6:10 pm (sok)
Last week ay na gimbal ang Pilipinas dahil sa 6.9 magnitude na lindol sa Visayas. Ang epicenter ng Lindol ay sa Dumagete, at ilan nanaman ang nagbuwis ng buhay.
Isang tectonic earthquake ito, sanhi ng paggalaw ng lupa sa ilalim ng tubig, Ayon sa mga eksperto, isang fault ang nakita nila dito na may habang higit sa 80 kilometro na dadaan sa probinsya ng Negros at Cebu, kaya nga ramdam din ito sa karatig probinsya.
Isang linggo ang lumipas panibagong delubyo naman ang kinaharap nila, baha sanhi ng walang tigil na ulan. Kawawa naman sila. Di ko sinabi na tayo na lang ang dapat na makaranas nito pero sana naman di tayo ang makaranas ng sunod sunod na bayo ng kalamidad na sanhi ng galit na kalikasan.
- It's my opinion... so? -
No comments:
Post a Comment
hansaveh mo?