Thursday, December 31, 2015

Apey nu nyer!

Check-up Time: 4:00 am

Yes isang taon nanaman ang lumipas tulad ng marami sa gutom ko at ngayon ay haharapin naman natin ang panibagong taon...

May mga planner na ba kayo kahit na wala naman kayong plano sa buhay? Charot lang!

Para maiba naman ano nga ba ang mga hindi ko nagustohan at nagustohan ko ngayong taon?

Well! Well! Well! ito ang Pasok sa banga at mga lumuwa sa bangang pangyayari sa akin this year. Uumpisahan ko na ang mga luwa sa banga..


1) Haggard ang June til December kong sched sa totoo lang ito ang major challenge ko dahil sa back to back thesis ko at mga demanding na prof. Idagdag mo pa ang OJT na matakaw din sa oras. Ngunit, subalit, datapwat parang di naman daw ako mukang haggard. May nagtanong pa nga kung ano daw ginagawa ko. Ang sagot ko... "Prayers lang po!" charot lang!

2) Dahil sa busy sched ko ito din ang naging dahilan ng pagbigat ng timbang ko. Haizt! frustration ko pa rin magkaroon ng ganitong katawan...




























Charot lang! hahaha. Pero kers lang yan. At least kahit wala akong pera muka pa rin akong may pambili ng pagkain ahaha.

3) I really hate APEC summit yan ang naging isa sa naging dahilan ng pagdudusa ko pumasok sa trabaho dahil sa nagmistulang malaking parking lot ang mga kalsada. Wala akong makitang bright part dyan.

4) Simula ng linsyak na APEC summit na yan ay nag dere-derecho na ang traffic sa letsugas na Magallanes area sa Makati. Wala tuloy ako choice kundi sumakay ng PNR araw araw at makipag body slam-an sa mga construction worker. Minsan iniisip ko na kailangan ko ng deodorant kesa pabango dahil paglabas ko ng PNR pakiramdam ko amoy kilikili ako.

5) Dahil sa linsyak pa din na APEC summit na yan nawala sa akin ang cellphone ko. Ang pinanghihinayangan ko ay ang mga picture sa memory card ko. 4 na taong memories din yun. Haizt! *bagsak balikat*. Hudyat na din ata ito to start a new life... Sige pa Rix artehan mo pa yan! lolz

6) Nagbago ng scheme ang payday sa amin at ganun din ang pagbibigay ng bonus. Ok ang scheme ng sahod eh kahit papaano naka-adjust ako pero yung scheme ng bonus potek! ang hirap. Isang beses pa lang ako nakakakuha. Pero ayos na rin. Iniisip ko na lang na ok lang na walang bonus kesa naman sa walang sahod.

7) Naiiyak ako sa hirap ng OJT ko bilang 3 ang setting na kailangan namin pasukan. Isa sa guidance office, isa sa HR at isa sa clinical institution. Susko ang hirap magipon ng mga requirements at mga documents na kailangan para ipasa idagdag mo pa ang sobrang demanding na prof.

8) May mga dadating talaga sa buhay ng isang tao at may mga mawawala. Hindi mo man kayang manatili ang lahat pero isa itong paalala na dapat ay lagi kang handa sa mga ganitong pagkakataon.

So ayun na nga. Matapos ng mga luwa sa banga eh dumako naman tayo sa mga pasok na pasok sa banga.

1) Unang beses ko mabigyan ng imbetasyon para sa taonang outing para sa mga pinakamagagaling na ahente sa kanya kanya nilang programa sa kumpanya namin. Nakakatuwa dahil hindi ko inaasahan ito at nakaka-proud dahil masasabi ko na sa wakas nagbunga din ang mga effort ko.


2) Enjoy ako sa first ever 5 days 3 provinces (Dumaguette, Siquijot at Cebu) travel adventure ko nung summer. Gagawin ko ulit ito


3) Naranasan ko din maging regular na student kahit isang sem lang. 2 subject na lang ang tinatapos ko magkakadiploma na ulit ako. Sa wakas!

