Friday, November 30, 2012

Very Christmas...

6:46pm (sok)


Malamig na gabi po sa lahat!

Nararamdaman nyo na din ba ang paglamig ng gabi? Isa sa mga palatandaan na nalalapit na ang isa sa pinakamasayang season na halos lahat ng Pilipino ay inaabangan, ang Pasko.

Kasabay ng mga kaunting renovation sa aming gusali ay isinabay na din ang paglalagay ng chirstmas decoration sa buong building. Ngunit di lang ang gusali namin mararamdaman ang  Christmas spirit dahil sa nagbago na rin ang anyo ng kalsada ng Makati.

(Isa ito sa mga bagay na bago pagpasok mo pa lang sa gusali ng Convergys 1)

(Sa main lobby ay nakatayo na ang mataas na Christmas tree)

(Ang elevator area ay nilagyan na rin ng palamuti)

(At ang lobby are ng floor namin)


Last week ng October ng simulang bihisan ang Makati ng mga palamuti sa Pasko na sinabayan na din ng malamig na simoy ng hanging (ngunit minsan ay maalinsangan pa rin, cheret!). Kabi-kabila na ang mga dekorasyong pamasko ang naka sabit at naka lagay sa mga matatayog na gusali ng Makati. Ang mga puno sa kalsada nito ay may dekorasyong christmas light na parang baging at sa kada pagitan naman ay may mga christmas balls na nilagyan din ng christmass lights na animoy snow flakes kapag may sindi.

(Ito ang design ng mga Christmas decor sa gitna ng kalsada)

(mga Christmas tree na gawa sa maliliwanag at ibat ibang kulay na ilaw)

(mga puti/dilaw na ilaw na inayos para mag mukang mga angels)


Puspos na rin ang pagaayos ng mga dekorasyong may temang Pasko ang mga establisyemento sa bawat malls. Syempre ang mga department store ay kanya kanya na ring benta ng mga palamuti pamasko, pang regalo at kanya kanya na ring gimik para makabenta.

Ang pinakapatok na lugar na madalas puntahan ng mga taga-Makati kapag ganitong panahon ay ang Makati Triangle, kung saan ay mabibighani ka sa ganda ng mga ilaw na nakasabit sa mga puno sa buong paligid na para kang nasa ibang mundo. Nakakawala ng stress ang kagandahan ng paligid at ang tanging magiging reaksyon mo na lang ay ang ma-amaze at i-enjoy ang nakikita mo na pang bata.

 (ang mga bilog na ilaw ay may mga effects na tumataas baba depende sa tugtog)

(sa ibang anggulo naman yan)

(ang lagay dapat puro ilaw at decor lang, dapat kasama din ako, tyarls!)

Sigurado ay sunod sunod na din ang libreng concert sa activity center ng Ayala center para sa mga nagsho-shopping at namamasyal sa Ayala malls. Maging ang Greenbelt area ay di na ang papahuli dahil binihisan na rin nila ang open park nila.

(di ko na kuhaan yung ibang mga decors ng Greenbelt late ko na kasi na alala kuhaan)

Isa isa na ring nagsusulputan ang mga nag titinda ng kastanyas, puto bumbong at bibingka. Ilang araw na lang simula na ng simbang gabi at before you know it, its Christmas time in the city na...

Ikaw eksayted ka na ba? Ano ang mga balak mo ngayong malapit na ang Pasko?


- It's my opinion... so? -

Wednesday, November 28, 2012

All I Want for Christmas!!!!


5:10pm (sok)




Hola!

Maraming salamat Pinky sa pag tag sa akin.

Sa totoo lang ang wish ko talaga ay pera, mga dyamante at 3 wishes ulit charut! Seryoso, ang gusto ko ay good health para sa aking family and love ones. Iyon ay kung aspetong hindi kayang ibigay ng materyal na bagay.

Sa kabilang dako, sa dako paroon ang mga bagay na gusto ko i-achieve ngayong season to be chubby, ay mali pala... season to be jolly ay ang mga followings:

1) Yung bagong bluetooth headset ng Nokia (bh 505).


