Tuesday, March 22, 2016

may sapi

Check-up Time: 3:40am

Ang gulo gulo ng mundo ko ngayon. Para syang kuko ko sa paa na matagal ng hindi nalilinisan. Habang tinitignan ko sya ay nararamdaman ko ang kirot ng talampakan ko dahil sa pagkakatapilok ko ilang lingo na ang nakaraan.

Ano na kaya ang temperatura sa Baguio ngayon? Nung nakaraang linggo lang eh nandun ako. Kahit na gusto ko magpapayat eh kain naman ako ng kain dun. Namiss ko ang strawberry ice cream pero tama nga, mas marasap pa rin ang prutas na strawberry yun nga lang maasim asim sya.

Hanggang ngayon nagrerevise pa rin kami ng thesis namin. Hindi ko alam kung ilang rim na ng bond paper ang nasayang kakaedit. Hmmmm ilan kayang puno na ang nagbuwis ng buhay para lang sa thesis na yan? Nalulungkot ako para sa puno.

Tumataas na ang hair line ko tapos nagsisimula ng maging manipis ang tubo ng buhok ko. Oh my God! ang mahal talaga ng kilo ng brown rice. kung sana ay meron pa ring unlidata ang lahat ng network sa Pilipinas kahit papaano masaya ang mga hardcore net user na tulad ko.

Nakabili ako ng halaman na mint nung nagbakasyon ako. Mura na sya sa halagang 50 pesos iniisip ko na pwede ko na ihalo sa tsaa ko, may pangontra pa ako sa lamok. Ano kaya ang halaman na pangontra sa mga daga?

Gusto ko na magbakasyon dahil gusto ko na ulit maranasan ang hayahay na buhay. Pero ayaw ko pumasok sa school sa summer para magreview sa board exam. Ewan ko ba bigla akong tinamad at nawalan ng gana. Siguro gusto naman makaramdam ulit ng katawan ko ng mahaba habang tulog. Shemay! Sira na pala ang kutson na tinutulugan ko. Makikitulog na lang ako sa kwarto nila Diko.

Hayzt! Bakit ba ang gulo gulo ng entry na ito? Para namang walang sense ang mga sinasabi ko. Siguro nga ganito talaga kagulo ang utak ko ngayon dahil sa stress. Teka ngayon lang ba ako magulo? Saka may utak nga ba ako? Kung talagang malaki ang binbayaran kong tax, wag na din kaya ako magtrabaho para wala silang makolekta....


Tingin mo?


Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

Sunday, March 13, 2016

Hindi ito bastos...

Check-up Time: 1:19am

Bago pa lamang ako noon sa kumpanya na pinapasukan ko natural na nakikibagay at nakikisama ka pa sa mga bagong taong nakakasalamuha mo kaya naman kung saan sila pumunta hindi maiwasan na sasama ka sa kanila.

9pm to 6am ang schedule ko nun ang mga kasabayan ko sa shift mga pang derby, sobrang cowboy. Okay naman sa akin ang mga ganun buti na yan walang masyadong maarte kung meron man magiinarte sa amin sigurado ako yun lolz.

Lunes ng araw na iyon, putek! Kasumpa sumpa... Queueing kaya naman  gasgas ang lalamunan mo kaka-kausap ng mga tisoy at tisay. Sigaw dito, sigaw dun, mura dito, mura don. Umaatikabo ang bakbakan kaya naman after nga shift lupaypay ka na dahil sa pagod.


Gustong gusto ko na umuwi nun kaya naman honda ako. Pagpatak ng 6am. Logout agad ako sabay walkout sa station at kuha ng bag sa locker, labas ng building at sakay ng jeep pauwi.

Nung paakyat na ako ng jeep ay may isang service crew na namimigay ng flyers para sa bagong bukas na kainan sa buendia kinuha ko ito pero hindi ko tinignan. May 10 minutes na akong nakasakay sa jeep ng biglang sumakay ang 3 barako kong mga sabay sa shift na pang derby. Nagngitian lang kami pero hindi ko inattempt na kausapin sila dahil pagod na ang lalamunan ko. Pero sila alive pa din sila sila ang nag ku-kwentuhan.

Hindi ko alam pero parang may dumaan na angel sa gitna ng jeep at biglang nagkaroon ng kaunting katahimikan. Hindi pa din umaalis ang jeep dahil pinopuno pa ni kuya driver ang jeep nya ngunit nabasag ang katahimikan na yun ng biglang magsalita ang katapat kong katrabaho na pang derby. 












































"Pare tara, SEx tayo!" 
































