Monday, February 4, 2013

" Kabit "

2:29pm (sok)

Ito ang aking lahok para sa Bagsik ng Panitik 2013 ng Damuhan: Blog ng Pinoy, Tambayan ng Pinoy.




Alas-dose pa lang ay umalis na ako sa bahay para pumunta sa tinutuluyan ni Mariz. Sampung buwan na simula ng sagutin niya ako kaya gusto ko siyang sorpresahin. Maayos ang pananamit ko at halos ipaligo ang pabango na binili ko noong isang araw. Kahit kinakantiyawan ako ng mga nakakasalubong ko sa daan habang bitbit ko ang isang punpon na bulaklak at ang paborito nyang sorbetes eh ayos lang basta para sa mahal ko.

Ala-una ng hapon ng makarating ako sa tinutuluyan ni Mariz. Dahil kilala ako ni Mang Leon, ang nangangasiwa sa inuupahan nya ay pinahiram ako ng susi para makapasok sa loob ng kanyang tinutuluyan. Di ko maiwasang matawa sa pustura ni Mang Leon dahil kahit barako ay para siyang puta dahil sa hapit at maliliit na kasuotan nito na halos lumabas ang kanyang kuyukot. Inilapag ko ang mga bitbit sa lamesa kung saan nakalagay ang larawan ni Mariz na nakapang-medisina at kapansin pansin ang ginamit sa pagkuha ng litrato ay isang mamahaling kamera. Ibinabad ko muna ang mga bulaklak para hindi ito malanta agad. Habang nagpapahinga ay napansin ko ang tala-arawan na may animoy balahibo ng isang ibon na panulat at ginawa ding pananda sa bakanteng pahina. Dinampot ko ito at sinimulang buklatin. Noong una ay naaaliw ako sa mga isinulat ni Mariz sa tala-arawan nya hanggang sa dumating sa mga pahina na tila nag patigil sa tibok ng puso ko. Di ko nakayanan ang mga nabasa ko. Di ko na pansin na umaagos na ang luha sa mga mata ko. Pakiramdam ko ay may pumipigil sa paghinga ko at may alupihang gumagapang sa dibdib ko. Nalilito ako kung ano ang gagawin ko hanggang sa namalayan ko na lang na tumayo ako at nilisan ang tinutuluyan ni Mariz, di ko na nagawa pang magpaalam kay Mang Leon.

Litong-lito akong nagkulong sa silid ko. Nag-iisip. Pinagtutugma-tugma ang mga bagay na gumulo sa isip ko. Unti-unting nagkakaroon ng kasagutan ang mga tanong ko. Kung bakit di nya ako maipakilala sa mga magulang nya. Kung bakit di ako pwedeng pumunta sa bahay kung nasaan ang pamilya nya. Kung bakit di ako makapunta sa kanila sa mga espesyal na okasyon. Kung bakit ayaw nya ako ipakilala sa mga kapatid nya. Kung bakit bawal ko syang sunduin sa trabaho nya. Kung bakit dapat nakatakda lagi ang pagkikita namin. Kung bakit kailangang hintayin ko muna mag-text sya para magusap kami. Kung bakit bale wala sa kanya na sobrang nagaalala ako kapag di sya nagte-text sa akin. Kung bakit di ko sya pwedeng tawagan at dapat bigyan nya muna ako ng hudyat kung dapat ko siyang tawagan. Kung bakit di ko pwedeng hawakan ang mga kamay nya sa twing lumalabas kami. 

Di ko na mabilang ang mga luhang pumatak sa mga mata ko, di ko na mabilang kung ilang beses humagulgol ako sa sama ng loob, di ko na mabilang kung ilang beses na akong nabuwal sa twing susubukan kong tumayo... hanggang sa napagod na ako at nakatulog.

***

Ilang araw akong ganito, parang isang kriminal, nagtatago. Bakit ko nga ba sya pinagtataguan? Di naman ako ang may kasalanan pero bakit ko ginagawa ito? Ito ang mga tanong na nabuo sa isip ko habang tinatanaw ko si Mariz na kanina ko pa sinusundan sa isang kilalang pamilihan. Hanggang sa nakita ko na ang aking pakay. Malambing ang kilos nya nung nagkita na sila. Tuwang tuwa sya at di nya inalis ang mga kamay nya sa pagkakahawak sa kanya. Walang bakas ng lungkot sa mga mata nya. Walang bakas sa kanya ng pag-aalala kung ano ang nangyari sa akin, kung bakit di ako nagpaparamdam sa kanya, kung saan na ako nag punta. Wala siyang pakialam dahil hindi naman ako ang tunay na nagmamay-ari sa kanya, dahil ito ang sekretong natuklasan ko sa tala-arawan nya.... 

