Wednesday, February 6, 2013

Repost and Edited: Amsereeeh?

7:51pm (sok)


Amsereeeh?

Psssttttt! Anong sabi mo?

Arkepelago, isang bansa na binubuo ng sandamukal na isla. Ang Pilipinas ang isa sa pinakamagandang halimbawa ng arkepelago.

Ilan nga ba ang isla sa bansa natin? Kapag hightide binubuo ng 7100 isla ang pilipinas at 7107 naman kapag lowtide (tama nga ba?) ahahaha.

Sa dami ng isla at distansya nito sa isa't isa kaya bang magkaintindihan ng mga tao?

Espanyol daw o wikang kastila ang opisyal na wika natin ng 3 daang taon. Nang dumating ang mga amerikano sa bansa ay nadagdag ang salitang ingles sa opisyal na wika nung 1935 dalawang taon paglipas nito ay napagdesisyonan na ang tagalog na ang gawing opisyal na wika ng bansa. Subalit, kahit na tagalog na ang opisyal na wika, patuloy pa rin ang pagamit ng mga tao sa karatig lugar ng salitang nakagisnan na nila.

Labing-tatlo ang katutobong salita sa bansa. Tagalog, Cebuano, Ilokano, Hiligaynon, Waray-waray, Kapampangan, Bikol, Albay-Bikol, Pangasinan, Maranao, Maguindanao, Kinaray-a, at Tausug. Lahat yan ang ginagamit pa rin hanggang nagyon. Ilang sa atin ay alam ang 2, 3 o higit pa sa mga wikang nabanggit.

Kasabay ng pag-unlad ng bansa sa modernong panahon ay sumabay na rin sa pag-unlad maging ang wika natin. Narinig mo na ba ang "salitang kanto" (slang)? Eh ang "g at j words"? Binaliktad na salita (inverted words)? At sa nagdaan pang panahon, ang "jejemon" at "bekimon"?

Ano nga ba ang pakiramdam ng tao na di maintindihan ang wika ng mga taong nasa paligid nya?

Noon pa nauso ang mga binaliktad o salitang inverted kung di ako nagkakamali eh panahon ata ng Martial Law (di ko sigurado). Ito na rin ata ang nakalakihang salitang kanto ng ibang tao. Madalas ba kayong pumunta ng tipar? nosi ba lasing totoma? ayos ba mga repa? nakuha mo po ba? hihihi.

Elementary ako ng mauso ang salitang "g words". Nung una akala mo may sakit ang mga nag sasalita nito dahil bukod sa parang hirap silang bigkasin ang mga gustong sabihin eh para pa silang may depekto sa pagsasalita. Kapag tatlo o apat na ang nagsama-samang nag-uusap ng ganun eh parang kinakabahan ako dahil pakiramdam ko ay pinalilibutan ako ng mga retarded. Pagtapos ng kanilang mga mag-usap ng parang tagaibang planeta ay magbubungisngisan sila. Dahil doon naramdaman ko na parang nakakaloko ang ginagawa nila, sapagkat di mo alam kung ikaw ba ang pinagtatawanan, o kung ano ba ang mali sayo. O kung nakakatawa bang ang itsura mo.

Di man matyaga, eh inobserbahan ko sila, mukang nakukuha ko na kung paano gamitin ang salitang ginagamit nila pero di pa ako sure hanggang sa isang kaibigan ang biglang nagsabi sa akin na may ituturo daw sya sa aking paraan ng pakikipag-usap at iyon ay ang salitang gamit ng mga retarded, este ang taong marunong ng "g words" kenpirm! Tama nga ang hinala ko. ang isang salita ay pinalalagyan nila ang word na g at ang vowel na ginamit sa unang kataga.

Halimbawa:
baso - bagasogo
sapatos - sagapagatogos
asukal - agasugukagal

Di kalaunan ay natuto akong maging medyo matatas sa ganyang pagsasalita, hashteg! Di na ako mukang tanga dahil sa wakas naiintindihan ko na ang mga retarded, malungkot mang sabihin eh retarded na din ako nyahahahaha. Alam ko na rin kung ako ang pinaguusapan ng organisasyon nila.