Hindi ko maiwasan na mapangiwi sa sinabi nya. Napansin ko din na nanlaki ang mga mata ng mga tao nakasakay namin sa jeep. "Sige tara sex muna tayo" sabi ng katabi nya na kawork ko din na pang derby. Medyo nahihiya na ako para sa mga kawork kong mga pang derby kaya yumuko na ako pero nabigla ako ng inagaw ng isa sa kanila ang flyers na hawak ko sabay sabing

































"Sige tara, gutom na din ako. mukang  masarap dito sa Sinangag EXpress"



















Halos pare-pareho ang reaction namin ng ibang pasahero sa huli naming narinig. Hindi naman namin kasi alam na ang tinutukoy pala nila eh yung bagong restaurant sa Buendia akala naman namin eh kung ano na.













































Hayzt! akala nyo din bastos noh? wag kayo mag-alala nung akala ko din bastos. Pero sa totoo lang masarap ang longanisa sa SEx hindi nga lang ako kumakain ng kanin.



Hindi pa rin tapos ang walang katapusang revision sa thesis namin. Napapagod ako lalo dahil sa nakakastress maghabol ng deadline. Mas lalo tuloy ako nagiging sakitin dahil sa kulang sa tulog. Mukang susundin ko na din ang payo ng 2NE1 na labanan ang sakit...










(credits to the owner of the pic)

Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

Monday, February 29, 2016

Tiyabi

Check-up Time:2:22am

Hindi ko alam pero lately eh madami akong nakikita na couples na either yung lalaki ang chubby tapos sexy ang babae o chubby ang babae pero hunk o slim ang lalaki.

Sa totoo lang bilang isang chubby natutuwa ako makakita ng mga ganito dahil lumalakas ang loob ko na may pag-asa ang mga tulad naming chubby na makatagpo ng tao na tanggap ang bawat layers ng fats namin, umaalog naming mga tyan sa bawat hakbang namin at ang mga pumuputok naming mga tyan.



Sa totoo lang bata pa lang ako ay tabain na talaga ako. Ewan ko ba napakasarap naman kasing kumain. Nung nasa elementary ako, sinama ako ng teacher ko bilang benificiary sa gift giving activity ng mga taga-Don Bosco (proxy ako kasi may sakit yung ka-klase ko) para sa mga malnorished na estudyante. Medyo hesistant ang nagbigay ng lootbag na may lamang bigas, noodles at delata sa akin. Sa tingin nyo bakit kaya?

Kahit na nung nagkasakit ako at nasa hospital, may gerd! nahiya ang mga pasyente sa ward namin dahil ako lang ang may sakit na magana kumain.

At dahil sa tamad ako noon sa mga gawaing bibigay ka ang todo todong effort eh hindi natatagtag ang taba ko at di na nila ako tinantanan since then. At dahil sa paglobo kong ito ay unti unting nawala ang self confidence ko dahil sa alam ko na hindi ako yung tipo na kayang magpakuha ng litrato ng naka topless (Ewan ko lang kung di mabigla ang makakita ng picture ko na nakatopless sa laki ng manboobs ko. lolz!).


Lalo  pang nag pababa ng kumpiyansa ko sa sarili ay ang discriminashen sa mga tiyabi. Dati kapag tiyabi ka wit ka pwede maging bida. Di ka pwede ka magka-lablayp ng maganda at sexy / gwapo at hunk. Hindi ka pwede maginarte kasi nga mataba ka dapat ang mag iinarte lang yung mga petite ganown.

Ilang beses na din ako na hopia kapag sasabihan ako na ok lang daw kahit na chubby ako, masarap naman daw ihug (stuffed toy?) pero hanggang salita lang yun dahil mafe-friendzone ka lang o kaya naman eh bigla na lang mawawala at di na magpaparamdam. Pero ayos lang naman yun, Mahirap ang ipilit mo sa tao na tanggapin ka kasi alam mo na hindi pure ang lahat ng ginagawa nya sa iyo unlike sa tao na ikaw na ang umaayaw eh sila ang lumapit sayo kasi tanggap ka nila kahit na sangkaterba ang cellulite mo.

Pero ewan ko, sadya nga siguro nagbabago ang mga trip ng tao (O yung iba nakikiuso lang). Bakit????

Nang una akong makapunta sa Boracay natuwa at na amaze ako sa mga tao dun. kasi yun lang ang lugar na napuntahan ko na hindi nadiscriminate ang taong mataba kasehodang nagmumura ang mga cellulite nila sa binti, braso at sa tagiliran ng katawan. Deadma sa sa earth kung pang patatim na yung binti mo basta fierce ang swim suit mo. Keri lang kung nauuna ang tyan mo sa dibdib mo kapag suot suot mo ang very sexy mong trunks at ang pinakanakakalurkey dun eh ang makita mo na naglalakad ang mga couples na nakaholding hands na either si girl o si boy ang chubby.


