atin...

- It's my opinion... so? -

Tuesday, December 11, 2012

Himig ng Pasko...


5:51pm (sok)

Yeast! so this is Christmas , and what have you done? hehehe.

What is Christmas season nga ba without Christmas songs, soundtracks, albums from the singers that we like.

Syempre, sino ang di makakaramdam ng Christmas spirit kapag di pinatugtog ang mga awitin sa best selling album for the longest years ni Jose Mari Chan na "Going home to Christmas". Simula ng irelease ang album na ito noong 1990 eh di na nawala sa playlist ng mga radio station o maging sa mga bahay ang ilan o halos lahat ng kanta sa album na ito. At ang most played song sa album na ito ay ang "Christmas in our heart". Sino ba ang di nakakaalam ng kantang iyan?

At speaking of the wonderful songs during Christmas ramdam na ramdam ko ang Christmas sa taong ito dahil sa mga awiting ito.....





5) Don't they know its Christmas time ng Band-aid

- ang awitin na ito ay collaboration ng ibat ibang singers na ang layuning ay ang tulungan ang bansang Africa dahil sa kahirapan... and here they are, Band-aid's don't they know its Christmas time ..... insert music video phuleesse.....










4) Sana ngayong Pasko ni Ariel Rivera

- yeast oh yeast! di nga naman mawawala ang feeling na umasa ka pa rin sa season na ito na muling maalala o kaya naman ay makasama mo pa rin ang taong mahal mo dahil nga naman ang season na ito is the season of love and forgiveness. Syempre marami din ang nakakarelate sa awiting ito ay sure na sure ako dyan.... kaya heto na si Ariel Rivera sa awiting sana ngayong pasko... insert music video...











3) Sa araw ng Pasko ng Kapamilya Stars

- My ow my! sa totoo lang magkahalong sadness at pagkasabik sa kapatid kong nasa Riyadh ang nararamdaman ko sa twing maririnig ko ang kantang ito. 3 taon na namin syang di nakakasama sa Christmas at sa twing makakausap namin sya sa Christmas ay di maiwasang magkaroon ng drama... Totoo namang sa tradisyon ng mga Pilipino ay sinasalubong ang araw na ito kasama ang pamilya.. Sa mga kaibigan ko sa blogsphere alam ko kung ano ang pakiramdam nyo at ng family nyo pero alam ko na darating ulit ang araw na masayang ipagdiriwang ang araw ng Pasko na kasama natin ang ating pamilya... Ito na ang sa araw ng Pasko kasama ang mga mangaawit ng kapamilya... video inset...











2) Tuloy na tuloy pa rin ang Pasko ng APO

- Filipinos really love this season and no matter how difficult life is, we still manage to celebrate the season in our own way kaya nga kahit na may mga alalahanin, alitan, problema, o ano pa man we set that aside and enjoy the celebration and we share love sa mga taong malalapit sa atin... katulad ang kantang ito na nagsasabing kahit na anong mangyari ay tuloy na tuloy pa rin ang Pasko sabi nga ng mga Kapamilya stars... insert video....










1) Perfect Christmas ni Jose Mari Chan

- At syempre sa kantang ito ko talaga naramdaman ang Christmas obcurs, you want to celebrate the perfect Christmas with thr person so dear to you dabuh? May kilig factor at sweet sweetan na peg ang kantang ito kaya lets watch Jose Mari Chan's perfect Christmas... insert video...







Yung totoo? DJ lang ang peg ko sa entry na ito... pagbigyan nyo na ako ehehehe.. Henny waste, kahit ano pang awiting pamasko yan sana ay damang dama nyo ang Christmas dahil sooner or later its Christmas all over the world sabi nga ni Sheena Easton..

God bless!


- It's my opinion... so? -

Early company Xmas party.

9:02am (sok)

Mukang maaga ang mga Christmas party ng mga company ngayong taon. As early as December 9 eh kanya kanya na ang party sa mga malalaking venue ang mga companies all over the metro.



