7:36pm (sok)
Naalala mo pa ba ang Cyber Crime Law? Mukang natakpan na alikabok ang issue na ito at medyo madalang ng pagusapan pero naitanong ba natin sa ating sarili kung ano na nga ba ang mga kaganapan sa fairytail na ito? hihihi fairytail tologo?
Medyo di na nakakagulat at nakakaloka on the side and to the left to the left ang paglitaw sa kawalan ng sulat ng babaitang anak ni Robert Kennedy na si Kerry tungkol sa panawagan nito na humingi ng paumanhin si Tito Sen sa paggamit ng ispeach ni Kennedy sa senado na isinalin sa wikang tagalog.
Ayon kay madame Kerry ay na offend sya sa ginawa ni Tito Sen kaya naman sumulat sya at
Haist! di naman maiiwasan ang ganitong mga kaganapan sa buhay dahil sa bayan na lang ni Juan Dela Cruz is berry ebident ang lechon manok system, kung ano ang patok gayahan dahil di pwedeng ikaw lang ang kumita, pero naman ibang usapan na ito dahil ang bagay na ito ay sensitibo at pwedeng maging isang issue sa buong mundo lalo pa at lahat ng mga mata ay nakatutok sa mga taong niluklok ng taong bayan. Ganun pa man dahil sa naganap na ang issue na yan eh humingi na lang ng paumanhin.
Ayon sa napagalaman ko eh di pa daw nakukuha ng panig ni Tito Sen ang sulat kaya di sya nag co-comment. Eh nasa internet na kaya yung naturang liham, search search din ng makita hihihi.
Kung ang simpleng bagay nga ay pweding i-claim at ariin ng tao basta walang ibidensya eh yun pa kayang nakalimbag sa alaala?
Ito po yung letter ni madeym Kerry:
Sana kung itutuloy man ni Tito Sen ang pag alis nya sa position nya eh umalis sya ng maayos at walang iiwang issue na maaring magreflect ng pangit sa pagkatao nya. Isa pa rin syang Pilipino at damay pa ring ang buong Pilipino kung ano man ang issue nya sa ibang lahi.
O sya, patang pata ang bilogan ko nanamang katawan at masakit ang mga binti ko dahil sumama ako kay Paping na mag jogging sa C6 sa Lower Bicutan. pahinga na muna si Rix.
Ingat po ang lahat at God bless.
- It's my opinion... so? -
Yan na ang bunga ng ginawa ni Sotto? Nakakahiya nga eto. Ano na nga ba balita sa cyber crime law? Wala na nga akong nababalitaan.
ReplyDeletenakahold pa rin daw ayon sa sabi sabi pero dahil sa pinirmahan na nga pangulo ito eh malamang sa alamang eh maipatupad ito kung kelan yan ang di natin alam..
Deletenakakahiya nga naman, agree ako kay kuya archie, sa tingin ko lang is it really sotto did this or researcher niya? ang galing naman kung si senator pa ang nagresearch ng kanyang speech, for all i know when u deliver a speech u think and it all comes from the heart hindi lang hanggang bunga2x. hindi pa pasok sa cyber crime law ito? is this after the cyber crime or before nangyari?
ReplyDeletebefore po ipasa ang CCL. Ito ang nagtrigger para ipasa ang batas na yun :)
Deletekasi namn eh si sotto di pa aminin at tanggapin yung pagkakamali niya .. ang pagsorry di namn nakakabawas sa pagkakalalaki niya!
ReplyDeletenanghingi sya na paumanhin pero di nya ata inamin na nag-pladyarayz sya :)
Delete