9:09pm (sok)
"Isa pa sa ibig sabihin ng abo ay ang pagpapakumbaba. Ang pag-amin sa maling nagawa mo at muli ay ibinalik ang sarili mo sa bagay na pinaniniwalaan mo" ito ang sinabi ng pari sa sermon nya kanina..
Akala ko ay makakaabot ako sa novena pero dahil Miyerkules ng abo ay walang novena at dahil dito ay dalawang misa ang idadaos ngayong araw. Nasa gitna na ako ng unang misa kaya napagpasyahan ko na lang na mag-novena at umatend ng panggalawang misa para naman mabuo ko ito.
Marami ang tao sa simbahan gayun pa manay pinilit kong pumuwesto sa malapit sa speaker na halos ilang metro sa altar ng simbahan ng sa ganun ay maintindihan ko ang sermon.
Nung nagsimula ng magsermon ang pari tungkol sa kahulugan ng alabok ay unti-unting bumalik sa akin ang isang gunita, gunita na dahilan ng paghina ng apoy ng pananampalataya ko sa Lumikha....
Enero ng 2008, halos isang buwan at kalahati ng ipagdiwang ni Paping ang kanyang ika-limangpu't anim na kaarawan at sa unang pagkakataon ay makilala namin ang kapatid namin na babae na noon ay isa ng Madre nang subukin kami ng tadhana. Na-stroke si Paping. Bagamat hirap dahil sa ako na lang ang may trabaho sa mga panahong iyon ay nakayanan pa rin namin dahil sa di nawala ang pananampalataya namin sa Taas.
Isang taon matapos ang pagsubok na iyon, hindi pa man nakakabangon ang aming pamilya ay binayo ulit kami ng isa pang pagsubok. Nalaman namin na may cancer si Mama. Noong araw na yun ay wala ako sa sarili ko kahit na alam kong importante ang mga bagay na pinaguusapan namin sa training ko sa bago kong trabaho. Iniisip ko na magtampo sa nasa taas dahil sa nangyayari sa amin pero inisip ko na tatatag ang pananampalataya namin sa kanya dahil sa mga dagok na ito.
Naging matagumpay ang operasyon ni Mama naging ayos ang pakiramdam nya. Si Paping naman ay unti-unting bumubuti ang kalagayan. Sabay silang nagpalakas ng kani-kanilang katawan at kalusugan. Akala namin ay maayos na ang lahat. Akala ko ay tapos na ang mga pagsubok sa amin.
2nd quarter ng 2011 nang muling magpacheck-up si Mama, nalaman namin na bumalik ang mga cancer cells sa katawan nya. Inirekumeda ng mga doctor ang chemotherapy sa kanya at agad naming sinunod ang mga payo nila. Alam kong nahihirapan si Mama pero di kami sumuko, hindi namin sya isinuko. Hanggang sa dumating ang araw na si Mama mismo ang kusang sumuko..
Simula sa araw ng nawala si Mama, sa burol, sa paghatid sa condo nya, sa pasiyam nya, at sa ika-apat na pong araw ay di ko ginawang kausapin ang inaasahan kong makikinig sa mga dasal ko. Di ko na mabilang kung ilang linggo na akong lumiban sa pista ng pangilin. Di ko magawang kausapin man lang Sya bago ako matulog o magpasalamat sa Kanya sa umaga dahil nagawa ko pang imulat ulit ang aking mga mata. Oo, sobrang bigat ng pakiramdam ko. Sobra ang pagtatampo ko. Alam ko na mali ito. Alam ko na di ko dapat ginagawa ito. Alam ko na di ko dapat Sya pinangungunahan at lalo ang magalit sa Kanya, pero sa mga panahon na ito kadiliman ang bumabalot sa puso ko.
Isang ngiti, ngiti na may natatagong lihim ang naging maskara ko upang ikubli ang kadiliman na ito....
Paano nga ba bumalik ang tiwala ko sa Kanya? Paano nga ba muling nag-alab ang pananampalataya ko sa Kanya?
Isang linggo akong naiwan sa bahay namin dahil sa pumunta ng probinsya si Paping at Bunso para pamahalaan ang pista doon na taon taon ay nakaatang sa balikat ng angkan ni Paping. Di ako makatulog kaya naman nagpasya akong maupo lang sa sala at manood ng palabas sa telebisyon. sa isang maliit na mesa katabi ng telebisyon nakalagay ang litrato ni Mama. Doon ko isip na di tama ang ginawa ko sa Lumikha. Madalas kong sabihin sa ibang tao na may dahilan kung bakit ng yayari ang isang bagay at di natin malalaman kung ano ang dahilan na yun dahil sa ang nasa taas lamang ang higit na nakakalam kung ano ang mga plano nya. Labis ang hiya ko sa sarili ko. Di ko akalain na kahit na alagad na ng Diyos ang kapatid ko ay nakuha ko pang mag-alinlangan sa Tagapaglikha.
