Monday, April 7, 2014

Baliw Saga- Episode 4: ROTC

Check-up Time: 4:00pm

ROTC ang isa sa mga academic achachuchu ng mga universities, colleges, institutes, and kung ano ano pang mga hanash ng schools na lubhang eeffortan mo ng very harsh. Bakit ba nasabi ko yun?

Oo isang beses kada isang linggo lang nga sya pero halos whole day ka naman sa school at kapag minalas ka pa bilad sa araw...

Pero hindi ko naman dapat ireklamo ng very harsh ito, why? Kasi po ang inyong chubbing lingkod ay isang Medic.... Yep, tama po kayo ng pagkakabasa, medic ako nyahahaha. utang ng loob wag nyo na ako tanunging ng first aid dahil wala na akong alam dyan.





Ngunit, subalit, pero, datapwat hindi kami na iiba sa mga regular na mga kadete dahil may sarili kami formation kung saan ay napagtitripan kami ng mga officers... Hindi naman maiiwasan ito pero likas na daw yata ang kapal ng apog ko (sabi ng dalawa kong ka-close na medic) dahil ako na daw ang pinaparusaham, kinakaldagan ng bull cap, at binibigyan ng express blow (sinisikmurahan... baka iba maisip nyo ahaha) eh nakukuha ko pa daw tumawa... Minsan eh tinanong na nila ako kung bakit ko ginagawa yun, ang sagot ko lang ay....

" Thank you for a very challenging question, this question will enhance my creative and logical thinking and will help me improve my social awareness and can contribute to my existence...

Sa totoo lang, wala na ako magagawa, alangang iyakan ko sya eh nagawa na eh di sa halip.. tawanan mo na lang sya. Naniniwala ako na ang buhay ay parang isang teleserye, ang mga bida ay laging pinahihirapan ng mga kontrabida pero sa bandang huli ikaw ay babangon at dudurugin mo sila isa isa....

Hay tenchu!!! "

Lolz, ang sagot ko lang talaga ay "Sa totoo lang wala na ako magagawa, alangang iyakan ko sya eh nagawa na eh di sa halip tawanan mo na lang sya."

Kahit na mahirap ang ROTC I took it so light para naman hindi ko maisip na nasasayang ang oras ko sa kanya at napapagod ako lolz. Take note naging sarhento pa ako at disiplinary officer pa ng lower batch nung nag 2nd year kami... Ironic isn't it?

Pero hindi tungkol dyan ang hanash ko.... haba ng intro ko akala mo naman kikita ako ahahahaha. So ito na nga ang kwento ko. Ito ay tungkol sa Field Training Exercise namin. Sa aming sintang paaralan, tuwing taon ay nagaganap ang FTX ng mga kadete sa Santa Maria, Bulacan. Naalala ko magtatanghaling tapat na kami nakarating sa camp noon. Lahat ng mga nauna sa amin ay nakapag set up na ng tent. Kami ng mga kasama ko, ahaha hindi namin inefortant ang tent namin, eme emeng tent lang sya pero ang laki ng kinalabasan ng tent namin na kasya ang walo. O di ba?

Pagkatapos namin magtanghalian ay pinagform kaming lahat para pumunta sa site kung saan ay nagco-conduct ng survival keme ang mga ranger doon. Hagardo verzosa ang pagpunta sa location dahil sa 45 minutes kaming nag lakad papunta. Pagod-a tragedy na ako nung dumating kami doon at windang ako/kaming mga medic ng dumating kami. Ilan na ang casualty at kailangan ng first aid keme dahil sa slide for life. Ang slide for life ay yung magpapadulas ang mga kadete sa isang lubid tapos nakakapit sila sa kahoy na korteng V (bahala na kayo mag imagine. Tapos ang distance nya is nasa 1/4 na bahagi ng bundok at ang babagsakan mo ay ilog. Hindi maiiwasan may mga nageengot at di nila pinipigilan ang pagdausdos nila kaya ang ending sumasalpok ang peg nila sa bato kung saan nakatali ang lubid na pagpapadulasan nila.

Nagtatanong na nga ako kung may nagkaamnesia na pero ang tibay ng mga bungo nila at malapot ang cerebral fluid ng mga utak nila hehehe.

