Sa paglundag-lundag ko sa mga blog ng mga sinusundan ko napansin ko na may entry talaga sila na nagpapakilala sa kanila. Dati ay iniisip ko na ok lang kung wala akong ganitong entry dahil wala namang sumusunod at tumatambay sa asylum ko. Pero dahil sa may mga naloloko na ako at tumatambay na sa munting pahina ko ay panahon na yata na magbigay naman ako ng mga bagay na maaring di alam ng mga tao sa akin at ito ang labinlimang bagay na kakaunti lang ang nakakaalam:
Si Mama ay isang Negrense at Hiligaynon ang salitang gamit nila habang si Paping naman ay sa taga-Leyte at Cebuano ang gamit nilang salita. Malapit sa ilog sila Mama at si Papa naman at tabi mismo ng dagat. Kahit saan probinsya ako pumunta kunting kembot lang malapit na sa tubig.
14) Kusina ang isa sa paborito kong lugar ng bahay.
(nakakariwasa ako sa kitchen na ito nyahaha)
Di lang sa dahil mahilig ako kumain na halata sa malusog at mabilog kong katawan. Ito ay sa kadahilanang mahilig din akong magimbento ng putahe. Awa naman ni Lord nakakain naman yung mga nagagawa ko hehehe.
13) Green Tea Frappe ang default order ko sa starbucks.
Dahil sa nagpapapayat ako noon at ang green tea ay nakakatulong magpapayat napalitang ang default order kong Mocha Frappe ng Green tea Frappe.
12. Writer ako ng school paper noong elementary ako.
Gusto ko lang noon na ishare ang mga observation ko at opinion ko kaya sinubukan ko na sumali sa school paper namin. Infairview, naibigan naman ng adviser ko yung ginawa kong 2 article at isang sariling likhang tula.
11) Baliw..
Madalas ay sinasabihan ako na mataba ang utak ko sa kalokohan at pag na deliver ko an yung kalokohan ko ay sasabihan ako ng baliw ng mga kakilala ko. Pero gusto naman nila ang kabaliwan ko nyahaha.
10) Joker (may connection sa number 11)
Palabirong literal ako at dating pikon ngunit subalit datapwat na realize ko na dahil sa malakas ako mangasar ay dapat na di ako mabilis mapikon dahil sa karma ko lang din yun sa pangaasar ko nyahaha.
9) Ang peyborit kong superhero ay si...
Bakit? siya lang ang superhero na walang superpowers pero naman ang hasteg nya lang sa paglaban sa mga masasamang loob di ba?
8. Ang pinaka ayokong subject ay....
Mataba ang utak ko sa kalokohan hindi sa pagaanalisa ng mga problema sa sipnayan. nakakatuyo kaya ng otak yan hihihi.
7) Ako ay fan na fan din ng mga ganito....
Lokos mo ko chayld at hart hehehe. Ewan ko ba kung bakit sa edad naming magkakapatid eh mahilig pa rin kami manood ng mga ganitong palabas...
6) Mahilig din ako sa mga ganito, pramis!
Sapin sapin lang ata ang klase ng kakanin ang di ko nakahiligang kainin eh. Di ko alam pero bukod doon kumakain ako ng mga yan.. Yebah!
5) Gustong gusto ko ang flavor na strawberry banana na....
Kahit nga saang establishments basta may strawberry banana na dessert, shake o smoothies yun ang binibili ko.
4) Meron akong kapatid na isang....
Opo! Meron nga, mahabang kwento pero totoo pong meron. Nasa isang kumbento sya sa Cavite at kasapi ng kongregasyon ng Jesus good shepherd.
3) Ito ang pagkaing kahit na anong okasyon ay di ko uurungan dahil ito ang pagkaing weakness ko at kumukumpleto sa akin nyahaha... sana tao na lang sya
Ewan ko ba bakit parang kapag nakikita ko yan sa mesa ay parang gumagaan ang pakiramdam ko kahit alam kong malakas sya magpataba nyahaha.