Nasabi ko tuloy sa sarili ko "Shet! may pag-asa pa pala ako na may makalambuchingan sa beach". Laki ang pasasalamat ko kay Leonardo DiCaprio kahit na hindi ko sya masyado bet (alam ko naman na di nya rin ako bet so fair enough! choz lang) ng dahil sa kanya nauso ang dadbod pero hindi ko maconsider na dadbod ang katawan ko dahil hindi mukang daddy ang katawan ko, muka akong tao na may salbabida sa loob ng damit hihi.


Sa totoo lang iba din ang respeto ko sa mga tao na napili na magmahal ng mga chubby (o masasabi ko na mataas ang respeto ko sa kanila), dahil sa mundong ito na madami ang matang mapanghusga ay pinili nila ang kagustohan ng puso nila na mahalin at makasama ang tao na gusto nila sa kabila ng malalaki nilang size kesa sa isipin kung ano ang sasabihin ng publiko sa kanila.

So ano nga ba ang pinaglalaban ko dito sa post kong ito?????


























Wala naman

gusto ko lang sabihin na chubby ako!













Utang na loob hanapan nyo na ako ng love life...........















Charot lang! Sa totoo lang masayang masaya ang puso ko hihihi.

(credits to the owner of the pics)


Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

Thursday, February 4, 2016

Putukan na!

Check-up Time: 10:49pm

Hey! Hey! Hey!

This is it for another plate of pansit! May ma-intro lang haha.

Henny waist!

Sooooooo this is Pebrero ang buwan ng mga puso (Wala nito ang karamihan sa mga pulitiko at masasamang loob dahil madalas sila sabihan na wala silang puso). Ikaw, masaya ba ang heart mo?

So ito na nga, kung para sa mga bitter at mga single pagtapos ng Feb 13 ay Feb 15 agad, para naman sa mga taken at umiibig ang Feb 14 ang super extension ng New year at Chinese new year... Kung nagtataka kayo kung bakit, eh sabi nga ni Shalani.... 1, 2, 3..... Putukan na!!!! Chars!
 
Sigurado madami nanamang tao sa Tagaytay at Baguio. Crowded ng mga mall lalo na sa sinehan. Bonga din ang mga tao sa mga park at restaurant at ang nakakagimbal..... Baka maramdaman mo ang pagyanig sa tuwing dadaan ka ng inn, motel, hotel at appartel. Charut lang!
 
Anyway sa kung paano nyo ipagdidiwang ang araw ng mga puso sana ay i-enjoy nyo ng full blast yan dahil last nyo na yan....



























































This year. Next year na ang sunod... Bakit 2 beses ba sine celebrate ang Valentines? Isa lang naman di ba? lolz 


Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

Thursday, January 28, 2016

aksidente

Check-up Time: 11:05pm

Pasado 11:30 ng gabi ng binabaybay ko ang kahabaan ng abenida ng Ayala dahil sa dulo noon ay sasakay ako ng bus patungo ng Bicutan.

May mga nakakasabay ako maglakad pero mangilan-ngilan at bilang lamang sa daliri ang mga nakakasalubong ko. Dahil maliwanag naman ang ilaw ng kalsada at ganun din ang mga ilaw ng sarado ng tindahan ay hindi nakakatakot maglakad sa daan.

Medyo may kalamigan ng ihip ng hangin dala na rin siguro ito ng hanging amihan. Dahil sa lamig na nararamdaman ko ay hindi ko rin magawang maglakad ng mabilis magpatakbo ng sasakyan.

Hindi ganun kadami ang mga nagdadaan na mga sasakyan sa kalye palibhasa karamihan ng mga tao sa naturang lugar ay nasa kanilang mga tahanan na at nagpapahinga kaya naman ang ibang mga sasakyan ay mabilis kung magpatakbo.

Sa hindi inaasahang pagkakataon ay naka saksi ako ng isang aksidente na lubha kong ikinabigla.

Tumatawid na sa kalye ang mag-i-ina ng biglang sinalubong sila ng bus. Ilang segundo akong natigil sa kinatatayuan ko dahil sa pagkabigla sa nasaksihan ko.

Hindi ko na namalayan na may mga butil na ng luha na pumatak sa mata ko. Marahil ay awa sa naging biktima.

Patakbo kong nilapitan ang mag-i-ina. Nakita ko ang ina na inaakay ang kanyang anak sa tabi ng kalsada. Medyo nanlalambot ako tuhod ko habang papalapit ako sa direksyon nila.

