Monday, December 3, 2012

Himala!!!

1:07pm (sok)

"Walang himala! ang himala ay nasa puso ng tao... tayo ang gumagawa ng himala, tao ang gumagawa ng sumapa...." Hello, hello?..... The telephone number you dial is not yet a number (insert recorded voice prompt here) Tyaruts! nyahahaha....

Di talaga ako maka-recover sa adventure namin ni Erin kahapon. Kasagsagan pa lang ng Breaking dawn part 2 ay sinigurado na ni Erin na free ang December 2 ko para makapanood ang restored version ng pelikula ni Nora Aunor na Himala (fan ni Nora si Erin nyahaha).



Sa totoo lang sobrang curious ako sa pelikulang ito. Alam ko ng ang sikat na linya ni Elsa (Nora Aunor) pero di ko naman alam kung ano ang meron sa pelikula kaya naenganyo na rin ako na manood.

Past 4 ng hapon na kami nagkita ni Erin sa cinema 7 ng SM Megamall. Maraming ng mga dual citizen (Filipino citizen + Senior citizen = Dual citizen, Cheret!) na nagkalat sa labas ng cinema na mas maaga pa sa amin ni Erin dumating.

(mga fans ni Elsa)

Nagpunta na kami sa ticket booth para bumili ng ticket pero nagulat kami dahil walang binebentang ticket, inisip namin na siguro ay wala pang benibenta dahil maaga pa kaya naglakad lakad kami hanggang marating namin ang entablado kung saan ay magsasalita ang mga cast ng pelikula.

(ang entablado)

Nalaman namin sa isang dual citizen na 7:30pm pa daw magsisimula ang premire night kaya napagpasyahan namin na magkape muna ni Erin. 6:30 na ng gabi ng  umakyat uli kami ni Erin sa cinema at natatawa kami nung nalaman namin na wala talagang ticket na binebenta dahil invitational ang palabas para sa mga fans ni Nora. Kung ano ano na ang naisip namin ni Erin para lang magkaroon ng ticket dahil sa kung di kami makakapanood nito ay sa susunod na sabado kami manonod. Ito ang mga naisip namin:

1) Magpanggap na fan ni nora at galing probinsya para bigyan kami ng ticket dahil di nanamin mapapanood ito sa regular showing date dahil aalis kami ng bansa --> wrong move, di kapanipaniwala na galing kaming probinsya ahahaha.

2) Nakita naming pakalat kalat si Ricky Lee (writer ng story). Kakausapin sana namin sya kung may extrang ticket pa sya para makapanood kami. --> di kami makagawa ng moves dami kumakausap.


(si Ricky Lee)

3) Kausapin ang mga presidente ng fans club na baka may ticket sila para makahingi kami ---> wrong move ulit, bilang pala sa member ang ticket nila huhuhu.

4) Bilhin ang ticket ng kung sino man ang may sobra ---> mukang may pagasa kami....

Narinig ng isang fans na sinabihan namin ang isang member na kung may ticket pa sila ay bibilhin na lang namin... Nung narinig nya ay agad nya kaming kinausap at mabilis makipag deal sa fan na ito. Agad syang pumasok sa restricted area na para lang sa mga staff para kausapin sila.

Madyo matagal kaming nag hintay ni Erin, tumutubo na ang ugat ng gabi at talbos ng kamote sa mga binti namin ng balikan kami ng fan na ito, sabi nya ay may ticket na kami, mamaya nya makukuha pag di dumating ang may ari noon. Mukang may himaa nga at makakapanood kami.

Pagod na akong tumayo at gusto ko ng mag lumpasay, kaso lang hinila pa ng mga pagkatao namin ni Erin ang pasensya namin kaya nanatili kaming kalmado. Nakita namin sila Vangie Labalan, Ama Quiambao at si Eugene Dominggo ang bida na lang ang hinihintay at mukang lalakad na ang barko.