Di ako masyadong comfortable sa suot ko nung Sunday. Di pa ako nakakalayo ng bahay eh pakiramdam ko amoy jabar na ako dahil tagaktak na ang malamantika kong pawis sa suot ko. Wala na akong balak bumalik sa bahay pagtapos ng shift ko para magbihis pa kaya kung ano ang naisip kong isuot para Christmas Party ng company namin eh sinuot ko na. Black longsleeve na sweeter with hood ang soot, semi-fit na cream cargo pants na ipinasok sa black na chucks ang peg ko at ginamit kong accessory ang bluetooth headset ko para mukang disk jockey kuno-kunohan dahil ang theme ang event namin ay  party and clubbing.

Kahit na sinasabi ng mga kawork ko na maaga pa para sa party nung dumating ako ng office eh deadma lang dahil ayokong mas lalong mahirapan kung uuwi pa ako. Pagtapos namin manood ng laban ni Pacman sa pantry ay nagsimula na kaming mag-ayos para magmukang fresh ay maayos sa party. Kanya kanayang plansta ng buhok, pahid ng make-up, ayos ng damit at lagay ng mga accessories.

Dahil face powder lang ang nilagay ko sa muka ko eh tinawanan ako ng ka-work ko dahil wala man lang daw ka-fab fab ang itsura ako, sabi ko naman eh ok lang yun. Pero dahil sa pinagkatuwaan ako pinaupo nila ako sa harap nila at sinimulang iaspalto ang muka ko hehehehe.

Dahil sa may hood daw ang suot ko, gagawin daw nilang semi-goth ang peg ko. Nung natapos ako ayusan at nakita ko ang itsura ko sa salamin eh humagalpak ako ng tawa. Para akong si Adam Lambert + Vulturi na busog. Di ako makuhaan ng matinong picture dahil sa umiiwas ako sa camera.

(ito lang daw ang mejo maayos na pic ko nung event.. muka ngang retarded ahaha)

Pagdating namin ng SMX Convention Center eh madami ng tao at kanya kanya din ng gimik para sa party. Akala ko ako ng ang pinaka-mukang sira sa itsura ko, yun pala eh mas may mga malala pa sa akin pero kebs lang sa kanila. Buti na lang medyo madailim sa area na napwestuhan namin kaso medyo malayo sa stage kaya naman effort ang pagpunta para kumuha ng picutre.

Simula sa simula hanggang sa iserve ang buffet at binusog ang mga tenga namin ng mga tugtog, sayaw at awit ng mga talented na empleyado ng company namin.

Sa gitna ng pagkain namin ay ipinakilala ang host ng aming programa sila.......




(Luis Manzano at Jinri Park)


I-announce nila kung sino ang mga nanalo sa raffle at pagtapos ay sinabi na rin nila ang criteria para sa yearly CVG Inter-site dance competition. Pinalad namang manalo ang site namin ng 3rd at 2nd place, habang undefeated pa rin ang CVG G5.

Pagtapos ng competition ay lumabas na rin ang isa sa mga main attraction ng patry and clubbing event. Ano ano isang party and clubbing na event kung walang malupet na disk jockey, introducing.......


(DJ Callum)

Eh eto na halos lahat eh nagsilapit na sa mixing booth para kumuha ng picture nya at kada tingin ng dj sa crowd eh sya namang sigaw at tili ng nasa paligid.


(seryoso magiging ganito ka kahaggard bago ka makalapit sa mixing booth)

Nang matapos ang higit 30 minutong pagmi-mix ng mga upbeat at pang party na tugtog ay nag paalam na din ang DJ sa amin na sya namang hudya na tapos na rin ang party namin.


Sana ay exciting at sobrang saya ng din ng company o school Christmas party nyo...

God Bless!

- It's my opinion... so? -

Thursday, December 6, 2012

dekor dekor din...


6:19pm (sok)

Ahoy!

Na-overwhelm ako sa last entry ko sa asylum ko, Di ko inakala na sa loob ng 3 araw eh tumabo din sya sa takilya, at nagpapasalamat ako sa mga taga-suporta ni Nora (thanks mutts po (insert Adele Flying kiss here).

Kasabay sana nung Birthday ni Paping (December 1) eh dapat ilalagay ko na rin ang entry ko tungkol sa  mga simpleng changes sa aming munting tahanan para naman maramdaman namin ang Pasko kahit kulang kami.