Highschool, di na "in" ang ganung salita. Dun na nagsimula ang "j words" mga salitang pinapalitan ang unang letra ng letrang "j". Di mahirap kasi unang letra lang naman ang papalitan eh... Yakang yaka! (may pagmamayabang) Di ako mahihirapan sa pag-iisip ng gustong sabihin ng kausap mo dahil salitang-ugat lang ang dapat mong bantayan.

Dahil na rin siguro sa likas na malikhain ang Pinoy ay nagkakaroon tayo ng bagong terminolohiya, bansag, "code" na tayo o tropa nyo lang ang magkakaintindihan. Dapat lang magaling kang mag analisa para makasunod ka sa gustong ipaunawa ng nagsasalita.

Pangalawang taon ko sa kolehiyo ng may mga naging kaibigan ako na bihasa sa salitang bading. Salitang sila lang ang nakakaintindi, salitang mapanlinlang na di mo alam kung saang lupalop ng time space warp nakuha.

Kontento na ako ng nakikinig sa kanila, pero dahil sa di ako marunong ng salitang gamit nila, eh nakaramdam ako na para akong isang bihag na di ko alam kung kelan ako papatayin dahil sa di ko alam kung ano ang pinagsasabi ng mga nilalang sa paligid ko.

Di sinasadya habang nag papahinga ang grupo namin sa pageensayo sa pagtatanghal na inihahanda namin (naging membro ako ng teatro pero 1 beses lang ako sumali sa pagtatanghal di na naulit pa at di ko na hinangad na maulit ulit), ay natanong ng kasama ko kung naiintindihan ko ba sya at ang mga kaibigan nya kung magsasalita sila ng ganun. Syempre nagmalaki ako, "hindi" ang sagot ko. At tama po kayo ng iniisip, tinuruan nya ako. Doon ko nalaman na sobrang lawak ng disyonaryo nila. Ang isang salita ay may kakaibang kahulugan depende sa kung saan at paano nila gagamitin ang salita. eats saw cole!

Ilan din na ding nageexist ang "gay linggo na tawag nila sa salitang ito hanggang kilalanin itong bilang salitang "bekimon".

Si Bern Josep Persia o mas kilala bilang Bekimon, na galing sa parehong kumpanya at sa parehong programa kung saan ako nanggugulo bilang kawani, ay nakilala sa paggamit ng salitang bekimon na sumikat at nakilala nung pagkatuwaang i-upload nila ang video niya na nagsasalitan ng ganitong lengguwahe sa youtube. Sa ngayon aminin man natin at sa hindi ay di na lang mga beki ang gumagamit ng salitang ito, maging ordinaryong tao yata ay may alam na salitang bekinom eh. Marahil ay sadyang niyakap na din ng lipunan ang uri ng salitang ito. Katunayan, ay binuksan ang usapaing ito sa isang "forum" ng mga linguwista sa unibersidad ng pilipinas ng nakaraang 2 taon kung di ulit ako nagkakamali.

Jejemon??? Wala akong alam dito. Di ko sinubukang maging ganito. Promise! Cross my heart, hope to die... Charot lang! pero sa totoo lang ang greetings lang ata nila ang nalaman ko. Di na ako nagtyaga basahin ang mga text message na natatanggap ko na jejemon.

Pagtapos ko ng kolehiyo, ang taas ng pangarap ko.. BPO ang gusto kong pasukan. Dahil sa di bihasa at mas kumportable sa salitang kinagisnan aminado akong masakit sa tenga kapag pinagsalita ako ng banyagang wika. Ilang beses ko rin tinangka na subukang mag-apply ngunit ako na rin ang sumuko.

Salamat sa isang banyagang palabas at di sinasadyang naimpluwensyahan nito ang pagsasalita ko ng wika na tulad nila. Pasok ako sa bangga nung minsan kong sinubukang mag-apply ng trabaho at katuwaan lang.