Nakabili ako nung bluetooth headset na nirelease nila last year gustong gusto ko sya kaso lang medyo malaki sya unlike itong headset na ito na bukod sa noice conceal eh di malaki at bulky.




2) Ride all you can GC sa Star City kasama ang aking family.


Oo, child at heart talaga ako bukod doon at gusto ko talaga makabonding ang family sa masayang environment na maari naming makalimutan ang stress sa mga bagay bagay.




3) Tennis Racket

Plano namin ng mga katrabaho ko na maglaro ng sports na ito. Interesting naman sya kaya gusto ko bago ang araw na ito ay may tennis racket na sana ako.



4) Treadmill


Para kahit sa bahay lang nakakapaglakad lakad o nakakatakbo ako. Medyo lumulusog nanaman ako kaya need ko nanaman magbawas ng timbang. Pasko pa naman, sarap kumain huhuhu.



5) Magic Sing


Walang basagan ng trip nyahaha trip ko kumanta kanta, ganyan ahaha.



6) Complete dvd ng Twiglight Saga


Ewan ko ba naenjoy ko talaga ang kwento ng mga bampira at lobo na ito. For sure pirated pa lang ang available sa breaking daw part 2 kaya matagal pa pwedeng maisakatuparan.



Aside sa wishes na ito na mukang ilan lang ang pwedeng magkatotoo ay feel na feel ko din ang Pasko dahil sa nasaksihan ko nanaman ang ganda ng Light Show sa Ayala Triangle kahapon...



Bago ko tapusin ang entry na ito ay gusto ko iwelcome ang bagong tambay sa asylum ng baliw na si Rix.... Welcome sayo D.Gravity! enjoy enjoy po... at dahil dyan isasama kita sa mga link para ipagpatuloy ang mga wishes na ito hihihi.


This tag post has rules.

1. Kindly use the same title and as well as the first photo that I put here (that blurry picture of a Christmas tree above) in your post.

2. List 6 things that you want to receive for Christmas.

3. Tag 6 of your friends to make the same post (no tag backs).

4. Send me the link so I could check it out too.

And Im tagging,

Nutty Thoughts
janzen.fiesta
keisi reyes
eArL...
D.Gravity
Jo-mar Del Rosario



- It's my opinion... so? -

Thursday, November 22, 2012

OST ng buhay mo :)

12:58(pm)

Sabi nila "Love beings with one hello", di ko alam kung applicable yan "Kahit bata pa ako". May special na pagtingin na ako kay "Mandy" i like her "More than word" can say. Madalas ay "Kaba" ang nararamdaman ko pag nakita ko sya lalo sa "Umagang kay ganda".

May mga pagkakataong di sinasadya na magkasama kami sa isang lugar, para sa akin "Suddenly its magic" kahit medyo hirap ako sa ginagawa ko alam ko sya ang "Inspiration" ko. Dinaig pa ang "Summer sunshine" sa sobrang saya ng pakiramdam ko kahit na nasa gitna ako ng "Ulan".

Totoo nga na ako ay "Bilanggo" na niya. Sana sabihin nya na "Ako'y sayo at ikay sa akin lamang" nakakatawa pero malay mo dumating ang isang "Himala". Wala kasi akong mapagmamalaki dahil ako'y "Simpleng tao" lang kaya nga madalas ay dinadaan ko na lang sa "Gitara" ang nararamdaman ko to "Make you feel my love".

"Skyfall" ang naramdaman ko when you found out how I feel. I was "Rolling in the deep", "I wanna run to you" so I could explain, pero I was scared. You're "Chasing pavements" to look for me, nakita mo ako sa conner ng street di gumagalaw dahil "I'm the man who can't be moved". Umupo ka sa tabi ko. binasag mo ang "Sound of silence" nag tanong ka kung bat di ko sinabi sayo ang nararamdaman ko. Ang naging sagot ko lang ay, nahihiya ako, "All this time" I'm a coward to tell you how I feel... Ngunit sabi nya sa akin "Bakit ngayon ka lang" dumating? If I could "Turn back time" sana naging mas ok tayo. Out of nowhere ang tanging nasagot ko lang ay "I want it that way" habang pinipigil ko ang sarili ko na di umiyak dahil "Boys dont cry". Pero nagulat ako sa sinabi nya na kung sinubukan ko lang we could be together for "A thousand years".

