Sunday, March 30, 2014

Badtrip!!!

Check-up Time: 7:30pm




Oo na!








Totoo nga, ayaw ko man sabihin at dinideny ko pero ang totoo, "gusto kita". Hindi naman kasi mahirap na gustohin ka... Mabait ka, cute at nakakatuwa.

Pero ang mga katangian na din na yan ang mga ikinaiinis ko sayo...

Malabo ba? Oo, malabo pa sa sabaw ng adobong pusit ang nabasa mo pero ano ba magagawa ko? Ito nararamdaman ko eh.

Madami ang may gusto sayo kaya ikinaiinis ko yun kahit na alam ko naman na hindi mo kasalanan. Masyado ka mabait kaya naman marami ang lumalapit sayo kahit na nakikita ko na gusto mo silang tanggihan. Marami silang natutuwa sayo na kahit wala namang espesyal sa mga ginagawa mo eh nakukuha ka nilang purihin...

Hindi na nga kita iniintindi pero ikaw naman ang nagpaparamdam... Nang aasar ka ba? Kasi ngayon lang ako maaasar? Nagpapacute ka ba? Kasi nakakainis ang pagpapacute mo? Nagpapapansin ka ba? Effective kasi napapansin kita at naiinis ako dun...

Sana eroplanong papel ka na lang para kanina pa kita initsa sa ere at lumutang palayo sa akin. Sana bangkang papel ka na lang para kanina pa kita pinaanod sa kanal. Sana nilamukot na papel ka na lang para kanina pa kita binato sa basurahan...

Siguro nga panahon na para tanggapin ko ang katotohanan dahil baka paglalo kong hindi inamin sa sarili ko ito ay lalo lang din magulo ang isip ko. Buti nang sa ngayon pa lang ay alam ko ang nararamdaman ko sayo at dahil doon ay malalaman ko rin ang dapat kung gawin...

Oo na crush kita... Masaya ka na ba?


Ikaw pa ata ang sanhi nito... Tsk!



Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

15 comments:

  1. Love letter ba ito, sana totoo para naman kami eh kiligin, lol!

    ReplyDelete
  2. More more sana! More more kilig! More more pimples! Haha

    ReplyDelete
  3. Is pimple really a sign of having a crush with someone he he ? kasi ako ang daming pimples pero zero ang lovelife he he ... post-valentine post ba ito : )

    ReplyDelete
  4. sana makarating dun sa dapat makabasa.

    ReplyDelete
  5. sino kaya ito? :) picture! picture! hehehe

    ReplyDelete
  6. assuuuussss wwwoooooooottttt!!! parang nakaka heksayted ata kapag ikaw ang naiinlove kasi baliw kana nga na normal pa ang lahat eh kumusta naman kung nababaliw ka sa isang babae! hahahahaha umayos ka!! hahahaha haayyymiiissyyooooouuuuu poging rixxyyy!!!!

    ReplyDelete
  7. nakssss!!!!!!! yan lang maikokoment ko hahahaha

    ReplyDelete
  8. Akala ko April Fool's post ito. Pagtingin ko sa date e nung linggo pa pala ito nai-post. *hehe* Anyway, I can totally relate. Ilang beses ko na naramdaman to before. *hihi* Good luck Rix. :)

    ReplyDelete
  9. basta ang masasabi ko lang, masakit tubuan ng pimple sa ilong >_<

    ReplyDelete
  10. i thought nga din na pang april fools day pero may pinanghuhugutan eh..ipa face to face mo na po siya..

    ReplyDelete
  11. mukhang in love ah.... pag may pimples sign yan na inlove na..... pansin ko lang na masaya ang bawat titik.... nadala sa emosyon ng nagsusulat.....

    may pinaghuhugutan talaga.... hehehe

    ReplyDelete
  12. Love love love :) I sense it coming

    ReplyDelete

hansaveh mo?