Friday, April 18, 2014

Ganaps

Check-up Time: 7:75pm

- Kasama namin ngayon sa bahay ang kapatid ko na madre. Kung wala akong pasok or pang umaga ang pasok ko, tuwing hapon nasa church kami.


- Sobrang hirap maghanap ng masasakyan ngayon dahil sa sobrang daming group na magkakasama magbyahe papuntang Pansol at Puerto Galera.


- Nakakainggit man ang mga nagpupunta sa mga resorts eh wala naman ako magagawa hindi ako pwede sumama sa mga ganap dahil sa hindi ako pwede makipag-shift swap. Kahit bet ko na sumama sa mga ganap ng mga friends ko.


- Dahil sa hindi ako makapag shift swap this week sana ay may nakahandang ganap ang iba kong mga kaibigan.


- Medyo windang kami ngayon dahil bukod sa malilipat nanaman kami sa panggabi eh magkakahiwa-hiwalay na kaming magkaka-team. Problema naman ang lakad namin Baler next month.


- Nag-agent level up na ako. Pero hindi ako dun natuwa. Ang ikinatuwa ko ay kahit na panget ang naging quality ng score card ko eh na-manage ko pa rin na magkaroon ng mataas na grade.


- Bakit ba kung kelan gustong gusto ko na mag move up hindi ko magawa, pero nung hindi ko sya iniisip doon ko naman nagawa na mag move up. Salamat ka kaakibat na benipisyo, mabibili ko na ang gusto ko bilhin.


- Dahil nawalan ng supply ng tubig ang ibang lugar sa Makati nakitulog ang mga kawork ko sa bahay kagabi. Iba talaga nagagawa ng mga walang magawa, kinulayan nila ang buhok ko.


- Nagkakagulo ang mga team sa program namin dahil sa easter egg hunt. Ang may pinakamadaming egg na na collect at may pinaka mababang absentism rate ay magkakaroon ng team building fund. Sabi namin may tig-2 egg kami brown ang color pag-kinamot nagiging red. Charot lang!




(Credits to the owner of the pix)




Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

12 comments:

  1. Ganaps talaga, plural? Ok alam ko na kung saan ka pupunta. Tama yan, give yourself a break, every week, lol! Have a blessed week!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Dami kasi nangyari this week sabay sabay yan kaya roller coaster of emotion and week na ito for me.

      Thanks you as well Jonathan..

      Delete
  2. Cool ka lang rix. Everything happens for a reason and in the right season:)
    Wow! Tama ba yong english na yon? Lol

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yep at buti na lang po mommy Joy dumadating ang mga blessing sa mga least expected na pagkakataon ehehe

      Delete
  3. Ang daming ganaps nga Rixs hehehes! hahahaha.

    Have a meaningful lent observance!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yes you as well daddy Jay. Regards sa wifey nyo at kay baby Caleb

      Delete
  4. Ahaha, ang daming ngang ganaps sayo kahit Holy Week :D

    Kamusta naman daw ang bagong hairdo ahaha!

    Naks, congrats! promoted sa work!

    ReplyDelete
    Replies
    1. nyahaha muka akong batang aplaya lolz :D

      sabi daw kapag nakita ko na ang papel maniniwala na ako lolz.

      Delete
  5. Ano na ang kulay ng buhok mo ngayon? :)
    Parang ang saya naman ng mga activities sa inyong work, and congrats dahil nag-level up ka na!

    ReplyDelete
    Replies
    1. copper faded brown daw lolz.

      Naku sana nga makita ko na ang papel na pipirmahan ko lolz.

      Delete
  6. Andaming nangyari!!! At congrats kasi may mga magandang naganaps pa rin hehehhe! Let me see the hair!!!

    ReplyDelete

hansaveh mo?