Thursday, April 11, 2013

the Chrewt!

Check-up Time: 3:45pm

Aloha-mora mga katambay!

Tahimik ang hapon ko kahapon habang pa ba-browse browse ako ng nyorn mga pages ng mga bloggers tapos biglang bukasan ni Paping ang telibisyon at inilagay sa programa nila Nico Baua at ni Karen Davila. Programa sa radyo ito pero sosyal, pinapalabas sa keybol ng live. Mainit ang diskusyon nila tungkol sa ginawa ng mga instik sa nasasakupan ng tubataha reef. Pinagtatalunan nila ang mga dapat gawin ng hindi na gawin ng mga intsik ang ginawa nilang pag pasok sa vicinity ng Tubataha rape reef.


Yeast! chrew na chrew! pumasok ang isang pisying besel ng mga intsik sa tubataha. Kung ano man ang dahilan nila eh alam naman natin na mukhang manggugulang nanaman sila tulad ng ginawa nila sa isa pang isla na hinaharbat nila sa atin. Kung ang mga kano ay magbabayad sa danyos na ginawa nila sa Tubataha ang mga intsik naman ay nevah!!! as in NEVAH!!!! kahit na ata mangamatay tayo di nila gagawin yun.... ay huweyt lang! ang sabi ng mga anchor ng naturang programa ay nagbigay daw sila ng suhol... yep tama ako ng narining nag-offer sila ng suhol.


Dito na ako rumeact ng harsh! "ang lagay ganun na lang? suhol suhol ang labanan para manahimik tayo??? eh ibalik kaya muna nila yung hinarbat nila na isla" sabi kong ganyan! na medyo mainit ang ulo. Tapos biglang "blah blah blah, mga pisti sila... chuchu caracas, mga damunyu sila... chenes kemeruth barurut, you mother father you!!". ganyan ang litanya ko. Oh naintindihan nyo ba? sympre hindi di ba? ok lang yun we're on the same page charut!


Habang nag huhurumentado ako ay bigla na lang akong hinawakan ni papa sa magkabilang kamay. Nagulat naman ako sa ngyari kaya nakatingin ako sa kanya ng may pagtataka.


"Panahon na siguro para malaman mo, may isang bagay ka na hindi alam tungkol sayo" sabi ni Paping.


Ako naman ay nagtaka lalo sa sinabi nya. Mukhang di ko magugustuhan ang mga susunod na sasabihin nya. Umiwas ako ng tingin kay Paping...


"Ano naman yang drama na yan Pa, wag nyo na po ako echusin, kumain na tayo ng meryenda" pag-iwas ko sa tafik.


"Alam mo may dahilan kung bakit ganyan ang mata mo" biglang kabig ni Paping...


Gusto kong takpan ang tenga ko. Di ko ata lalo kakayanin ang mga susunod nyang sasabihin. Baka ikamatay ko ang mga malalaman ko. Tumayo ako at lumipat ng upuan, pero persistent si Paping. Sinundan ako ng beri beri quick.


"Alam mo, hindi kami nagkulang ng pagmamahal sayo. hindi ka namin tinuring na ibang tao" yan ang mga sinabi ni Paping. Hindi ko na kinakaya ang mga sinabi ni Paping sa akin. Naiinis na ako sa kanya ng very hard.


Tumingin ako sa kanya na medyo watery na ang mata ko. Ang sumunod na ng yari di ko na kaya, dahil sa tama ang nararamdaman kong sasabihin nya...


"Hindi ka namin tunay na anak, yan ang rason kung bakit parang wala kang hawig sa 2 mong kapatid" yan ang sabi ni Paping sa akin..


Nag-unahan sa pagpatak ang mga luha ko, parang may fun run lang sila at ang gusto eh marating ang finish line. Umiiyak lang ako ng umiiyak, hanggang sa....

























magising ang diwa ko, imagination ko lang pala yun. kala nyo totoo noh? ako din muntik na ako maniwala. nyarut lang!









Ang totoo na nangyari eh sabi ni Paping na may dugo daw kaming intsik. Isang babaeng choinis daw ang nakapagasawa ng Pinoy ang anak nila ay naging magulang ni lolo so ibig sabihin.... Ayon sa aking teyorya at base sa aking kalkulasyon pang 5 henerasyon na ang dugong land of the sleeping giant na dumadaloy sa aking uber petite na katawan ganyan.


Kaya pala ganun na lang katamad bumuka yung talukap ng mata ko parang si....







(Chico Loco ng Yes FM, ang isa na sa mga paborito ko ng DJ)



Super deny pa ako na di ako intsik kapag may nagtatanong sa akin kaya nga minsan ko ng nilagay sa friendster noong kasagsagan pa niya ang:


" I'm not Chinese, God just created my eyes as one of his beautiful master piece" TYARUT LANG!






ito talaga ang sinabi ko


" I'm not Chinese. I was born with chinky eyes, thats all "


Hinalukay ko mga photo album namin kung may natatago kaming pikchur ni lolo kaso unfortunately eh wala kaming natago kaya wala kong maipost.