4) Nakasama ako sa video clip ng krispy kreme nakakatawa dahil halos buong floor namin eh panay ang tanong sa akin tungkol sa clip na yun. Sana man lang binigyan ako ng Krispy Kreme ng isang taong supply ng donut. Charoz!



5) Sakauna unahang pagkakataon eh naranasan ko na bigyan ng award sa opisina. Kahit ang saya na makatanggap ka ng plaque of appreciation pero mas kailangan ko talaga ng cash. Choz lang!


6) Naulit ang out of town namin ng family ko. After ng birthday ko ay nagpunta kami ng Baguio. Kung nung una ako lang mag-isa ang pumunta ng dun at nung pangalawa ay mga katrabaho ngayon ay pamilya ko naman ang kasama ko. Sa sunod kaya lovelife ko na ang kasama? hmmm


7) Naranasan ko na kalabanin ang takot ko sa matataas na lugar nung nagpunta kami ng Siquijor. Unang beses ko gawin ang mag cliff dive at kahit natatakot ako ay nagawa ko na ma conquer ang fear ko sa hieghts

Inuulit ko ulit pasensya sa salbabida sa loob ko sya sinuot hahahaha

8) Kahit paano ay natutuwa ako sa takbo ng karera ko dahil sa kahit na may trabaho ako ay nagagawa kong hindi bumagsak sa mga subject ko sa pag-aaral ko. Bagay na lagi ko naman pinagdadasal

9) Nakasama namin si Diko ng ilang buwan at dahil sa bahay sya naglagi nung mga panahon na wala sya sa UAE kasama namin ang pamangkin ko at asawa nya. Nakakatuwa dahil marunong na sya maglakad at madaldal na. Kailangan ko pilitin maka punta ng Iloilo next year para makabonding ang pamangkin ko.


10) Masaya ang puso ko. Period!



Kahit paano marami pa ding masayang bagay na nangyari sa akin ngayon taon kesa sa hindi maganda na dapat ko pa rin ipagpasalamat. Kung datirati madalas ko sabihin na bahala na kung ano ang mangyayari sa susunod na taon, ngayon ay excited ako sa mga darating, adventure, blessing at mga supresa sa darating na taon. Sana puno ng swerte ang susunod na taon para sa atin.



Maaga na akong babati sa inyo ng.......



















Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

Monday, December 21, 2015

Faster, Faster!!!!

Check-up Time: 10:00am

Hello!!!

It's me. Its so typical of me to talk about myself I'm sorry.

Welcome back kay Ate Adele. Lahat na ata ng nagmemessage sa akin ng hello ay kinakantahan ko ng latest nyang song.

I soooooooooooooo misss my page. Kumusta naman kayo mga blogero at blogera? Pasensya tagal na tenga pero let me make a short run kung ano at bakit tahimik ng pahina ko.


APEC Summit

- Hate na hate ko ang event na ito dahil sa ilang oras lang ang naitutulog ko dahil sa sobrang traffic. Dahil din dito ay nawala ko ang cellphone ko na binili ko kay Kalansay Collector

OJT

- Akala ko eh kaya ko lang laru-laruin ito pero hindi. Hindi ako nagwagi sa balak ko. Ako pa nga ang lumabas na luhaan dahil sa mas maunti pa ang tulog na nakukuha ko. Kinabahan tuloy ako sa research na nabasa ko na people who always have less than 6 hours of sleep dies younger. Susko paano na lang ako?


Outreach

- Yes, I did it! akala ko hindi ko na magagawa na bigyan ng oras ito pero dahil sa kagustuhan na din ni Lord na makapagbigay ako ng kaligayahan sa institution kung saan ako madalas na volunteer eh nagkaroon naman ito ng katuparan. Sa pangalawang pagkakataon sa tulong ng mga katrabaho ko kay naging successful naman ang inorganize namin na outreach.