Dahil sa sinabi nya natanong ko sya "Ikakasal ka na?" pero di sya umimik. Dahil sa pagkalito ay tinanong ko sya kung ano ang gusto nya "Dota o Ako?" nagtaka sya sa tanong ko kaya she check her "Calendar girl". Sabi nya "Bilog nanaman ang buwan" kaya inisip nya na "Baliw" ako. Sabi ko sa kanya, oo "Everytime I see you" my life turns upside down pero di mo nakita ang aking "Halaga" bigla nya akong sinampal at nabigla ako.

Narinig ko ang kapatid ko.... Gising na! sabi mo, "Wake me up when September ends"? October na ngayon. "Panaginip" lang pala yun "Salamat" kinabahan ako but its a "Sweet dream" and a beautiful nightmare kahit na medyo "Unwell" ako.  Im hoping na "Sana maulit muli" hihihi.

Wala nanaman akong magawa sa work ko kaya hayan gumawa ako ng kwento at minashed up ko ang mga kanta hihihi...




- It's my opinion... so? -

Monday, November 19, 2012

A date with myself

7:46pm (sok)

Pagtapos ng lunch ko kanina ay di na ako mapakali, di natuloy ang balak ko nung weekend dahil sa sobrang busy ko, pero minarkahan ko na ang araw na ito.... Di pwedeng hindi pwede.

Inutusan ko ang dati kong ka team para mag search kay gogel. Pagtapos ng ilang minutong pag hahanap ay may nakita na ako. Apat na pung minuto ang kailangan ko. Kailangan kong maging mabilis na tulad ng mga Super Saiyans para makarating agad sa dapat kung puntahan.

Alas tres y medya pa ang labas ko ng opisina at alas kwatro diyes ang call time ko. Dapat ay maagga ako makarating doon. Alas tres pa lang ay nililigpit ko na ang mga gamit ko. naggayak na rin ako at hinihintay na lang ang alas tres y medya.

Pumatak ang oras ng alas tres y medya, ito na ang hudyat para mag madali ako. Paglabas ko ng produuction floor ay nagtungo ako agad ng lift para bumaba sa gusali. Habang nasa lift ay nag iisip na ako kung FX o jeep ang sasakyan ko. May nakita akong nakatambay na e-Jeep sa kanto dali dali akong sumakay. Medyo badtrip nga lang ako dahil mabagal magpatakbo ng sasakyan si kuya, kulang na lang itulak ko ang jeep nya.

3:40pm medyo malayo pa ako, medyo na iirita na rin. bumaba ako ng makita ko ang pupuntahan ko. kaunti na lang namagn kembot eh nandoon na ako kesa sa ngumanga ako sa jeep habang hinihintay na mag go ang lane namin.

3:50pm tamang tama lang ang dating ko. Agad ipinakita sa akin ng nag-aasist kung saan ang gusto ko at matapos noon ay nagbayad na ako. Lumabas ako sandali bumili ng bigchill na banana peanut shake at grilled tuna onion sandwich. Saktong 4:00 pm ng tinungo ko na ang lugar kung saan ako mauupo.















Pagkatapos ng madaming paalala ito na at nagsimula ng ang pelikulang inaabangan ko... umarte na sila.....













Gusto ko naman ang takbo ng kwento kahit na maraming nadismaya sa katapusan nya dahil ayon sa mga nagbasa ng libro ni Stephenie Meyer ay ibang iba daw ang katapusan. Ang sa akin naman eh ok lang. Natural naman na gawan ng twist ang kwento sa pelikula at libro. Eh yung teleserye nga sa TV pagginawang pelikula bukod sa may twist din eh di naman saktong at carbon copy ng pelikula kaya wag na mag umarte hihihi.

Yung totoo lang naiyak ako nung fight sceen, Di ko kasi gusto yung may namamatay na bida sa pelikula. Nung nakita ni Esmee (Elizabeth Reaser) na hawak na ni Aro (Michael Sheen) ang ulo ni Carlisle (Peter Facinelli) at wala na itong buhay ay naiyak din ako at nahirinan pa ng peanut na kasama sa shake na iniinum ko, idagdag pa na nategi din si Jasper (Jackson Rathbone) at ang 2 sa mga pack of wolves huhuhu.