Ito ang sekreto ni Mariz, ng kanyang pluma at ng tala-arawan nya. Ang sekreto na parang kamandag ng ahas na lumason sa aking isip para kamuhian sya...

Ika-10 ng Enero

Medyo magulo ang isip ko, di ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko. Sobra ang galit na nararamdaman ko kay Gilbert, buti na lang at nandyan si Sid. Matiyaga at mabait na tao si Sid. Dahil sa kabaitan nya ay madalas na naiisahan sya ng iba. Inisip ko tuloy na gawin din sa kanya ang ginagawa ng ibang tao sa kanya tutal ay di nya naman siguro mahahalata.

Mariz

***

Ika- 30 ng Enero

Sobra na talaga ito! Bakit ba natitiis ako ni Gilbert? Kung di ko lang siya lubos na mahal at boto ang mga magulang ko sa kanya ay di ko na ipagpapatuloy ang  relasyon namin. Mabuti pang ituloy ko na lang ang balak ko kay Sid.

Mariz

***

Ika-13 ng Febrero

Pinagbigyan ko ang kahilingan ni Sid na lumabas bago ang araw ng mga puso, di naman sigurado si Gilbert kung ilalabas nya ako kaya ayos lang. Bakas naman ang kabaitan ni Sid sa kanyang pagkatao. Bukod sa maalaga at maalalahanin siya ay maginoo at masayahin pa. Kung bigyan ko rin kaya sya ng pagkakataon? Bahala na nga...

Mariz

***

Ika-17 Marso

Aminado ako na maling pagsabayin ko sina Gilbert at Sid. Matimbang ang pagtingin ko kay Gilbert kumpara kay Sid. Ngunit si Sid ay masigasig sa kanyang panunuyo. Ganun pa man, wala naman sigurong magiging problema kung magiging maingat ako.

Ninanais ni Sid na sunduin ako sa trabaho ngunit may kaba sa aking dibdib dala na rin ng sitwasyon. Dahil dito, gumawa ako ng dahilan at inirespeto naman nya.

Mariz

***

Ika-17 Abril

Dahil unang buwan daw namin sabi ni Sid ay dapat daw ipagdiwang namin. Pumayag ako pero sinabi ko na dapat ay makauwi ako agad dahil pinatatawag ako ng Mama dahil may importanteng bagay na gagawin. 

Nagpupumilit syang ihatid ako, buti na lang at tinanggap nya ang paliwanag ko na baka magulat si Mama kung ipakikilala ko siya na kasintahan. Ang sabi ko na lang ay di pa iyon ang tamang panahon. 

Dahil sa inis ko ay di ako nagtext sa kanya ng isang linggo, nagaalala daw sya sa akin kung ano na ang nang yari sa akin. Tinatawagan nya ako pero sinabi ko na noon na tumawag sya pagkasinabi ko, baka kasi magduda si Gilbert, ayoko na malaman nya ang tungkol sa amin ni Sid ayoko maghiwalay kami ni Gilbert.

Mariz

***

Ika-4 ng Pebrero

Isang kabit, di ako makapaniwala na kalalaki kong tao ay ako ang naging kabit. Ngayon ay malinaw na ang lahat sa akin. Naramdaman ko naman na may totoo sa ipinakita ni Mariz sa akin pero ang lahat ng iyon ay nagiging totoo lang kapag wala si Gilbert sa harap nya, kapag may problema sila. Mahal na mahal ko sya. Ganun na lang ang hinagpis ko dahil nagawa akong lokohin ng taong mahal ko. Ang pakiramdam ko na parang pinupunit ang laman ko hanggang sa pinakamaliliit na bahagi. Ang pakiramdam na tila mga kamay mismo ni Mariz ang unti-unting humihigpit ang kapit sa leeg ko at kinukuha ang buhay ko.

Masakit pero totoo, ilang beses man ako mabuwal ngayon ay pipilitin kong bumangon. Pipilitin kong kalimutan ang mapait na alala. Pipilitin kong maging matatag.

Ang plumang  gamit ko ngayon habang isinusulat ito sa tala-arawang hawak ko, ay sabay na maabo kasama ng malungkot na nakaraan ko sa piling ng taong minahal ko ngunit di ko tunay na pagmamay-ari.

