Wednesday, February 1, 2012

Ano ang naghihintay sa 2012?

SUNDAY, JANUARY 1, 2012


Ano ang naghihintay sa 2012?
10:18pm (sok)

Unang araw ng 2012! Nag-enjoy ba ang lahat sa pagdiriwang ng pagsalubong sa Bagong Taon?

Masaya, oo naman. Ito kaya ang isa sa mga selebrasyon na inaabangan ng lahat.. Kahit na di mamatay matay ang issue na ngayon tao magugunaw ang mundo. Hindi ako naniniwala na ngayong taon magugunaw ang mundo. Yung detergent soap namin nakalagay 2013 pa expiration.. Ano ito? Lokohan?

Seryoso, di ko iniisip ang bagay na yan. Malakas ang paniniwala at pananalig ko sa Diyos, kaya alam ko na kailan man di gagawa ang nasa taas ng isang bagay para lipunin ang lahat ng pinaghirapan nya gawin.

Iyan ang mga bagay na tumakbo sa isip ko pag mulat ng mata ko. Matapos ng mga sandaling iyon, Tinignan ko ang cellphone ko para tignan kung may nakaalalang bumati. Meron naman pero di ang mga taong inaasahan kong babati sa akin ng Manigong Bagong Taon. Ok lang naman kung di nila ako batiin, sanay na ako kung baga.

Pagbaba ko ng hagdan nag tanong ako sa kapatid ko kung ang programa ba na madalas namin panoorin tuwing ganoong oras ng Linggo ay pinapalabas na. "may advisory sila, marathon ng ibang palabas"ang nasagot sa akin ng kapatid ko. Nakakadismaya kaya binuksan ko ang laptop ko para icheck ang kaganapan sa Facebook at Twitter account ko. Wala naman bago, puro batian ng pagpalit ng taon.

Naaaliw na ako sa ginagawa ko ng biglang matawag ang atensyon namin ng kapatid ko ng magsabi si mama na masama ang pakiramdam nya.

Maghapon na inaalala si Mama, Di pinayagan mag trabaho, pinag pahinga dahil dumaing din na masama ang pakiramdam. Nagpapahinga sya ng mabasa ko ang isang shout out sa Facebook na tinamaan ng 7.0 magnitude na lindol ang bansang Japan. Unang araw ng Taon pero bakit nga ba ganito ang mga nangyayari? Totoo nga ba sa sinasabi nila? Itong taon ng nga ba ang wakas ng mundo? Dapat ba akong matakot?

Nang minsan akong makipag usap ako sa mga katrabaho ko, nasabi ng isa kong ka-trabaho na ayaw nya makabasa ng mga mensahe sa mga magasine na pang relihiyon ang tungkol sa pagwawakas ng mundo. Ito din ang dahilan kung bakit di nya rin tinangkang tapusin ang libro ng revelations sa bibliya.

May ipinabasa ang katrahabo namin na Saksi ni Jehova na isang teksto sa bibliya, nasabi doon an kailan man di mawawala ang lupa, dahil patuloy itong tatapakan ng mga tao hanggang sa araw na bumalik ang Lumikha.

Magandang balita. Isang pag-asa... Para sa akin at para sa lahat, kung ikaw ay naniniwala sa Diyos..

Ito ang nagbigay sa akin ng pag-asa. Ito ang nagbigay sa akin ng pag-asa na magiging maayos ang lahat. Ito ang nagbigay sa akin ng pag-asa na magiging patas din ang mga tao, na mabibigyan din ako ng importansya at di mae-echepwera.

Ang pag-asa...

Tama. Pag-asa...

Iyon ang pinagdadasal ko..

Iyon nga..

Sana nga..

Sana.



- It's my opinion... so? -

No comments:

Post a Comment

hansaveh mo?