Dun ko naranasan ang tipak-tipak na pang iinsulto ng mga banyaga sa mamamayan ng bayan ni Juan Dela Cruz... Ayun oh! Madalas sinasabi ng banyaga na di natin kayang magsalita ng tulad nila at di natin sila naiintindihan kaya ayaw ka nilang pakinggan. Pero kapag nasabi mo ang salitang gusto nilang marinig ay bigla ka nilang kakausapin ng ubod ng tino at bait na parang kaharap mo lang sila.

Ilan na nga ba ang kumpanya na nilipatan ko na may parehong linya ng trabaho pero pare-pareho lang din ang mga taong nakakausap mo. Nung una nakakainsulto pero nung nag tagal, eh kaswal na lang. Para ka lang nagkakape habang kumakain ng mainit na pandesal at nagbabasa ng paborito mong peryodiko.

Ikaw, ilang ang mga lengguwahe o diyalekto sa Pilipinas na kaya mo bigkasin? Gaano nga ba kalawak ang kaalaman mo sa mga dialektong ito?

Alam nyo po ba kung ano ang mga ito:

A) Punlay
B) Alaws ka
C) Pagoda cold wave lotion with sun screen portection avocado extract, sesami seeds and tongkat ali
D) Ehyow pfowh
E) Harbat
F) Keribam-bambini summer splash cologne
G) Olats
H) Kasilyas



Ooooooooops! Time is up!



Pass your paper in the back of your front..... Ansaveh??!!??



Bago ko po tapusin ang entry na ito ay nais ko pong magpasalamat sa mga bagong tambay sa maliit kong espasyo sa blogsphere... Maraming salamat po sa bambini at pagoda sa isang taong supply ng produkto sa mga sumusunod:




Emoterong Palaka

Red ng muhon

Mr. Tripster ng tripster guy

at kay

Madam Gracie ng gracie's network

- God Bless everyone -

33 comments:

  1. Replies
    1. Oh no! severe jejemon ka po ginoo :) ahahaha

      Delete
    2. Uo Ph03WhZzsS. L0Ud 4nD pR*uD j3j3mOn!

      Delete
    3. H0m3G3D, bUt! kH4y4 k0 p4h pH474h M49Bh4s4H ng j3j3mH0n h4H4h4... Aminado ako na challenge talaga sa akin ang jejemon pero buti nababasa ko pa ang comment mo Sir Overthinker ahahaha.

      Delete
  2. Sakit sa bangs ng jejemon! Pero since highschool hanggang college andami kong close friends na bekimonaj kaya dun ako natuto ng "gay lingo" na tinatawag ngayong bekimon. yung may "g words" naman pang kalahatan sya lalo na kung may gusto kang sabihin sa kaklase mong segeregekegetogo pero ayaw mong ibulong kundi parang normal lang na convo. Salamat sa mention, in-add pala kita sa blogroll ko pero nailagay ko pala sa travel blog category haha kaya pala diko mahanap. Have a nice day!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ang karangalan po ay sa akin. magaragamiging sagalagamagat pogo hihihi. Kaya pala tuwang tuwa po kayo sa post ni Joanne na "pasko sa bahay" in a beki words ahahaha.

      Delete
  3. Ano ba yan. Nag mukha din ako wala alam:)
    Una, buti na repeat ang history ng mga languages ciz limot ko na natutunan ko. Puno na rin ang utak ng kung ano ano at hirap ng mag aral uli, but it was fun reading this post.
    Baka paguwi ko eh la na ko maintindihan sa wikang pinoy:) mag norwegian na lang ako:) dyuk:))

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ahaha Mommy Joy dkt sa hulung word na sinabi mo. Sige po para sila naman mapraning kapag nagsalita po kayo ng norwegian hihihi.