Di madaling nagsink-in sa akin ang mga nangyari sa fight sceen kasi ayoko na may na hu-hurt sa bida (unfair lang ahahaha) pero gustong gusto ko ang eksena na natakot si Jane (Dakota Fanning) nung sugurin sya ni Alice (Ashley Greene) at ipalapa sa wolf.

Good thing at di naman pala naganap ito, ipinakita lang ni Alice kay Aro ang mangyayari at ang pagkamatay ni Aro kung ipagpapatuloy nila ang gusto nila sa anak ni Edward (Robert Pattinson) at Bella (Kristen Stewart).

Hay buti na lang hihihi. Kung di nyo pa napanood sorry spoiler ako pero ang masasabi ko lang sobrang amazing ng fight sceen nila c",).

God bless everyone!

- It's my opinion... so? -

Wednesday, November 14, 2012

Amalayer

7:74pm (sok)

Paano mo masasabing may pinagaralan ang isang tao kung ikaw mismo ang gumagawa ng eskandalo?

Naging viral talaga ang eksena ni ateng ischewdet ng La Consolacion College sa Santolan Station ng LRT 2 kung saan ay binungangaan nya is amaledigerd sa harap ng sambayanan.

Isang conshern citicents ang nagbidyo ng clash of the Amas.

Round 1, Fight!

Amalayer vs Amaledigerd, nganga si amaledigerd dahil niratrat sya ng bibig ni amalayer habang may arm gesture na parang nag ra-rap o pumiflip-top is ischewden. Si Amaledigerd pachill-chill lang hihihi.

Round 2, Fight!

Sinabihan ni Amalayer si Amaledigerd na may pinagaralan sya na parang isinasampal sa muka ni Amaledigerd na di nya kaya mag-i-i-english sa harap ng madla at parang pino-provoke nya si Amaledigerd na gamitan na sya nga hamehame-wave.

Round 3, Fight!

Naging histerikal si Amalayer dahil sa chill na eksplinasyen ni Amaledigerd na di nya matanggap dahil sa mukang sya ang may pagkakamali.

Pero ano nga ba ang pinag-ugatan ng clash of the Amas???

Ayon sa mga nakasaksi sa pangyayari ay tinawag ni Amaledigerd ang atensyen ni Amalayer dahil mali ang way na pinasukan ni Amalayer. No opens kay Amalayer pero kung mali ang ginawa nya at sinita sya pero na-opens sya sa paraan ng pagsita sa kanya ni Amaledigerd ay dapat kinausap nya ito ng mahinahon kasi sa kanya na mismo nanggaling na may pinag-aralan sya or sinabi nya sa head ni Amaledigerd ang nangyari para ang head na nila ang kumausap sa kanya hindi yung gumawa pa sya ng eksema sa istasyen.

Ngayon ay narereklamo si Amalayer na biktima sya ng cyberbully. Eh paano di ka magiging biktima ikaw ba naman ang gumawa ng eskandalo eh, di ayan ang resulta.

Sabi nga nila madaling maging tao pero mahirap magpakatao, di porke nasa magandang paaralan ka at may kaya ka (kung may kaya ka nga, Cheret!) eh may free village ka na na manghamak ng tao, remember KARMA IS DIGITAL nowadays. Dahil sa ginawa ni Amalayer oh eh di bida sya sa mga showshal midya sayts ngayon at tumerending pa sa chewetter para lang ibully hihihi.

Sa mga di pa alam ang ganap na yan heto po sya, roll VTR...









At napatambling ako sabay swandive ng malaman ko na si ate pala ay gusto talagang sumikat. Dahil ayon sa kanya its olwiez in her pashyen at sumali si ate sa odisyen ng Myx VJ hunt ng 3 beses, OHA!

Osha, bago ko tapusin ang entry na ito ay malugod kong wini-welcome si Lhalah sa pagtambay sa pahina ng baliw na si Rix.

God bless ebliwan.