Hindi ko na napigil ang sarili ko na mangatal ang boses nang tanungin ang ina nila.

"Buhay pa po ba ang anak nyo?" tanong ko.

Tinitigan ako ng ina. Ang tanging nasabi nya lang ay......















 
Meow!





Patok na patok ang kwentong barbero na ito sa opisina. Pero sa hindi ko malamang dahilan bakit ang pusa ang naisip nilang imurder. Lolz.

Matagal tagal ng walang nag-a-add sa pahina ko at mas madami pang nag-unfollow. Pero dahil nga walang permanente sa mundo kung di pagbabago ay hindi ko din mapipilit ang tao na manatili at umalis subalit kung may aalis ay meron namang papalit. Sa aking gunita, eh mahigit kumulang isang taon na ng may huling nag-add sa walang ka-kwenta kwenta kong pahina pero, ngunit, subalit nais kong pasalamatan Si Otap ng Since 2011 at si Nyabach0i ng Mga Kwento Ni Nyabach0i sa pag add sa pahina ko.

Medyo nanginginig ang mga fats ko at lumusog lalo ang manboobs ko sa pag-follow nyo. Welcome sa Asylum ko. Naway maaliw kayo sa kung ano man ang mabasa nyo.

Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

Friday, January 22, 2016

dobol pak!

Check-up Time: 12:13am

So ito na nga....

Unang Pak!

After ko makigulo sa fiesta na Sto. Nino sa probinsya ng tatay ko eh hagard na hagard naman ako sa pag-aayos ng thesis ko dahil kailangan namin mag defense agad agad.

Hindi pa nga nawawala ang saya ko nung kasama ko si Bashengay na mamasyal sa Hindang Cave and Wild monkeys eh nakikipagbuno naman ako sa mga estudyante ngayon para lang makuha na ang mga data na kailangan namin para sa data gathering.



Anyway, highway, Broadway, Norway, there's no other way... I did it myyyyyyyyyy way!!!!!!!

Lumusog nanaman ang chubby kong heart sa another nomination na nakuha ko kahit na hindi ito pang Grammy o pang Golden globe awards. Cheriz lang!

Tenchu veyi much Sir Jep ng KORTA BISTANG TIBOBOS at Anonymous Beki ng Mga Chika ni AnonymousBeki sa pag nominate sa akin as berzatale vlogah!!!



Hindi ko sher kung ito ang unang beses ko na makareceive ng award na ito pero kers lang naman.

Dahil dito obligado ako magshare ng pitong bagay na tungkol sa akin kaya ito sisimulan ko na sya...

1) Hindi ko kaya manood ng mga morbid na pelikula. Nanlalambot ako dahil pakiramdam ko at nararamdaman ng chubby but fragile kong katawan mga nararanasan ng mga biktima.

2) Simula ng maranasan ko maglakwatsa mag-isa ay nagtuloy-tuloy na ang pangangati ng talampakan ko. Kaya naman naglalaan talaga ako ng panahon para maglakwatsa.


3) Madaldal ako sa text, chat or any chat apps pero ubod ako ng tahimik sa personal. Totoo yun! Promise maging senador man si Alma Moreno.


4) Makulit akong tunay kaibigan o kakilala na matagal o madalas ko ng nakakasama pero mahirap para sa akin makipagkulitan sa tao na nakasama ko pa lang ng 1, 2 o 3 beses.


5) May 2 pa akong blog ngunit dahil sa sobrang busy ko sa trabaho at sa pag-aaral eh nahihirapan ako na i-update sila. Pero dahil sa malakas ang pakiramdam ko na matatapos ko na ang pag-aaral ko ay babalik din ako sa music room at ang pagiging eksplorador ko.



6) Appreciative ako sa mga tao na nagbibigay ng regalo sa akin. Gaya ng nasabi ko noon bihira ako makakuha ng regalo kaya para sa akin ang paglaanan ka ng panahon para isipan o hanapan ng regalo o bigyan ng kung ano nakakapagbigay ng pakiramdam sa akin na mahalaga ako para sa kanila.




7) Nag-aral ako ng Taekwondo noong elementary ako pero isang taon ko lang ginawa ang kalokohan na yun. Naawa ako sa sarili ko dahil pumapasok ako noon na may blackeye, may bali ang braso o masakit ang buong katawan. Nung hindi ko na matagalan ang mga pangyayaring ito hindi ko na inatim na magtagal pa ng isa pang taon.




