Malamig na gabi po sa lahat!
Nararamdaman nyo na din ba ang paglamig ng gabi? Isa sa mga palatandaan na nalalapit na ang isa sa pinakamasayang season na halos lahat ng Pilipino ay inaabangan, ang Pasko.
Kasabay ng mga kaunting renovation sa aming gusali ay isinabay na din ang paglalagay ng chirstmas decoration sa buong building. Ngunit di lang ang gusali namin mararamdaman ang Christmas spirit dahil sa nagbago na rin ang anyo ng kalsada ng Makati.
(Isa ito sa mga bagay na bago pagpasok mo pa lang sa gusali ng Convergys 1)
(Sa main lobby ay nakatayo na ang mataas na Christmas tree)
(Ang elevator area ay nilagyan na rin ng palamuti)
(At ang lobby are ng floor namin)
Last week ng October ng simulang bihisan ang Makati ng mga palamuti sa Pasko na sinabayan na din ng malamig na simoy ng hanging (ngunit minsan ay maalinsangan pa rin, cheret!). Kabi-kabila na ang mga dekorasyong pamasko ang naka sabit at naka lagay sa mga matatayog na gusali ng Makati. Ang mga puno sa kalsada nito ay may dekorasyong christmas light na parang baging at sa kada pagitan naman ay may mga christmas balls na nilagyan din ng christmass lights na animoy snow flakes kapag may sindi.
(Ito ang design ng mga Christmas decor sa gitna ng kalsada)
(mga Christmas tree na gawa sa maliliwanag at ibat ibang kulay na ilaw)
(mga puti/dilaw na ilaw na inayos para mag mukang mga angels)
Puspos na rin ang pagaayos ng mga dekorasyong may temang Pasko ang mga establisyemento sa bawat malls. Syempre ang mga department store ay kanya kanya na ring benta ng mga palamuti pamasko, pang regalo at kanya kanya na ring gimik para makabenta.
Ang pinakapatok na lugar na madalas puntahan ng mga taga-Makati kapag ganitong panahon ay ang Makati Triangle, kung saan ay mabibighani ka sa ganda ng mga ilaw na nakasabit sa mga puno sa buong paligid na para kang nasa ibang mundo. Nakakawala ng stress ang kagandahan ng paligid at ang tanging magiging reaksyon mo na lang ay ang ma-amaze at i-enjoy ang nakikita mo na pang bata.
(ang mga bilog na ilaw ay may mga effects na tumataas baba depende sa tugtog)
(sa ibang anggulo naman yan)
(ang lagay dapat puro ilaw at decor lang, dapat kasama din ako, tyarls!)
Sigurado ay sunod sunod na din ang libreng concert sa activity center ng Ayala center para sa mga nagsho-shopping at namamasyal sa Ayala malls. Maging ang Greenbelt area ay di na ang papahuli dahil binihisan na rin nila ang open park nila.
(di ko na kuhaan yung ibang mga decors ng Greenbelt late ko na kasi na alala kuhaan)
Isa isa na ring nagsusulputan ang mga nag titinda ng kastanyas, puto bumbong at bibingka. Ilang araw na lang simula na ng simbang gabi at before you know it, its Christmas time in the city na...
Ikaw eksayted ka na ba? Ano ang mga balak mo ngayong malapit na ang Pasko?
- It's my opinion... so? -
Hanyaman nyaman talaga ng makati. HAHAH!
ReplyDeletePara sa last na tanong mo: Ako, steady lang, hindi ganun ka excited. Basta, iba. Parang may kulang ngayon e. :( HAHAH! Ang balak ko, mamimigay ako ng mga regalo sa mga tropa ko, maiba naman! WHAHAHAH! :)
ganyan daw sila sa makati :) maganda yan, sabi nga nila pag nagbigay ka mas madami ang balik sayo..
Deleteyesss! Sana nga. :)
ReplyDeletemaniwala lang tayo :) good karma is = to good karma
DeleteIngit much. Ang ganda ng Ayala Ave at Ayala Triangle ngayon ah :)
ReplyDelete:) may mga free concerts yata na gagawin sa ayala triangle para sa mga madalas manood ng light show nila..
Deleteisang gabi, kailangan kong pumunta sa ayala triangle para magpapicture...at kumain na rin haha :)
ReplyDelete:) post ka ng pic Ser Mots. sa Dec 7 daw po may mini concert doon ng hapon.
Deletegusto ko punta jan sa ayala triangle at mapanood ang light show..kaya lang wala ako kasama :(
ReplyDelete2nd time ko ng mag-Pasko ng single..hahaha huhuhu...
ehehe punta ka malay mo doon mo sya makita :). Keri lang kahit single ka ng pasko at least walang magseselos kahit sino yakapin o ibeso mo (pampalubag loob nyahaha).
Delete