- It's my opinion... so? -

Tuesday, November 13, 2012

Pladyarisim


7:36pm (sok)

Naalala mo pa ba ang Cyber Crime Law? Mukang natakpan na alikabok ang issue na ito at medyo madalang ng pagusapan pero naitanong ba natin sa ating sarili kung ano na nga ba ang mga kaganapan sa fairytail na ito? hihihi fairytail tologo?

Medyo di na nakakagulat at nakakaloka on the side and to the left to the left ang paglitaw sa kawalan ng sulat ng babaitang anak ni Robert Kennedy na si Kerry tungkol sa panawagan nito na humingi ng paumanhin si Tito Sen sa paggamit ng ispeach ni Kennedy sa senado na isinalin sa wikang tagalog.

Ayon kay madame Kerry ay na offend sya sa ginawa ni Tito Sen kaya naman sumulat sya at tinatawag ang spiritong ligaw, cheret leng, tinatawagan ang pansin ng kampo ni Tito sen na kumingi ng paumanhin sa ginawa nila sa dating freshident ng you es ob ey.

Haist! di naman maiiwasan ang ganitong mga kaganapan sa buhay dahil sa bayan na lang ni Juan Dela Cruz is berry ebident ang lechon manok system, kung ano ang patok gayahan dahil di pwedeng ikaw lang ang kumita, pero naman ibang usapan na ito dahil ang bagay na ito ay sensitibo at pwedeng maging isang issue sa buong mundo lalo pa at lahat ng mga mata ay nakatutok sa mga taong niluklok ng taong bayan. Ganun pa man dahil sa naganap na ang issue na yan eh humingi na lang ng paumanhin.

Ayon sa napagalaman ko eh di pa daw nakukuha ng panig ni Tito Sen ang sulat kaya di sya nag co-comment. Eh nasa internet na kaya yung naturang liham, search search din ng makita hihihi.
Kung ang simpleng bagay nga ay pweding i-claim at ariin ng tao basta walang ibidensya eh yun pa kayang nakalimbag sa alaala?

Ito po yung letter ni madeym Kerry:



Sana kung itutuloy man ni Tito Sen ang pag alis nya sa position nya eh umalis sya ng maayos at walang iiwang issue na maaring magreflect ng pangit sa pagkatao nya. Isa pa rin syang Pilipino at damay pa ring ang buong Pilipino kung ano man ang issue nya sa ibang lahi.

O sya, patang pata ang bilogan ko nanamang katawan at masakit ang mga binti ko dahil sumama ako kay Paping na mag jogging sa C6 sa Lower Bicutan. pahinga na muna si Rix.

Ingat po ang lahat at God bless.


- It's my opinion... so? -

Thursday, November 8, 2012

Buhos na ulan...

9:30pm (sok)


Anim at kalahating oras ng umuulan. Nasa gusali pa lang ako ng pinapasukan ko ay tanaw ko na sa durungawan ang mga tao na naglalakad habang bukas ang kanilang payong. Sa totoo lang nung isang araw ay naisip ko na parang gusto ko umulan dahil nasa mood ako matulog ng malamig ngunit, subalit, datapwat ngayon ay binabawi ko na ang sinabi ko nung isang araw.

Nung nag-aaral pa lang ako gusto na ayaw ko ang ulan (labo noh? parang ako lang sa totoong buhay... cheret!). Gustong gusto ko na inaanunsyo ng DECS (DepEd na ngayon) at ng Ched na walang pasok. Sino ba may ayaw? eh pahinga kaya yun, yun nga lang ang catch eh bukod sa nganga ka sa bahay eh wala ka pang baon nyahaha.

Nung nagsimula akong magtrabaho doon ko na pagmuni-munihan na kawawa talaga ang mga taong kumakayod dahil kesehodang signal number 3 na eh sugod pa rin sa opisina. Naalala ko ang malupit at kahabag habag kong karanasan sa kamay nila Milenyo, Ondoy at Habagat. Sa 3 malalang bagyong iyon eh nasa kalsada ako at pauwi na sa bahay nung manalasa, pero keri lang buhay pa naman ako, di pa rin na tetegi.. Mosomong domo dow eh nyahaha.

