Thursday, April 3, 2014

Kapnayan

Check-up Time: 2:53pm







Sa totoo lang kahit hindi ko gusto ang asignatura na ito ay wala akong magagawa kailangan ko syang kunin. Sa kurso ko, kasama sa kagawaran ng agham ng panlipunan ang asignaturang ito kung kaya't napakadami ganito ang dapat kong harapin.


Pagnatapos ko ang asignaturang ito ay may 3 kapnayan pa ako na dapat tapusin. Ayos sana kung ito ay simpleng kapnayan lang baka kayanin ko pa subalit paghahaluin ang kapnayan at ang mga anatomiya kaya naman batid ko na medyo may kahirapan ito...



Kung sabagay mas ayos na ito kesa naman sa liknayan na madaming sipnayan. Ang pagkuha ng distansya, enerhiya, puwersa at kung ano ano pa ay lubhang ikababaliw ng karampot kung utak. Kung sabagay hindi ko man kabisado ang lahat ng langkaran, eh may alam namin ako sa mga simbulo nila at kahit na puro salitang pang mediko ang mga gagamitin namin, sa tingin ko ay makakahabol ako.



Hayzt, minsan nagsisisi ako dahil sa nabagot ako at naghanap ng paraan para mailigaw ang nararamdaman ko kaya nauwi ako sa muling pag-aaral. Pero sa tuwing madidiskubre ko ang mga pagbabago sa akin lalo na sa mga natututunan ko ay nananatili ang kagustuhan ko na tapusin ang nasimulan ko sa Adalandiwa.


" What I love to do during chemistry class is when the teacher is busy discussing how to create flames,  I'm busy checking out what is the result if I put your name and my name in FLAMES "





Huli na ito, ayaw ko na muna siguro ng usaping paghanga


Talasalitaan:
Kapnayan - Chemistry
Liknayan - Physics
Sipnayan - Mathematics
langkaran- Elements
Adalandiwa- Psychology
(disclaimer: ang mga talasalitaan na yan ay natutunan ko lang...)

Lelz


 Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

24 comments:

  1. he he , dagdag sa aking Filipino dictionary 'yang mga 'yan , thanks : )

    ReplyDelete
    Replies
    1. lolz. nung una din nahilo ako pero maganda din ang maging mayaman ang talasalitaan mo..

      Delete
  2. So much deep tagalog words for me to sink in. I gotta sharpen my tagalog speaking skills for me to survive when I get to intern in Manila

    ReplyDelete
    Replies
    1. nyahaha you dont need to. people in manila are so comfortable in taglish conversation :D

      Delete
  3. Kung walang talasalitaan eh skip skip reading lungs. Hindi ko ma gets! Salamat sa bagong natutunan. Papasa kaya ako kung ang mga subjects sa kolehiyo eh in Filipino?

    ReplyDelete
    Replies
    1. haha paano kung ganito ang tanong sa sipnayan:

      isa paramihin sa isa at idagdag sa parisukat ugat ng 2 sa kapangyarihan ng 2

      lolz

      Delete
    2. Mag iisip muna ako, tapos tatanungin ang sarili kung may saysay ba yung tanong, sasagot ng, hindi ko alam. Pass muna po ser!

      Delete
  4. Grabe nakakanosebleed pahingi ng towel haha pero ang sarap pakinggan ng adalandiwa. Thanks sa bago mong post kuya my natutuhan muli ako at kami. Kaya more...haha. at may usaping lovelife ayiy!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. salamat po... naku ang usaping puso ay atin na pong pabayaan :D

      Delete
  5. Buti na lang nagbigay ka ng talasalitaan sa huli :)

    Kahit pa may ideya ako kung ano yung mga binabanggit mo habang binabasa ko ito ay malaking tulong yung ginawa mong iyon hahaha :)

    Ang ganda pakinggan ng mga katumbas na tagalog ng mga subjects na iyong pinag-aaralan, pero mukhang mas magiging mahirap kung tatagalugin din ang tungkol dito lols

    Ako, bilang science major, mamahalin ko ang Kapnayan at Liknayan na yan kahit pa gaano kahirap o kadugo yan pag-aralan, basta magaling ang prof go! hehehe :)

    Gusto ko rin mag-aral ng Adalandiwa :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. nyahaha walang ano man.

      hindi naman ako makakaligtas sa mga asignaturang yan dahil sa agham na pang lipunan napapaloob ang kusro ko pero ayos na yan kaya ko yan.

      dahil sa isa ka pong guro ng agham malamang po ay kaunti na lang ang kukunin mo na asignatura...

      Delete
  6. Alam ko yung Sipnayan. Yung iba ngayon ko lang narinig. Ibinagsak ko dati ang Liknayan. Short for Lintik na 'Yan! :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. nyahaha ako ay nakikiisa sa damdamin mo dahil sa ako ay muntik na din bumagsak sa asignaturang yan :D

      Delete
  7. nakaka-nosebleed naman ang mga
    words, kelangan ko na yatang
    magpa-blood transfusion! habang
    binabasa ko pababa eh todo naman
    ako sa pag-google nung mga
    wordings, then i found out na may
    talasalitaan lang naman pala below.
    kalurqs!
    -anonymous beki

    ReplyDelete
    Replies
    1. nyahaha paumanhin po anon beki.

      May bagong palabas sa ABC5 beki boxer kayo po ba yun? biro lang ehehehehehe

      Delete
  8. Buti na lang pinaliwanag mo.:)
    Nahirapan ko umintindi sa kalaliman ng tagalog:)

    ReplyDelete
  9. wow, may katumbas pa lang tagalog words yung mga english words na yans? galing XD

    ReplyDelete
  10. un pala meaning niya.... napapisip ako kung anong subjects ang mga nabaggit.... now ko lang na gets hehehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. nyahahaha.. musta na? its been a while crocodile...

      Delete
  11. Pwede pa tutor ng tagalog? haha epistaxis alert

    ReplyDelete
    Replies
    1. nyahaha yan lang mo ang mga naalala ko sa filipino ko na assignatura..

      Delete

hansaveh mo?