Thursday, February 2, 2012

Eggnog and Coffee!

Thursday, January 5, 2012

Eggnog and coffee!

8:05 pm (sok)

Pasensya!

Gaano mo kadalas marining ang salitang iyan? May ganito ka ba? Gaano kahaba ang pisi ng pasensya mo?

Okay lang ba sa iyo ang maghintay ng matagal? Gaano mo natatagalan ang panglalait at pang aalipusta sayo? Kaya mo bang sikmurahin ang pangaalila sayo? Naging tanga ka na ba? Ilang beses ka na ba ginulangan sa trabaho? Dinaya ka na ba sa laro?

Nasubukan mo na bang umangal? Sa ganitong sitwasyon dalawa lang ang maaring maging reaksyon mo:

A) una ang lamunin ka ng galit, unti unting sisingaw ang lahat ng iniipon mong inis at galit na maaring matagal mo ng kinikimkim sa loob mo, lalabas ang usok sa tenga mo, mamumula ang buong muka mo at sasabog ka na pang isang bulkan, syempre sa mga cartoons lang nang yayari yun. Gayun pa man, totoo na makakaramdam ka na magiinit ang buong muka mo, dahil na rin siguro sa rage na nararamdaman mo. Manginging ang mga kalamnan mo di dahil sa pagod kundi dahil sa adrenaline na nakikipag unahan sa dugo mo na dumaloy sa buong katawan mo.

B) ang ikalawa ang tumahimik na lang para maiwasan ang gulo dahil ayaw mo at umiiwas ka sa gulo. Di naman nangangahulugan na duwag ka kapag di ka umangal. Maaaring ayaw mo ng kaaway,  talagang mabait ka o yung worst e wala kang pakialam... Isa kang bato! Isang humihingang adobe.

Sabi nila ang taong tahimik nasa loob ang kulo. Madalas sinasabi ng karamihan na wag silang galitin dahil pag napuno sila at nasagad, masama sila magalit.

Gaano ba katotoo yun? Ilan na nga ba ang kilala mong tao na ganito?

Kaakibat ng mahabang pasenysa ang malawak na pang-unawa, ang magaling na pag aanalisa ng mga posibilidad at pang-yayari. Maaaring kulang pa ang mga sangkap na iyon para masabi mo na isa kang pasensyosong tao (ayoko bumase sa mga istatistika dahil sa simpleng obserbasyon lang eh maaaring masagot mo ang bagay na ito).

- tolerance sa lahat ng bagay?


Dito pumapasok yung tanong na gaano kahaba ang pisi ng pasensya mo sa mga sitwasyon na bigla na lang kumaway, yumakap, sumilip, kumalabit, sumigaw, nagpakilala sayo na talaga naman masasabi mong "ang bad trip mo lang men!". Ayoko mag hintay... Palibhasa laging mas maaga pa sa tinakdang oras kaya kadalasan ako ang naghihintay. Madalas tinatanong ako kung bakit lagi akong maaga, kapag sinagot ko sila ng "alam ko ang pakiramdam ng ngahihintay, ayoko ng hinihintay ako dahil ayoko ng nag-papaimportante" tapos na agad ang argumento, di na ako sinasagot ng mga taong nag tatanong sa akin ng ganyan. Akala mo ba plastic na sagot yan? Hindi po, totoo yan.

Elementary ako ng maranasan kong mahuli sa isang usapan, dahil nakagalitan ako ng guro ko at nasabihan na paimportante ako ay natanim sa 32kb kong kokote ko ang sinabi nyang iyon. Simula noon naging responsable na ako sa oras. Di ko hinahayaang may mag hintay sa akin. Ang downside nya lang eh madalas tinutubuan na ako ng ugat sa kahihintay sa mga kausap. Pero ano ba ang nagiging sagot ko pag humingi sila nga pasensya????

Eh di.... Okay lang yun...

- bugnutin?