Eksaktong nag lalakad na si Nora Aunor papunta ng cinema area ng lumapit na ang fan na magdadala ng epektos, este ticket sa amin kaya sinundan namin sya. tig-300 pesos kami ng hinanada ni Erin dahil inisip namin ang effort ng fan na ito ngunit nalaglag ang mga panga namin dahil sa 500 ang siningil sa amin at nakipag huggle pa kami hanggang sa umabot ito ng 400 pesos. Pikit mata naming binayaran ang ticket habang sa sarili namin ay gusto naming pektusan ng malala ang mapagsamantalang fan ni ate Guy.

(ang pinaka mahal na ticket na nabili ko so far)

(di kami guest ni Sir Ricky, binili namin sya nyahahaha)



Deadmatology na, kailangang makapasok na kami dahil pagtapos magsalita ng mga cast ay derecho na sila sa loob ng cinema..

Matapos magsalita ni Ricky Lee, ay hiningi naman ng mga tao sa loob ng cinema na magsalita ang Bidang si Elsa na binigyan ng credit ang yumao ng direktor na si Ismael Bernal para sa obrang pelikula.

(di ako makakuha ng malapitan, bukod sa security eh epal din ang mga fans)

Ilang sandali pa ay nagsimula na ang palabas at dito ko na ikumpara ang makabagong pelikula sa dating pelikula. at ito ang mga obserbasyon ko:

1) Di nakakapagtakang ang mga artista noon ay mas magaling umarte kesa ngayon dahil sa sobrang natural lang ng kanilang arte di tulad ngayon na kahit may mga magagaling umarte eh alam mo na arte lang talaga.

2) Ngayon kahit gabi ang eksena eh malinaw mong nakikita ang muka ng mga nasa eksena di tulad noon na halos ipin lang o puting parte ng mata ang makikita mo at ang anino kapag ang eksena ay kukunan ng gabi.

3) Dinig na dinig ang ihip ng hangin sa mga eksena. Dahil nga naman sa di pa ganun ka galing ang mga teknikal na gamit noon ay di pa nila naeedit ang pelikula na di kasama ang ihip ng hangin sa eksena (pera na lang talaga kung ang eksena ay kailangan ang haging sound sa background).

4) Ang pelikulang Himala ay isa sa dekalibreng obra maestra ang isang magaling na direktor, ngunit kung unang beses mong mapapanood ang pelikulang ito ay iisipin mong indie film ito (para sa di pa napapanood ang pelikulang ito, itry nyo baka pareho tayo ng obserbasyon ^-^)

5) Mapapaisip ka kung totoong tao o prosthetic ang mga ginamit sa pelikulang Himala (observe nyo ulit pag manonood kayo ehehehe)

6) Halata mang fake ang dugo nung nabaril si Elsa ay nagsettle na ang mga tao na nabaril sya dahil yun ang sinabi ng eksena (manood na kasi ng makita mo nyahahaha).

Kung tatanungin nyo ako kung ano ang eksena na gusto ko ay yung matapos mabaril ni Elsa sa burol, bakit? ang creepy kasi. Naglalakad sila Sepa (Ama Quiambao) kasama si Baldo (Ben Almeda) kasama ang ibang naniniwala kay Elsa ng paluhod paakyat ng burol habang bumababa naman ang mga sugatan, napilay na akay ng iba at yung iba naman ay ibinababa ang mga namatay sa stamped.

Dahil sarado na ang ibang fast food ng matapos ang pelikula ay nagpasya na lang kami ni Erin na sa tabi ng St.Francis Sqaure kumain ng..


Habang pinaguusapan ang mga nagyari at pinagkakatuwaan ang mga linyang tumatak sa isip namin.

Di ako fan ni Nora Aunor, pero I recomend you to watch the movie. Maganda na sigurong pagpinagusapan sya ay alam mo kung ano ang meron sa pelikula hindi yung puro sabi sabi lang :)

Bago ko tapusin ang entry na ito gusto kong pasalamatan at i-welcome ang mga bagong tambay sa tambayan ng baliw na si Rix... thanks po Paokun at Cheenee. Enjoy enjoy po....

Good bless guys!