Nung kasama pa namin si Mama eh mas maaga pa ang paglalagay namin ng mga Christmas decor sa bahay. Pero ibang iba na ngayon, dahil medyo busy ako di na ako nakakapagisip ng gagawin naming ayos sa bahay.

Kinulit ko na si Paping para mamili na rin kami ng mga maari namin gamitin at idagdag sa mga decors namin na ginamit last year.

Nung grade school ako, di kumpleto ang Christmas decor ng bawat bahay sa isang maliit na compund sa Makati kung saan kami nakatira noon kung wala nito...




(nakasabit yan sa harap ng pinto ehehe)

Kaya naman nung nakita ko ito, naging mabilis ang kamay ko sa pagdukot nito at pagsilid sa mga pinamili namin at kung gaano ko kabilis hinablot ito ay ganun kabilis din ako humingi ng pera kay Paping para bayaran ito, nyahaha kala nyo may record ang kamay ko noh? nagbagong buhay na kaya ako, Cheret lemeng!.

Ang mga parol na ginamit namin last year ang isinabit namin sa terrace nilagyan namin ito ng Christmas lights para kahit nakapatay ang ilaw doon eh kumukutikutitap, bumubusibusilak ganyan ang indak ng mga bumbilya sa labas ng bahay hihihi.

(eto sya oh)
(sa ebang angol namen hihi)

Syempre di nakaligtas ang pinakamalaking halaman na inaalagaan ni Paping. Nilagyan ko ito ng silver na Christmas lace at nilagyan ng mga pulang Chisrtmas balls. Di na kuntento si Paping dito kaya bumili sya ng red na Christmas lights para igapos ako sa halaman, at sisigaw ako ng "saklolo".. syempre echus ko lang yun. Yung Christmas lights ay para sa halaman... at ito na ang kinalabasan ng pinagsamang effort namin ni Paping..





Tiyaraaaaaaannnnnnnnnn.......




(impernes mas maliwanag sa terrace dahil dito)


Nagiisip pa ako kung ano ang gagawin ko sa iba pang halaman ni Mama na nakalagay sa mga pasomano. Balak ko sana ay lagyan sya ng bulak na sinadyang himayin para may kunwaring snow effect kaso bukod sa di kapanipaniwala dahil wala namang snow sa Pinas eh baka mahirapan akong i-achieve ang gusto ko at mag muka lang syang agiw ng mga gagamba. Kailangan ko pang pigain ang utak ko para makapag-isip ng gagawin ko sa kanila, pero teka wala nga pala akong utak so di applicable sa akin ang mag-isip bwahahahaha.

Dahil medyo malaki ang mga Christmas balls namin (yung nakalagay sa halaman ni Paping) eh di na ako nag-attempt na ilagay sya sa beri kyut na Christmas tree dahil nakikinita ko nang lulundo sya. Kaya bukod sa gold na Christmas lace at lights lang eh nag isip ang ng mga isasabit sa Christmas tree. Iniisip ko pa kung eefortan kong gumawa ng mga cute na bells na lalagyan ng mga ribbons na gawa sa lalagyan ng jelly-ace (gelatin) or kendi na lang mismo para naman if ever makita ng mga bata ito eh, free silang kunin ay kainin ng mga kendi na manita nila. Ang kinakatakot ko lang eh naka isipin nilang edible din ang Christmas tree, ching! Kaya ang ginawa ko ay bumili ako ng mga....



(Christmas gift tags)

Ang mga Christmas gift tags na ito ang naisip kong isabit sa Christmas tree namin, di lang sya magaan, eh unique pa.

(tinutulungan ako ni Bunso na ilagay ang mga tags)

 (habang inaayos ko ang mga detalye ng Christmas tree)

(Ito na ang itsura ng mini Christmas tree namin)

Hanggang ngayon ay may mga idea pa kami na gawin sa bahay, ang magwrap ng mga boxes para may gift effect ang Christmas Tree, ang gumawa ng garland na may kandila katulad nito..


Kaso eeforetan ko pang gupitin ang mga garlan na bibilhin ko... kakatamad! hihi. Di ko pa makita ng Christmas socks na decor namin para magamit ko din at isabit sa pinto huhu.. Madami pang idea pero sana naman magawa namin nila Paping yan para naman maganda ang bahay hihihi.

