Thursday, December 6, 2012

dekor dekor din...


6:19pm (sok)

Ahoy!

Na-overwhelm ako sa last entry ko sa asylum ko, Di ko inakala na sa loob ng 3 araw eh tumabo din sya sa takilya, at nagpapasalamat ako sa mga taga-suporta ni Nora (thanks mutts po (insert Adele Flying kiss here).

Kasabay sana nung Birthday ni Paping (December 1) eh dapat ilalagay ko na rin ang entry ko tungkol sa  mga simpleng changes sa aming munting tahanan para naman maramdaman namin ang Pasko kahit kulang kami.

Nung kasama pa namin si Mama eh mas maaga pa ang paglalagay namin ng mga Christmas decor sa bahay. Pero ibang iba na ngayon, dahil medyo busy ako di na ako nakakapagisip ng gagawin naming ayos sa bahay.

Kinulit ko na si Paping para mamili na rin kami ng mga maari namin gamitin at idagdag sa mga decors namin na ginamit last year.

Nung grade school ako, di kumpleto ang Christmas decor ng bawat bahay sa isang maliit na compund sa Makati kung saan kami nakatira noon kung wala nito...




(nakasabit yan sa harap ng pinto ehehe)

Kaya naman nung nakita ko ito, naging mabilis ang kamay ko sa pagdukot nito at pagsilid sa mga pinamili namin at kung gaano ko kabilis hinablot ito ay ganun kabilis din ako humingi ng pera kay Paping para bayaran ito, nyahaha kala nyo may record ang kamay ko noh? nagbagong buhay na kaya ako, Cheret lemeng!.

Ang mga parol na ginamit namin last year ang isinabit namin sa terrace nilagyan namin ito ng Christmas lights para kahit nakapatay ang ilaw doon eh kumukutikutitap, bumubusibusilak ganyan ang indak ng mga bumbilya sa labas ng bahay hihihi.

(eto sya oh)
(sa ebang angol namen hihi)

Syempre di nakaligtas ang pinakamalaking halaman na inaalagaan ni Paping. Nilagyan ko ito ng silver na Christmas lace at nilagyan ng mga pulang Chisrtmas balls. Di na kuntento si Paping dito kaya bumili sya ng red na Christmas lights para igapos ako sa halaman, at sisigaw ako ng "saklolo".. syempre echus ko lang yun. Yung Christmas lights ay para sa halaman... at ito na ang kinalabasan ng pinagsamang effort namin ni Paping..





Tiyaraaaaaaannnnnnnnnn.......




(impernes mas maliwanag sa terrace dahil dito)


Nagiisip pa ako kung ano ang gagawin ko sa iba pang halaman ni Mama na nakalagay sa mga pasomano. Balak ko sana ay lagyan sya ng bulak na sinadyang himayin para may kunwaring snow effect kaso bukod sa di kapanipaniwala dahil wala namang snow sa Pinas eh baka mahirapan akong i-achieve ang gusto ko at mag muka lang syang agiw ng mga gagamba. Kailangan ko pang pigain ang utak ko para makapag-isip ng gagawin ko sa kanila, pero teka wala nga pala akong utak so di applicable sa akin ang mag-isip bwahahahaha.

Dahil medyo malaki ang mga Christmas balls namin (yung nakalagay sa halaman ni Paping) eh di na ako nag-attempt na ilagay sya sa beri kyut na Christmas tree dahil nakikinita ko nang lulundo sya. Kaya bukod sa gold na Christmas lace at lights lang eh nag isip ang ng mga isasabit sa Christmas tree. Iniisip ko pa kung eefortan kong gumawa ng mga cute na bells na lalagyan ng mga ribbons na gawa sa lalagyan ng jelly-ace (gelatin) or kendi na lang mismo para naman if ever makita ng mga bata ito eh, free silang kunin ay kainin ng mga kendi na manita nila. Ang kinakatakot ko lang eh naka isipin nilang edible din ang Christmas tree, ching! Kaya ang ginawa ko ay bumili ako ng mga....



