Tuesday, December 11, 2012

Early company Xmas party.

9:02am (sok)

Mukang maaga ang mga Christmas party ng mga company ngayong taon. As early as December 9 eh kanya kanya na ang party sa mga malalaking venue ang mga companies all over the metro.



Di ako masyadong comfortable sa suot ko nung Sunday. Di pa ako nakakalayo ng bahay eh pakiramdam ko amoy jabar na ako dahil tagaktak na ang malamantika kong pawis sa suot ko. Wala na akong balak bumalik sa bahay pagtapos ng shift ko para magbihis pa kaya kung ano ang naisip kong isuot para Christmas Party ng company namin eh sinuot ko na. Black longsleeve na sweeter with hood ang soot, semi-fit na cream cargo pants na ipinasok sa black na chucks ang peg ko at ginamit kong accessory ang bluetooth headset ko para mukang disk jockey kuno-kunohan dahil ang theme ang event namin ay  party and clubbing.

Kahit na sinasabi ng mga kawork ko na maaga pa para sa party nung dumating ako ng office eh deadma lang dahil ayokong mas lalong mahirapan kung uuwi pa ako. Pagtapos namin manood ng laban ni Pacman sa pantry ay nagsimula na kaming mag-ayos para magmukang fresh ay maayos sa party. Kanya kanayang plansta ng buhok, pahid ng make-up, ayos ng damit at lagay ng mga accessories.

Dahil face powder lang ang nilagay ko sa muka ko eh tinawanan ako ng ka-work ko dahil wala man lang daw ka-fab fab ang itsura ako, sabi ko naman eh ok lang yun. Pero dahil sa pinagkatuwaan ako pinaupo nila ako sa harap nila at sinimulang iaspalto ang muka ko hehehehe.

Dahil sa may hood daw ang suot ko, gagawin daw nilang semi-goth ang peg ko. Nung natapos ako ayusan at nakita ko ang itsura ko sa salamin eh humagalpak ako ng tawa. Para akong si Adam Lambert + Vulturi na busog. Di ako makuhaan ng matinong picture dahil sa umiiwas ako sa camera.

(ito lang daw ang mejo maayos na pic ko nung event.. muka ngang retarded ahaha)

Pagdating namin ng SMX Convention Center eh madami ng tao at kanya kanya din ng gimik para sa party. Akala ko ako ng ang pinaka-mukang sira sa itsura ko, yun pala eh mas may mga malala pa sa akin pero kebs lang sa kanila. Buti na lang medyo madailim sa area na napwestuhan namin kaso medyo malayo sa stage kaya naman effort ang pagpunta para kumuha ng picutre.

Simula sa simula hanggang sa iserve ang buffet at binusog ang mga tenga namin ng mga tugtog, sayaw at awit ng mga talented na empleyado ng company namin.

Sa gitna ng pagkain namin ay ipinakilala ang host ng aming programa sila.......




(Luis Manzano at Jinri Park)


I-announce nila kung sino ang mga nanalo sa raffle at pagtapos ay sinabi na rin nila ang criteria para sa yearly CVG Inter-site dance competition. Pinalad namang manalo ang site namin ng 3rd at 2nd place, habang undefeated pa rin ang CVG G5.

Pagtapos ng competition ay lumabas na rin ang isa sa mga main attraction ng patry and clubbing event. Ano ano isang party and clubbing na event kung walang malupet na disk jockey, introducing.......


(DJ Callum)

Eh eto na halos lahat eh nagsilapit na sa mixing booth para kumuha ng picture nya at kada tingin ng dj sa crowd eh sya namang sigaw at tili ng nasa paligid.


(seryoso magiging ganito ka kahaggard bago ka makalapit sa mixing booth)

Nang matapos ang higit 30 minutong pagmi-mix ng mga upbeat at pang party na tugtog ay nag paalam na din ang DJ sa amin na sya namang hudya na tapos na rin ang party namin.


Sana ay exciting at sobrang saya ng din ng company o school Christmas party nyo...

God Bless!

- It's my opinion... so? -

8 comments:

  1. angas naman ng xmas party no hosted pa ng celebrities

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nyahaha ngayon lang yan dahil sa theme ng xmas party. madalas eh banda ang guest namin sa patry.

      Delete
  2. "Akala ko ako ng ang pinaka-mukang sira sa itsura ko, yun pala eh mas may mga malala pa sa akin pero kebs lang sa kanila."
    - asan ang pictures nila? HAHAH dyok lang!

    Ayosss ang party na to ahh! Bigatin ang hosts. :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. naipangako ko na di ko ipopost ang picture nila kaya kahit gusto ko di pwede a promise is a promise... Ngayon lang yan baka next party di na celebs nyahaha

      Delete
  3. whaaaaaaaa. Baklang bakla ka. Dyuk! para ka naman kasing sumubsob sa harina bakit ang kapal ng maskara mo? dyuk ulit. Pustahan kras mo si DJ. Mukhang ang saya ng party nyo ah at bonga sa SMX pa. Anong prize nakuha mo? Iparaffle natin. lol :P

    ReplyDelete
    Replies
    1. di ko nga alam kung ano ang pinaglalagay ng mga ka-trabaho ko dyan. Basta daw dapat maglagay ng mga ganyan ganyan. Wala nga ang napanalunan eh. Buti na rin yun kasi kung mananalo ako ng living room showcase eh problema ko pa dahil wala naman kaming living room nyahahahaha.

      Delete

hansaveh mo?