Habang nilalagyan ng betadine ang mga pumutok na noo ng mga kadete ay tinignan ko kung ano ang sunod nilang gagawin. After ng slide for life ay tatawid sila sa kabilang bahagi ng ilog at tanging lubid lang ang kakapitan nila after noon ay aakyat muli sila sa kabilang bahagi ng bundok para naman magrapel pababa saka ka lang padadaanin sa mababaw na potion ng ilog patawid kung saan ka nagstart.

Pang apat na pasyente na ang nilalapatan namin ng pers eyd ng biglang sumigaw ang executive officer....













" walang kakain hangga't walang nahuhuling isa!! "











Keme lang ito talaga ang sinabi nya....

" Walang babalik ng kampo ng tuyo, dapat lahat ay basa "


















Nagkatinginana kami ng mga pwensheps kong medic... "So ibig sabihin lulusong tayo sa ilog?"

NOOOOOOOOOOOO!!!! sabi ko ahaha. " Nakasuot tayo ng combat shoes ng buong maghapon at ang layo ng nilakad natin, kung mag mistulang new year dito pag nagputukan ang ugat natin sa paa dahil sa pasma? " Sabi ko sa kanila! "Chrew!! di ko din gusto lumusong!!! its a no no!" sagot ng isa pang pwensheps na medic...

After namin gamutin ang mga casualty, run the world kami para magtago at maghanap ng bote ng mineral water... May naisip ako schupid na idea.... Nilagyan ko ng tubig ang bote at binuhos ko sa katawan ko..... Di effective halatang sinadya so sabi ko na lang magtatago kami. Yep ako ang promotor nito ahahaha....

Heto na nag-form na ang mga kadete para magsimula na maglakad pabalik ng camp... nakayuko kaming naglalakd palayo sa mga officer ng biglang!!!!

BULAGA!!!!

Sakto na naglalakad ang isang office papunta sa direksyon namin para icheck kung may naiwan pa sa kabilang side....

Awtsu! what will us do?








"Bat hindi kayo basa?"















Tanong ni officer...

" Sir, kasi po kami po yung naging incharge sa pag bibigay ng pers eyd sa mga casualty kaya hindi na kami nakapag participate sa activity "

Ako na ang sumagot dahil sa ako naman ang promotor nito... Oh di ba? ownership? lolz.

"Sige para patas, pumunta kayo sa ilog kailangan basa ang tuhod nyo "
















Yan ang order sa amin...

Ako ang nauna na pumunta sa ilog.... Bayani lang ang peg? Purke ako ang pasimuno.

Nagulat ang lahat! napatigil ang hiniga, nanlaki ang mata ng mga nakatingin sa akin... nyarots lang... Pero ipinagtaka ng mga kadete nun kung bakit ako naupo ng paluhod sa tabing ilog.

Isinawsaw ko ang aking mga kamay sa ilog... Akala nila ay nagdadasal ako pero nagulat sila ng sumalok ako ng tubig sa palad ko at ibinuhos ang tubig na nasalok ko sa tuhod ko...

Lumapit ako kay Sir...

" Sir basa na po ang tuhod ko, pwede na po ba kami mag-join sa formation? " ang sobrang inosente kong tanong... Pinipigilan ng mga pwensheps kong medic ang tumawa...

" LUMUSONG KYO HINDI BASAIN LANG ANG TUHOD, LAKAD "

Harsh na sigaw sa akin ni Sir...

Tumakbo na ako at sumunod na ang mga pwenshep para lumusong sa ilog... Wala kaming choice baka isabit kami ng patiwarik sa slide for life kung di namin sya gagawin nyahahaha...







#Morallesson:
iwasan ang magbigay ng first aid, masama ang nagiging epekto sa pag iisip.









Yaman lang naman din ay binabalikan ko ang mga kabaliwan kong alaala eh sasagarin ko na din sa kanta. Nagbbrowse ako ng aking playlist ng makita ko ang kantang Thinking of you ng Magic touch. Isang Pinoy band at ang kanta nilang ito ang pinakagusto ko.

Ang kantang ito ay madalas ipagtugtog sa radyo noong last part ng 90's. Noong sumikat ito madalas ko itong pakinggan lalo noong badtrip ako. Ibang ang melody nito gumagaan ang pakiramdam ko at ganun pa din ngayon.







(Credits sa may ari ng pics)


Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!! 