Social Climbing Activity

- I'm so happy dahil nakuha ko na ang ticket ko para sa play ng Les Miserables. Kailangan ko ng maghanda para sa social climbing activity na ito.



Simbang Gabi

- Nalulungkot ako dahil may 3 absent na ako sa simbang gabi gawa ng bad weather. Pero ayos lang yun naniniwala ako na kapag hindi mo nagawa na perpekto ang isang bagay may opportunity ka pa rin na bumawi. Dahil dyan next year kailangan pilitin ko na matapos ang Simbang Gabi.

Prepared

- Prepared na ako sa pasko. Kayo ba?


Isang walang kwenta ang post na ito pero sa susunod kong post I will try my best to make it as juicy as before.

Magiging maaga ang pagbati ko sa inyo ng....


Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

Sunday, November 1, 2015

mabilisan

Check-up Time: 9:14pm

Sa mga taong nag-i-isip ng Haloween costume susko sabihin mo ang tanging costume na maisusuot mo ay "COMMITMENT" tutal madami ang taong takot sa commitment.

Sa mga taong naging single na, puntahan mo ang Ex mo, sabihin mo sabay nyo dalawin ang NAMATAY NYONG PAG-IBIG.

Walang kakwenta kwenta ang post ko ngayong haloween dahil sa sinasabaw ako lolz Hanggang ngayon naka-bakasyon mode pa din ako at hindi pa ako maka-move on sa weather ng Baguio kaya sinisipon at in-o-ubo pa din ako pero hindi kami napigilan ng weather, nakapaglamyerda pa din kami ni Bunso at Paping sa Baguio.

P.S.

In-update ko talaga ang post na ito dahil sa status ko sa efbi hahaha.




Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

Sunday, October 18, 2015

Gift and Cake

Check-up Time: 4:00pm

Alam mo ba o nabilang mo ba kung ilang beses ka nakakuha, binilhan, naregaluhan ng birthday cake sa buong buhay mo? Ako, oo dahil bilang naman sya sa daliri.

In my entire existence, apat na beses pa lang ako nagkaroon ng birthday cake. Dalawa doon ay bigay ng sobrang malapit na kaibigan, at ang dalawa naman ay bigay ng mga makukulit at masasayang kaopisina ko at kasama sa trabaho.

First ever birthday cake na nareceived ko 2 years ago

I grew up in a family who work so much for a living. Yung tipong London ang nagsalba sa buhay namin. yung Loan dito, Loan don ganern. Ito ang reason kaya hindi ko naging ugali ang magdemand sa kanila ng salo-salo kapag birthday ko.

For me birthday gifts and birthday cakes only exist in my dreams or a fantasy. Pero hindi ito dahilan para kaingitan ko ang mga kaibigan ko kapag  may mga ganyang bagay sila kapag birthday nila dahil naiintindihan ko ang sitwasyon namin lalo pa nga at ang birthday ko ay malayo sa petsa ng sweldo.

Ito na din siguro ang dahilan kung bat psychologically eh nagkaroon ng impact ito sa akin. In short nagkaroon ako ng compensation issue. Nagkaroon ako ng interest sa baking pero dahil hindi namin afford ang bumili ng gamit nagkasya na lang ako sa pagbabasa ng mga recipe kung paano gumawa ng non-bake na cake at naging successful naman ako from non-bake dark choco cake, plain na cheese cake, oreo cheese cake, mango cheese cake at strawberry cheese cake.

2nd cake na nakuha ko, this was in Guimaras na umeffort ang mga kasama ko dahil walang bake shop sa Island last year.

Para sa akin hindi dahilan para sabihin mo na hindi ka gusto ng mga tao kung walang may magbibigay ng regalo or birthday cake sa birthday mo. Naniniwala lang ako na sadyang maintindihin lang ako kumpara sa mga taong kakilala ko na kapag malapit na ang birthday nila eh inoobliga ka nila na magbigay ng regalo o sumagot ng handa para sa kanila. Yung totoo mga ate at kuya? May trabaho ka di ba at ang regalo ay hindi mandatory?