Sid

_______


Pagkatapos magsulat ay itinutok ni Sid ang lumang peryodiko na may apoy galing sa dala nyang lampara sa tala-arawan ni Mariz at saka inilapag sa lupa. Inangat niya ang kanyang ulo at pinagmasdan ang alapaap. Doon ay namalayan niya na magbubukang liwayway na. Isang hudyat ng panibagong bukas para sa kanya.



*** WAKAS ***

42 comments:

  1. kumakabit ang peg?
    lols


    congrats teh!!!
    *bearhugs*

    ReplyDelete
    Replies
    1. congrats saan? mas maganda kaya ang entry mo nyahaha. See you latur :)

      Delete
  2. tse ka!!!

    congrats kasi nga may entry ka na..... na-stress ka sa pagpiga ng utak mo...
    lols

    ReplyDelete
    Replies
    1. uu nyeta ka hahaha. pocketbook peg na nga lang ang naisip ko na concept dyan eh :)

      Delete
  3. hala ngayon na ba ang bagsik ng panitik.. oi ayus to.. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Opo. May time ka pa po Kiko. Til next week pa po sya :)

      Delete
  4. hmmm nakaka relate ka sa feeling ng kabit ha. bakit kaya. lol

    ReplyDelete
    Replies
    1. Naku po, uso po ang es-kabet-che ngayon kahit sa pelikula puro ganyan ang concept kaya yan po ang naisip kong entry para pasok din sa Feb atmosphere. Yun nga lang di magandang love story :)

      Delete
  5. wow...no other man ang level... akala ko magpapakamatay si Sid sa huli... uso kasi patayan sa mga entries diba?
    Bakit kasi binasa ni Sid ang Diary? bawal yun...ok lang naman magpaloko minsan eh.

    goodluck sa iyo... gudlak sa atin... hehehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ehehehe bait baitan at martir martiran si kuya. uu nga treading ang tegi peg na entry dapat iba daw yung sa akin nyahahaha.

      Delete
  6. Wow Rix, kahit about sa pagiging kabit ang istorya, napaka light nito. Grabe lang ang kabaitan ni Sid.

    Galing mo! At napa wow naman ako nung napagsama mo ang tatlong "must words" sa iisang pangungusap lamang! ;)

    Good luck Rix! :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. Weh? di nga? echusero nyahahaha. chars lang! thanks. bat di ka gumawa ng entry?

      Delete
  7. shocks kawawang sid
    nice maganda at unique ang pag kakasulat

    hays somehow naramdaman ko ung feeling ni mariz
    nice one parekoy!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat parekoy, uu nga sobrang unique nga eh ramdam ko har har har...

      Delete
  8. Feeling ko pakilamero ako sa pag babasa ko sa mga diary ni Mariz haha :) Bongga ang kabit kabitan portion! :)

    Nice story te! Good luck! :)

    ReplyDelete
  9. Replies
    1. :)pinitpit ko lang po yung kapiranggot kong utak para may lumabas hahahaha.

      Delete
  10. Good luck. This time ang babae ang nangangaliwa. Can be in real life.
    Ang gagaling nyong lahat na nag submit.ng story:)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Actually may kilala po ako mommy Joy ahahaha. bad gurl :)

      Delete
  11. salamat po sa paglahok :)

    ReplyDelete
  12. galing ng konsepto.. ginugulat niyo ako, dahil sa BNP litaw na litaw sa kin ang inyong mga talento ^_^ nakakaaliw at salamat sa magandang kwento..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Di naman, sapat lang po :) pero maraming salamat po at nagustuhan mo ehehe.

      Delete
  13. Parang feeling ko ako si Sid hahaha (nakakarelate)

    Good luck sa entry natin... buti hindi nagpakamatay si Sid, or else puro patayan na ang mga entry hahahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hala sya, totoo ba kuya Mar? ahahaha. Uu nga eh trending yung suicide. Ayaw daw magpakamatay ni Sid, babagong daw sya at dudurugin si Mariz at Gilbert, naging psychotic? nyahaha. yep Good luck po sa atin :)

      Delete
  14. wow! Buti naman at na ipost mo na.... Goodluck sa entry....

    Maganda nga,... sayang kung di mo ilalahok.... kahit nauuso ang kabitan ngayon eh naisulat mo naman ng maayos...

    Kaya mo nga magsulat eh.... tuloy tuloy lang....