Unti-unti ay bumalik ako sa lingguhang pista ng pangilin. Nagagawa ko na uli na kausapin Sya bago ako matulog kasabay ng pagkausap kay Mama. Alam ko na bumalik muli ang alab ng akiing pananampalataya sa kanya hanggang sa makita ko ang sarili ko na pinakikinggan ang sermon ng paring kaharap ko. Ang sermon na parang sinasabi sa akin kung ano ang pinagdaanan ko, kung paano ako naligaw at muling nakabalik sa Kanya.
Inamin ko na nagkamali ako sa ginawa ko ngunit nagpakumbaba din ako at muli Siyang tinanggap bilang Diyos ko, tagapagligtas ko, at aking manunubos.
Sinabi nila na sa tuwing Miyerkules ng abo ay ipinaaalala nito sa mga tao na tayo ay nagmula sa abo ay sa abo din tayo babalik. Salamat din sa paring nagmisa kanina dahil sa binigyan nya ng iba pang kahulugan ang abo... ang pagpapakumbaba.
- God Bless -
Naluha naman ako sa mga dagok na iyong napagdaan simula noong 2008...
ReplyDeleteI've been there and losing someone we love is a lifetime grief... We'll forever miss them.
It's good to hear that your faith is back.
Happy Ash Wednesday...
nakakalungkot isipin na mararamdaman mo na lang ang yakap nila sa alaala ganun pa man kailangan magpatuloy, may mga plano ang lumikha na tanging sya lang ang nakakaalam. Sa takdang panahon ay maaari natin malaman o maintindihan kung bakit nya kinuha ang taong mahal natin... salamat christian :)
Deleteako din halos maiyak ako sa nangyari sa mom mo
ReplyDeletedi ko kakayanin yan kung ako
naiintindihan ko ang nangyari sa pananampalataya mo
kahit ako sa lagay mo ay ganyan di ang mararamdaman ko
pero ayun nga maraming paraan ang diyos
maraming plano
maraming bagay na di natin maintidihan
pero isa lang ang alam ko higit kanino man ang diyos lamang and nagmamahal sa atin ng walang maliw
at kahit ano pa man ang mangyari ni hindi matitinag ang pagmamahal na yun
masaya ako at nagawa mong makabalik sa kanya
at alam ko na napakasaya ng yong ina na pinagmamasdan ka mula sa langit dahil sa desisyon mong ginawa
Noong una naisip ko din na di ko kaya pero dahil sa muli akong nagtiwala sa Kanya eh unti-unti na akong nakakabangon. Medyo naiintindihan ko na ang dahilan kung bakit kinuha nya si Mama sa amin.
DeleteTouching ang story :(
ReplyDeleteMinsan na din akong nagtampo sakanya, kaya ramdam ko kung anong naramdaman mo nung mga panahong yan. Pero naisip ko rin na mali ang ginagawa ko. Buti hindi mo tuluyang kimalimutan si Lord.
Tama ka. Everything happens for a reason! :D
Kahit na nagtampo ako sa kanya ay di ko Sya maaaring kalimutan. Isang relihiyosong pamilya ang meron ako. idagdag mo pa ang Madre kong kapatid na kahit malayo sa amin ay paminsan minsang kinakausap kami tungkol sa ispiritual na bagay.
DeleteYou almost made me cry. the stroke part remainds me of what happend to my Mom years ago. I just Thank God na naka recover siya.
ReplyDeleteSalamat sa muling pagbisita Jayson. Masaya ako para sa iyo at sa Mama mo. maraming salamat dahil sa nakarecover na ang Mom mo. alagaan nyo sya palagi :)
DeleteDamang dama ko naman ang bawat salita.... pagsubok nga naman.... ang mahalaga nalalampasan mo na ang lahat...
ReplyDeleteWala na akong masabi pero ramdam ko ang emosyon....
Maraming salamat Jon. Alam ko na naiintindihan mo yan dahil sa isang pagsubok din ang pinagdadaanan mo. Kapit ka lang sa kanya at wag mawalan ng pag asa. ang pananampalataya mo sa taas ay isa sa pinakamalakas na sandata mo sa panahong ito... ipagdadasal kita kaibigan...
Deleteinaamin ko naforget ko at di sumabit sa isip ko na ash wednesday pala.. pero yung kwento mo nagpa antig sa akin.. parang ako lang din nung halos mbulag na si mama..
ReplyDelete:) kung dumating man sa bahagi ng iyong buhay ang makalimutan mo ang nasa taas sana ay katulad ko, makabalik ka din sa kanya. Maaring magtampo din sya sa ginawa natin pero lubos Syang magiging masaya kapag muli tayong bumalik sa kanya.
DeleteSabi ng mga alagad ng simbahan ang pagpapatawad ng nasa langit ay walang hanggan dahil katulad nun ay walang hanggan din ang pagmamahal nya sa atin.
very touching to read your story and I am happy na bumalik na ulit pananampalataya mo sa Dyos. Bless your heart dear.
ReplyDeleteSalamat Mommy Joy. Minsan ay naisip ko na rin talaga na ginawa rin ng Diyos ang pagsubok na ito para subukin kung gaano katatag ang pananampalataya ko sa kanya at kung ano ang mga hakbang nagagawin ko matapos ang pagsubok na binigay nya.
