Amsereeeh?
Psssttttt! Anong sabi mo?
Arkepelago, isang bansa na binubuo ng sandamukal na isla. Ang pilipinas ang isa sa pinakamagandang halimbawa ng arkepelago.
Ilan nga ba ang isla sa bansa natin? Kapag matas ang tubig binubuo ng 7100 isla ang pilipinas at 7107 naman kapag mababa ang tubig.
Sa dami ng isla at distansya nito kaya bang magkaintindihan ng mga tao? Paano sila magkakaintindihan kung iba ang pagkakaintindi ng isa sa isa?
Espanyol daw o wikang kastila ang opisyal na wika natin ng 3 daang taon. Nang dumating ang mga amerikano sa bansa ay nadagdag ang salitang ingles sa opisyal na wika nung 1935 dalawang taon paglipas nito ay napagdesisyonan na ang tagalog na ang gawing opisyal na wika ng bansa (salamat kay pareng gogel sa informasyon nyahahahaha). Subalit, kahit na tagalog na ang opisyal na wika, patuloy pa ring ginagamit ng mga tao o katutubo ang mga wikang nakagisnan nila.
13 ang katutobong salita sa bansa.tagalog, cebuano, ilokano, hiligaynon, waray-waray, kapampangan, bikol, albay bikol, pangasinan, maranao, maguindanao, kinaray-a, and tausug. Lahat yan ang ginagamit pa rin hanggang nagyon. Ilang sa atin ay alam ang 2, 3 o higit pa sa mga wikang nabanggit.
Pero sa paglipas ng panahon ay umuunlad maging ang wika natin. Narinig mo na ba ang "salitang kanto" (slang)? Eh ang "g at j words"? Binaliktad na salita (inverted words)? At sa nagdaan pang panahon, ang "jejemon" at "bekimon".
Ano nga ba ang pakiramdam ng tao na di maintindihan ang wika ng mga taong nasa paligid nya?
Elementary ako ng mauso ang salitang "g words". Nung una akala mo may sakit ang mga nag sasalita nito dahil bukod sa parang hirap silang bigkasin ang mga gustong sabihin eh para pa silang may depekto sa pagsasalita. Kapag 3 o apat na ang nagsama sama na ganun eh parang kinakabahan ako dahil pakiramdam ko ay pinalilibutan ako ng mga retarded pero nung mapansin ko na parang isa lang ang pinupunta nila, isa ang taong tinitignan o inoobserbahan at sabay sabay na magtatawanan eh parang nakakaloko.
Dahil doon naramdaman ko na parang nakakaloko ang ginagawa nila, dahil di mo alam kung ikaw ba ang pinagtatawanan, o kung ano ba ang mali sayo. O kung nakakatawa bang ang itsura mo.
Di man matyaga, eh inobserbahan ko sila. Pinipilit kong tandaan o intindihin ang bawat kilos ng bibig o ang salitang ugat na maari kong maging palatandaan para maintindihan ang mga retarded, este ang mga tulad nila.
Di kalaunan ay natuto ako, hastig! Di na ako mukang tanga dahil sa wakas naiintindihan ko na sila, alam ko na rin kung ako ang pinaguusapan ng organisasyon nila.
Highschool, homaygad! Di na "in" ang ganung salita. Dun na nagsimula ang "j words" mga salitang pinapalitan ang unang letra ng letrang "j". Di mahirap kasi unang letra lang naman ang papalitan eh... Yakang yaka.. Di ka mahihirapan sa pag-iisip ng gustong sabihin ng kausap mo na marunong din ng ganung salita.
Sa bawat taon na nadadagdag ay may mga salitang madalas gamitin ng tao pero binibigyan ng ibang kahulugan ng tao, dahil na rin siguro sa likas na malikhain ang tao. Dapat lang magaling kang mag analisa para makasunod ka sa gustong ipaunawa ng nagsasalita.
Pangalawang taon ko sa kolehiyo ng may mga naging kaibigan ako na bihasa sa salitang bading. Salitang sila lang ang nakakaintindi ng ibig sabihin, salitang alam mo kung ano ang kahulugan o kung sino subalit iba din ang kahulugan sa kanila, at ang malala eh yung ibang salita eh di mo alam kung saang lupalop ng time space warp nakuha.
Kontento na ako ng nakikinig sa kanila, pero dahil sa di ka marunong ng salitang gamit nila, babalik ang pakiramdam na para kang koneho na unti unting sinasaksak ng patalim dahil sa di mo alam kung ano ang nagaganap sa paligid mo.
