10:46pm (sok)
Di man ako bihasa sa paggawa ng maikling kwento ay sinubukan ko pa rin gumawa para lang pagbigyan ang sarili. Gusto ko lang gumawa ng isang maikling kwento na napapanahon ngayong buwan ng mga puso. Di man ito kasing ganda tulad ng nababasa ninyo sa pahina ng mga batikang manunulat eh lubos pa rin ang pasasalamat ko dahil po sa pagaaksaya ninyo ng kaunting panahon...
Bago ko umpisahan ay pasasalamatan ko muna ang bagong tambay sa pahina ko. Maraming salamat sa mga sumusunod...
Sean
at
Silver G.
** Kasalukuyan **
Hindi ko makalimutan ang araw na narinig ko sa magandang balita na sinabi sa akin ni Meg, sa wakas pagkatapos ng halos 2 taon na pagsuyo at pangungilit sa kanya ay pumayag na din sya na maging opisyal ko syang nobya. Masayahing tao si Meg. Kahit sa gitna ng mabigat na pagsubok ay di sya nasisiraan ng loob. Matamis pa rin ang mga ngiti nya sa labi. Isang bagay na hinangaan ko sa kanya. Natatandaan ko pa, noong unang ko syang nakilala...
** Nakaraan **
Malakas ang ulan noon at nagmamadali akong pumunta sa caffeteria para magpaphoto-copy ng mga lessons namin ng makita ko ang isang babae na nagmamadali ding magtungo sa cafferia. Di nya alam kung paano nya tatabingan ang mga libro at notebook na dala nya dahil sa jacket lang ang meron sya. Kahit hirap na hirap sya ay nakuha niya pa ring ngumiti at kinausap ang sarili. "Naku nabasa na sila, patutuyuin ko na lang". Nag-alok ako ng tulung dahil sa mukhang iisa lang ang lugar na pupuntahan namin.
Pagdating sa caffeteria ay hinubad muna nya ang jacket nya at nagtungo sa pinakamalapit na bakanteng lamesa saka sinimulang patuyuin ang mga bitbit na libro at kwaderno sa pamamagitan ng pagdampi ng panyo sa mga ito.
"Salamat ha!"
Wika nya habang pinupunasan ang isang makapal na libro ng biology.
"Walang ano man. Para ba sa research yan?"
Ang naging tugon ko. Tumingin sya sa akin at ngumiti.
"Hindi, sideline ko ito".
Ang mayumi nyang sagot. Mapula ang mga labi nya, ang mata nya ay masaya kahit na parang nahihirapan sya. ang buhok nya ay itim na itim na lagpas sa mga balikat nya. Medyo maputi ang balat nya at balingkinitan ang pangangatawan.
"Sideline? Anong sideline?"
Ang nasagot ko sa kanya habang tinutulungan ko na rin syang magpunas ng mga libro.
"Tinutulungan ko gumawa ng research paper yung mga kaklase ko, tapos babayaran nila ako sa research na gawa ko"
Sabay bigay ulit ng ngiti sa akin.
"Ah ok, nakuha ko na...."
Sagot ko at muling bumalik sa pagpunas ng natitira pang mga libro na ubod ng kapal.
"Bakit naman ito ang naisipan mong sideline?"
Muli kong tanong sa kanya habang iniabot sa kanya ang libro sa Psychology.
"Ito lang kasi ang alam kong pwede makatulong sa pagaaral ko. Pinagaaral ako ng kumukopkop sa akin ngayon. Sa totoo lang hirap sila sa buhay pero dahil gusto ko silang tulungan eh ginagawa ko ang lahat ng magagawa ko para makatapos ako ng pagaaral, Gusto kong makatikim naman sila ng kaginhawaan kapag natapos ko ang kurso ko at pagnagkatrabaho"
Matapos magsalita ay tumingin muli sya sa akin at ngumiti pero natigilan sya ng makita nya akong nakatingin lang din sa kanya.
"Hoy! anong nangyari sayo?" tanong nya.
"Ah wala naman, kung hindi mo magulang ang mga kumukopkop sayo sino sila?" ang naisagot ko...
"Ang dami mong tanong ha" tumawa sya habang sinasagot nya ang tanong ko ng mahinahon.
"P-pasensya na ha?" nahihiya kong sagot.
"Ok lang yun, kapatid ng nanay ko ang kinagisnan kong ina, sila ng asawa nya ang kumopkop sa akin simula ng iwan ako ng mga magulang ko. Sabi ni Inay (tawag nya sa tiyahin nito) namatay sa sakit sa ibang bansa ang nanay ko. Dahil sa bigat ng trabaho sa ibang bansa di nya kinaya ito at nagkasakit at ito na ang dahilan ng pag-iwan nya sa akin. Ang tatay ko naman, iniwan kami simula nung ipanganak ako. Wala namang balita sila Inay sa kanya kaya di ko alam kung buhay o patay na sya"
Di sya nakatingin sa akin nung kinukwento ang tungkol sa magulang nya, bagamat dama ko ang kalungkutan nya eh nakangiti pa rin sya. Mukhang ikinukubli ang kalungkutan sa pamamagitan ng pagngiti.
"Ah, pasensya ka na talaga nakapagkwento ka pa tuloy ng malungkot tungkol sa yo dahil sa pagtatanong ko" sambit ko,
"Ayos lang naman iyon sanay na ako, salamat din sa pagtulong mo ha" magiliw muli niyang sagot.