DeleteGod bless :)
ReplyDeletemaraming salamat po Sir Kiko. Maraming salamat din dahil sa nabibigyan mo po ng kaunting panahon ang pahina ko :)
DeleteRix.... (T_T) Hindi sapat ang mga salita ko, kung ako ang nasa posisyon mo? Hindi ko alam ang gagawin ko. Very touching. Tao lamang at naduduwag, nanghihina, bumabagsak, nakakalimot... ang mahalaga sa atin ay marunong tayong bumangon at bumalik sa Kanya :))
ReplyDeleteSalamat Anthony :) sa totoo lang nung ng yari yan sa akin pakiramdam ko eh katapusan na din ng buhay ko... buti na lang eh di rin ako pinabayaan ng nasa taas..
DeleteAng Lungkot naman sir :(
ReplyDeletePero good ser kasi bumalik ka sakanya.. bukod sa mga kaibigan at pamilya sya lang din talaga ang makakapagpagaan ng loob mo.. basta kausapin mo lang sya.. ako nga nagkwento lang ng nag kwento sakanya eh.. gumaan na loob ko.
God Bless sir!
Totoo yan.. nasubukan ko na rin syang kausapin kaya naman kahit paano ay kampante na ulit ang loob ko sa kanya. God Bless din sayo Xan at maraming salamat sa pagdalaw mo :)
DeleteSa mga panahong iyon na ikinubli mo ang mga tanong sa isip mo kung bakit ang aga at bakit sya pa.. tila niyakap ka ng dilim at lalong lumalim ang hinanakit mo…
ReplyDeleteHindi ka nya pinabayaan bagkus ika’y inalalayan.. gaya ng pag-alalay sa mga panahon ng hinagpis..
RIX ako’y natutuwa at nakabuo ka ng salaysay sa buhay mo. Ako mismo nakasaksi ng mga ngiti mo ngunit may kirot sa puso at minsan ay nasa kawalan.. Nang dahil dito naging kalakal ka upang lalong maramdaman ang PANGINOON sa makabagong panahon…
:) alam mo yan! salamat SG.
DeleteIt's great that despite ng nangyari, na di ko alam kung paano ko hahandle kung sa akin nangyari, ay bumalik ang faith mo kay Papa God. Pag subok lang ang mga bagay at you showed maturity how you came to handle everything :)
ReplyDeleteGod bless Rix, hugs!
Salamat Zai malaki din ang naitulong ng pagiging rehiliyoso ng pamilya ko. Siguro dahil dito ay nagawa ko ding magbalik loob.
DeleteRix, sensya na mejo late tong response ko... mejo nilipad lang ako sa mundo ng kawalan lols
ReplyDeleteAnyways, glad you were able to handle all those challenges na binigay sa inyo ni Lord. I know naman, walang pag-subok na ibibigay si Lord sa atin kung hindi natin ito kayang lampasan. Basta strong faith lang ang kailangan like what you did.
God Bless!
Parekoy walang problema yun! Mukang akala ko nga ay di para sa akin ang challenge na binigay nya hanggang sa naging unti-unti ng seryoso ang lahat. Pero sa isang puno ay malaki din ang naging tulong nitong mga pagsubok na ito, ang isipin kung gaano kahalaga ang buhay lalo ng mga taong mahal mo at importanate sayo.
DeleteGod bless you more. He put you on test and you passed :) Lahat ng tao dumaraan sa mga trials, yung karamihan daw dun dulot ng pagsuway natin Sa Kanya, pero meron din naman trials na ibibigay para mas maging mabuti tayong tao at mas maappreciate natin kung sino si God sa buhay natin :)
ReplyDeleteMaraming salamat Meow sa pagbisita sa munti kong pahina. Totoo yun, sumasangayon ako sa sinabi mo :)
Deleteay rix nakaka inspire ka naman. siguro sa mga panahong yun, di ka talaga Nya binitawan. kahit di kana kumakapit.
ReplyDeletesiguro nga po Madam, kaya po kahit na di ko man sabihin sa kapatid ko yung ginawa ko alam kong masaya na rin Sya dahil sa bumalik din ako sa Kanya.
DeleteAyos lang naman Rix maging ganun.. marupok tayo as a person. Darating talaga na minsan nawawala faith natin kay Lord..pero in the end mas importanteng naniniwala pa rin tayo at nagawa mo naman yun..
ReplyDeleteLosing someone is really hard.. I lost my Dad 3 years ago and it was tragic for me..minsan masakit pa din esp pag naiimagine ko ang aksidente pero nag move on na ako.. pero sana na prevent namin ang araw n yun..
:) thanks Jun.. sayang di ka namin makakasama amglaro ng badminton.
DeleteAlam ko yong pakiramdam ng mawalan ka ng taong minamahal dahil nawalan na rin ako. Mabuti nalagpasan mo ito at bumalik at tiwala mo sa Kanya. Mapaglaro talaga....at sinubukan Niya tayo kung gaano tayo nagtiwala sa Kanya at kung gaano tayo katatag. :)
ReplyDeleteyep tama ka po dyan. minsan nga lang ang pagsubok nya eh sobrang stressful.
Delete