The 3rd birthday cake na nakuha ko at mga small gifts na nareceive ko cute nila.

Sa mga experince namo-mold ang pananaw at pagkatao ng isa nilalang, dahil dyan ay natutunan ko na pahalagahan ang effort ng tao na nagbibigay sa akin. Nagstick sa kokote ko ang bagay na sinabi sa akin noon na walang regalong pangit. Ibinigay sayo ang regalo dahil inisip ng nagbigay sayo na magagamit mo yan kaya dapat ay magpasalamat ka.


This cake I received this year. Talagang sa house of Barbies po galing yan ang babait nila sa akin.

This year my only wish of myself is good health medyo napabayaan ko kasi ang sarili ko ng husto dahil sa work at school kaya naman nadisregard ko ang health ko which is may maganda naman nadulot dahil sa dalawang subject na lang ang kailangan ko tapusin at sigurado na akong ga-graduate next year. Ang sumunod ay ang maging ok ang panahon dahil balak ko umakyat ng Baguio kasama ang family ko.

Sa lahat ng mga Librans na magce-celebrate ng kani-kanilang kaarawan maligayang bati sa inyo ☺


Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

Sunday, October 4, 2015

Android ako

Check-up Time: 8:00am


3 hours!

Yan ang maximum na tulog ko kada araw sa loob na ng 3 linggo pero di pa natatapos dyan. Parang blockbuster lang sa pelikula ang ganyang oras ng tulog ko dahil... "Now in it's 4th week!".

True po yan. Bakit po ba? Dahil sa dalawang thesis na ginagawa ko para makulpeto ang mga requirements ko this sem. Sa totoo lang super sakit sa gums. Sabi nga ng kaibigan ko baka mamaya hindi na ako umabot ng graduation (knock on woods). Feeling ko naman hindi mangyayari yun ako pa ba? ☺

Ang hirap na pagsabayin ng werk at aral. Noon slightly naiinis ako sa mga working student kong classmate nung nasa sintang paaralan pa ako dahil parang wala naman silang kers sa mga subject namin. Pero nagbago talaga ang lahat ng yan nung ako na mismo ang nakaranas. Alam mo yung minsan nagbibyahe ka papasok sa klase mo at nagdadasal ka na sana may absent kang prof para makaidlip ka kahit burberry light lang, mga ganurn na level.

Pero sabi nga nila every hardship na ini-invest mo ay may reward na nag-a-abang. Akalain nyo nakuha pa ako ng award hahaha. Best actor in the human android role nyahaha.





In fairness natuwa naman ang chubby kong heart kasi sa loob ng ilang taon ko sa company ko, ngayon lang recognize ang energy ng effort ko. Ang saya saya ko talaga ate Charo. Charet lang!

And in fairness din naman sa Engagement Team ng company namin, they know how to treat the employees. Hindi ko alam kung bakit pag-gising ko kaninang umaga eh sunod sunod ang notif ko sa FB at may nakatag sa akin. Nasa video clip pala ako ng Krispy Kreme PH. Buti na lang nakuhaan akong nakangiti doon hindi kumakain.



Sinubukan ko icheck kung nasa youtube ang video pero nabigo ako... Ang tanging meron lang ako ay ang link nya Krispy Kreme: Share the Joy in CVG.

Bumaha ng donut at kape sa office kaya naman mas lalo ako nahirapan matulog dahil sa kape. But then again, thanks sa awesome treat Krispy Kreme.

Kahit may exam, interview, report at thesis ulit ako bukas... WALA AKONG PAKI!!!! Matutulog ulit ako...





Charut lang, gising lang ako mamayang hapon bibili pa ako ng token sa iinterviewhin ko at magrereview pa ako.

Night night muna guys.. Night night talaga habang may araw na? lolz

Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!



Sunday, September 13, 2015

Stereotype

Check-up Time: 6:05pm

Hello mga mars and pars!

