Pagtapos ng lunch ko kanina ay di na ako mapakali, di natuloy ang balak ko nung weekend dahil sa sobrang busy ko, pero minarkahan ko na ang araw na ito.... Di pwedeng hindi pwede.
Inutusan ko ang dati kong ka team para mag search kay gogel. Pagtapos ng ilang minutong pag hahanap ay may nakita na ako. Apat na pung minuto ang kailangan ko. Kailangan kong maging mabilis na tulad ng mga Super Saiyans para makarating agad sa dapat kung puntahan.
Alas tres y medya pa ang labas ko ng opisina at alas kwatro diyes ang call time ko. Dapat ay maagga ako makarating doon. Alas tres pa lang ay nililigpit ko na ang mga gamit ko. naggayak na rin ako at hinihintay na lang ang alas tres y medya.
Pumatak ang oras ng alas tres y medya, ito na ang hudyat para mag madali ako. Paglabas ko ng produuction floor ay nagtungo ako agad ng lift para bumaba sa gusali. Habang nasa lift ay nag iisip na ako kung FX o jeep ang sasakyan ko. May nakita akong nakatambay na e-Jeep sa kanto dali dali akong sumakay. Medyo badtrip nga lang ako dahil mabagal magpatakbo ng sasakyan si kuya, kulang na lang itulak ko ang jeep nya.
3:40pm medyo malayo pa ako, medyo na iirita na rin. bumaba ako ng makita ko ang pupuntahan ko. kaunti na lang namagn kembot eh nandoon na ako kesa sa ngumanga ako sa jeep habang hinihintay na mag go ang lane namin.
3:50pm tamang tama lang ang dating ko. Agad ipinakita sa akin ng nag-aasist kung saan ang gusto ko at matapos noon ay nagbayad na ako. Lumabas ako sandali bumili ng bigchill na banana peanut shake at grilled tuna onion sandwich. Saktong 4:00 pm ng tinungo ko na ang lugar kung saan ako mauupo.
Pagkatapos ng madaming paalala ito na at nagsimula ng ang pelikulang inaabangan ko... umarte na sila.....
Gusto ko naman ang takbo ng kwento kahit na maraming nadismaya sa katapusan nya dahil ayon sa mga nagbasa ng libro ni Stephenie Meyer ay ibang iba daw ang katapusan. Ang sa akin naman eh ok lang. Natural naman na gawan ng twist ang kwento sa pelikula at libro. Eh yung teleserye nga sa TV pagginawang pelikula bukod sa may twist din eh di naman saktong at carbon copy ng pelikula kaya wag na mag umarte hihihi.
Yung totoo lang naiyak ako nung fight sceen, Di ko kasi gusto yung may namamatay na bida sa pelikula. Nung nakita ni Esmee (Elizabeth Reaser) na hawak na ni Aro (Michael Sheen) ang ulo ni Carlisle (Peter Facinelli) at wala na itong buhay ay naiyak din ako at nahirinan pa ng peanut na kasama sa shake na iniinum ko, idagdag pa na nategi din si Jasper (Jackson Rathbone) at ang 2 sa mga pack of wolves huhuhu.
Di madaling nagsink-in sa akin ang mga nangyari sa fight sceen kasi ayoko na may na hu-hurt sa bida (unfair lang ahahaha) pero gustong gusto ko ang eksena na natakot si Jane (Dakota Fanning) nung sugurin sya ni Alice (Ashley Greene) at ipalapa sa wolf.
Good thing at di naman pala naganap ito, ipinakita lang ni Alice kay Aro ang mangyayari at ang pagkamatay ni Aro kung ipagpapatuloy nila ang gusto nila sa anak ni Edward (Robert Pattinson) at Bella (Kristen Stewart).
Hay buti na lang hihihi. Kung di nyo pa napanood sorry spoiler ako pero ang masasabi ko lang sobrang amazing ng fight sceen nila c",).
God bless everyone!
- It's my opinion... so? -
Spoiler!!! >.< lol
ReplyDeleteDi mo ko niyayang manood.lol
Di kaya nabasa mo kaya yung tweet ko :p
Deleteang hot lang ni dyekowb....
ReplyDeletenyahaha
Delete