Sunday, June 29, 2014

random lang

Check-up Time: 12:01pm


Hello mga guys!!!!!

Alam ko namiss nyo ako.... umamin kayo? Charot lang lolz


Juice colored ha! nag-attitude nang very hard ang blogspot early last week. Akala ko sinumpong lang sandali pero na-comatose sya for days. Ang only means to blog hop ay isa-isahin at mano-mano ang pag-check ng mga fina-follow mo kung may updated post. Sakit lang sa gums... Gums talaga ang sumakit? eh yun po kasi ang naisip ko nyorots! Pero teka, i-ilan lang naman ang nagbabasa ng page ko so hindi ko kelangan mag-effort masyado. Sharowts lang po!


Dahil sa napaka gala kong tao at mahilig kumain eh na-encourage ako ng mga ka-work ko na gumawa na ng isa pang page. Gumawa daw ako ng travel at food blog. Sa kanila pa talaga nang galing ang idea samantalang ako itong nagba-blog lolz.


Naisip ko kung kaya ko panindigan ang isa pang page dahil nga sa dalawa na ang mina-manage kong blog yung isa nga eh minsan ko lang ma-update.

Maestro Sinto-Sintonado - I-follow nyo na kung trip nyo lang naman lolz. 

Pero nagwagi sila lolz nakagawa ako ng pag ko ng walang kaabog-abog. Wala pang laman ang page na yun kundi invitation to follow my misadventures sa mga places at mga food na madi-discover ko. And since it's about discovery of the places and food that I experience ang pangalan ng page na yun ay "The Rixcovery".

The Rixcovery - follow nyo na din baka lang ulit trip nyo ahahaha


As usual fusion nanaman ito ng pangalan to at nang word na discovery. Ang gusto ko kasi is parang may personal touch ang mga nadi-discover ko lugar at pagkain, arte much lang lolz. Hindi na nadala sa mga fusion ng mga pangalan lahat na lang ahaha. Bala mag throwback at flash back post ako ng mga past travel ko doon. Pero this time medyo seryoso ang post doon dito lang ako nagiging possess ahaha.

O ayan mega promote ako ng page. Sa totoo lang kasi tinago ko sa ibang followers nga page na ito ang music blog ko (ayaw ko kasi makita nila ang vid blog ko lolz). Pero kung matyaga naman sila na magcheck ng profile makikita naman nila yun lolz.


O sya, sa ngayon ay tinatamad ako kumilos sabi ko pa naman ay pupunta ako sa championship game ng basket ball team ng account namin. Gusto ko kasi ma-achieve ang one month dress down pass dahil tag-ulan na pero dahil sa mas gusto ng mga taba ko sa katawan na maging stagnant lang eh mag-da-dragon nest na lang ako o kaya mag ra-ragnarok lolz.

Nadagdagan ang bilang ng tao na sumusubaybay sa walang sustansya, walang kapararakan at walang kakwenta kwentang pahina ko pero hindi ko malaman kung sino... Patawad po kung sino po sila! nais ko sanang pasalamatan ka ng buong puso, atay, balunbalunan, intestine, lungs, at kung ano ano pang internal organs in a very psychorix way kaso lang po hindi ko malaman kung sino po ikaw kaya patawad gayun pa man ako ay labis labis na nagpapasalamat sayo... Sana mag message ka sa post na ito. Tenchu much!


Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

16 comments:

  1. Hangtaray ng bago mong blog, very interesting ang title. Pero please wag mo namang itodo sa pagka-serious yang Rixcovery dahil knowables mo naman na ang pagiging masayahin mo ang rasones kung bakit ka namin like ng mga readers mo.

    ReplyDelete
    Replies
    1. ang hirap lagyan ng humor ang Rixcovery pero sige wag ka magalala Anon Beks gagawan ko ng paraan yan ehehehe.

      Delete
  2. Congratulation with your new blog and good luck:)

    ReplyDelete
  3. Followed your new blog hihihi XD

    ReplyDelete
  4. taray , taklo ang blog he he ... baka mahirapan ka i-manage yan : )

    ReplyDelete
  5. kay mam charo yung Juice colored hahaha...
    ikaw na ang madaming blog account...

    ReplyDelete
  6. taray may bagong blogs! palakpakan. hehe

    ReplyDelete
  7. Mahilig din tumingin sa food & travelogue kahit hangang tingin lang.. siguradong aabangan ko rin ang food & trip mo..

    ReplyDelete
  8. sana mas puntahan mo yung mga di sikat pero masarap at mura lang ang pagkain... ika nga nila dapat patok sa masa!!

    ReplyDelete
  9. Congrats sa iyong bagong blog kaibigan. Ayos! Aabangan ang mga madidiskubre mong mga bago

    ReplyDelete

hansaveh mo?