Dahil po sa liit ng mundo ko sa pagbablog at ganun din ang karamihan sa mga tao na sumusubaybay ng pahinang ito ay tila yata nilisan na din ang pagsusulat ay nahihirapan ako mag-nominate sa kategoryang ito at kinalulungkot ko dahil hindi ko alam kung kanino ipapasa ang korona este ang award na ito. Gayun pa man para sa akin ay may kanya kanya tayong katangian para matawag na versatile na blogger.


------------------------


Pangalawang Pak!

Hey! 3 taon na din akong gumagawa ng walang kabuhay-buhay at walang kakwenta-kwentang mga kwento na kadalasan eh trip trip ko lang.

Sana ay sipagin pa ako na magsulat at umabot man lang kahit dekada lolz.


( credits to the owner of the pics)

Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

Friday, January 15, 2016

4am

Check-up Time: 7:48pm

Hindi ko inaasahan ang pagbabago ng schedule ko sa trabaho dahil sa kailangan daw sa negosyo kaya naman na-move ang schedule ko ng alas-siete ng gabi hanggang alas-cuatro ng umaga.

Unang araw ng pagbabago ng schedule ko medyo hirap ako kasi medyo kakaunti pa lang ang sasakyan na bumabyahe. Idagdag mo pa ang mga lugar kung saan ka sasakay na mapapa-sign of the cross ka dahil sa sobrang nakakatakot dahil ubod ng dilim.






Nakakatakot na baka tabihan ka na lang ng kung sino at tutukan ng kung ano at magdeklara ng hold-up. O kaya naman ay bigla na lang lapitan ka ng isang manyakis at bigla ka na lang rape-in.... wait gusto ko yun! Charot lang! O kaya naman ay may magpakita sayo ng kakaibang nilalang na hindi na nabibilang sa mundo natin.

Scary di ba?

Medyo praning ako sa pangatlong bagay na binangit ko dahil ilang oras bago ako tumayo sa sakayan ng jeep papuntang Bicutan ay nakikipagkwentuhan pa ako ng nakakatakot na karanasan sa mga katrabaho ko.






Inabot ako ng halos 20 minuto sa pagaabang ng masasakyan dahil ang mga dumadaang jeep ay hindi dadaan ng DOST kaya naman ganun din katagal akong praning at kung ano ano ang iniisip.

Sa wakas nakakita din ako ng jeep may sign board na DOST Bicutan Halos mag twerk ako sa tuwa ng makasakay na ako ng jeep.

Dahil sa maaga pa halos 10 minuto lang eh narating na namin ang Bicutan. Hindi ko alam kung hindi lang din bet ni kuya driver na magsakay pa ng pasahero, kung natatae sya at nagmamadali pumarada o talagang tanggap nya ng maluwag sa puso nya na sobra pang aga kaya matumal pa ang pasahero.

Ayos na ayos! Isa na lang ang hinihintay ng tricycle at aalis na ito. Nag-abot muna ako ng bayad bago ako tuluyang umupo sa tricycle at matapos nun ay umarangkada na ang sasakyan namin. Nang mapadaan kami ng PUP-Taguig nagtanong ang driver ng tricycle kung may bababa daw ng PUP. Laking pagtataka ko dahil wala pa namang alas-sinco ng umaga pero nagtatanong na sya kung may bababa sa naturang unibersidad.



Gusto ko sana syang tanungin kung seryoso sya sa tanong nya pero nakita ko ang muka nya na medyo balisa. Medyo hindi ko gusto ang vibes na ito kaya nanahimik na lang ako. Ilang minuto pa ang nakalipas ay bumaba na din ako at naglakad papunta ng bahay amin.

Dahil nasa probinsya na ang tatay ko (taon taon sya umuuwi ng Leyte para sa fiesta ng Sto. Nino na patron din ng kanilang probinsya) kaya ako at ang kapatid ko lang ang nasa bahay. Sobrang vocal ako na merong entity sa bahay namin kaya naman sa mga naganap kanina ay aaminin ko na nilulukuban ako ng kaba at kaunting takot.

Pagpasok ko ng bahay ay nagsindi agad ako ng ilaw at sinalubong ako ng aso namin. Matapos kong ibaba ang bag ko ay hinubad ko na din ang sapatos at medyas na suot ko. Nagtungo ako ng kusina para uminom ng tubig.

Pagsindi ko ng ilaw ay....






























































































wala naman masyado bago sa kusina kaya okay lang. Pumunta ako sa ref para kumuha ng malamig na tubig ng biglang......
































































Nagulat ako at halos gusto ko sumigaw dahil sa.....











































































































































Natapakan ko ang tae ng aso ko...
Ang saklap! Nakakabadtrip!

Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!