Oo, madali ako mapikon sa mga bagay na pag inaayos ko eh di man lang nakikisama sayo. Ilang beses mo na bang ginawang habulin ang report mo sa itinakdang oras pero malapit na ang deadline eh wala pa sa kalahati ang nagawa mo? Ilang beses mo na bang sinubukang kumpunihin ang mga gamit mo sa sabahy pero sa tuwing kakalikutin mo eh mas lalong bumibigay ang mga parte nya? Ilang beses mo na bang sinubukang maging dalubhasa sa pagluluto ng simpleng putahe pero di kaaya aya ang kinalabasan? Pero pang lumipas ang panahon ano ang sasabihin mo sa karanasang iyon?

Eh di... Okay lang yun...

- asaran?

Oo, aminado ako na sa naranasan kong mapikon. Malakas ako mang asar pero pikon din ako... Its a big no no ang maging pikon kapag malakas kang mang-asar di ba?


College ako ng makilala ko ang isang grupo sa classroom na iba ang karakas kung mang asar, mang-alipusta, mang lait, kahit anong kalokohan name it. Doon ako natuto makipag sabayan ng pang-aasar pero di pa rin nawala sa akin ang maging pikon. 2nd year college ako nang makilala ang kakaibang grupo sa campus. Iba kung mang-asar, pero kayang makipagsabayan at di umuuwing luhaan... Gusto ko yun... Yun ang nasabi ko sa sarili ko... Di inaasahan na naging kaibigan ko sila dahil sa rotc. Inobserbahan ko sila. Tinignan ang gawi. Pinagaralan ang style nila. Pagtapos ng 3 buwan... Tyaran!!!!!! Di na ako mabilis mapikon... Kaya ko nang makipagsabayan sa malalakas mang-asar hanggang sa dumating ang oras na ibang tao na ang naaasar sa akin dahil sa di ako napipikon...

Ano ang wala sila?

Eh di... Pasensya!

- naranasan mo na bang maging espiritu?

Oo, yung kahit anong gawin mo eh parang di ka nag-e-exist sa ibang tao. Di mo alam kung bakit o anong nangyari at bigla na lang may ganung kaganapan. Minsan dahil lang sa maliit na bagay ay bigla ka na lang namatay at naging espiritu. Eh ang mas nauna pang isipin, asikasuhin, kausapin at intindihin ang iba kesa sayo... Naranasan mo na ba yun? Ano ang kailangan mo para mabuhay ka ulit?

Eh di... Pasensya!

- ilan at ano ano na ba ang mga dahilan ang sinabi sayo?

Siyet! Ito ang isa sa mga pinakakapanginig ng katawang lupa. Marami siguro ang makakarelate di ba? Bakit nga ba kelangan pa mag dahilan? Bat di na lang sabihin ang totoo? Isa pa, kung alam mong di pwede at imposible wag na mag-paasa.. Nakakaasar kasi yung naka-get up ka na at handang handa na eh bigla mong malalaman na di pala kayo tuloy... At worst eh di ka pala kasama.. Kapikon right?

Para sa akin di mo kinakailangang maging isang henyo, dalubhasa, propesor, reasercher, philosopher, siyentipiko para maintindihan ang mga bagay na ito. Bakit? Bukasan mo ang mata mo? Obserbahan mo ang mga tao sa paligid mo... Pag-aralan mo sila ng malalaman mo  kung ano ang maaring dahilan ng pagka-upos ng pasensya nila..

Isa pa, nasa hustong gulang ka na? Kung nasa katinuan ka... Alam mo kung ano ang bagay na tama at mali... Bakit mo ipagpipilitan ang isang bagay na maaaring ikaubos ng pasensya nya? Bakit ka gagawa nng bagay na maaaring maging sanhi ng di magandang pagsasama?

Baka pwede mo dalasan ang pagkakape mo para hindi pa man eh makaramdam ka na ng nerbyos, iniisip mo pa lang ang maaaring mangyari kapag naubos na ang eggnog ng tao sa paligid mo..

1 mocha frappuccino blended coffee with additional cream for sir rix and a box of nissin eggnog.


- it's just what i think... Just my opinion... -


- it's my opinion... So? -

No comments:

Post a Comment

hansaveh mo?