Henny waist, di tungkol sa experience ko sa 3 bagyo ang entry ko kundi ang bagay na ayaw ko kapag umuulan. Ayaw ko ng ulang dahil, sapagkat, because.....







1) Lumalangitngit ang....









"Basang Sapatos". Oo, nakakairita kaya na alam mo na basa ang sapatos mo pero di mo sya mahubad dahil wala kang dalang slippers. Pagdating sa opisina kanya kanya kayong sampay ng medyas at display ng mga humi-hello ng patay na kuko at ingrown (ewww lang hihihi).





2) Nakakainis din ang eksenang...











"Basang Laylayan ng pantalon". Yung tipong gusto mo na namagpalit ng pants dahil kahit anong gawin mo eh damang dama mo na sya. Medyo maarte ba ako? di naman siguro. Nasanay lang kasi kami na pinagpapalit kami ng Mama ko ng damit, pantalon o short kapag nakita nyang basa kami kaya di ako nasanay ng ganun (pero syempre ibang usapan ang swimming).





3) Di magandang idea ang.....










"Umalis ng bahay" ito ay applicable sa mga papasok ng opisina, may aasikasuhing papeles, may aasikasuhing importanteng bagay tapos panay ang patak ng ulan at hustle ang humawak ng payong... Nakakayamot kaya yun... stressful dabuh?





4) At ang higit sa lahat ay.......










"Ang mag-Emo". O di ba? ang pag ulan ay parang kabilugan lang ng buwan. Kung mga baliw at lobo an ng lalabasan kapag bilog ang buwan, kapag umuulan ay nag susulputan naman ang mga EMO (syet nasaktan ako dun ha... guilty? Tyarose!). 

Ewan ko ba kung bakit ba ito ang pinaka masarap na panahon para mag-moment ka habang nasa bintana ka at tinatanaw ang pagpatak ng ulan, tapos aabutan ka ng isang baso na may mainit na laman ng likido ng tatay mo tapos pagtingin mo sa baso eh jobos pala ang lama, uutusan ka pala ng tatay mo na lagyan ang jobos ang sapatos mong mejo tuyo sa pagkakabasa ng tubig baha, keme lang.

Yung totoo aminin natin na dumarating sa punto ng buhay natin na ito ang perfect time para naman mag emote dahil parang nararamdaman natin na nakikiisa angg langit sa kung anong bigat na nararamdaman natin... Kaso ayoko ng nagiging emo eh ahaha nakakahiya kay Paping baka pati sya eh umemote din... 

Siguro sa susunod na umuulan ang entry ko naman ay ang mga kanta na humihit list sa pagka-emo nyahaha.


Thank you time!!!! Maraming salamat sa bago na-uto at ngayon ay sumusubaybay sa asylum ng baliw na si Rix, Meremeng Selemet po, Rave Eamon sa pagsubaybay. Nawa ay maaliw ka so mutts sa pagtambay...

- It's my opinion... so? -

Sunday, November 4, 2012

And its about me..

7:13pm (sok)

Sa paglundag-lundag ko sa mga blog ng mga sinusundan ko napansin ko na may entry talaga sila na nagpapakilala sa kanila. Dati ay iniisip ko na ok lang kung wala akong ganitong entry dahil wala namang sumusunod at tumatambay sa asylum ko. Pero dahil sa may mga naloloko na ako at tumatambay na sa munting pahina ko ay panahon na yata na magbigay naman ako ng mga bagay na maaring di alam ng mga tao sa akin at ito ang labinlimang bagay na kakaunti lang ang nakakaalam:

15) Tubong Visayas ng mga magulang ko...

Si Mama ay isang Negrense at Hiligaynon ang salitang gamit nila habang si Paping naman ay sa taga-Leyte at Cebuano ang gamit nilang salita. Malapit sa ilog sila Mama at si Papa naman at tabi mismo ng dagat. Kahit saan probinsya ako pumunta kunting kembot lang malapit na sa tubig.

14) Kusina ang isa sa paborito kong lugar ng bahay.