- It's my opinion... so? -

43 comments:

  1. nyahahaha.. hindi kasi nadaan sa tiyarms en kwistals si manong para hindi tayo nataga sa pwesyo ng tickets teh..
    pero keri na rin naman,... effort naman talaga kasi si manong para maghagilap ng tickets...

    very challenging di ba?

    next time ulit teh yung mga mall tours naman ang targetin natin...

    ReplyDelete
    Replies
    1. naku po mukang yan ang ayoko itry ahahaha mukang mas masait sa ulo yan :)

      Delete
  2. saya naman ng mga kaganapan hehehe -- napanood ko ung himala noon -- tuwing holly week yata..

    Magandang pelikula... sana nga gawing teleserye hehehe!

    ReplyDelete
    Replies
    1. actually po may balibalita na ireremake ang pelikula at ang artistang gaganap ay kagilng sa kapamilya network c",)

      Delete
  3. Pero ang totoo nyan Noranian ka din. Si Erin lang pinangsangga. LOL Kitang kita sa post mo. dyuk!

    True mas magagaling ang artista noon kesa ngayon :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Agad agad? di ba pwedeng curious lang sa pelikula hmft!

      Delete
  4. Agree ako kay sir Archieviner na sa totoo lang e Noranian ka din. Dyok lang din! :) HAHAH!

    ReplyDelete
  5. noranian ka di mo pa lang nare-realize . hehehe(peace!) na curious ako sa movieng to. ang luma kasi ng cinematography ;-( nakaka bored. pero parang nice nga yung story. ginogle ko eh ;-D hehehhe

    at chuper mahal yung ticket. iMax ba yun?

    ReplyDelete
    Replies
    1. ay di po talaga ahaha, sa totoo lang mas gusto ko kasi ang mga artista ng teatro sa kanila kasi walang take 2 take 2 kailangan sa bawat eksena eh laging take 1 :). Di po sya imax binili namin sa mapansamantalang fan na tinaga kami ng husto. Same with you po, dahil sa curious ako eh pinanood ko.

      Delete
  6. hi Rix. salamat sa magandang review mo sa Himala. Nakakalungkot lang na gumastos ka ng malaki para mapanood ito at may nagsamantala pa sa inyo. isa ako sa mga noranians na naroon at kakaunti ang mga tickets na nakalaan sa amin. at naghagilap din kami para sa iba pang wala. maaaring may fan nga ni nora na nagbenta ng tiket sa inyo pero maaari ding ito ay isa sa mga scalpers na nagkalat sa labas ng sinehan na nagpanggap na noranian. ang mga scalpers na ito ay ang masisipag mag-abang sa labas ng sinehan at magtanung ng magtanong sa mga dumarating kung may extra tickets. bibilhin nila ito ng mga P50 at ibebenta sa mga tulad nyo nang ubod ng mahal. sad to say eh nabiktima kayo. buti na lang at nag-enjoy kayo sa panonood. ingat na lang sa susunod. maraming Facebook page ang mga noranians na pwede kayong kumunsulta kung may mga sitwasyong ganito na nangangailangan kayo ng tikets for the premiere nights. wag kayong mahiya na kontakin sila at sasagutin nila kayo. thanks! :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thank Bernie, ill inform Erin about it nga doon na sya tumingin ng mga update ni Nora hihihi..

      Delete
  7. That's only $12.00 (dollars) bro, or maybe not even. Isipin mo na lang na nakatulong ka sa nangangailangan, that you did a good charity, di ba.

    ReplyDelete
  8. Wow mukang mabenta ang post na ito. ito ata ang isa sa mga entry ko na tumabo sa takilya...

    ReplyDelete
  9. disclaimer yang si rix!!!!

    sa totoo lang.. sya talaga ang number 1 fan ni ate guy!!!
    ahahahahaha...

    aminin mo na teh.. tinago mo pa yung banner di ba?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ah ganun kaya pala mas maaga kang dumating sa akin linsyak ka... tyader ka! ahahaha

      Delete
    2. well well well.... napadaan lang ako dun noh? malay ko ba na may premier pala?

      ahahahaha

      Delete
    3. ahaha 2 weeks bago ang red carpet premier alam mo na tapos na padaan ka lang nyahaha..