    ReplyDelete
    Replies
    1. nyahaha, salamat Jon at salamat sa background music, pocketbook at mga movie na may temang kabitan at may napiga ako sa 32kb kong utak :)

      Delete
  15. Seryoso? Galing ah. In fairness, di ako na-nosebleed ngayon hehe. Litaw ang talento ng mga blogero sa BnP ni sir Bino!

    Hanga ako kay Sid, dahil sa kabila ng ginawa sa kanya ni Mariz bilang "panakip-butas" lamang ay di sya naghigante. Maaaring ang pagsunog ng talaarawan ni Mariz ay tanda ng paghihigante ngunit gayunpaman kahanga-hanga sya dahil sya na lamang ang umiwas sa magulong sitwasyon na kanyang napasukan at di nya adhikaing makihadlang sa pag-iibigan nila ni Gilbert alang-alang sa pagmamahal nya kay Mariz.

    Marami sa mga nagiging "kabit" lalo na ngayon na kapag nalaman nilang panakip-butas lang sila, ay sadyang "go with the flow" nalang total yun ang trend, total nag-eenjoy sila pareho, total may benepisyo silang nakukuha sa isa't isa o kesyo nahulog na ang damdamin ng bawat isa. Kung magkaalaman man balang-araw ay "bahala na si Batman".

    Hay naku, konti nalang ang katulad ni Sid sa ngayon, nakakalungkot.. Pero sana di na dumami pa ang katulad ni Gilbert na nasa relasyon nga pero parang wala naman, di nag-eeffort. Ngunit mas lalo sanang di manganak ang katulad ni Mariz aba'y anong akala nya dalawa ang kanyang matriz?!

    Tse! Ang makati, kinakamot. Ang malandi, sinusunog. Ayan tuloy.. huhu affected???? Hindi, nagpapahayag lang teh hihi

    ReplyDelete
    Replies
    1. Madam parang puno ng emosyon ang comment ahaha.

      Well sa totoo lang yung mga tulad nga ata ni Gilbert ang mga rason kung bakit kailangan pa magkaron ng mga tulad ni Mariz, pero again its a case to case basis.

      Ang hirap lang kay Mariz di nya kinausap si Gilbert tungkol sa problema nila. Para sa akin kung magkapartner na kayo, dapat ay pinag-uusapan nyo kung ano ang problema ninyo bilang magpartner dahil ang mas nagiging maayos ang pagsasama kung bukas ang communication ninyong dalawa sa lahat ng bagay. (mukang may tatamaan nyahahaha). Mas pinili nya pa na magkaroon ng kasalanan sa partner nya kesa sa maging maayos ang relasyon nila.

      Marahin kung ako ang nasa kalagayan ni Sid eh maaawa ako sa sarili ko, ako na ang nag-exert ng sobra sobrang effort at oras pero nagsasayang lang pala ako ng panahon at oras sa maling tao (mukang may tatamaan ulit nyahaha).

      Salamat po sa pagbisita at sa pagsubaybay :)

      Delete
  16. Yon! May entry ka na pala! :D

    ReplyDelete
  17. Natatawa ako. "No other man" lang ang koncepto... baka madiskober to at gawing pinikula. congats in advance!

    ReplyDelete
    Replies
    1. naku malabo pa ata sa sabaw ng adobong pusit yan ahahaha. Tenchu po.

      Delete
  18. Ang buhay ay puno ng ligaya't saya..
    Kiro't at pagdaramdam..
    Ngunit paano mo ito sasayawin?..
    Upang maibsan, magbasa ng "Kwentong baliw ng isang Rixophrenic!!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. oiiiii ano ito? ahahaha maraming salamat po :)

      Delete
  19. ang harot niyang si mariz.. hehe. gud luck din sa entry..

    ReplyDelete
  20. Ayan, may nabasa na kong mejo positive ang ending.. Good luck :) nice one :)

    ReplyDelete
  21. moral lesson?

    wag gumawa ng diary .ahaha

    nakakabadtrip lang c mariz. ang harot harot :3

    Gusto ko yung ending nito , kasi mayroong pag-asa.
    Ganoon naman ang buhay kahit gaano kalungkot, gaano kasakit ang kahapon siguradong may panibagong umagang naghihintay :)

    Goodluck po sa BNP.

    ReplyDelete
    Replies
    1. ahaha wag na mag-diary, mag-blog na lang :)

      Tama ka po ginoo, sabi nga nila di titigil ang pagikot ng mundo kung malungkot at nasaktan ka pero kaya mo pa rin na paikutin ang bagong mundo mo upang kalimutan ang malungkot na bahagi ng buhay mo.

      Delete

hansaveh mo?