Wednesday, November 14, 2012

Amalayer

7:74pm (sok)

Paano mo masasabing may pinagaralan ang isang tao kung ikaw mismo ang gumagawa ng eskandalo?

Naging viral talaga ang eksena ni ateng ischewdet ng La Consolacion College sa Santolan Station ng LRT 2 kung saan ay binungangaan nya is amaledigerd sa harap ng sambayanan.

Isang conshern citicents ang nagbidyo ng clash of the Amas.

Round 1, Fight!

Amalayer vs Amaledigerd, nganga si amaledigerd dahil niratrat sya ng bibig ni amalayer habang may arm gesture na parang nag ra-rap o pumiflip-top is ischewden. Si Amaledigerd pachill-chill lang hihihi.

Round 2, Fight!

Sinabihan ni Amalayer si Amaledigerd na may pinagaralan sya na parang isinasampal sa muka ni Amaledigerd na di nya kaya mag-i-i-english sa harap ng madla at parang pino-provoke nya si Amaledigerd na gamitan na sya nga hamehame-wave.

Round 3, Fight!

Naging histerikal si Amalayer dahil sa chill na eksplinasyen ni Amaledigerd na di nya matanggap dahil sa mukang sya ang may pagkakamali.

Pero ano nga ba ang pinag-ugatan ng clash of the Amas???

Ayon sa mga nakasaksi sa pangyayari ay tinawag ni Amaledigerd ang atensyen ni Amalayer dahil mali ang way na pinasukan ni Amalayer. No opens kay Amalayer pero kung mali ang ginawa nya at sinita sya pero na-opens sya sa paraan ng pagsita sa kanya ni Amaledigerd ay dapat kinausap nya ito ng mahinahon kasi sa kanya na mismo nanggaling na may pinag-aralan sya or sinabi nya sa head ni Amaledigerd ang nangyari para ang head na nila ang kumausap sa kanya hindi yung gumawa pa sya ng eksema sa istasyen.

Ngayon ay narereklamo si Amalayer na biktima sya ng cyberbully. Eh paano di ka magiging biktima ikaw ba naman ang gumawa ng eskandalo eh, di ayan ang resulta.

Sabi nga nila madaling maging tao pero mahirap magpakatao, di porke nasa magandang paaralan ka at may kaya ka (kung may kaya ka nga, Cheret!) eh may free village ka na na manghamak ng tao, remember KARMA IS DIGITAL nowadays. Dahil sa ginawa ni Amalayer oh eh di bida sya sa mga showshal midya sayts ngayon at tumerending pa sa chewetter para lang ibully hihihi.

Sa mga di pa alam ang ganap na yan heto po sya, roll VTR...









At napatambling ako sabay swandive ng malaman ko na si ate pala ay gusto talagang sumikat. Dahil ayon sa kanya its olwiez in her pashyen at sumali si ate sa odisyen ng Myx VJ hunt ng 3 beses, OHA!

Osha, bago ko tapusin ang entry na ito ay malugod kong wini-welcome si Lhalah sa pagtambay sa pahina ng baliw na si Rix.

God bless ebliwan.

- It's my opinion... so? -

12 comments:

  1. Cyber bullying? That uneducated ***** (#AMALAYER) is actually feeding off of the infamy! By the way, shame on her English instructors from elementary and upwards for actually even passing her in their subjects.

    Dear Ms(?). Paula,
    Bakit ka masyadong AMAFAILURE? Nagkamali ba magulang mo somewhere along the road?

    Sincerely,
    Not-a-failure

    ReplyDelete
    Replies
    1. hihihi ayoko na sabihin ang buo nyang pangalan :)

      Delete
  2. Ayun! Salamat sa Info. Kuya Rix! Hahaha. AMAPOST this on the FB ha.:)

    ReplyDelete
    Replies
    1. nyahaha, ur just returning the pabor? sabi nya ni amalayer hihihi

      Delete
  3. Replies
    1. muka nga hihihi pero before you knew it na -click mo na yung publish :)

      Delete
    2. Asan yung nagsabing taga PUP si Amalayer?

      Delete
    3. ahaha archie binura nya yung comment :)

      Delete
  4. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  5. so this is amalayer pala..im so not updated because of my sore eyes..

    ReplyDelete
    Replies
    1. buti nakakapagbasa ka na ng blog hihihi

      Delete

hansaveh mo?