Nasabi ko na po sa inyo na dati ay na teatro ako. Tama hindi ka po binabangungot sa nabasa mo... Me, myself and I ay naging member sa teatro sa sintang paaralan na tanglaw ng bayang magiliw perlas ng silanganan.
Note: Isang play lang po ako sumabak at never na sumali ulit sa isang play dahil sa madalas ako pagalitan ng direktor namin dahil panay ang adlib ko. Alam ko naman kasi ang flow at thoughts ng palitan ng linya pero di ko na babato yung tunay na linya kaya naiinis ang direktor namin. Madalas ay sa mime part na lang ako sumasali o kaya naman taong bayan na may kaunting emote emote lang. Ganun din kinarir ko na lang ang pagiging tagapamanihala ng grupo. Haba ng disclaimer lolz.
Kadalasan eh nagagawa namin ng mga barkada ko (na member din ng teatro) na umarte kapag pinagkakatuwaan namin ang iba namin kabarkada. Kaya nga minsan hindi muna sila naniniwala sa sinasabi namin unless proven an totoo ang sinasabi namin. Dahil sa sinabi ko may idea na siguro kayo kung ilang beses na namin sila na good time.
Biyernes noon, naalala ko pa maalinsangan ang panahon hindi ko alam kung ano ang meron pero mas trip ko ang matulog lang, pero may problema tiya Delly, sa mga oras na iyon ako ay nasa loob ng classroom at nagtityagang makinig sa dinidiscuss ng titser ko sa Philippine Contitution. Hindi ko gusto ang topic bored na bored ako pero kailangan ko makinig dahil notorious ang prof namin na may saltik sa kokote. Baka pagtipan ako. Hindi maari ito, hindi maari na sya lang sa sisira ng buhay ko, chenes lang.
Hindi ko na mapigilan ang sarili ko dahil nagkakaroon na ng sariling buhay ang mga mata ko, kusa na silang pumipikit. Kinalabit ko si Rose, ang barkada ko na kasama ko sa teatro. Sinenyasan ko na lumabas kami. Dahil bored na din sya ay sumama sya. Nagpunta kami sa kabilang room dahil wala naman nagka-klase doon.
"Nyemas inaantok ako, nabuburyong na ako sa tinuturo nya" sabi ko, "Ako din, nakakaantok din sya magturo eh.." sagot ni Rose.
Minabuti na lang namin magkwentuhan ng kung anek anek ng biglang may naganap.....
HOOOOYYYYY MYYYYYYYYY GEEEERRRRRDDDD!!!
This can't be!!!!!!!
Super kabog ng dibdib kez ng biglang pumasok si Meym sa room....
"Ano ang ginagawa nyo dito?" Tanong ni prof...
Shemay! hindi kami pwede na mapagalitan, I have to do something ng biglang....
Lights, Camera..............
Action!!!!!
*** Instantly in character ***
"Meyhhhmmmm, weyt lahng pohhh!" sabi kong ganyan...
"Oh bakit?" - meym
"Masakit po kasi yung tiyan ko" sagot ko sa tanong nya.
"Ha? bakit ano nangyari sayo?" concern na sagot ni meym.
" Kanina pa po sya humihilab. Pinakikiramdaman ko po sya kasi baka ma-anez po ako eh " Sagot ko sa kanya.
" Eh bakit ano ba ang kinain mo? " tanong ulit ni meym.
" Yung pong fried chicken sa canteen (kahit na spag ang kinain ko), eh hindi po yata nagkasundo yung mantika na ginamit nila saka yung sikmura ako kaya po iba ang pakiramdam ko " *insert kunyaring namimilipit sa sakit* Hanash ko sa meym.
" Bakit hindi ka pa pumunta ng clinic, bat dito pa kayo pumunta " Sagot ulit ni meym na naiirita na ako sa sobrang daming tanong.
" Eh meym inaalalayan ko sya kanina kaso sumakit bigla kaya po pinaupo ko muna dito " in character din na sagot ni Rose kay meym na sinakyan ang pabalas na ginawa ko.
" Kanina pa pala masama pakiramdam mo, sana nagsabi ka para kanina ka pa dinala sa clinic " Nagaalala na sagot ni meym.
" Sorry po meym, akala ko kasi mawawala agad " super in character ko ng sagot.
" Sige pagkaya mo na mag lakad punta ka na sa clinic " alalang tono ni meym at iniwan kami para bumalik sa klase nya.
drum rolllllllllllllllll
and the best actor in a pretending role goes to........
Nyahahaha, si Rose ang naging best supporting actress in a pretending role din. Wala kaming ginawa kundi kabahan, tumawa at magsisihan after umalis ni meym.
Dali dali kami pumunta ng clinic ay nanghingi ng diatabs para may maipakita kaming gamot at proof na nanggaling kami sa clinic. Hindi naman kami nabigo dahil naniwala si meym sa palabas ko lolz.
Tanong ng bayan saan maganda gamitin ang mantika ng Fried Chicken?
A) Langis sa buhok
B) Pang masahe
C) Mabisang alibi sa titser
#Morallesson
Kain lang ng kain ng fried chicken may maidudulot na maganda sa inyo yan lolz.
Next post na ako magku-kwento ng tungkol sa 2nd time bakasyon escapade ko sa summer capital of the Philippines at kaya yan ang BGM ko ay na kaladkad ako ng mga kasama ko sa isang acoustic bar sa Session Road at bigla ako pinaakyat sa stage para kumanta.... Yan ang kantang kinanta ko, nasira ko tuloy ang gabi ng mga taong nandun dahil nanakit ang mga tenga nila lolz.
Next post na ako magku-kwento ng tungkol sa 2nd time bakasyon escapade ko sa summer capital of the Philippines at kaya yan ang BGM ko ay na kaladkad ako ng mga kasama ko sa isang acoustic bar sa Session Road at bigla ako pinaakyat sa stage para kumanta.... Yan ang kantang kinanta ko, nasira ko tuloy ang gabi ng mga taong nandun dahil nanakit ang mga tenga nila lolz.
Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!