Naranasan nyo na ba na i-tag sa isang bagay na hindi mo naman talaga gawain? Na-judge ka ba agad dahil sa background mo kahit hindi ka pa kinikilala ng ibang tao? Biktima ka ba ng stereotype?

Graduating na ako sa school at hindi ko masyado pinagsasabi sa mga kaklase ko kung ano ang trabaho ko. Basta alam nila nagtatrabaho ako. Pero dahil sa may isang prof ako na nagtanong sa akin kung ano ang work ko, Napilitan akong ilabas ang identity ko..... Na ako talaga si 













































Charot lang!

Napilitan ako sabihin nasa call center ako nagtatrabaho. Dito na nabuo ang samut'saring speculation at kung ano anong stereotyping sa mga nagta-trabaho sa BPO. Sa totoo lang nakakapagod sila sagutin.

Ang call center agents english ng english kahit nasa jeep.

- Hindi lahat. Masakit na nga sa ulo ang 8 oras ka na mag-english lalo na kapag queuing. kaya hanggang dun na lang yun. Kalimitan sa amin wala ng extension ang english since 8 hours lang na english ang bayad sa amin araw araw.





Ang call enter agents ay mga sosyal.

- Hindi din lahat. Madami din ang simple lang ang umasta sa amin. Yung kaibigan ko nga na Operation Manager kasama ko mag food trip sa fishball-an sa ihawan o lugawan. Kumakain din kami sa turo turo/jolijeep. Umoorder ng tuyo at daing pag meron sa pantry. Kaya maupo sa gutter ng mga kalye at nakakapag shopping sa divisoria at tutuban.





Ang call center agents laging naka starbucks.

- Ito ang isa sa mga pinakamalalang mentalidad ng ibang tao sa mga nag tatrabaho sa BPO. Akala nila araw araw ito ang kape ng hinihigop ng mga nagtatrabaho sa call center. Hindi nila alam may mga ahente na trip lang kung magkape sa coffee shop na ito dahil kadalasan, 3-in-1 na kape ay sapat na at ilan kami sa team namin ang patunay nyan.





Ang call center agents ay madalas kumain sa fine dine na restaurant.

- Por Dios! Hindi po totoo yan. Hindi naman po masama na paminsan minsa ay maranasan ng sino man ang kumain sa fine dine na restaurant. Sa dami ba naman ng mga call center sa Manila at sa ilang libo ang ahente sa call center natural may pagkakataon na sabay sabay kung kumain yan sa restaurant na fine din. Sa totoo lang madalas sa mga call center agent ay hindi nakakakain ng healthy dahil mas sanay sila kumain sa fast food.





Ang mga call center agents ay matataas ang sahod.

- Hindi din! hindi lahat ng BPO company ay mataas magpasahod dahil nakadepende naman ito sa bilang ng taon na nagtatrabaho ka sa ganitong industriya o sa kung saang line of business ka mabibilang at mas lalo kung saan kumpanya ka nagtatrabaho. Isa pa kung mataas ang sahod nila bakit may mga ahenteng may asawa na nag-sasabi na hindi sapat ang kita nila para mapunan ang pangangailangan nila sa buhay gayung simple at payak lang ang pamumuhay nila?






Ang mga taga-call center ay maraming pera.

- Hindi naman po totoo. Nakadepende ito sa tao. Kung marunong ka humawak ng pera may maiipon ka. Kung wala kang sinusuportahan kundi ang sarili mo lang maaari, pero hindi nangangahulugan na kapag nasa ganitong industriya ka eh madami ka ng pera at para kang ATM kung maglabas ng pera. May iba pa nga sa kanila nakukuha pang sumide line na mag tinda ng kung ano ano sa mga ka-team mate nila pandagdag lang sa bi-monthly na sahod.