Habang nagkakaroon ang munting tahanan namin ng pamaskong get-up eh napansin lang namin ni Bunso na sa street namin eh kami ang kauna-unahang naglagay ng mga Christmas decor sa bahay.

Mukang di feel ng mga kapitbahay ang Pasko.


Naantala ang pagpopost ko nito dahil sa nagkaroon ng parada ng apat na regural size na float ang Munisipyo ng Taguig para sa mga bata. Puno ng mga ilaw na may mga Teddy bear ang mga fload nila, sa sobrang pagka-aliw ko nakalimutan ko kuhaan ng picture lahat isang float na lang ang nakuhaan ko..




Henny waste, di lang ito ang inaayos namin nila Paping dahil ngayon palang ay pinaplano na rin namin ang ihahanda namin para sa Noche Buena at Medya Noche...

Natandaan nyo ba kung kelan kayo naglagay ng Christmas decor ngayong taon? Eh anong ihahanda nyo sa pagsalubong ng Noche Buena at Medya Noche?


- It's my opinion... so? -

Monday, December 3, 2012

Himala!!!

1:07pm (sok)

"Walang himala! ang himala ay nasa puso ng tao... tayo ang gumagawa ng himala, tao ang gumagawa ng sumapa...." Hello, hello?..... The telephone number you dial is not yet a number (insert recorded voice prompt here) Tyaruts! nyahahaha....

Di talaga ako maka-recover sa adventure namin ni Erin kahapon. Kasagsagan pa lang ng Breaking dawn part 2 ay sinigurado na ni Erin na free ang December 2 ko para makapanood ang restored version ng pelikula ni Nora Aunor na Himala (fan ni Nora si Erin nyahaha).



Sa totoo lang sobrang curious ako sa pelikulang ito. Alam ko ng ang sikat na linya ni Elsa (Nora Aunor) pero di ko naman alam kung ano ang meron sa pelikula kaya naenganyo na rin ako na manood.

Past 4 ng hapon na kami nagkita ni Erin sa cinema 7 ng SM Megamall. Maraming ng mga dual citizen (Filipino citizen + Senior citizen = Dual citizen, Cheret!) na nagkalat sa labas ng cinema na mas maaga pa sa amin ni Erin dumating.

(mga fans ni Elsa)

Nagpunta na kami sa ticket booth para bumili ng ticket pero nagulat kami dahil walang binebentang ticket, inisip namin na siguro ay wala pang benibenta dahil maaga pa kaya naglakad lakad kami hanggang marating namin ang entablado kung saan ay magsasalita ang mga cast ng pelikula.

(ang entablado)

Nalaman namin sa isang dual citizen na 7:30pm pa daw magsisimula ang premire night kaya napagpasyahan namin na magkape muna ni Erin. 6:30 na ng gabi ng  umakyat uli kami ni Erin sa cinema at natatawa kami nung nalaman namin na wala talagang ticket na binebenta dahil invitational ang palabas para sa mga fans ni Nora. Kung ano ano na ang naisip namin ni Erin para lang magkaroon ng ticket dahil sa kung di kami makakapanood nito ay sa susunod na sabado kami manonod. Ito ang mga naisip namin:

1) Magpanggap na fan ni nora at galing probinsya para bigyan kami ng ticket dahil di nanamin mapapanood ito sa regular showing date dahil aalis kami ng bansa --> wrong move, di kapanipaniwala na galing kaming probinsya ahahaha.

2) Nakita naming pakalat kalat si Ricky Lee (writer ng story). Kakausapin sana namin sya kung may extrang ticket pa sya para makapanood kami. --> di kami makagawa ng moves dami kumakausap.


(si Ricky Lee)

3) Kausapin ang mga presidente ng fans club na baka may ticket sila para makahingi kami ---> wrong move ulit, bilang pala sa member ang ticket nila huhuhu.

4) Bilhin ang ticket ng kung sino man ang may sobra ---> mukang may pagasa kami....

Narinig ng isang fans na sinabihan namin ang isang member na kung may ticket pa sila ay bibilhin na lang namin... Nung narinig nya ay agad nya kaming kinausap at mabilis makipag deal sa fan na ito. Agad syang pumasok sa restricted area na para lang sa mga staff para kausapin sila.