      Delete
  10. kidding aside... kung ipapalabas every year sa theater ang himala, hinding hindi ko pagsasawaang panoorin ang isang napaka-gandang OBRA ni G. Ishamel Bernal....
    salamat na rin at nagkaroon ang Pilipinas ng isang Ricardo Lee at ng isang Nora Aunor upang mabuo ang sa palagay ko'y isa sa PINAKA MAGANDANG Pelikula na angkop lamang na ipagmalaki ng mga Pilipino sa buong mundo...

    (shet.... ang lalim ko noh?)

    ReplyDelete
  11. sorry!!! 6 feet lang yung sa akin.... ayoko ng 7 feet masyadong malalim.... kung bumaha bigla, malulunod ang peg ko!?!?!?!?!

    ReplyDelete
  12. so this is the ticket that you're talking about.. aba eh ke mahal nga para ka ng nanood sa imax nito ah! anyway..hindi ko pa rin napapanood yang himala..hindi kasi ako noranian eh..vilmanian ako! hehe..

    ReplyDelete
    Replies
    1. tomooo! Katarungan kay Ka Dencio... nyahaha

      Delete
    2. Ay Rix, di ko feel yang sinisigaw mo jan...sa kabilang kampo yan eh...hahahahaha

      Delete
  13. ang mahal naman ng ticket..

    anyway na enjoy nyo naman so ok lang..

    pero maganda ba talaga?? hehe

    natuwa ako nabanggit pangalan ko sa ilalim.. hehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. Uu yun na lang ang konswelo namin. Maganda naman ang story nya, Showing na ata sya sa selected malls. try to watch it po, isang magandang medium din para icompare ang pelikula noon at ngayon ehehe.

      Delete
  14. Mabenta ang post/entry mo na ito dahil nai-post ito sa mga Nora Aunor FB pages. Basta Nora Aunor ang topic, dadami ang "tagasunod." Anyway, thanks for "discovering" the brilliance of 3 geniuses - Bernal, Lee and Aunor. Marami pang pelikulang de kalidad si Nora Aunor na pwedeng ipagmalaki sa henerasyon nyong mga kabataan at sa mga susunod pa, notably "Tatlong Taong Walang Diyos," "Bona," "Merika," atbp. Please do watch her MMFF entry, "Thy Womb" directed by another genius, Brillante Mendoza. Hinding hindi ka magsisisi.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Meron pa daw syang isa sabi ng mga nakausap namin na mga Noranians that day. El Presidente.

      Delete
    2. Rix, please support both Thy Womb and El Presidente this coming MMFF. I know most of those from the young generation would rather watch commercial films like Sisterakas, Enteng/Panday and One More Try, maybe even Sossy Problems, but I can tell that you're one of those that have some "sense and sensibility," if you know what I mean. Help us promote art films and of course, Nora Aunor's artistry.

      Delete
  15. OMG! Mga bagets nakaka-appreciate ng Himala??? Yan ang tunay na himala!!! Ipagpatuloy nyo yan mga ineng. Sa panahon ngayon, madalang na ang gumagawa ng mga pelikulang ganyan. Humayo kayo't magpakarami! HIHIHIHI!

    ReplyDelete
    Replies
    1. ano namang tingin mo sa mga kabataan? wala nang taste? marunong din naman silang magappreciate ng magagndang pelikula. ang pamangkin ko mismo, tweet nang tweet tungkol sa himala. ang ganda ganda daw. eh totoo naman

      Delete
    2. and since nag start na ang ate GUY fever I encourage you teh rix to watch and review ate GUY's "Ina ka ng anak mo".. sooooooooooooooobrang powerful ng acting!!!!
      Nora Aunor+Lolita Rodriguez+Lino Brocka.....

      kung nadala ka sa emotions ni Elsa i'm sure mas madadala ka sa character ni ate GUY sa movie na yan....