Pero kahit na malaman kong may dugong intsik ako... Hindi ko pa rin gusto mga ginagawa nila sa mga Pilipino! Pilipino pa rin ako at mananatiling pusong Pinoy...



Tandaan, sa panahon ng kalungkutan: Pa-check up ka sa adik para lumabas ang saltik... God Bless!

20 comments:

  1. Bakit hindi nag-aapear yung una kong comment? Gamit ko yung phone ko. Pero ito lang ang masasabi ko, you mother father you! ^_^ isa ka ring intsik at responsable ka sa pagkakasaddad ng vessel sa tubbataha reef! Lol, pero nakakainis talaga kasi katatapos lamang ng insidente ng American Ship eh heto na naman ay na-damage na naman ang tubbataha reef.

    Ang gobyerno pa natin ang gagastos muna sa pag-aalis ng vessel habang hindi pa nahuhuli ang siyang may-ari ng vessel na iyon.

    Papa-orasyon ko sila kay Notnot para magtanda at hindi na umulit.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Packing Tape ka Tonio! ahahaha.. Wala akong alam dyan. Dito ako lumako sa Pinas at never ni my life ko inimagine na may dugo akong intsik.

      Pero nakakahalata na ako ha, parang sinasabutahe ang tubataha..

      Pede din o kaya isama mo sila sa hotair balloon ni Madam Chiqui ahahhaa

      Delete
  2. pambihira ka napa nga nga ng kaunti (kaunti lang naman) ang aking bibig ng mabasa kung isa kang ampon...charut lang pala yun... isa kang charuterong frog Rix...
    ewan ko ba kung anu anung ship/vessel ang pumupunta ng pinas... ala na ba silang mapagdaungan (affected!)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nyahaha baliw lang noh?

      Nakakainis lang dapat na silang singilin ng parking fee ahaha

      Delete
  3. Wahahaha adik ka talaga Rix. Oh diba, singkit ka talaga. Etong si Lala kase ang hirap paliwanagan na hindi nga ako chinito. Mas singkit pa nga kayo ni Arvin diba? :D

    Duda din ako sa mga epal na intsik na yan eh. Anu naman ang ginagawa nila dun sa Tubbataha Reef? Part pa ng East China Sea yun? Gusto lang kasi nilang kamkamin ang yamang dagat na naroroon. Asar talaga sila!!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Uu pero ayoko iclaim na intsik ako... Dine-deny talaga ahahaha.

      Ano pa nga ba? hay naku kamkam kamkaman ang labanan ngayon :D

      Delete
  4. Hahaha, kainis! Akala ko naman totoo yon kwento na di ka tunay na anak.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ako din eh promise muntik na din ako maniwala :D

      Delete
  5. hanubayan kala ko totoo na! haha.. hadik ka talaga! i like singkit.. not all Chinese naman eh ganun.. so kalma ka lang sa mga Intsik ah haha..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ahaha ganyan talaga sa asylum, puro may sapak... Anghit pa! :D

      Delete
  6. haha ang dramatic naman ng rebelasyon! tinalo pa ang dramarama sa hapon ng gma!
    ahaha, well ewan ko ba sa mga chinese na yan! sa kasingkitan ng mga mata nila di na nila alam
    ginagawa nila haha!
    anyway my chance! dugong factory! okay lang yan at least di ka made in china haha!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ahaha pwede na ba akong scriptwritter? Lakas makacharot ng entry na ito :D

      Delete
  7. Nakakairita at nakakakaiyak at nakakatawa. All in one. Ikaw talaga Rix, kala ko totohanan na. May lahing intsik ka pala:) Dyuk

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hihihi Mommy Joy di ka pa nasanay sa akin :D according pa Paping meron daw pero parang di ko naman feel ahaha.

      Delete
  8. Nadenggoy ako sa istorya mo Rix. Akala ko totoo, tutok pa man din ako sa pagbabasa tapos may twist pala. Kakaasar hahahaha!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Wag ka na maasar Daddy Jay. Naaliw ka naman ahahaha

      Delete
  9. Hahaha... Naaliw ako, nung una political drama, then naging telenovela, tapos naging comedy, kumpleto rekados! Akala ko din totoong ampon ka, makikisimpatiya na sana ako eh hahaha...

    Nakaka-highblood naman talaga yung isyu dyan sa Tubattaha, ginagawang pasyalan ng foreigners pero not in a good way. Buti pa yung sa kaso ng mga kano apologetic, yung sa Chinese hay naku!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nyahaha kulang pa po yan meym, Wala yung Horror dyan ako. yung action inthe making pa lang ahahaha.

      Delete
  10. hahaha baka tanggap lang ni erpat ang ginagawa ng mga intsik.. hehehe....

    ReplyDelete
    Replies
    1. Pareho po kami ng pov kaso po, di nya lang po maipagkaila sa amin na may dugo daw kami na intsik ahahaha

      Delete

hansaveh mo?