Madyo matagal kaming nag hintay ni Erin, tumutubo na ang ugat ng gabi at talbos ng kamote sa mga binti namin ng balikan kami ng fan na ito, sabi nya ay may ticket na kami, mamaya nya makukuha pag di dumating ang may ari noon. Mukang may himaa nga at makakapanood kami.

Pagod na akong tumayo at gusto ko ng mag lumpasay, kaso lang hinila pa ng mga pagkatao namin ni Erin ang pasensya namin kaya nanatili kaming kalmado. Nakita namin sila Vangie Labalan, Ama Quiambao at si Eugene Dominggo ang bida na lang ang hinihintay at mukang lalakad na ang barko.

Eksaktong nag lalakad na si Nora Aunor papunta ng cinema area ng lumapit na ang fan na magdadala ng epektos, este ticket sa amin kaya sinundan namin sya. tig-300 pesos kami ng hinanada ni Erin dahil inisip namin ang effort ng fan na ito ngunit nalaglag ang mga panga namin dahil sa 500 ang siningil sa amin at nakipag huggle pa kami hanggang sa umabot ito ng 400 pesos. Pikit mata naming binayaran ang ticket habang sa sarili namin ay gusto naming pektusan ng malala ang mapagsamantalang fan ni ate Guy.

(ang pinaka mahal na ticket na nabili ko so far)

(di kami guest ni Sir Ricky, binili namin sya nyahahaha)



Deadmatology na, kailangang makapasok na kami dahil pagtapos magsalita ng mga cast ay derecho na sila sa loob ng cinema..

Matapos magsalita ni Ricky Lee, ay hiningi naman ng mga tao sa loob ng cinema na magsalita ang Bidang si Elsa na binigyan ng credit ang yumao ng direktor na si Ismael Bernal para sa obrang pelikula.

(di ako makakuha ng malapitan, bukod sa security eh epal din ang mga fans)

Ilang sandali pa ay nagsimula na ang palabas at dito ko na ikumpara ang makabagong pelikula sa dating pelikula. at ito ang mga obserbasyon ko:

1) Di nakakapagtakang ang mga artista noon ay mas magaling umarte kesa ngayon dahil sa sobrang natural lang ng kanilang arte di tulad ngayon na kahit may mga magagaling umarte eh alam mo na arte lang talaga.

2) Ngayon kahit gabi ang eksena eh malinaw mong nakikita ang muka ng mga nasa eksena di tulad noon na halos ipin lang o puting parte ng mata ang makikita mo at ang anino kapag ang eksena ay kukunan ng gabi.

3) Dinig na dinig ang ihip ng hangin sa mga eksena. Dahil nga naman sa di pa ganun ka galing ang mga teknikal na gamit noon ay di pa nila naeedit ang pelikula na di kasama ang ihip ng hangin sa eksena (pera na lang talaga kung ang eksena ay kailangan ang haging sound sa background).

4) Ang pelikulang Himala ay isa sa dekalibreng obra maestra ang isang magaling na direktor, ngunit kung unang beses mong mapapanood ang pelikulang ito ay iisipin mong indie film ito (para sa di pa napapanood ang pelikulang ito, itry nyo baka pareho tayo ng obserbasyon ^-^)

5) Mapapaisip ka kung totoong tao o prosthetic ang mga ginamit sa pelikulang Himala (observe nyo ulit pag manonood kayo ehehehe)

6) Halata mang fake ang dugo nung nabaril si Elsa ay nagsettle na ang mga tao na nabaril sya dahil yun ang sinabi ng eksena (manood na kasi ng makita mo nyahahaha).

Kung tatanungin nyo ako kung ano ang eksena na gusto ko ay yung matapos mabaril ni Elsa sa burol, bakit? ang creepy kasi. Naglalakad sila Sepa (Ama Quiambao) kasama si Baldo (Ben Almeda) kasama ang ibang naniniwala kay Elsa ng paluhod paakyat ng burol habang bumababa naman ang mga sugatan, napilay na akay ng iba at yung iba naman ay ibinababa ang mga namatay sa stamped.

