Sunday, September 30, 2012

dapat sana

7:10pm (sok)

Huling araw ng September ngayon, takle di ko pa masyado na appreciate dahil nagkasakit pa ako.

Madalas ay excited ako kapag last day ng September dahil para sa akin ang October ay birthday bash ng 3 sa amin sa pamilya. Birthday ko ng bunso namin at ni Mama (miss na kita Ma, huhu).

Sa Biyernes ay napagkasunduan namin na pagkatapos mag-pamisa ay magkikita kita kami sa condo nya ng hapon pag labas ko sa opisina para dalawin sya at mag alay ng dasal.

Sa totoo lang di ko mapigilan ang sobrang lungkot kanina habang nasa grocery dahil sa ako ang nakatoka na bumili ng ibang mga gagamitin sa paghahanda ng kaunting salosalo sa kaarawan nya. Sa Linggo pa naman namin balak na idaos ang salosalo dahil isasabay na rin namin ang kaarawan ng bunso namin na magda-dalawang pu't dalawang taong gulang na sa ika-9 ng October.

Naaalala ko na naidaos namin ng matiwasay at payak ng kaarawan ni Mama last year, na di ko alam na ito na pala ang huling beses na makakasama namin sya sa kanyang special na araw. Simple lang ang lahat dahil di naman mahilig si Mama sa magarbong selebrasyon.

Malungkot man ay pagkakasyahin na lang namin ang aming sarili sa masasayang alaala na kasama pa namin si Mama.

Alam kong luma at gasgas na ang paalaala na ipakita nyo kung gaano mo naaapreciate at gaano nyo kamahal ang mga magulang nyo para wala kayong regret pag dumating ang oras na di nyo inaasahan na iiwan nila kayo, pero ito pa rin ang paulit ulit kong sasabihin sa mga tao na hanggang ngayon ay kasama pa rin nila ang kanilang mga magulang dahil kahit naipakita ko kay Mama kung gaano ko sya kamahal, pakiramdam ko ay di sapat ang panahon para iaparamdam ko kung gaano ko talaga sya kamahal.


- It's my opinion... so? -

4 comments:

  1. happy birthday sa inyong tatlo...wag ka na ma-sad im sure ayaw ni mama mo na makita kang sad...

    ReplyDelete
    Replies
    1. thanks miss Pink. Naku baka dalawin nya ako.. pero ok lang pabor sa akin ehehe

      Delete
  2. Happy birthday sa inyo :) 1st time ko dito sa blog mo. add narin kita. hehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat po sir Archie sa 20 pa naman yun ehehehe. Naku sana po ay kahit paano eh magenjoy ka sa pagtambay dito sa asylum ehehe

      Delete

hansaveh mo?