Quick update lang sa akin habang wala pa ako mapiga sa creative juices ko lolz.
- Kaninang umaga nalaman ko na ang prof ko sa kapnayan (chemistry) ay ang naging prof ko sa earth science. Nakaramdam ako ng kapanatayan... Wow lalim lang lolz.
- Wala pa rin update sa subject na pinitisyon namin. Kung sana maaapprove yun 2 na lang ang hahabulin ko at regular na akong student.
- Hindi pa man eh nastress na ako nung nalaman ko kung sino ang prof namin sa inorganic, organic at bio chemistry. Unfortunately prof na wala kaming matututunan. Kilala sya sa bansag na yan dahil sa ito ang prof na sya lang ang nakakaintindi sa explanation nya at wala sa diniscuss nya ang exam... Astig noh? sana pinanganak ako na may kakayahan sa panghuhula para mapredict ko na lang kung ano sagot sa mga tanong nya.
- Naisip ko na dapat na ulit ako mag healthy living kembot. Kaya naman after ko magkape ay naghanap ako ng lemon para gawing lemon water. Sinasabi nila ang ang lemon water daw ay nakakatulong magpapayat dahil sa mataas ang acid content nito ay napipigilan ng katawan an magabsorb ng too much sugar. Idagdag mo pa nakakatulog sya na mas magabsorb ang katawan ng calcium na magagamit ng katawan para iburn ang fats sa katawan... Haba ng part na ito lolz
- Mapapalaban ako sa week na ito sa opisina. Ngayon pa lang na restday ko madami na nagaganap na sakit ng ulo.
- ok lang kung medyo magulo sa office ang iniisip ko na lang ay ang lakad namin sa Friday! can't wait to go back to the place na pinuntahan ko din last summer. This time tour guide na ako lolz.
- Kaya ko nagawa ng short post na ito ay dahil sa nainspired ako kay Jep ng Korta Bistang Tibobos, Edgar ng Edgar Portalan's Daily BITES, Melanie ng Todo sa Bongga at Mommy Joy ng Joy's Notepad. Napakasipag nila mag update ng blog nila almost everyday ay may mga update sila. Eh nainggit ako so ito gumawa din ako ng pucho pucho na update lolz.
- Para po doon sa hindi ko pa po friend sa FB na nagtatanong kung ano ag itsura ng buhok ko ngayon ito po sya, Kasama ko si Erin (na ka-work ko). Mukha lang kaming mga batang aplaya sa kulay ng buhok namin lolz.
O yan lang muna. baka makagawa na ako ng seryosong post next time galing sa bakasyon at mapapa"#BoomPanes" ako lolz. Pero syempre uunti-untin ko na hindi isang bagsak para naman may thrill lolz.
Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!
I agree with lemon infused water:) sabi rin nila the normal water in lemon turns into Alkaline water:)
ReplyDeletenyahaha cheers to healthy living..
DeleteTrue :) I like to stock a lot of "Detox" water since it cleanses my body and at the same time aids in weight loss :)
ReplyDeletetama, cleanse lang talaga ang habol ko dito.... lolz ang sinungaling ko lang..
DeleteSyempre kasama na yung pagpayat ahaha.
Bakit nga kaya may mga prof na hindi naman lumalabas sa exam ang mga itinuro nila? Amnesia? hehehe, oh baka naman ni-recycle lang yung test nya, yung tipong last academic year pa yun at tinamad siyang gumawa ng bago kaya yun na lang ulit lols :)
ReplyDeletenasasabik na rin akong mag-aral ulit, gusto ko na ulit matuto :)
may dulot din palang inspirasyon ang pagku-kwento ng kung ano-ano sa blog lols salamat! :)
...at ang astig naman pala ng kulay ng buhok mo! Sa mapuputing tulad mo bagay, sa tulad namin ibang bagay na yun hahaha.
Nakakabadtrip kaya yun.
DeleteMagmamasteral ka na ba sir Jep?
Nyahaha ang ingetero ko lang.
Lolz sabi nga ng kapatid ko super saiyans daw ako ahaha.
Naks naman! Naextra ako:)
ReplyDeleteBagay sa yo buhok mo.
Anyways, good luck sa lahat ng pinagkaabalahan mo:)
Tenchu mommy ahaha.
DeleteNaks at special mention pa ang blog , daily kasi ang peg ko kaya kahit anu ano na lang ang mai-post, gusto ko na nga palitan ito ng weekly o kaya monthly he he he ...
ReplyDeleteIn fairness , bagay naman ang new hair color , one of this days ay magpapakulay din ako , dahil halata na ang mga gray hair ss aking bumbunan : )
haha pede naman. Uu nga naman daily bites kasi ang sabi mo eh lolz.
DeleteI felt sad nung nabasa ko yung tungkol msa chem prof mo. anyway, I enjoyed Organic Chem back in college days. ~BSChem here LOL
ReplyDeletehayzt ikaw na lang mag turo lolz. tapos ipasa mo na ako agad nyahahaha.
Deletegusto ko ring pakulay ng buhok! pag humaba na siguro ulit at kapag yumaman na ako. haha
ReplyDeletenakakainis ang mga prof na epal magpaexam! haha
anyway good luck sa chem prof mo. ipagdasal mo na lang siya. lol
Nyahaha trip lang naman yung pagkukulay ng hair ko lolz.
DeleteHay naku sinabi mo...
I love the color of your hair.... Looks good on you.... ☺️
ReplyDeleteThanks po ☺ ehehe
Delete