Dahil sarado na ang ibang fast food ng matapos ang pelikula ay nagpasya na lang kami ni Erin na sa tabi ng St.Francis Sqaure kumain ng..


Habang pinaguusapan ang mga nagyari at pinagkakatuwaan ang mga linyang tumatak sa isip namin.

Di ako fan ni Nora Aunor, pero I recomend you to watch the movie. Maganda na sigurong pagpinagusapan sya ay alam mo kung ano ang meron sa pelikula hindi yung puro sabi sabi lang :)

Bago ko tapusin ang entry na ito gusto kong pasalamatan at i-welcome ang mga bagong tambay sa tambayan ng baliw na si Rix... thanks po Paokun at Cheenee. Enjoy enjoy po....

Good bless guys!




- It's my opinion... so? -

Friday, November 30, 2012

Very Christmas...

6:46pm (sok)


Malamig na gabi po sa lahat!

Nararamdaman nyo na din ba ang paglamig ng gabi? Isa sa mga palatandaan na nalalapit na ang isa sa pinakamasayang season na halos lahat ng Pilipino ay inaabangan, ang Pasko.

Kasabay ng mga kaunting renovation sa aming gusali ay isinabay na din ang paglalagay ng chirstmas decoration sa buong building. Ngunit di lang ang gusali namin mararamdaman ang  Christmas spirit dahil sa nagbago na rin ang anyo ng kalsada ng Makati.

(Isa ito sa mga bagay na bago pagpasok mo pa lang sa gusali ng Convergys 1)

(Sa main lobby ay nakatayo na ang mataas na Christmas tree)

(Ang elevator area ay nilagyan na rin ng palamuti)

(At ang lobby are ng floor namin)


Last week ng October ng simulang bihisan ang Makati ng mga palamuti sa Pasko na sinabayan na din ng malamig na simoy ng hanging (ngunit minsan ay maalinsangan pa rin, cheret!). Kabi-kabila na ang mga dekorasyong pamasko ang naka sabit at naka lagay sa mga matatayog na gusali ng Makati. Ang mga puno sa kalsada nito ay may dekorasyong christmas light na parang baging at sa kada pagitan naman ay may mga christmas balls na nilagyan din ng christmass lights na animoy snow flakes kapag may sindi.

(Ito ang design ng mga Christmas decor sa gitna ng kalsada)

(mga Christmas tree na gawa sa maliliwanag at ibat ibang kulay na ilaw)

(mga puti/dilaw na ilaw na inayos para mag mukang mga angels)


Puspos na rin ang pagaayos ng mga dekorasyong may temang Pasko ang mga establisyemento sa bawat malls. Syempre ang mga department store ay kanya kanya na ring benta ng mga palamuti pamasko, pang regalo at kanya kanya na ring gimik para makabenta.

Ang pinakapatok na lugar na madalas puntahan ng mga taga-Makati kapag ganitong panahon ay ang Makati Triangle, kung saan ay mabibighani ka sa ganda ng mga ilaw na nakasabit sa mga puno sa buong paligid na para kang nasa ibang mundo. Nakakawala ng stress ang kagandahan ng paligid at ang tanging magiging reaksyon mo na lang ay ang ma-amaze at i-enjoy ang nakikita mo na pang bata.

 (ang mga bilog na ilaw ay may mga effects na tumataas baba depende sa tugtog)

(sa ibang anggulo naman yan)

(ang lagay dapat puro ilaw at decor lang, dapat kasama din ako, tyarls!)

Sigurado ay sunod sunod na din ang libreng concert sa activity center ng Ayala center para sa mga nagsho-shopping at namamasyal sa Ayala malls. Maging ang Greenbelt area ay di na ang papahuli dahil binihisan na rin nila ang open park nila.

(di ko na kuhaan yung ibang mga decors ng Greenbelt late ko na kasi na alala kuhaan)

Isa isa na ring nagsusulputan ang mga nag titinda ng kastanyas, puto bumbong at bibingka. Ilang araw na lang simula na ng simbang gabi at before you know it, its Christmas time in the city na...

Ikaw eksayted ka na ba? Ano ang mga balak mo ngayong malapit na ang Pasko?


- It's my opinion... so? -