(Christmas gift tags)

Ang mga Christmas gift tags na ito ang naisip kong isabit sa Christmas tree namin, di lang sya magaan, eh unique pa.

(tinutulungan ako ni Bunso na ilagay ang mga tags)

 (habang inaayos ko ang mga detalye ng Christmas tree)

(Ito na ang itsura ng mini Christmas tree namin)

Hanggang ngayon ay may mga idea pa kami na gawin sa bahay, ang magwrap ng mga boxes para may gift effect ang Christmas Tree, ang gumawa ng garland na may kandila katulad nito..


Kaso eeforetan ko pang gupitin ang mga garlan na bibilhin ko... kakatamad! hihi. Di ko pa makita ng Christmas socks na decor namin para magamit ko din at isabit sa pinto huhu.. Madami pang idea pero sana naman magawa namin nila Paping yan para naman maganda ang bahay hihihi.

Habang nagkakaroon ang munting tahanan namin ng pamaskong get-up eh napansin lang namin ni Bunso na sa street namin eh kami ang kauna-unahang naglagay ng mga Christmas decor sa bahay.

Mukang di feel ng mga kapitbahay ang Pasko.


Naantala ang pagpopost ko nito dahil sa nagkaroon ng parada ng apat na regural size na float ang Munisipyo ng Taguig para sa mga bata. Puno ng mga ilaw na may mga Teddy bear ang mga fload nila, sa sobrang pagka-aliw ko nakalimutan ko kuhaan ng picture lahat isang float na lang ang nakuhaan ko..




Henny waste, di lang ito ang inaayos namin nila Paping dahil ngayon palang ay pinaplano na rin namin ang ihahanda namin para sa Noche Buena at Medya Noche...

Natandaan nyo ba kung kelan kayo naglagay ng Christmas decor ngayong taon? Eh anong ihahanda nyo sa pagsalubong ng Noche Buena at Medya Noche?


- It's my opinion... so? -

12 comments:

  1. buti ka pa nararamdaman mo na ang spirit of Christmas...

    Tagal na yata -- siguro 4 yrs na nung huli akong mag decorate ng mga dacors... saka simple lang un...

    At dahil nasa KSA ako.... di ko alam kung paano ang Pasko ko...

    Best Regards!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat Sir Jon, actually may kulang po, Bukod sa unang Christmas namin na wala na si Mama, nasa Riyadh si Diko :(...

      Delete
  2. uy ang cute naman ng small Christmas tree. :)

    simple lang ung decorations pero talagang nararamdaman ng malapit na ang Christams.

    Hindi kasi ako nagde-decorate, hihi, mga kasama sa bahay. hehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. thanks po Jessica :) nakakaaliw mag decorate, try mo rin minsan. minsan kahit simple lang nagawa mo proud ka, kasi ikaw gumawa hihi.

      Delete
  3. Paskong pasko na sa haus. Ang saya. Natutuwa ako na nalulungkot. haha. inggit lang. :P

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nyek wag ka na magemote dyan uuwi ka naman next year kahit di pasko magcelebrate kayo ng family mo na parang xmas pa din :)

      Delete
  4. wahh under renovation ang kabahayan namin naun kaya wala ni isang kititap ng christmas decor haha
    kaya siguro di ko dama pasko naun hehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. Awts sayang naman pero ok lang may ibang way pa para maramdaman ang pasko hihi...

      Delete
  5. i never tried to do some decoration this year. naiggit tuloy ako.. ako na ang busy.. hehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. naku Cheenee try mo kasi nakakaaliw sya, nakakapagod pero pagnakita mo ang inagpaguran mo ang sarap sa pakiramdam.

      Delete
  6. i remember nong bata pa ako, yong first picture mo sa dekor, that's the first i recognized when i was a child, kapag nakikita ko yan, alam kong xmas na nga hahaha classic na classic yan!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. ako nung elementary ako basta pag BER season na automatic na, automatic na na xmas season na :)

      Delete

hansaveh mo?