Thursday, November 8, 2012

Buhos na ulan...

9:30pm (sok)


Anim at kalahating oras ng umuulan. Nasa gusali pa lang ako ng pinapasukan ko ay tanaw ko na sa durungawan ang mga tao na naglalakad habang bukas ang kanilang payong. Sa totoo lang nung isang araw ay naisip ko na parang gusto ko umulan dahil nasa mood ako matulog ng malamig ngunit, subalit, datapwat ngayon ay binabawi ko na ang sinabi ko nung isang araw.

Nung nag-aaral pa lang ako gusto na ayaw ko ang ulan (labo noh? parang ako lang sa totoong buhay... cheret!). Gustong gusto ko na inaanunsyo ng DECS (DepEd na ngayon) at ng Ched na walang pasok. Sino ba may ayaw? eh pahinga kaya yun, yun nga lang ang catch eh bukod sa nganga ka sa bahay eh wala ka pang baon nyahaha.

Nung nagsimula akong magtrabaho doon ko na pagmuni-munihan na kawawa talaga ang mga taong kumakayod dahil kesehodang signal number 3 na eh sugod pa rin sa opisina. Naalala ko ang malupit at kahabag habag kong karanasan sa kamay nila Milenyo, Ondoy at Habagat. Sa 3 malalang bagyong iyon eh nasa kalsada ako at pauwi na sa bahay nung manalasa, pero keri lang buhay pa naman ako, di pa rin na tetegi.. Mosomong domo dow eh nyahaha.

Henny waist, di tungkol sa experience ko sa 3 bagyo ang entry ko kundi ang bagay na ayaw ko kapag umuulan. Ayaw ko ng ulang dahil, sapagkat, because.....







1) Lumalangitngit ang....









"Basang Sapatos". Oo, nakakairita kaya na alam mo na basa ang sapatos mo pero di mo sya mahubad dahil wala kang dalang slippers. Pagdating sa opisina kanya kanya kayong sampay ng medyas at display ng mga humi-hello ng patay na kuko at ingrown (ewww lang hihihi).





2) Nakakainis din ang eksenang...











"Basang Laylayan ng pantalon". Yung tipong gusto mo na namagpalit ng pants dahil kahit anong gawin mo eh damang dama mo na sya. Medyo maarte ba ako? di naman siguro. Nasanay lang kasi kami na pinagpapalit kami ng Mama ko ng damit, pantalon o short kapag nakita nyang basa kami kaya di ako nasanay ng ganun (pero syempre ibang usapan ang swimming).





3) Di magandang idea ang.....










"Umalis ng bahay" ito ay applicable sa mga papasok ng opisina, may aasikasuhing papeles, may aasikasuhing importanteng bagay tapos panay ang patak ng ulan at hustle ang humawak ng payong... Nakakayamot kaya yun... stressful dabuh?





4) At ang higit sa lahat ay.......










"Ang mag-Emo". O di ba? ang pag ulan ay parang kabilugan lang ng buwan. Kung mga baliw at lobo an ng lalabasan kapag bilog ang buwan, kapag umuulan ay nag susulputan naman ang mga EMO (syet nasaktan ako dun ha... guilty? Tyarose!). 

Ewan ko ba kung bakit ba ito ang pinaka masarap na panahon para mag-moment ka habang nasa bintana ka at tinatanaw ang pagpatak ng ulan, tapos aabutan ka ng isang baso na may mainit na laman ng likido ng tatay mo tapos pagtingin mo sa baso eh jobos pala ang lama, uutusan ka pala ng tatay mo na lagyan ang jobos ang sapatos mong mejo tuyo sa pagkakabasa ng tubig baha, keme lang.

Yung totoo aminin natin na dumarating sa punto ng buhay natin na ito ang perfect time para naman mag emote dahil parang nararamdaman natin na nakikiisa angg langit sa kung anong bigat na nararamdaman natin... Kaso ayoko ng nagiging emo eh ahaha nakakahiya kay Paping baka pati sya eh umemote din... 

Siguro sa susunod na umuulan ang entry ko naman ay ang mga kanta na humihit list sa pagka-emo nyahaha.


Thank you time!!!! Maraming salamat sa bago na-uto at ngayon ay sumusubaybay sa asylum ng baliw na si Rix, Meremeng Selemet po, Rave Eamon sa pagsubaybay. Nawa ay maaliw ka so mutts sa pagtambay...

- It's my opinion... so? -

4 comments:

  1. ayaw na ayaw ko ring lumusong sa baha o sa tubig pag umuulan... nakaka badtrip kasi sa sapatos hehehehe malas pa kung kasama ang pantalon...

    Ang gusto ko lang ung matulog pag malakas ang ulan hehehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. may isa pang masarap kapag umuulan.... kumain nyahahaha.

      Delete
  2. Tsk tsk! Sapul ako sa no. 4. Same tayo nalulungkot din ako pag-umuulan. Dahil bumubuhos ang langit sa aking mga mata. lol kanta na to. Minsan gusto ko din ang ulan minsan ayaw ko. Parang weather lang noh. ano pa nga ba? hahaha :P

    ReplyDelete

hansaveh mo?