      Delete
  4. wow nice talga ng history natin parang halo halo lang diba

    aminado ako natry ko yang Gwords na yan nung elementary ako
    secret code namen ng kapatid ko yan pag nandyan mama ko hahaha

    anyways beki words at jeje mon lng alam ko dun sa list mo

    hmm ung espanyol ee gingamit pa din diba ung tsabakano kasi dun base at yun ung dialect ng matatanda dito hahaha pero minsanan mo na lng marinig

    ako wala ee tagalog lng talga

    ReplyDelete
    Replies
    1. cheers sa g words parekoy! ahaha ok lang yung iba dun inverted word yung iba naman local dialect ng ibang lugar :)

      Delete
  5. Para akong bumalik sa kasaysayan hehehe.... may ilan bagay akong natutunan dito hehehe

    ReplyDelete
  6. karamihang gerls ngayun bekimon ang gamit, kung ayun nga yun, 'di ko alam eh hehe.. olats tsaka alaws lang ang alam ko dun ah? nyaha bokya ^_^

    ReplyDelete
    Replies
    1. Wow hashteg ka! hmmmm ilang taon ka na? nyahahaha.

      Delete
  7. this is one of my fave posts dito sa iyong tambayan... very jimformative.

    sana marami pang ganito...

    ReplyDelete
  8. wala akong jejemong frens. buti nalang. kasi halos complete sentence ako kung magtext eh.

    ReplyDelete
    Replies
    1. ahaha naku buti na lang meym dahil kung meron minsan eh mahihilo ka muna bago ma maintindihan ang text :)

      Delete
  9. pede ba sabihin na hate ko mga yung list mo sa taas..hahahaha..
    mag kape ka rix.. nakakalola lang sila..lol

    ReplyDelete
    Replies
    1. Pwede naman ahaha.... nagkakape talaga ako noh ;p

      Delete
  10. aba-aba history class ba ang peg mo ngaun haha.. pero ang ganda ha.. may mga bagong natutunan, may mga bagong karanasan, na sanay baunin at wag limutin...

    ReplyDelete
  11. wahaha.. jumejejemon.. najajatawa.. di ko alam mga sinabi.. ansaveeehhh??? hahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. ahaha salamat sa muling pagbisita cheenee :)

      Delete
  12. ehehe medyo guilty ako dyan :)

    ReplyDelete
  13. naexperience ko rin yang "g" words na yan.. nakakabulol sa umpisa.. eh ano naman yung "j" words? hindi ko ata naexperience yun..

    ang gusto kong matutunan ngaun eh ang beki language.. kaloka lang pag naririnig kong naguusap si Joanne at Zai hindi ko talaga naiintindihan! hahaha...

    ReplyDelete
    Replies
    1. nyahaha yung J words po papalitan mo ng letter j yung first letter ng word. Pang natuto ka na nga beki words ay! your magnificent na :)

      Delete
  14. Never din akong naging interesado sa Jejemon/Jejewords na yan. Kaya pag ka txt mo ko, halos mabibilang mo lng sa daliri mo ang mga abbreviated words ko sa txt. Mas prefer ko kc mag txt ng buo or may bawas man konti lng ung mga words. Maski sa pagsusulat sa papel or typing in the computer, di talaga ako gumagamit ng mga Jejewords.

    Sa beki language, mejo konti din akong alam. Kasi marami naman tayong mga fellow bloggers jan na madalas gumamit ng ganyang language kaya keri lang haha :))

    Harbat - Snatch/Dekwat?
    Kasilyas - CR?
    Olats - Talo/Luz Valdez?

    Have a nice day Rix!

    ReplyDelete
    Replies
    1. struggle kasi madalas ang pagbabasa ng jejemon eh. Ay, beri beri hard na chrew ka dyan! hihihi.

      Galing tama yung 3 sagot mo... dahil di mo nasagutan lahat, bigyan ng jacket! tiyauts lungs :)

      Delete
  15. nagakagaregelegate agakogo saga "G" words.. yung mukang ewan ka lang habang nagsasalita. hahaha

    :)

    pero jejemon language pa rin ang pinakamasakit sa bangs :p

    ReplyDelete
    Replies
    1. Isang karangalan po na bisitahin po ang pucho pucho kong page ng isa sa mga batikang blogger. Maraming salamat po sa pagbisita..

      Ogopogo mugukaga kaga lagang egewagan sa pagsasalita ng G words.

      Medyo mahirap talagang intindihan ang pangungusap ng jejemon :)

      Delete
  16. thanks for dropping by rix :) anyway favorite ko yang kundiman nice to hear it again..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat din po sa muling pagbisita Gilbert ehehe

      Delete

hansaveh mo?