18 comments:

  1. di ko na-experience yang ROTC na yan, pero ang dami kong naririnig na mga kwento, at isa sa masasaya at parang isang malupit na adventure ang sa iyo! :)

    yung ibang mga kwentong naririnig ko kasi puro kahalayan lols hahaha
    este puro mga kahirapan pala at mga salaulang bagay hehehehe

    akala ko totoong binanggit ng officer niyo yung linya sa Muro-Ami :)
    parang ang 'cool' kapag may ganung bumabanat na officer :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. nyahaha sir jepoy alam ko na kasi na medyo masakit sa bangs ito pero wala naman ako magagawa nasa curriculum ko sya eh so imbes na magngangawa ako eh hanap na lang ng way to enjoy it in the most wierd way nyahaha.

      kaya daw pinagagawa ang mga pagsasalaula ay para daw tumibay ang sikmura ng kadete at hindi maarte lolz. ito ang epekto naging salaula na din ako lolz.

      Charot lang po yun mga seryoso ang officer, once in a new moon lang kung magbiro...

      Delete
  2. Di ko tinuloy ang rotc ng second sem. Malaking kalokohan yang rotc na yan.

    ReplyDelete
    Replies
    1. nyahaha bakit naman ano po ba ang karanasang ROTC sir? share :D

      Delete
  3. kayo unang padadala pag naubusan ng sundalo pag may gyera.

    ReplyDelete
    Replies
    1. totoo ahaha, may badge number na nga ako doon eh ahaha.

      Delete
  4. Ang naalala ko dati sa ating sintang paaralan (PUP) ung mga beki ang taga tinda ng fish crackers, hopia at softdrinks tuwing break time XD

    Diba San Miguel, Bulacan yung pinupuntahan ng mga peyupians na kadete at officers tuwing may camping keme? ahahaha. Yung sa kampo ng mga Scout Rangers. Ang naalala ko jan dati, nananakot pa yung mga sundalo dun kase nga dun sa labas malapit ng kampo may sementeryo amp lol Remember ko din yang slide for life thingy na yan. Super kabog dibdib ko jan dati ahahaha.

    May naalala din ako na nagpapanggap ako kunwari masama ang pakiramdam para di makapag physical training exercise. Tapos may lalapit sakin na medic and then mega palusot nako nyahahaha. Pero ang totoo tinatamad lng talaga akong mag-exercise nyahaha!

    ReplyDelete
    Replies
    1. nayyyyyyyyyy malingering ka lolz..

      Ako kaya taga dampot ng mga nagmamalinger na nga kadete lolz.

      Delete
  5. gustong gusto ko mag ROTC noon dahil sa uniform. Navy. astig kasi. pero pag may field exercise na naku sumpa talaga. Masikip na top. masikip na pants. tapos kung mapag jumping jack at push up at kung anu-ano pa eh sobra. tapos pag dugyot ka na eh demerit. Pambihira.

    Buti na lang may choices na ang mga kabataan ngayon pagdating dito.

    ReplyDelete
    Replies
    1. nyahaha tama puro na lang demerit puro na lang push up puro na lang kaldag.

      Kaya nga ginawa ko na lang very light ang ROTC ayaw ko kasi mas lalo mainis.

      Delete
  6. Iba ka talaga Rix dahil pinahirapan mo ako sa pagbabasa. Filipino ba ito? Hindi ko gusto ang ROTC, laking pagtatapon ng oras kada linggo. Kung may nababayaran lang, ha,ha,ha.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ay totoo kung nababayaran nga lang sya. Di sana di na ako dumanas ng ilang kaldag hihih

      Delete
  7. Buti nalang at naging girlash ako haha

    ReplyDelete
    Replies
    1. may mga girl na nageenroll sa ROTC pinahihirapan nila ang buhay nila...

      Delete
  8. Buti na lang din girl ako. Hi hi. Anyway, dami mong memorable moments:)

    ReplyDelete
    Replies
    1. yep I have lahat puro may kalokohan ahahaha.

      Delete
  9. hindi hindi na ko pupunta sa pers eid team...lam ko na kung ano iiwasan salamat hahahaha! pero sorry natawa ako sa soundtrip mo ayos po!(parang may pinagdadaanan talaga)

    ReplyDelete

hansaveh mo?