Ang mga taga-call center mayayabang purke magaling mag english

- Alam naman nating halat na hindi ang lingwahe ng tao ang batayan para sabihin na magaling sila. At hindi lahat ng mga tao na nasa ganitong industriya ay masasabi na nating magagaling. Sa totoo lang kahit ang linguwahe na ito ang puhunan ng mga tao sa BPO, may mga nagkakamali pa rin, may ilan na hirap pa rin pagdating sa construction of thoughts, may iba na pilipit pa din ang dila at may iba na minsan eh masakit pa rin sa tenga pakingan.






Bakla ang mga nag-ta-trabaho sa call center.

- Huh? May issue po ba kayo sa mga nasa LGBT? Eh ano naman po kung may mga lesbian at gay sa BPO? Wala pong discriminasyon sa sexual preference ang mga nasa BPO as long as kaya mo magtrabaho at i-deliver ang hinihingi ng client nyo, Go for gOld lang mga teh at koya. Kahit nga edad ng isang tao ay hindi batayan para i-hire ka ng kumpanya. Isa pa, Kung ang lalaki ba ay kayang mag salita ng direchong english bakla na? So ang mga polito, abugado, business man, Managers at iba pang propesyon na nakuha ng isang lalaki at kaya nya magsalita ng english bakla na agad? Oh come on!!!! Wag judgemental.


Hindi talaga maiiwasan ang stereotyping lalo na kapag walang idea ang mga tao sa isang bagay at kung makikinig lang sya sa sabi sabi. Minsan yan ang mahirap sa atin. Mas maganda siguro na medyo slightly mag-investigate muna tayo ng kaunti para may idea tayo saka natin i-confirm kung may katotohanan para hindi natin mastereotype ang isang bagay... Ano sa tingin nyo?



Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

Sunday, September 6, 2015

Effortless

Check-up Time: 5:59pm


Hi mga mars at pars! Kemeste nemen keye? O na-effortan ba kayo mag-basa nyan? Kers lang! Yung iba nga dyan wang ka-effert effert megbese ng genyen lelz.

Well speaking of effort, ano nga ba yun? Yun ba yung nilalandingan ng irplen? Chars lang... I know it of course, main course.

Minsan talaga masasabi mo na unfair ang buhay noh? Madaming bagay na dapat i-appreciate mo pero nature na ata talaga ng tao ang hindi makuntento. Yun bang may ok naman sa iyo pero gusto mo mas fabulous pa, ganern!

Haggard akis mag-effort mag-work out para naman maimprove ko ang itsura ng chubby kong katawan. Kaso lang, emerged!!! Phurang makakalas na ata ang mga joints, tendons, at kung ano ano pang connection ng mga ligaments ng katawan kis parang wala akis nakikitang resulta. Sadyang malaki talaga ang nadudulot ng hindi well rested ang katawan mo sa paglobo ng timbang mo. Pero may ibang mga tao sa gym na parang naglalaro lang pero kagaganda ng kurba ng katawan. Walang ka effort effort.



Minsan naghahanap ako ng puwesto na hindi ko sila masi-sight kasi minsan gusto kong balian ng mga buto ang mga taong itez ng makagabol naman ang kaawa-awa katawang chubby kiz sa kanila. Harsh ba? Syempre charot lang yun. Yun nga lang hindi mo talaga maiiwasan na madismaya kapag nararamdaman mo ang sobrang challenge na... You know what I mean?

Okay naman na akiz sa kulay ko. Kaso lang sa country natin na mas mataas ang tingin sa tao na phurang ginulat at na mutla sa puti eh minsan na iisip ko na why not try din magpaputi? Subok lang... Kaso lang its sooo mahal ng glutah ha at mahirap pa sa mga kababayan natin i-meynteyn kapag nagstart ka na. 





Pero bat may mga tao na kahit mag bilad sa araw parang kers lang nila. Phurang wala man lang bahid ng sunburn. Tapos pag titignan mo yung mga balat kakikinis. Minsan ang sarap sugatan para naman hindi masyadong perfect ang skin nila. Lolz bitter again??? Ehhh bakit hindi nyo ba minsan naramdaman yun? Aminin!!!