Di sinasadya habang nag papahinga ang grupo namin sa pageensayo sa pagtatanghal na inihahanda namin (naging membro ako ng teatro pero 1 beses lang ako sumali sa pagtatanghal), ay natanong ako ng kasama ko kung maiintindihan ko ba ang mga kaibigan sya at ang mga kaibigan nya kung magsasalita sila ng ganun. Syempre nagmalaki ako, "hindi" ang sagot ko.
Sa madaling salita ay tinuruan nya ako. Doon ko nalaman na sobrang lawak ng disyonaryo nila. Ang isang kahulugan ay maari mong sabihin ng napakaraning tawag, depende sa kung saan at ano ang unang maiintindihan ng mga kausap mo.
Ilan pang taon ay nauso ang salitang "bekimon". Sa parehong kumpanya at programa kung saan ay kasalukuyang pumapasok ako bilang kawani nanggaling ang taong nag pauso ng tawag sa salitang iyan. Para sa akin di nalalayo ang salitang yang sa dati ng salitang natutunan ko nung kolehiyo. Ang pagkakaiba lang, ngayon ay may "label" na ang salitang ito. Bagamat ang salitang ito ay di lamang ginagamit ng mga taong kabilang sa ikatlong lahi ay tinanggap na ng lipunan ang uri ng salitang ito. Katunayan, ay binuksan ang usapaing ito sa isang "forum" ng mga linguwista sa unibersidad ng pilipinas ng nakaraang taon. Sa panahon ngayon maaari kong sabihin na 1 sa limang tao lang ang di alam o di gumagamit ng salitang bekimon.
Jejemon??? Wala akong alam dito. Di ko sinubukang maging ganito. Promise! Cross my heart, hope to die...
Pagtapos ko ng kolehiyo, ang taas ng pangarap ko.. Call center ang gusto kong pasukan. Dahil sa di bihasa at mas kumportable sa salitang kinagisnan aminado akong masakit sa tenga kapag pinagsalita ako ng banyagang wika. Ilang bese ko rin tinangka ngunit ako na rin ang sumuko.
Salamat sa isang banyagang palabas at di sinasadyang naimpluwensyahan nito ang pagsasalita ko ng wika na tulad nila. Isang kumpanya ang nag-alok sa akin ng trabaho na minsan kong pinangarap.
Dun ko naranasan ang tipak-tipak na pang iinsulto ng mga mamamayan ng bayan ni juan. Madalas sinasabi ng banyaga na dahil di natin kayang magsalita ng tulad nila ay di natin sila naiintindihan. Pero kapag nabanggit mo ang mahiwagang katagang "compensation" eh mas malinaw pa sa tenga ng aso ang pandinig nila. Sa mag pagkakataon na yan ito ang pumapasok sa isip ko:
A) ways ways
B) sadyang tanga
C) paligsahan na kailanggan ng tagapagsalin
D) lahat ng nabanggit
Ilan na nga ba ang kumpanya na nilapatan ko na may parehong linya ng trabaho pero pare pareho lang din ang ga taong nakakausap mo. Nung una nakakainsulto pero nung nag tagal, eh kaswal na lang. Para ka lang nagkakape habang kumakain ng mainit na pandesal.
Pero ano nga ba ang layunin ng blog na ito?
Napakagaling ng mga pilipino! Di lang 3 ang salitang kaya nilang maintindihan o sabihin. Pero ito din ba ang dahilan para maging watak watak ang bansa dahil di rin tayo magkaintindihan?
Kung purong tagalog ka, paano mo sasabihin na kelangan mo gumamit ng palikuran sa mga taga-cebu? Kung hiligaynon ka, paano mo sasabihin sa mga tausug na nagugutom ka? Paano mo sasabihin na maganda ang tanawin sa kampampangan kung bekimon ka?
Mahirap ba?
Sa tingin ko, di masama ang marami kang salitang alam dahil ito ay lamang mo sa iba. Pero dapat ay maging tulay ka rin para tulungan ang mga taong di alam ang mga salitang alam mo..
Gaano nga ba kalawak ang alam mo sa wika?
Sagutan ang pagsasanay:
Ano ang kahulugan ng mga sumusunod:
A) punlay
B) kasilyas
C) pagoda cold wave lotion
D) ehyow pfohw
E) unsa
F) dili
G) diri
Ooooooooops! Time is up!
Pass your paper in the back of your front.
- it's just what i think... Just my opinion... -
- it's my opinion... So? -
No comments:
Post a Comment
hansaveh mo?