Matagal akong nag hintay na mapansin mo ako, pero mukang naghihintay ako sa wala..
Ilang agiw, alikabok, bagyo at tag-init na nga ba ang lumipas?
Naalala mo bang sipatin kung ayos lang ako? naalala mo bang kamustahin ako? naalala mo bang usisain ang kalagayan ko?
Inintidi ko na ikaw ay abala para sa bagay na mas importante pa sa ating ginagawa subalit ilang beses na punit ang aking puso ng malaman ko na walang katotohanan ang mga salita mo...
Bakit hindi mo aminin sa akin na talagang nanamlay ka na sa akin? bakit hindi mo magawang aminin na hindi ka na masaya na ako ay iyong kapiling...
Umasa ako na sa tagumpay at kalungkutan ay nandyan ka subalit gaya ng kanilang sinabi laging may pagbabago at dapat ay marunong kang makisaliw sa bagay na ito...
Dapat ba na pati ang pagkakaibigan natin ay maapektuhan sa pagbabago na ito? Dapat ba na saktan natin ang isa't isa ng dahil lang sa pagbabago?
Kahit ang pinakapasensyosong tao ay napapagod din sa paulit-ulit na pananakit mo...
Naisip mo ba kung ano ang nararamdaman ko? marahil ay hindi dahil kung naisip mo iyon ay nanatili ka at gumawa ka ng paraan para manatiling nag aalab ang pagkakaibigan natin...
Nagkamali ako, mukang nawawala na ang ningas ng apoy ng ating pagkakaibigan o mas magandang sabihin ko na tuluyan ng naglaho ang apoy na ito....
Before I end this post I would like to thank HARRY GOAZ for following my blog. Even if your from New Mexico you show effort in following this page. I'm so overwhelm...
Tandaan, sa panahon ng kalungkutan: Pa-check up ka sa adik para lumabas ang saltik...
God Bless!
Ayyy teka nga... magkapareho yata tayo ng wave lengths ng mga utak ngayon ah. Same sentiments din *evil grin*
ReplyDeleteNaku, naniniwala ako na ang relasyon ng mga magkakaibigan ay kailangan give and take din. Hindi yung isa lang ang give ng give at ung isa naman ay take lng ng take. Unfair yan diba? Effort effort din pag may time kamo :D
Nyahaha tama katulad nga ng napagusapan natin kaya nga ginawa natin ang law of mirror effect eh. lolz
Deletehayzt, nakakasawa din kasi kapag ikaw na lang ang laging nag gi-give way at laging umiintindi.. ikaw ba naintindihan ka ba nila? lolz
hahaha! Pareho ng tono ang post nyo ni Fiel!
ReplyDeleteMakapag post din nga! Pakopya na lang pala! hahaha
bawal ang kopya 75% lang ang grade nun..
DeletePareho kami ng wave length ni Fiel siguro gawa ng mga madalas kami magkausap nila Anthony kaya naman parang iisa lang kami ng mga realization..
tsk tsk. kung hindi worth it ipaglaban! bitawan! haha well mate test mo sa mga ganyang pagkakataon ang mga tunay na kaibigan.
ReplyDeleteTruth... I very much agree with you KC. Kaya nga kung wala na eh di wala... Nakakahinayang lang ng nabuong pagkakaibigan pero ang pagkakaibigan pilit ay parang isang prutas hindi masarap kapag pinilit lang na mahinog.
DeleteUso ba ang ganto? Waaah! Ipagpaumanhin nyo ang kabusyhan ko, ngayon di na ko busy. Tara labas tayong tatlo. Hahaha!
ReplyDeleteAnyways, kapag pareho na kayong nag fell out of love este friendship, wala na siguro. Pero kung at least isa sainyo ay kakapit, may pag asa pa!
OA ha....
DeleteHindi kana makakakapit kung isa sa inyo ay sumuko na. Paano mo ipaglalaban ang pagkakaibigan kung ikaw na lang ang lumalaban at ang isa ay tuluyan ka ng iniwan...
Feel ko masadyalang na masochista ang mga tao....hihihihii!!! :)
ReplyDeleteKausapin mo siya bakit siya ganyan, baka may problema kung di normal yung attitude niya sayo
:) Zion una sa lahat maraming salamat sa pagbisita mo sa pahina ko...
DeleteSobra na din ang mga usapan subalit tila hindi naman tinatanggap nga tao ang mga bagay na sinasabi mo... bagay na nakakalungkot.
second part nung kay Fiel? Makagawa nga din para Trilogy.. joke lang.. Gusto ko lang ngumiti. Hirap akong ma-access ang blogger account.. hayzz.... di bale kung ayaw ng blogger, wag pilitin, hehe....
ReplyDeleteEksakto tukayo... ganyan din ang pakiramdam ko kung ayaw ng tao wag pilitin... Mahirap ipagpilitan ang sarili sa taong ayaw... Bakit mo ipipilit ang sarili mo kung may mga tao naman na handa kang tanggapin sa kabila ng mga mga kakulangan mo...
DeleteOo nga after reading the one of fiel last night, eto naman this morning. Antayin ko na lang kung sino susulat this afternoon and evening para iisa ang tema. Parang lost of friendship month ang November, nakiayon sa Araw ng mga Yumao, dying or dead friendships. :(
ReplyDeleteMukang ganun nga Jonathan... Ngayon ko nga lang din napansin na ang comment ko sa recent post mo ay regarding sa friendship... online friendship lolz.
DeleteEh yung posting ko din naman eh how I value people around me and that's why I made a tribute to some to show them my gratitude. Friendship month nga siguro, ha,ha,ha.
DeleteOo nga noh, hayaan mo malay mo magkasabay din kami ni fiel na gumawa ng post na tulad ng sayo... yung gratification naman sa mga friends who remain through thick and thin :D
Deleteoi ano toh? *evil grin*
Deletehahaha sabi ko baka minsan makagawa tayo ng post na ginagratify ang mga friend na nagstay through thick and thin...
DeleteNa enjoy ko when I made that posting kasi hindi ko naman kayo kilalalang lubusan but I based my writings on your comments at blog posts. I really learned a lot so kung mayroon man lilisan, isipin na lang natin na naging bahagi sila ng ating buhay.
Deleteisang malaking check na ballpen yang sinabi mo Jonathan ehehehe. Nung una nawierdan ako sa photo pero nung inexplain mo why yun ang napili mo natuwa ako..
DeleteIf it isn't worth it, then let go. It it is, then try to work it out. Easier said than done though. :P
ReplyDeleteTruth.... ganyan nga ang action plan lolz.
Deletenakakasenti naman, sumabay pa ang weather habang binabasa ko to..(nakakarelate lang) ganyan talaga ang life kung gusto may paraan kung ayaw maraming dahilan. naku tama na nga! haha!
ReplyDeleteTama ka dyan.. minsan talaga nakakasama ng loob pero ganun talaga ang buhay...
Deletetsk tsk. may ipapakilala ako sa'yong apat na magkakaibigan. solid naman friendship nila. sana.
ReplyDeleteknow their story sa http://blogserye2013.blogspot.com.
#shamelessplugging. :p
thanks for sharing the blog page...
Delete