      NOTE: I AM A PROUD NORIAN BY HEART <3

      Delete
    3. hayup! hayup! ahahaha wait lungs naman dami ko ginagawa kaya ahahaha. panonoorin ko din yan. isinend mo na yung link s akin eh ahahaha.

      Delete
    4. ay grabe!!!!!! as in grabe!!!

      alam mo yung..... basta.... ang grabe nya talaga!

      Delete
  16. O, heto ang links ng mga Nora Aunor movies. Watch nyo at mamamangha kayo na ang isang artistang maliit, simple, maitim, at mahirap ay sumira sa kalakaran sa showbiz noong dekada 70 dahil sa kanyang angking talino sa pagganap:

    1. Tatlong Taong Walang Diyos - ang tunay na unang grandslam dahil 2 pa lang ang award-giving bodies noon (FAMAS at Urian) - http://www.youtube.com/watch?v=mrBkBBQhxYQ&list=PLF33E0874B81E5F43

    2. Bulaklak sa City Jail - ang naghakot ng awards sa 1984 MMFF; abangan ang tunay na ensemble acting - http://www.youtube.com/watch?v=h4A_ZoHCkcM&list=PL6A589330724EC55F

    3. Minsa'y Isang Gamu-Gamo - ang "Ang kapatid ko'y tao...hindi baboy damo!" ay forever nang nakaukit sa Philippine cinema; ang pelikulang anti-US bases pero pinayagang ipalabas ng mga Marcoses noong Martial Law dahil Noranians silang lahat - http://www.youtube.com/watch?v=VPrP7lIuCB0&list=PL226604B0A6A268EA

    4. Atsay - ang pelikulang sinasabing pinaka-memorable triumph ni Nora dahil she was bullied by the media at sinabihang huling baraha na ang pelikula at laos na; hinulaan pa ng isang sikat na psychic na si Vilma ang mananalo sa MMFF pero nagulantang ang lahat ng si Nora ang i-announce na winner, dahilan para maglasing at ma-depress si Gov Vi noon - http://www.youtube.com/watch?v=gFz8kNmpHQw&list=PL5DE0EED6EADDDFFE

    ReplyDelete
    Replies
    1. 5. Ina Ka ng Anak Mo - first collaboration nina Nora at Lino na una nang nag-doubt sa kakayahan ni Nora, pero umaming nilunok ang mga salita niya dahil galing na galing siya sa acting ni Nora na "Hayup! Hayup!"; pinatunayan ni Nora na siya na nga ang tuluyang aagaw sa korona ni Lolita Rodriguez bilang Greatest Actress of Philippine Cinema - http://www.youtube.com/watch?v=IEl4RLvUBIE&list=PL4C373FD8E08A36A2

      6. Merika - ang pelikulang walang hiyawan, walang sampalan, walang mahahabang dialogues, walang melodramang iyakan, pero kukurot sa puso mo at gigising sa iyong pagka-Pilipino; abangan ang eksena ni Nora na tahimik na umiiyak na damang-dama ang kanyang pain, longing at homesickness na nararamdaman at ang eksenang nagpapaalam na siya sa airport sa mga kaibigan para bumalik sa Pilipinas ay patutuluin ang luha mo - http://www.youtube.com/watch?v=eh2DO90BDbE&list=PLE547D262F2655B9C

      Delete
    2. * Bakit Bughaw ang Langit
      *Bona
      *Banaue

      ayan pa teh rix ang assignments mo.... ahahahaha.. mangangamamatay ka sa kakapanood nyan pero SUPERB Movies!!!

      Delete
    3. teka pwede isa isa lang. di naman ako cowts potato.

      Delete
    4. HAHAHAHA. Hayan Rix, dami mo nang homework. Isama mo na rin ang collaboration nila ni Gov Vi na "Ikaw Ay Akin" at "T-Bird at Ako." At sabihin mo, yung totoo lang ha, kung sino ang mas magaling sa dalawa. LOL.

      Delete
  17. kakatuwa naman ito... just read it now... so? sino kaya ang anonymous na nasa tear end post? lol

    ReplyDelete

hansaveh mo?