(nakakariwasa ako sa kitchen na ito nyahaha)

Di lang sa dahil mahilig ako kumain na halata sa malusog at mabilog kong katawan. Ito ay sa kadahilanang mahilig din akong magimbento ng putahe. Awa naman ni Lord nakakain naman yung mga nagagawa ko hehehe.



13) Green Tea Frappe ang default order ko sa starbucks.

Dahil sa nagpapapayat ako noon at ang green tea ay nakakatulong magpapayat napalitang ang default order kong Mocha Frappe ng Green tea Frappe.

12. Writer ako ng school paper noong elementary ako.

Gusto ko lang noon na ishare ang mga observation ko at opinion ko kaya sinubukan ko na sumali sa school paper namin. Infairview, naibigan naman ng adviser ko yung ginawa kong 2 article at isang sariling likhang tula.

11) Baliw..

Madalas ay sinasabihan ako na mataba ang utak ko sa kalokohan at pag na deliver ko an yung kalokohan ko ay sasabihan ako ng baliw ng mga kakilala ko. Pero gusto naman nila ang kabaliwan ko nyahaha.

10) Joker (may connection sa number 11)

Palabirong literal ako at dating pikon ngunit subalit datapwat na realize ko na dahil sa malakas ako mangasar ay dapat na di ako mabilis mapikon dahil sa karma ko lang din yun sa pangaasar ko nyahaha.

9) Ang peyborit kong superhero ay si...

Bakit? siya lang ang superhero na walang superpowers pero naman ang hasteg nya lang sa paglaban sa mga masasamang loob di ba?

8. Ang pinaka ayokong subject ay....

Mataba ang utak ko sa kalokohan hindi sa pagaanalisa ng mga problema sa sipnayan. nakakatuyo kaya ng otak yan hihihi.

7) Ako ay fan na fan din ng mga ganito....

Lokos mo ko chayld at hart hehehe. Ewan ko ba kung bakit sa edad naming magkakapatid eh mahilig pa rin kami manood ng mga ganitong palabas...

6) Mahilig din ako sa mga ganito, pramis!

Sapin sapin lang ata ang klase ng kakanin ang di ko nakahiligang kainin eh. Di ko alam pero bukod doon kumakain ako ng mga yan.. Yebah!

5) Gustong gusto ko ang flavor na strawberry banana na.... 

Kahit nga saang establishments basta may strawberry banana na dessert, shake o smoothies yun ang binibili ko.

4) Meron akong kapatid na isang....

Opo! Meron nga, mahabang kwento pero totoo pong meron. Nasa isang kumbento sya sa Cavite at kasapi ng kongregasyon ng Jesus good shepherd.

3) Ito ang pagkaing kahit na anong okasyon ay di ko uurungan dahil ito ang pagkaing weakness ko at kumukumpleto sa akin nyahaha... sana tao na lang sya

Ewan ko ba bakit parang kapag nakikita ko yan sa mesa ay parang gumagaan ang pakiramdam ko kahit alam kong malakas sya magpataba nyahaha.

2) Ito ang isa sa mga bagay na pinakagusto ko at minsan ko nang naisip na ipinanganak ako para dito..

Talagang mga hardcore music, hardcore rap, hardcore metalic, hardcore underground music, hardcore porn... (teka, di ata kasama yung huling nabanggit ko ah nyahaha.) ang di kayang tagalan ng mga tenga ko... Sabi ng mga kaibigan ko magstick na lang daw ako sa ballad, pero di rin nyahahaha.

1) At ito ang pinakamalalang bagay sa akin ang....

Hindi ang magtext while driving a, kundi ang mag text... medyo marami kasi ang mga kaibigan kong krung krung na kagaya ko kaya naman madalas eh nagbabasagan kami sa bbm at text. Sa totoo lang lahat ng linya ng mga telecom company sa Pinas ay meron ako nyahaha epik noh?


At iyan, iyan yata ang mga bagay na di nyo alam sa akin na ibinahagi ko na...

Bago matapos ang entry na ito ay pasasalamatan ko po ang bagong tambay sa asylum ng baliw na si Rix... Welcome po Joanne at sana ay nageenjoy ka po sa pagsunod sa baliw.

God bless everyone :)

- It's my opinion... so? -