2) Ito ang isa sa mga bagay na pinakagusto ko at minsan ko nang naisip na ipinanganak ako para dito..
Talagang mga hardcore music, hardcore rap, hardcore metalic, hardcore underground music, hardcore porn... (teka, di ata kasama yung huling nabanggit ko ah nyahaha.) ang di kayang tagalan ng mga tenga ko... Sabi ng mga kaibigan ko magstick na lang daw ako sa ballad, pero di rin nyahahaha.
1) At ito ang pinakamalalang bagay sa akin ang....
Hindi ang magtext while driving a, kundi ang mag text... medyo marami kasi ang mga kaibigan kong krung krung na kagaya ko kaya naman madalas eh nagbabasagan kami sa bbm at text. Sa totoo lang lahat ng linya ng mga telecom company sa Pinas ay meron ako nyahaha epik noh?
At iyan, iyan yata ang mga bagay na di nyo alam sa akin na ibinahagi ko na...
Bago matapos ang entry na ito ay pasasalamatan ko po ang bagong tambay sa asylum ng baliw na si Rix... Welcome po Joanne at sana ay nageenjoy ka po sa pagsunod sa baliw.
God bless everyone :)
- It's my opinion... so? -
pareho tayo i super love pasta and pizza!..kung pwede lang silang maging tao noh pinakasalan ko na siguro sila haha...
ReplyDeleteakala ko gusto mo si batman kasi marami abs charot!
behave pala dapat lagot tayo kay sister nun..
Pareho tayo ng iniisip sa pizza at pasta nyahaha. Uu ma-abs talaga si betmen hihi. Uu pero di naman sya strict sa amin hihi.
Deletemahilig ka din pala sa kusina... noon hilig ko pero di ako magaling magluto... testing testing lang hehehe
ReplyDeleteSarap ng ng pizza.... okay tong post mo kasi nalaman namin ang ilang bagay tungkol sayo ^__^
tnx mats po Jon. Ako yung ginagawa ko buti nakakain parin awa ni Lord ehehe. Pizza pasta ay so okay ehehe. Apir.
Deletebakit ganon, walang green tea frappe sa starbucks dito? :(
ReplyDeleteSaan po ban starbucks yan? minsan kasi iniiba nila yung name eh ehehe.
DeleteMOcha Frappe naman ako.. hehe.
ReplyDelete...at pag sobrang gutom ko, kaya ko ubusin isang box ng pizza. oha!
ehehe nung di pa sumasagi sa utak ko na magpapayat mocha frappe din ako yung coffee base. Yung sa shakeys o pizza hut na pizza pwede ko maubos ng ako lang kahit family size pero sa iba di ko kaya nyahahaha.
DeleteTotoo yung no. 11. dyuk! Gusto ko rin yung no. 6. Try ko yang green tea frappe pag uwi ko.
ReplyDeleteUu totoo talaga yung number 11 alam mo yan nyahahaha. Sige pagnagkitakita tayo nila Pinky try mo yan :).
Deletehhhmmmmmmmm...... parang may kulang?
ReplyDeletewala yung "ON CALL" sign teh?
nyahahahahahahaha
EeEeEeEeEeEeEeEeEeEeE wag na yun ahahahaha loko loko ka teh. bleeehhhh!
DeleteNice knowing you more Rix. Pag nalunkot ako, dito na lang ko tambay sa asylum mo, kasi tyak matatawa ako. Although di tayo pareho ng hilig. But palagay ko yong sister mo pareho kami ng hilig coz kahit di ako madre ay mahilig din ako mag pray. So isasama na kita sa listahan ng mga bloggers na nasa listahan ko:) Don't worry, I am just praying for the good things to happen in each and every ones life:)
ReplyDeleteThank you so much Ms. Joy. Actually di alam ni ate na im into blogging si Paping at Bunso lang ang may alam ehehe.
Delete