Tuesday, January 17, 2012
Istrit puds!
9:01 pm (sok)
Hang zarap zarap!!!!!
Fishball, tokneneng, kwek kwek, banana que, turon, maruya, pilipit, nilupak, mangga, singkamas at santol na may bagoong, taho, dirty ice cream, karioka, lugaw, ginatan, arozcaldo, ginatan, sphagetti, pancit, chicharong bulaklak, mani, balut at penoy, kropek, fish crakers, isaw, bbq.... Ilan lamang sa mga pagkaing nakikita mo sa lansangan na ibinebenta.
Likas sa mga pinoy na mahilig sa pagkain. Bakit kamo? Isang article ang nabasa ko noon tungkol sa kung gaano ka kahilig sa pagkain (inilathala din ni sir bob ong sa kanyang librong bakit baliktad magbasa ang pilipino). Kapag magbibyahe ka di pwedeng di ka makakita ng kanto na may nag titinda ng pagkaing makakatulong para patayin ang inip mo habang nasa byahe.
Lumaki ako sa isang lipunan na di salat at di rin nakakaingat ang estado ng buhay. Nakakatuwa dahil nasabi kong isa akong normal na tao dahil natikman ko ang pagkaing itinuturing ng mga taong nasa alta syodad na marumi. Minsan nakakaramdam ako ng habag sa kanila dahil di nila kailanman naranasan na makakain ng pagkaing patok sa masa at nagpapakilala sa kanila bilang isang pinoy.
Naaalala ko nung nasa elementarya pa lang ako, bago pumatak ang ala cinco ng hapon dapat ay may dalawang piso na ako, dahil sa ganung oras dumadaan sa amin ang kuya na nagtutulak ng kariton para ilako ng fishball na tinda nya. Ang pagkain noon ay isa sa pinakamasayang karanasan ko sa kabataan ko. Kahit na may balita noon na ang pagkain nito ay malapit sa pagkakaroon ng hepa ang nanay ko na rin ang gumawa ng paraan para makatikim pa rin kami ng fishball.
Banana que, turon, maruya, pilipit, ginatan, lugaw, ginataan at pansit mga pagkain na normal na nakakain namin sa dating compound sa makati kung saan ako magkaisip. Palibhasa ay puro illonggo at laking probinsya ang mga nakakatanda sa amin kaya binusog ng mga masasarap na rekado at halo ng mga pagkain na ito ang mga alaala ng kabataan ko kaya sa tuwing makikita ko ang mga pagkain na ito ay ipinaaalala nito ang isang simple at payak na pamumuhay.
Taaaahhhhoooooo! Sino ba ang di alam ang sigaw na iyan? Ang sigaw na nag papatigil sa paglalaro namin noon. Ito ang hudyat ng time out muna lalo na sa mga di pa nag-aalmusal dahil ito ang magtatawid sa gutom nila hanggang sa tanghalian. Masaya kami noon habang inaabangan na iabot sa amin ng nag titinda ang baso ng taho na may lumalangoy na sago sa puting karne ng soya na may arnibal.
Naalala ko na noong bata ako ay kaya kong kumain ng balot pero ng maglaon ay penoy na lang o ang sabaw na lang ng mga ito ang kaya ko. Di ko alam kung anong nangyari siguro ay sa kadahilanang di na ako nakakakain ng mga ito kaya ito na rin ang dahilan kung bakit parang nawala na rin sa akin ang kumain ng itlog ng bibe.
Nilupak, chicaronng bulaklak, mangga, santol singkamas na may bagoong ayan ang mga pagkaing patok sa labas ng mga pampublikong paaralan at syempre ano nga ba ang panulak ng mga yan? Eh di 3 pisong iskrambol na may gatas at syrup na tsokolate. Di ko itatanggi na kumain ako ng mga ito dahil para sa mga batang tulad ko sa kumunidad na iyon ay normal na pagkain ito... Sorop koyo! Di ba? Di ka "in" sa classroom nyo kung di mo natikman yang mga pagkaing yan.
Sa panahon ngayon, ang mga pagkaing ito ay nilalapit na nga mga taong maalam sa pagnenegosyo sa lahat sa pamamagitan ng pagpapakilala sa kanila sa loob ng mga mall. Oo, magandang strategy dahil lumalawak ng bilang ng taong nakakakilala sa mga pagkaing kalsada. Idagdag mo pa ang iba't ibang gimik tulad ng iba pang flavor, packaging at dating nito sa publiko pero merong kulang......
Sa tingin ko ang mikrobyo... Kulang ang lasa ang mga ito dahil walang mikrobyo galing sa mga taong tumatangkilik sa mga pagkaing kalsada.
Ano ang pinagkaiba ng mga sawsawan ng pagkaing binebenta sa mga mall at sa kalsada? Hindi ba, di maitatanggi na mas masarap pa rin ang sawsawan ng pagkain sa kalsada? Mas malasa, mas malinamnam, mas puno ng thrill, mas magerms...
Hindi naman ang ideya na may germs ang pagkaing nasa kalsada ang talagang punto ko dito. Ang gusto ko lang ding sabihin ay iba pa rin ang pagkaing talagang kinasanayan ng gawin ng mga tao sa kalsada kesa sa mall na ang tanging ginawa ay gumawa ng produkto na ma-pi-please ang mga taong nasa alta syodad, na para sa kanila ay masarap na iyon. Pero, subalit, ngunit datapwat di nila alam ang tunay na sarap at lasa ng pagkaing kinakain nila dahil di nila alam ang lasa ng tunay na pagkaing kalsada.
- it's just what i think... Just my opinion... -
No comments:
Post a Comment
hansaveh mo?