Saturday, April 12, 2014

Emo lang

Check-up Time: 9:30pm

Mahal kong Kaibigan,

Kamusta ka na? Wala akong balita sayo.

Ang huling balita ko sayo ay magiging abala ka pero hindi ko inakala ang ang pagiging abala mo ay sukdulan upang hindi ko na malaman kung ano na ang kalagayan mo.

Bago ka magpaalam na magiging abala ka, naaalala ko na sobrang sayo mo dahil sa wakas ay makukuha mo na ang bagay na hinahangad mo. Kahit na hindi ko sinabi ng derecho sayo ay hiniling ko na sana ay magtagumpay ka sa gagawin mo.

Kamusta ka na nga ba? Madalas ay wala ka kapag magkakasama ang tropa. Ikaw lagi ang wala. Ilang beses na kaming nagkasayahan, kumain sa labas, nagkape habang nag papalitan ng mga kwento sa mga nangyayari sa buhay naman. Alam mo ba na madalas ay nagpapasobra kami ng silya dahil nagbabaka sakali kami na baka dumating ka?

Nasabik ako na muli kang makasama at muli kang makakulitan. Nasabik ako na marinig ulit ang boses mo na magkwento sa amin ng iyong nakakatawang karanasan. Nasabik ako na asarin  ka at asarin mo ako pero walang pikunan. Nasabik kami sayo.....

Sobrang nasabik ako sayo.


 
Sana makita ka na ulit namin.


 
Sana makita na ulit kita.


 
Sana...






Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

16 comments:

  1. Talking of a certain person or a bottle of wine? :)

    ReplyDelete
  2. Sabihin na lang kasi ng direct, Hoy miss na kita, at wag nang magpaligoy ligoy pa, lol! Marami rin akong namimiss, hindi nga lang bote o tao, ha,ha,ha.

    ReplyDelete
    Replies
    1. eeee basta dapat ganyan muna ang peg ko para naman may drama lolz

      Delete
    2. Parang pelikula, sino naman ang mga main characters? Ako ang kontrabida, lol!

      Delete
    3. supporting lang ako ayaw ko ng lead role lolz

      Delete
  3. ninamnam ko muna ung background music bago pindutin ung publish button ehehe!

    haayyy naku, namiss mo lng tomoma eh. mahal na araw ngayon, next week mo na gawin yan *evil grin*

    ReplyDelete
    Replies
    1. nyahah hindi naman talaga pwede baka magpray over si ate pag nakita kami na nagse-session lolz

      Delete
  4. awwww. sabihin mo na kasi na namimiss mo siya! hehe

    ReplyDelete
  5. hmmm... sino yan? hehe

    http://www.lavinajampit.blogspot.com

    ReplyDelete
    Replies
    1. ehehehe. salamat po sa pagbisita.

      Delete

hansaveh mo?