Halos mag-iisang oras na naming pinupunasan ang mga libro at notebook na bitbit ng nya subalit di pa namin kilala ang isa't isa ng
"Ay sandali, ako ng pala si Rey, Rey Alberto" sabay abot ng kamay ko. Ngumiti muna sya bago inabot ang kamay nya
"Ako si Megan, Megan Sebastian. Meg na lang para di mahaba". Di malambot ang kamay ni Meg kaya alam kong masipag at batak ito sa trabaho.
"Baka nakakaistorbo pala ako sayo, kaya ko na ito." sabi nya.
Doon ko lang naalala na kailangan kong ipa-photocopy ang dala ko mga notes para pag-aralan.
"Ay, oo nga pala, maari mo ba akong hintayin, magpapaphotocopy lang ako?" tumango naman sya tanda ang pagsangayon.
Simula nong araw na iyon ay naging malapit kaming magkaibigan ni Meg. Psychology ang kurso na kinukuha nya habang engineering naman ako. Dahil sa maingay at maraming tao sa caffeteria namin ay madalas sa isang parke na malapit sa unibersidad kung saan kami pumapasok tumatambay. Isang mesa sa ilalim ng matayong na puno ng mangga ang naging tambayan namin. Di malayo ang lugar na ito sa akin dahil isang trycicle lang at nandito na ako, ganun din si Meg na tatlong kanto lang ang layo sa kanila.
Maaliwalas ang paligid dahil sa malapit ang lugar na ito sa isang man-made lake kaya nakaka-relax ang ambiance nito. Madalas ay may mga masasayang bata sa paligid nito dahil na din sa pampublikong playground na malapit sa tamabayan namin. Dito sa lugar na ito ay tinutulungan kong gumawa ng research paper si Meg para sa mga ka-klase nya.
May 2 lihim ang mesa na ito. Unang lihim ay ang sekretong singaw sa isa sa mga paa ng mesa kung saan sadya naming ginawa para naman pwede kaming mag-iwan ng mensahe sa isa't isa kung halimbawang may importante kaming bagay na dapat sabihin ngunit di namin naabutan ang bawat isa sa tambayan. Ang pangalawang lihim ay ang katotohanan na unti unti ng nahuhulog ang kalooban ko kay Meg. Oo, totoo nga na hindi na kaibigan ang nararamdaman ko sa kanya. Kung iisipin eh ideal din naman akong lalaki para kay Meg, Medyo moreno ako, 5'11 ang taas at masasabi ko na di rin ako pahuhuli sa mga gwapong lalaki sa campus namin.
Kaming dalawa lang ng tambayan ang nakakaalam ng pangalawang lihim na umabot ng dalawang taon. Nalaman ni Meg ito dahil sa inamin ko na rin sa kanya ang nararamdaman ko sa pamamagitan ng sulat na iniwan ko sa tambayan namin. Pagtapos ko ilagay ang sulat ay dali-dali akong umalis. Makalipas ang ilang oras ay napaisip ako na baka magbago ang pakikitungo namin sa isa't isa, paano kung kaibigan lang ang tingin ni Meg sa akin. Ito ang mga bagay na naisip ko kaya dali-dali din akong nagtungo sa tambayan para kunin ang sulat na iniwan ko pero huli na ang lahat, binabasa na ni Meg ang sulat ko sa kanya. Magtatangka sana akong kunin ang sulat pero sinabi niya na patapos na siya sa pagbabasa ng sulat. Walang imik, at di ako makatingin ng deretso kay Meg. Nilapitan ako ni Meg at inihanda ko ang sarili ko na baka dumampi ang mga palad nya sa pisngi ko subalit nagulat ako ng niyakap nya ako ng mahigpit.
"Pasensya na Rey, di ko rin sinabi sayo na may nararamdaman ako... Natatakot din ako na baka layuan mo ako kung sasabihin ko sayo na mahal kita". sabi ni Meg.
Nagulat ako sa sinabi ni Meg hinawakan ko sya sa magkabilang balikat at humarap sa kanya.
"Totoo ba ang sinasabi mo?" di ako makapaniwala sa narinig ko sa kanya.
Tumango sya ng nakangiti. Halos lumundag palabas ng katawan ko ang lahat ng lamang loob ko sa tuwa sa nalaman ko galing kay Meg. Niyakap ko sya nga ubod ng higpit at sa unang pagkakataon ay naramdaman ko ang mga labi ko na dumampi sa malambot niyang labi. Isang matamis na halik na puno ng pag-ibig. Simula ng araw na iyon ay opisyal na ang aming relasyon.
Dumaan ang mga panahon, nakapagtapos kami ng pag-aaral, nakapasok si Meg bilang isang coordianator ng DSWD at ako naman ay sa isang sikat na kompanya. Pero kahit anong mangyari ay di namin nakakalimutang puntahan ang tambayan naming dalawa para balikan ang masaya namin alala kung paano nabuon ang aming relasyon. Nakakatuwa dahil sa napagkakatuwaan pa rin namin na maglagay ng mga mensahe sa siwang na kaming dalawa lang ang may alam.
Nabigyan ako ng isang malaking oportunidad .....
- Itutuloy.... -