Alam mo yung tao na likas yung talino? Yun bang hindi katulad ng iba na kailangan patayan ang pagre-review para lang makapasa pero yung iba babanjing banjing lang pero susko naman baka lumagpas pa ng 100% ang grade. Minsan mapapaisip ka kung may social life ba yun mga taong ito. Habang ikaw dumudugo na yung utak mo kakareview.





Minsan sarap ipatumba ng mga ganitong tao kasi super dami ng alam (sindikato? Charot lang) pero minsan nakakainis talaga isipin na bakit sila parang effortless ang pagrereview sa kanila.

Na-experience mo na ba yung kumanta ka tapos biglang may sumabay sayo tapos may sumabay pang isa... Ano ito glee????? Tapos ng masakit pa sa kalooban mas magaganda pa ang boses nila sayo tapos parang hindi man lang kakikitaan ng kahirapan sa kanila kantahin yung kinakanta mo habang ikaw mapapatid na ang litid mo maabot lang ang tono ng kinakanta mo?

O di ba nga? Bakit sila effortless kung kumanta... Eh bigla ko na realize mga singer talaga sila tapos akiz, marunong lang kumanta pero hindi ko naman sinabi na maganda ang boses ko di ba? Pero basta unfair pa din. Maipilit ko lang ang pinaglalaban ko nyahaha.




Yung iba napaka-effortless nila gumawa ng sobrang flawless na entry sa blog habang ako tuyo na ang cerebral fluid ko wala pa ako na iisip... Tulad nito? Isa nanaman walang kakwenta kwentang post Lolz.


Hay naku eexit na nga ako. Mukang yun lang ang effortless sa akin nyahaha. Hanggang sa muli mga fwends kong may mga katok din hihihi.


(Credit to the owner of the pics)


Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

Saturday, August 29, 2015

Saan na nga ba?

Check-up Time: 5:38am


Like am not shur kung what happen sa ibang mga tao sa blogsphere. Phurang nagagaya na ako sa kanila na matumal pa sa lablayp ang pag-u-update.

Yung iba phurang nabaon na sa limot ang mga page nila, yung iba phurang ginamit na yung link ng ibang nagaadvert kembot.

Henny waist, Sa hindi ko naman sila masisi kung sobrang busy nila sa kani-kanilang mundo. Kahit pa nga yung iba masyado silang bida sa kanilang YOU-niverse hihihi.

Namiss ko na yung sobrang pag-sinaltik ako, gawa agad ng entry. basa basa ng ibang post and all that. Ngayon kasi mas mahigpit pa sa pagkapit nga taong hindi makamove-on ang security sa werk ko kaya hindi ako maka-ninja moves nga burberry hard. Suma total weekend lang ako nakakalamyerda sa page ko at sa mga page na rin ng mga madalas magcheck ng page ko.

Namiss ko na magbasa ng mga kwentong gawa gawa at kwentong barbero, kwentong p0hxu sa p0hxu (jejemon?), kwentong may katotohanan, kwentong may pakikibaka, kwentong walang kwenta, at kung ano ano pang kwento.

Sana lang bumalik sa dati ang saltik ko. Ay para sa akin pala yung patama ng entry na ito? Cheres lang! Sana magbalikan at sipagin ulit mag post ang mga dating mga kilalang mga manunulat sa blogsphere, mas sikat pa sa sikat ng araw na mga blogero, mahusay na kwentista, magaling sa kwentong kutsero, Mas mataba pa sa pataba ang utak na manunulat.

Kung hindi man sila magsibalikan... 




















Pa-o-orasyonan ko sila......






Charut lang mga meym at sher. Ang totoo po kung hindi sila magsisibalikan....


 
























Eh di wag!


Wala naman po tayo magagawa kung ayaw na nila hohoho. Let's be happy na lang kung yun ang desishen nila ☺



Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!